J-Z (BL)



TAHIMIK NA TINATANAW ng estudyanteng si Jason ang kapaligiran habang nakaupo sa bench sa kanilang paaralan, pinagmamasdan niya ang madilim na kalangitan. Nagpakawala siya ng buntong hininga, 'Sigurado uulan na naman mamayang hapon' sa loob-loob niya. Nitong buwan ng Pebrero ay paminsan-minsan ang pagdating ng ulan kaya posibling uulan mamaya.


At mula sa kanyang kinaroroonan ay natanaw niya ang kanyang best friend na si Nico, dati sila ang parating magkasama pero ngayon ay iba na ang mga kasama nito. Wala rin siyang magagawa dahil ito ang gustong mangyari ng kaibigan, ang hindi sila magkibuan at magpansinan.


"Jason," Tawag pansin sa kanya ni Zoy, napalingon siya dito. May dala itong dalawang juice at dalawang burger.


Si Zoy ay boyfriend niya at ito ang dahilan ng paglayo at pag-iwas sa kanya ni Nico. Mga apat na buwan na rin ang nakalipas simula ng mangyari iyon. Si Zoy ang katunggali ni Nico sa kanilang klase sa forth year. Sa nagdaang first at second grading ito ang naging top one sa klase at naging leading sa titulo ng pagiging valedictorian pero ng maging sila ay naging top two na lang ito.


Umupo sa kanyang tabi si Zoy at binigay sa kanya ang isang pares ng juice at burger, "Salamat." Aniya.


"Oh bakit parang malunkot ka?" Puna nito.


"Wala naman, namimiss ko lang yung samahan namin ni Nico." Tugon niya.


"Huwag kang mag-alala magkakabati rin kayo, nagegeguilty ako kapag nakikita kitang malunkot, Ako kasi ang dahilan ng paglayo niyo sa isa't isa." Saad nito, nakatitig ito sa kanya at malunkot ang mukha.


Bahagya siyang ngumiti dito, "Huwag na nating pag-usapan iyan, kumain na lang tayo." Wika niya.


Ngumiti si Zoy sa Kanya, "Tama nagugutom nako." Tugon nito sabay kagat sa burger na hawak. Nginitian niya lang ito.


Habang kumakain ay bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari noon bago pa sila naging magkasintahan ni Zoy.

***


ISANG HAPON NOON pagkatapos ng klase ay nagpaiwan siya sa library upang magresearch sa kanyang report sa Physics. Sakto namang pagkatapos niyang magresearch at makalabas ng paaralan ng bigla na lang bumagsak ang malakas na ulan at dahil wala siyang payong kung kaya'y napatakbo siya sa malapit na waiting shed.

Sandali siyang natigilan ng makita ang nag-iisang estudyanteng nakasilong doon, si Zoy. Bagamat kaklase niya ito ay hindi sila nito nagkikibuan at nag-uusap. Hindi lingid sa kaalaman niya at ng mga kaklase nya ang totoong katauhan ni Zoy, na isa itong bisexual. Gwapo ito, matankad, matalino, mayaman at halos lahat ng magandang katangian ay naririto na, sino ang mag-aakalang si Zoy Lopez na isa sa mga sikat na estudyante ng kanilang school ay isang silahis? Kapag tinitigan ito ay hindi mo mahahalata na bisexual ito dahil napakadiscreet nito at manly kung kumilos.

Siya naman ay straight. Sigurado siyang babae lang ang gusto niya pero nagbago iyon dahil sa isang bagay ang natuklasan niya mula sa kanyang madaldal na kaklase na si Cheryl. Buwan ng hulyo noon ng sinabi ni Cheryl sa kanya na nakita daw nito ang pangalan niya na nakasulat sa notebook ni Zoy. Sabi pa niya nun kay Cheryl, 'eh ano kung nakasulat, wala namang kaso yun.' Tinugon naman sa kanya ni Cheryl na, 'Walang kaso yun, naka-FLAMES CANDLE lang naman pangalan niyong dalawa eh. Oh diba ang sweet? Crush ka kaya ni papa Zoy.'

