Dota Princess



"Wooohhhhh!!!" napuno ng ingay ang malaking computer shop ng sigawan ng mga estudyante ng Saint Joseph High School dahil sa pagkapanalo ng pambato nila sa dota laban sa Christian Academy.

Four-v-four ang laban, isa si Annie sa apat na naglaro na taga Saint Joseph, kasama niya ang tatlong kaklase sa forth year na sina Kyle, Steven at Peter. Silang apat ang tinuturing na pinakamagaling maglaro sa dota sa buong campus. Marami na silang pinataob na mga dayong kalaban galing sa ibang paaralan at heto nga ang panibago, ang Christian Academy.

Huminga ng malalim si Annie, close fight ang laban. Mabuti na lang at hindi sila natalo pagnakataon masisira ang hinahawakan nilang record sa dota. Hindi pa sila natatalo at 15 school na ang kanilang pinataob idagdag pa dito ngayon ang C-A ay 16 na lahat. Tumayo siya at lumapit sa tatlong mga kasama, kasalukuyang kinakausap ng mga ito ang kanilang mga nakalaban.

"At ito si Annie ang dota princess namin," biglang pakilala ni Peter sa kanya ng tuluyan siyang makalapit, "Annie meet Philip, Adrian, Albert and Shinzo."

Sabay-sabay na nag-hi ang mga ito sa kanya, ngumiti siya sa mga ito. "Nice meeting you guys, ang galing niyo, close fight ang laban." Aniya.

"Totoo nga ang usap-usapan na undefeated ang school niyo." Nakangiting sabad ni Shinzo, ang pinakagwapo sa apat na mga taga C-A, binalingan siya nito. "At totoo din na maganda ang dota princess ng school niyo."

Kumunot ang noo niya,"Hindi nga? Kasinungalingan 'yan... Dota princess pwede pero iyong maganda, parang mali."

"Humble ah," wika nito at ngumiti. "Oh pano aalis na kami." Si Shinzo.

"Oh sige mga tol ingat kayo, pano rebattle sa susunod?" pahabol ni Kyle, ang nagturo at nag-impluwensiya sa kanyang mag laro ng dota.

"Sige punta kami dito sa susunod." Tugon naman ng nakasalamin na si Adrian.

Tahimik lang sila habang pinapanood ang paglabas ng mga ito sa shop, hindi maalis ang mga ngiti nila dahil nanalo sila ng 1000 pesos sa pustahan. Hindi lang sila nagkapera, nadagdagan pa ang winning record nila.

Kinabukasan ng hapon ay dumiretso si Annie sa computer shop kasama si Steven. Nagulat sila ng madatnan sa loob ang apat na nakalaban kahapon, mga taga C-A. Gusto ng mga ito na magrebattle, wrong timing absent sina Kyle at Peter.

"Shakkkksss kainis... na first blood ako" mahinang usal ni Annie. Kasalukuyan na silang naglalaro ng dota ni Steven kalaban sina Shinzo at Philip. Hindi iyon rebattle, friendly game lang iyon at walang nakapustang pera. Nakakahiya naman kasi kapag inatrasan nila ang mga ito sa hamon, kaya ito at two-v-two ang laban. Ang kapalit kapag natalo sila ay tatanggapin ni Annie ang imbitasyon ni Shinzo na maging partner siya sa C.A.T ball nito sa school.

Ilang minuto pa ang nagtagal at nanamlay na siyang maglaro, patay na naman ang Terror Blade hero niya, hindi siya makapalag sa hero ni Shinzo na Mirana. Napailing siya habang hinihintay na bumalik ang kanyang hero. kasalukuyan ng winawasak ng kalaban ang kanilang mga tower.

"5,4,3,2,1... Yes ayan na." nabuhay ulit ang hero niya, "Steven bilis dito tayo sa mid, palagan natin tong Mirana." Tawag niya kay Steven.

"Wait wala akong mana..." rinig niyang tugon ni Steven.

"Awww! Ano ba yan..." sigaw niya ng biglang dumating ang hero ni Philip, "Aray! Na-stun ako ni Vengeful, deads na naman ako! Pagtulungan ba naman ako ng Mirana at ni Vengeful, hindi na naawa." Di napigilang sigaw niya, narinig niyang tumawa ang dalawang kalaban. "kainis, wala na... matatalo na tayo nito." Nasabi niya.

Ilang sandali pa ang lumipas at nakangiwi na siya habang pinapanood ang dalawang hero ng kalaban na winawasak ang kanilang mga tower, napakagat labi siya ng atakihin ng mga ito ang kanilang frozen throne. Boom! Wasak! Tapos na ang laban. Narinig niyang sumigaw ng 'Success' si Shinzo, nilingon niya ito at nakitang umaper sa mga kasama.

