Cursed of Rayani Moyusa (Horror)



Ang kwentong ito ay tunkol sa pitong taong gulang na batang babae na nagngangalang Rayani Moyusa. Isang menopausal baby si Rayani at nag-iisang anak ng mag-asawang negosyante. Mahigit 30 taon ang hinintay ng mga magulang ni Rayani bago nagkaanak, kung saan-saan daw simbahan napapadpad ang mga ito para magdasal para lang mabiyayaan ng supling. Sa matagal na panahon na paghihintay ng mag-asawa ay ibinigay sa kanila si Rayani ngunit noong araw na isilang ito ay binawian ng buhay ang kanyang ina.


Pinalaki si Rayani ng butihin nitong ama, lumaki ito na maganda, matalino at mabait na bata. Para itong anghel na pinadala sa lupa, lahat ng positibong katangian yata ay nasa kanya na. Ngunit nagbago ang ugali nito noong sumapit ang ika-anim nitong kaarawan. Kung ano ang ikinabuti ng ugali nito dati ay naging kabaligtaran naman ngayon. Masungit na ito at palaaway, palagi rin itong galit at sumisigaw, at minsan naman ay nananakit ito.


Nabahala ang mga taong nakakakilala sa batang si Rayani, bakit daw nagkaganito ito. Pinasuri naman ng ama si Rayani sa isang child psychiatrist at ayon daw sa findings nito, ang pag-iba daw ng behaviour ni Rayani ay normal lang bilang part ng development nito sa early childhood stage.


Nagpatuloy ang pagiging maldita ni Rayani, kung dati sumisigaw lang ito kapag galit ngayon ay nananakit na ito ng pisikal. Nanunulak ito ng kasambahay sa hagdan, nangangalmot ng mukha, nambabato ng matitigas na bagay at kung anu-ano pa. Unti-unting nagsialisan ang mga tao na naninilbihan sa pamilya nito hanggang sa tatlong yaya na lang ang natira.


Dumating ang ikapitong kaarawan nito, walang handaan na naganap sa malaking mansyon. Pinasuot si Rayani ng puting bistida ng ama at binigyan ng regalong manika. Nang araw namang iyon ay nagkaroon ng emergency meeting ang ama nito at panandalian munang umalis ng mansyon. Pagbalik nito ay nagimbal ito sa nadatnan sa sala, nakita nito si Rayani na nakatayo sa ibabaw ng center table, namumula sa dugo ang puti nitong bistida, hawak nito sa kaliwang kamay ang bagong manika na puno rin ng dugo, sa kanang kamay naman nito ay hawak ang mahabang kutsilyo na nababahiran pa ng sariwang dugo. Sa likod nito ay nakahandusay ang katawan ng tatlong kasambahay, nakakalat kahit saan ang dugo ng mga ito.


Narinig ng ama na may sinasambit si Rayani, "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... nasa tabi mo na ako, hindi ka na makakatakbo!!!"


Mabilis na nilapitan ng ama si Rayani at kinuha nito ang kutsilyo at pagkatapos at dinala niya ito sa kwarto nito. Pinahiga niya ang anak sa kama at pagkatos ay kinumotan mula ulo hanggang paa.


Naririnig pa rin niya ang inuusal ng anak, "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... nasa tabi mo na ako, hindi ka na makakatakbo!!!"


Nagdulot ng kakaibang epekto sa kanya ang mga sinasabi ni Rayani, parang natutulero siya. Sumigaw siya para patahimikin ang anak pero sige pa rin ito. Uminit ang kanyang ulo, lumapit siya sa nakahiga at nakatalukbong na anak at tinadtad ito ng saksak sa katawan at ulo gamit ang kutsilyo na hawak-hawak nito kanina. Tumigil lang siya sa pagsaksak ng hindi na ito nagsasalita.


Pagkatapos nun ay wala sa sarili na kinuha niya ang kumot na basa ng dugo at tumambad sa kanya ang wasak at duguan na mukha ni Rayani . Tumalikod siya na parang walang nangyari at pumunta sa sariling silid, kinuha niya ang nakatagong baril sa loob ng kabinet at binaril ang sariling sintido.


Isa sa tatlong katulong na nagtatrabaho sa pamilya Moyusa ang maswerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan sa kamay ng batang si Rayani. Gumaling ang mga malalalim na saksak ng katulong pero parang nawala naman ito sa katinuan. Minsan ay okay itong kausapin pero minsan naman ay hindi at minsan maririnig mo siyang nagsasalita nang mag-isa at umuusal ng, "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... nasa tabi mo na ako, hindi ka na makakatakbo."


Iyan ang kwento sa likod ng pangalang Rayani Moyusa. Bakit ko alam? Iyon ay dahil sa bestfriend ko ang anak ng kasambahay na nakaligtas. Sinabi ng bestfriend ko na minsan daw ay nakakausap niya nang maayos ang nanay niya kaya nagawa niya itong tanungin tunkol sa totoong kwento tungkol kay Rayani.


Ang nagpakilabot daw sa kanya ng husto ay noong matapos itong magkwento at bigla na lang magsalita ng paulit-ulit na linya. "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... sundin mo ang utos ko!!!"


Ilang sandali pa ay nakatanggap ng mensahe ang bestfriend ko sa celphone pero walang sender at ito ang nakasulat: "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... sundin mo ang utos ko!!! Send to 10 people before midnight, do it or else die."


Nagulat at natakot ang bestfriend ko sa mensahe, kinabahan siya dahil iyon ang sinasambit ng kanyang ina. Alam niyang totoo ang text, malabong maging prank iyon kung pagbabasehan ang kasalukuyang nangyayari. Dahil sa takot ay mabilis niyang senend sa sampung tao ang natanggap na mensahe. Kinabukas ay nakatanggap ng balita ang bestfriend ko, anim sa pinasahan niya ay namatay bandang hating gabi sa ibat-ibang rason. May nasagasaan, may binangungot, may sinaksak at kung anu-ano pa.


Isa ako sa pinasahan ng bestfriend kong si Carlo ng chain message, sa madaling salita isa ako sa apat na nakaligtas. Lima naman sa pinasahan ko ng gabing iyon ang namatay. Simpli lang naman ang dapat gawin, kaya pag nakatanggap ka ng Rayani cursed chain message ipasa mo. Huwag sarilinin dahil kukunin ka ni Rayani kapag hindi mo nagawa ang utos niya.


Sa sariling pag-iimbistiga namin ni Carlo napag-alaman namin na doon sa mga hindi nagpasa ng chain message ay nakatanggap sila ng mensahe bago sila namatay pero walang detail ng sender at ito ang nakasulat: "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... nasa tabi mo na ako, akin na ang buhay mo!!!"


Wakas! Echos lang yan guys, not real.

J-Z (BL)