Hindi niya alam kung matutuwa sa nalaman o hindi, inisip niya na baka pinagtitripan lang siya ni Cheryl pero bakit naman nun gagawin? Parang ayaw niyang maniwala kasi mukhang malabo iyon, si Zoy na hinahangaan ng mga babae at bakla sa kanilang school magkakagusto sa kagaya niya? Siya si Jason Ramires, gwapo pero napakasimpli, ordinaryo at average student lang siya, mahirap at hindi sikat, pano magkakagusto sa kanya si Zoy? Walang-wala siya kumpara sa ibang estudyante kaya nagtataka siya kung bakit magkakagusto sa kanya si Zoy.

Ewan niya pero simula nung malaman niya ang bagay na iyon kay Cheryl ay parang nahihiya na siya kay Zoy, panay din ang iwas niya dito. At isang araw nagising na lang siya na nagugulohan dahil meron na siyang paghanga kay Zoy na hindi dapat dahil hindi naman siya bakla.

At heto nga ngayon magkasama silang dalawa sa waiting shed. Ilang minuto na rin ang lumipas simula ng sumilong siya dito at walang imikan ang naganap sa kanilang dalawa.

Sa mga sandaling ito ay naghahari ang malakas na ingay ng ulan at siya naman ay tahimik na pinapanuod ang unti-unting pagkalat ng kadiliman sa paligid. Nagulat na lang siya ng magsalita si Zoy sa kanyang tabi.

"Jason..."

Napalingon siya dito at biglang sumukob ang munting kaba sa kanyang dibdib ng magtama ang kanilang mga mata.

"Bakit..?" Mahinang tanong niya at binawi ni Zoy ang paningin sa kanya.

"Ah wala..." Tugon nito at tipid na ngumiti habang nakatingin sa kadiliman ng paligid.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at inilihis ang paningin palayo dito.

Sandaling katahimikan ang naghari sa pagitan nila ni Zoy.

"Gusto kita Jason..."

Narinig niyang pag-amin mula sa mahinang boses ni Zoy, napalingon siya dito na kinakabahan.

"Zoy..." Tanging nasambit niya at isang itim na kotse ang huminto sa kanilang harapan. Kilala niya ang kotseng iyon, service ni Zoy.

Nakita niyang bumaba ang may edad na driver na may dalang malaking payong at lumapit sa kanila.

"Halina na po kayo senyorito." Sabi ng driver.

Nagulat siya ng biglang inabot ni Zoy ang kanyang kaliwang kamay, napatingin siya dito ng may pagtataka. "Mukhang walang planong tumila itong ulan, tara ihahatid ka namin." Sabi nito.

Hindi na siya nakapagsalita dahil hinila na siya ni Zoy patungo sa kotse.


KINABUKASAN HABANG KUMAKAIN ng lunch si Jason kasama si Nico sa canteen ay ikinuwento niya dito ang mga nangyari kahapon . Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Nico habang nagkukwento siya, at isang paki-usap ang narinig niya mula rito na hindi niya natanggihan.


Sumunod na araw ay nadatnan niya na lang na nakaupo na sa ibang silya si Nico. Hindi na siya nagulat kung bakit iyon ginawa ng kanyang bestfriend, hinayaan niya na lamang ito. Simula ng araw na iyon ay hindi na sila nagkibuan at nagpansinan sa paaralan.

Lumipas ang mga araw at sa mga araw na nagdaan ay si Zoy na ang palagi niyang kasama. At paminsan-minsan kapag uwian ay sumasabay siya sa car service nito dahil nagpupumilit ito. Mayaman ang pamilya ni Zoy samantalang mahirap naman sila at nakapasok lang siya sa pribadong paaralan ng Saint Joseph Academy sa Valenzuela dahil sa tulong ng ama ni Nico na magkaroon siya ng scholarship. Naging magkaibigan sila ni Nico dahil nagtatrabaho ang kanyang ina bilang labandera sa pamilya nito. Wala siyang ama na sumusuporta sa kanila pero hindi naging mahirap ang buhay sa kanilang mag-ina dahil sa tulong ng pamilya nina Nico, malaki ang utang na loob nila sa mga ito.


DUMAAN ang mga araw, linggo at buwan na hindi sila nagpapansinan ng bestfriend niyang si Nico, pero lalo namang napalapit ang loob niya kay Zoy at naging magboyfriend nga sila.