Dahil sa pagkatalo ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ang napagkasunduan nila ni Shinzo na maging partner siya nito sa C.A.T. ball. Hiningi rin nito ang kanyang cel number.

Tatlong araw pa ang dumaan at dumating ang C.A.T. ball. Hinatid siya ng ate niya sa gymnasium ng Christian Academy, kakababa niya lang ng kotse ng lapitan siya ni Shinzo. Inakay siya nito sa loob, nahihiya siya dahil wala siyang kakilala roon at pansin niya ay siya ang pinagtitinginan ng mga estudyante doon. Dinala siya nito sa table kung saan naroon sina Adrian, Philip at Albert. Silang lima lang ang nasa mesa, walang partner ang tatlo.

Hindi nagtagal at nagsimula ang programa at kainan. Kahit papano narelax si Annie dahil kinakausap siya ng mga katable. Kakatapos lang nilang kumain ng magsimula ang mga ito sa kulitan.

"Annie noong una kitang makita akala ko ikaw si Dark Terror." Simula ni Shinzo.

Napakunot siya ng noo, "Ha? Bakit naman?" aniya.

"Kasi biglang tumigil ang mundo ko dahil sayo." Nakangiting tugon nito, napailing siya at ngumiti.

"Annie si Lina Inverse ka ba?" ani Philip.

"Why?" aniya.

"Kasi pinaliliyab mo puso ko." Sagot naman nito sabay tawa.

"Annie si Razor ka ba?" si Albert.

"Why naman?" tanong niya.

"Kasi nakuryente ang puso ko sayo." Sagot nito.

"Annie si Crystal Maiden ka siguro?." Sabat naman ni Adrian.

"Why?" nakangiting wika niya.

"Kasi pinakilig mo ang puso ko." Anitong nakangiti.

"Wait, hihirit lang ako. Si Silencer ba kayo?" tanong niya.

"Bakit?" sabay-sabay na tanong ng apat.

"Kasi natatameme ako sa mga pambubula niyo." Sagot niya at pigil na tumawa.

"Wow, galing... Pero ito ang totoo. Annie gusto kong maging Omni Knight hero mo?" sabi ni Shinzo.

"Bakit?" aniya.

"Kasi gusto kong ako ang Guardian Angel mo." Tugon nito at sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga kaibigan nito, parang kinilig naman siya.

Natapos ang gabing iyon na puno ng kasiyahan dahil sa mga makukulit na kasama niya. Maligaya siya dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan, higit pa roon ay masaya siya dahil kay Shinzo na nagpapalipad hangin sa paghanga sa kanya.

Kinabukasan ng umaga ay nakatanggap siya ng limang text galing kay Shinzo. Isa-isa niyang binuksan ang mga iyon.

First message: Gudmorning Annie. Ikaw ang Mirana ko kagabi dahil sa pagpunta mo pinasaya mo ang puso ko.

Second message: Ikaw si Pudge no? Kasi hinuli mo ang puso ko.

Third message: Si Slardar ka siguro? Kasi kagabi maslumakas ang tama ko sayo.

Forth message: Sana si Guardian Wisp ka na lang, para kasama kita kahit saan ako magpunta.

Fifth message: Alam mo ba noong una kitang makita naging si Rikimaru na ako. Hindi mo ako napapansin pero lagi ako nasa paligid, naghihintay na mapansin mo.

Napangiti siya dahil sa mga nabasa, 'ang lakas magtrip ng mukong' nabulong niya sa sarili. Nereplyan niya ito, 'Si Sand King ka ba? Kasi pinayanig ng text mo ang kwarto ko.'

Mabilis naman itong nagreply, 'Oo ako si Sand king gusto kong yanigin ang puso mo at hindi 'yong kwarto mo. Annie laro tayo ng dota mamaya.' Basa niya.

Nereplayan niya ito, 'Sige punta ka na lang doon sa shop mamayang hapon, magKita na lang tayo don."

'Thanks, can't wait to see you. take care.' Textback nito sa kanya, napangti siya ng bahagya.

Sabado ang araw na iyon kaya walang pasok. Pumunta siya ng shop mga bandang 4:30pm, wala doon ang tatlo niyang mga kaibigan. Kakaupo niya lang ng may tumapik sa kanyang balikat at paglingon ay nakita ang gwapong mukha ni Shinzo.

"Hello Annie," nakangiting bati nito sa kanya.

"Hello, pano start na tayo?" mabilis at nakangiting tugon niya dito.

"Ang bilis naman start kagad, sige... By the way add mo pala muna ko sa facebook." Anito.

"Sure," aniya at inopen ang fb account, inadd niya ito. Pagkaraan ay nasimula na silang maglaro ng dota. One-v-one ang laban, ang matatalo sa laban ang magtetreat sa merienda nila.

Natalo si Shinzo sa kanilang laro kaya ito ang nanlibre. Kasalukuyan na silang nagmemerienda sa burger junction sa tapat ng shop.

