Posts

Undas (Horror-Comedy)

Kapag undas ay nakaugalian na nating pumunta sa sementeryo at magtirik ng kandila, minsan nagdadala pa tayo ng pagkain dun at dun kumakain. Ang iba naman nagdadala ng tent para dun magpalipas ng gabi. Ako naman at ang kaibigan ko ay iba ang trip kapag undas. Nangunguha kami ng kaibigan ko ng mga bulaklak na nakaalay sa mga puntod at ibinibinta. Nakasanayan na naming gawin iyon taon-taon dahil nagkakapera kami. Ako nga pala si Anthony 14 years old, ang pangalan naman ng kaibigan ko ay Melfin 15 years old naman siya. Araw ng undas, umaga pa lang ay nagsimula na kaming lumibot ni Melfin sa sementeryo para mangulekta ng mga bulaklak na ibebenta. Pinipili namin yung magaganda at sariwa pa para sa aming buyer, bali kami kasi ng kaibigan ko ang supplier at meron kaming binabagsakan na siyang nagbebenta. Business minded lang talaga kami ng kaibigan ko. Bandang alas dose... "Ang init, nasusunog na yung balat ko." Sabi ni Melfin. Tumigil ako at tinitigan ko siya. "Wow!? Sa itim mo

Roommate (Horror)

Nakatayo ako sa gilid ng entrance ng ospital habang hinihintay ko na lumabas ang aking best friend ng may isang magandang dalaga ang dumating. Matankad ito at maputi. "Ma'am ano ho pangalan ninyo? Sino ho ang dadalawin?" Tanong agad ng may edad na guard sa babae. "Marie Sandoval po kuya. Iyong papa ko po 'yung bibisitahin ko." Sagot ng dalaga. Binigyan siya ng guard ng visitor's I.D. at pumasok na siya sa entrance ng ospital. Nakatitig lang ako sa babaeng 'yun habang siya'y naglalakad palayo nang pagkurap ko ay nakita kong meron na siyang katabi. Isang babae na nakaputing bistida, kasing tankad niya at kasing haba ng buhok. Ang kakaiba lang dito ay hindi nakalapat sa sahig ang mga paa ng babae at tumatagos ang pisikal na anyo nito na para bang usok. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso. 'Multo!' sa isip ko. Pinikit ko ang aking mga mata at pagdilat ko naglaho na ito sa paningin ko. Nag-iisa na ulit ang babae. Wala ng masyadong

Visitors (Horror)

Nagising ako na pinagpapawisan, pagtingin ko sa wallclock saktong mag aalas dos ng madaling araw. Umupo ako sa kama at tinuyo ang sariling pawis gamit ang aking mga palad. Hindi ko matandaan kung ano ang napanaginipan ko, wala akong maalala sa mga ito. Pampitong gabi na akong palaging ganito, nagigising sa madaling araw na hindi ko alam kung bakit. Pagising ko basa na ang aking noo at ang aking likod ng pawis. May napansin rin ako, tuwing paggising ko may nalalanghap akong mabangong halimuyak ng bulaklak na lavender. Ang lavender ang bulaklak na paborito ni ate Catherine, siya ang nag-iisang babae sa aming tatlong magkakapatid, ako ang pangalawa at ang pangatlo naman ay maliit pa dahil menopausal baby ito. Tatlong taon ng patay si ate Catherine dahil sa breast cancer, twenty one lang siya noon. Hindi ko alam kung bakit nagpaparamdam sakin si ate Catherine, iniisip ko baka may nangyaring hindi maganda sa mga magulang ko pati na sa bunso namin sa probinsya. Ilang beses ko ng sinubukang t

My Soulmate (BL)

Huling gabi ng septyembre. Tulad ng mga nagdaang mga gabi ay bumuhos ang malakas na ulan na hindi naman nagtagal at tumila rin. Tila dumadaan lang ito para diligan ang mga puno't halaman sa paligid. Natatanaw ko pa ang bakas nito sa lupa mula sa bukas na bintana ng aking silid sa ikalawang palapag ng aming bahay. Mamasamasa rin ang ibang parte ng sementong daan sa kalye na dahilan para puminta dito ang repleksyon ng liwanag ng mga ilaw sa mga poste sa kalagitnaan ng kadiliman ng gabi. Bukod pa doon dahil sa ulan lumamig ang dampi ng hangin at ng buong kapaligiran. Masarap matulog kapag ganun pero ewan ko ba at kalaliman ng gabi pero hindi ako dalawin ng antok. At heto nga ako nakamasid sa kadiliman ng gabi. Nakataw sa malayo. Blanko ang pag-iisip at iniinda ang malamig na dampi ng hangin na nanunuot sa aking balat. Tahimik ang paligid, walang ingay kahit sa mga mumunting insekto. Halos marinig ko na ang pintig ng aking puso dahil sa nakakabinging katahimikan. Isang malalim na hinin