Dumating ang buwan ng desyembre ang punto kung kailan nagpaalam si Zoy na aalis kasama ang pamilya na pupunta sa ibang bansa para doon magpasko. Pero bago ito tuluyang umalis ay isang wrist watch ang binigay nito sa kanya. Isang simpling keychain danbo naman ang binigay niya dito. Bagama't simpli lang ang bigay niya ay tuwang tuwa naman si Zoy dahil paborito nito si Danbo at siya mismo ang gumawa nun.


Sumapit ang pasko at bagong taon na hindi sila nagkita ni Zoy pero naging masaya naman siya dahil hindi nito nakaligtaan na tawagan siya at batiin. At noong pag-uwi nito sa bansa isang pasalubong na naman ang sinurpresa nito sa kanya, binigyan siya nito ng gold ring na may initials ng mga pangalan nilang dalawa.


***


BUMUNTONG HININGA si Jason at bumalik sa kasalukuyan ng tumunog ang bell na tanda ng pagtatapos ng break-time. Sabay silang tumayo ni Zoy sa inuupuan at tumungo sa classroom. Habang naglalakad ay napaisip siya, kay bilis ng mga araw na parang hindi niya namalayan. Ilang araw na lang ang bibilangin at gagraduate na sila.


Kinabukasan ng huwebes ng hapon pagkatapos ng klase ay niyaya niya si Zoy na manood ng sine.


"Zoy manood tayo ng movie, 'yung Denev's Secret." aniya.


"Son ipagpaliban na muna natin 'yan, bukas long test natin. Kelangan pa nating mag-aral." Anito.


Sumimangot siya, "Ganun? Ayaw mo ko samahan? Noong monthsary natin di tayo nakapagpasyal. Sige okay lang kung ayaw mo, maiwan na kita... Manunuod na lang akong mag-isa." Aniya na may tampo sa boses at tinalikuran ito.


Mabilis na hinawakan ni Zoy ang braso niya, "Oh sige na, sasamahan na kita." Di nakatiis na sabi nito.


Binalingan niya ito at ngumiti, " Ang bait ng baby ko." Sabi niya.


"Mahal kita Jason kaya kahit anong hilingin mo basta kaya ko ay gagawin ko..." tugon nito. At nasunod nga ang gusto niyang mangyari. Umuwi silang dalawa na gabing-gabi na.

***


BIYERNES NG HAPON. Nagbabasa ng aklat ang best friend ni Zoy na si Bryan sa library ng makita nito si Jason na pumasok sa loob. Tahimik at palihim niya itong sinundan sa isang sulok, laking gulat niya ng pagtingin niya sa dulo ay nakita niya si Nico na narun at naghihintay. Nagtaka siya dahil sa pagkakaalam niya'y hindi nagpapansinan ang dalawa. Tahimik at patago siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito para hindi siya makita. Gusto niyang marinig ang pag-uusapan ng dalawa. Nang tuluyan na siyang makalapit ay kinuha niya ang celphone at binuksan at palihim niyang kinunan ng video ang mga ito.

Kinabukasan ng sabado ay pinuntahan ni Bryan si Zoy sa bahay nito. Nag-aalangan pa siya kung ipapakita dito ang video na nakuha sa library o hindi, sa huli pinakita niya rin ito.


ARAW NG LUNES, tahimik na naglalakad si Jason palabas ng eskwelahan para umuwi, iniisip niya kung bakit absent si Zoy ngayong araw. Ngayon lang nangyari na lumiban ang kasintahan sa klase, hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nakakailang text na siya dito pero wala siyang natanggap kahit isang reply, sinubukan niya ring tawagan ito pero hindi rin ito macontact.


Dalawang araw pa ang dumaan at hindi pa rin nagpapakita si Zoy sa kanilang paaralan. Walang may nakakaalam sa biglaang pag-absent nito, kahit excuse letter na galing dito para sa kanilang mga guro ay wala. Nag-aalala si Jason dahil bukas ay final exam nila sa forth grading at hindi man lang ito nagpaparamdam.


At dumating ang araw ng huwebes at biyernes, ang araw ng final exam ngunit walang Zoy ang nagpakita.

BIYERNES ng hapon ng matapos ang huling pagsusulit, nagpasya si Jason na pumunta sa rooftop ng lumang school building dahil gusto niyang mapag-isa. Nalulunkot siya sa hindi pagpapakita ni Zoy.