"Ang galing talaga ng dota princess ng Saint Jo, magaling na maganda pa." anito sa kanya.

"Bulero ka din ano, mga taga C-A mga bolero," nakangiting wika niya, komportable siya kay Shinzo kaya nagawa niyang makipagbiruan dito.

"Hindi ako nagbibiro totoo kaya ang sinabi ko, crush nga kita eh." Tugon nito.

Feeling niya namula siya sa mga sinabi nito, ngayon lang may nagsabi sa kanya ng harapan tunkol sa bagay na iyon. "Crush ka diyan, bakit ka naman magkacrush sakin?" simpling tanong niya.

"Kasi you're nice, mabait, friendly at sweet." Sagot nito. "Annie, alam mo ba noong una kitang makita nagustuhan agad kita... Huwag ka sanang magalit, gusto sana kitang ligawan?"

Nagulat siya sa mga sinabi nito, "Di kaba nagbibiro?" aniya.

Umiling ito, "Hindi, Annie pumapayag ka ba?"

"Ang bilis naman yata Shinzo, pero sige..." nag-aalangang sagot niya dito, nakita niya ang pagngiti nito.

Nagdaan ang mga araw, palagi siyang sinusuyo ni Shinzo sa text at tinatawagan. Kinuwento niya ito sa kanyang mga kaibigan, sinabihan naman siya ng mga ito na kung masaya siya kay Shinzo ay susuportahan siya ng mga ito, basta huwag lang daw siyang lukohin nito at baka kung ano magawa nila dito.

Tatlong beses lang sa isang linggo sila nagkikita ni Shinzo para mag-usap, malayo kasi ang paarala nito sa kanila. Mabait si Shinzo, sweet at caring kaya unti-unting nahuhulog ang loob niya dito. Isang buwan na rin ang matuling lumipas simula ng ligawan siya nito, napag-isip-isip niyang dapat na siguro niya itong sagutin. Wala namang rason para paghintayin pa ito ng matagal lalo pa at gusto niya rin ito, kung sakali ito ang magiging first boyfriend niya. Plano niyang sagutin ito sa oras na sila'y magkita.

Biyernes ng hapon ng magyayaan silang apat na magkakaibigan na pumunta ng Sm North para mamasyal, siya, si Steven, Kyle at Peter. Kakalabas lang nila sa WOF ng maisipan niyang tawagan si Shinzo para kumustahin. Nadismaya siya dahil mabilis lang silang nakapag-usap nito, binaba nito kaagad ang tawag dahil naglalaro daw ito ng dota. Nagkibit balikat lang siya, nakasakay na sila sa escalator pababa ng may mahagip ang kanyang mga mata.

Nakita niya si Shinzo, nakasakay rin ito sa escator paakyat pasalubong sa kanila. Sinabi nito sa kanya na naglalaro ito ng dota pero bakit ito nandito? Ang masakit pa doon ay may kasama itong babae, magkaholding hands pa ang mga ito. Nagtama ang kanilang mga paningin, parang nagulat pa ito ng makita siya. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib, ngayon lang siya nasaktan ng ganun. Inakay siya ng tatlong kasama sa malapit na bench. Gusto niyang pigilan ang mga luha pero hindi niya kaya, tuluyan siyang lumuha.

Niyakap siya ni Steven, "Sige iiyak mo lang yan." wika nito sa kanya.

Nakita niyang sinuntok ni Kyle ang sementong pader sa tabi nito, "Nakakainis na makita kang lumuluha Annie, iningatan ka namin pagkatapos paiiyakin ka lang niya." inis na sabi nito.

"Huwag siyang magkakamaling magpakita sakin, sasamain ang mukha niya." galit naman na wika ni Peter.

Nanatili siyang walang imik, wala siyang maitugon sa mga sinabi ng mga ito. Nalulunkot siya at nasasaktan dahil sa mga nakita, kung kailan nahulog na ang loob niya kay Shinzo at handa na siyang sagutin ito ay saka pa niya nalaman ang pagiging two timer nito. Patuloy lang siya sa pag-iyak habang nakayapos kay Steven, kahit papano nakaramdam siya ng ginhawa dahil sa mga kaibigan niya na concern sa kanya.

Kumalas siya sa pagkakayapos kay Steven, "I'll be okay." Sabi niya at pinahid ang mga luha sa pesngi, sa ngayon kumikirot pa ang puso niya pero pasasaan ba't hihilum din iyon.

"Ang pagkabigo sa pag-ibig ay hindi frozen throne o world tree sa dota na kapag wala na ay wala ng dahilan para lumaban pa, ang pag-ibig ay para lang yang naghihitay na hero, piliin mong mabuti at palakasin dahil sa huli iyon ang magpapanalo sayo sa laban." Rinig niyang wika ni Steven.

Wakas!!!