"Bakit malunkot ka? Hindi ba dapat masaya ka ngayon?"


Mabilis siyang lumingon sa kanyang likuran at nakita si Bryan na siyang nagsalita. Kaklase niya ito at bestfriend ni Zoy. "Bryan..? Bakit mo sinasabi iyan?" Aniya na may pagtataka sa mukha.


"Pwede ba Jason huwag kang magmaang-maangan na parang wala kang alam‼ Huwag kang umakto na parang isang inosenting bata‼" Galit na sabi nito.


"Hindi kita maintindihan Bryan." Naguguluhang sambit niya. Nakita niya ang inis sa mukha ng kaklase.


"Huwag mo akong gagohin Jason dahil alam ko ang sekreto ninyo ni Nico." Matigas na sabi nito. "Minsan lang nagmahal 'yung bestfriend ko pero ginago mo pa. Wala kang puso‼"


Natigilan si Jason, ano ang alam ni Bryan tunkol sa sekreto nila ni Nico? Nakita niyang dumukot sa bulsa si Bryan, kinuha nito ang celphone, binuksan at binigay sa kanya. Isang video na kinunan sa loob ng library ang kanyang nakita. Siya at si Nico ang nasa video.


Nico: Jason mukhang nahulog na ng lubusan ang loob mo kay Zoy, kung sa bagay hindi malabong mangyari iyon. Mukhang nababakla ka na rin.


Jason: Nahihirapan na ko sa ganito Nico. Nakokosensya na'ko.


Nico: Jason, ngayon ka pa ba susuko? Malapit ko ng makuha ang gusto ko.

Jason: Pero...

Nico: Wala ng pero-pero... As what we planned nagkatotoo nga. Ang kunwari nating hindi pagkikibuan ay pinaniwalaan nilang lahat. Nahulog ng tuluyan sayo si Zoy, rich, handsome and brainy. At ako naman magiging valedictorian, that is all that matters to me. My dad will surely be proud of me, thank you for helping me Jason. Hindi ako makapaniwalang uubra ang mga plano natin. You're such a good bestfriend. Matalino si Zoy at hindi ko siya malalampasan kung wala ang tulong mo. Wala akong ideya kung ano mga ginawa mo para bumaba ang mga quizzes at exams niya, pero maraming salamat dahil doon..


Binawi ni Bryan ang celphone na hawak niya.


"You played your role perfectly, Jason. From the very start laro lang pala ang lahat, pinaikot niyo kami. Tama kayo, naniwala nga kami sa acting niyo na mayroon kayong conflict na magbestfriend at ginawa niyo pang dahilan ay si Zoy. I know your real agenda, it is to destruct Zoy from studying. Kita naman, hindi kaya ni Nico si Zoy para sa posisyong valedictorian at para bumagsak ito, he used you to lure Zoy away from his lessons everytime na mayroong quizzes. Ikaw ang dahilan kung bakit bumagsak ang grades niya. Inviting Zoy to watch movie the day before the test, whatta clever‼" Patuya itong ngumiti, "Pareho lang kayo ng bestfriend mo, manggagamit‼ Anong sasabihin mo ngayon? Magdedeny ka? Tiyak na magpaparty si Nico dahil sa ginawa mong tulong sa kanya na maging valedictorian. My poor bestfriend naniwala sa kasinungalinga mo‼"


"Pero hindi iyon ang tunay na intensiyon ko, naging kami ni Zoy dahil gusto ko siya at hindi dahil sa plano." Nagsimulang mamuo ang mga luha niya. "Mahal ko si Zoy." Sabi niya. Tama si Bryan sa mga sinabi nito at nagsisisi siya kung bakit pumayag siya sa planong iyon ni Nico, malaki ang utang na loob niya dito kaya niya lang iyon ginawa.


"Enough‼ Bakit ako maniniwala sa isang sinungaling at mangagamit na gaya mo? Pinili ni Zoy na huwag ng pumasok at kumuha ng exam iyon ay para sayo, para matuwa ang pinakamamahal mong bestfriend. Kawawang Zoy, you know what? After he saw your video, he still forgives you. Ganun siya kabait Jason, sinayang mo ang pagmamahal niya sayo. Alam kong wala akong karapatan para sabihin ito sayo pero sana hindi ka niya nakilala."


"Mahal ko si Zoy, gusto ko siyang makausap. Gusto kong magpaliwanag sa kanya." Tuluyang tumulo ang kanyang mga luha habang nakatitig sa mga mata nang galit na si Bryan.


"Mahal? Hindi mo siya mahal dahil kung mahal mo siya hindi mo siya lulukohin at sasaktan. At gusto kong malaman mong nasa ibang bansa na siya and he is dying. Zoy has a brain cancer. Plano niyang sabihin ito sayo but I stopped him dahil sa nalaman kong sekreto niyo." Tumulo ang mga luha ni Bryan, "Hindi ko alam kung bakit kelangan maranasan ni Zoy ang masaktan, nagmahal lang naman siya ng totoo. Inisip kong sasaya ang mga natitirang oras niya dito sa mundo dahil sa nakilala ka niya pero hindi eh. Nang dahil sayo lalo siyang nawalan ng pag-asang mabuhay. Napakabait ng kaibigan ko para maranasan niya ito... Hindi ko lubos maisip na isa ka sa mga dahilan ng kanyang pagluha. Akala ko mahal mo at tanggap mo si Zoy kung ano siya, pero hindi eh! Pinaglaruan at ginamit mo siya, ikaw at ang walang kwenta mong best friend!" Galit na sabi ni Bryan at tinalikuran siya.


Naiwan siyang nanlulumo, mabigat ang kanyang kalooban dahil sa mga narinig mula kay Bryan. Ang totoo'y mahal niya talaga si Zoy, pero paano niya pa maitatama ang lahat? Wala na sa bansa ang mahal niya. Wala ng pagkakataon para sabihin niya dito ang katutuhanan. Wala na siyang pagkakataon na humingi ng patawad dahil sa ginawa niyang iyon. At lalo siyang nalunkot dahil sa nalamang sakit nito. Nagsisisi siya pero anong gagawin niya? Huli na ang lahat para sa kanya.

Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan at iyon ay kitilin ang sariling buhay. Handa na siyang mamatay sa mga oras na ito, para sa kanya ay wala ng saysay ang mabuhay pa dahil sa mga nangyari. Kung totoo ngang may malubhang karamdaman si Zoy ay uunahan na niya ito sa kabilang buhay. Tahimik at nanlulumo siyang umakyat sa harang ng rooftop. Nakita niya ang baba kung saan dun siya pupulutin oras na tumalon siya. Isang hakbang lang at magwawakas na ang sakit na kanyang nararamdam sa kanyang puso.


"Jason!"

Isang sigaw ng lalake ang kanyang narinig mula sa likuran, pamilyar ang boses na iyon, si Nico ang kanyang bestfriend


"Jason parang awa mo na huwag mong gawin iyan. Please bumaba ka diyan..." Narun ang takot sa boses nito.


Hindi siya lumingon, nakatuktok ang mga mata niya sa malayo. "Nico mahal ko si Zoy... Nalaman ko kay Bryan na meron siyang sakit at alam niya na rin ang ginawa nating sabwatan para manguna ka sa klase. Nico nageguilty ako sa ginawa ko, marahil ay iniisip ni Zoy na ginamit ko lang siya at niluko pero ang totoo'y gusto ko siya simula pa nong una. Mahal ko siya pero wala na akong pagkakataon na patunayan at sabihin iyon sa kanya dahil umalis na siya ng bansa. Ang sama-sama ko, tama lang siguro na pagbayaran ko ang mga ginawa kong iyon sa kanya." Lumuluhang pahayag niya.


"Jason please bumaba ka na diyan, hindi iyan ang solusyon. Hindi dahil sa nangyaring ito'y magpapakamatay ka na, isipin mo ang nanay mo. Ikaw ang rason kung bakit siya patuloy na nakikipaglaban sa hirap ng buhay, kapag nawala ka anong na lang ang mangyayari sa kanya? Kailangan ka ng nanay mo, at gusto kong humingi sayo ng patawad kung hindi dahil sakin hindi ito mangyayari. Ako naman talaga ang may kasalan eh, hindi ikaw." Umiiyak na sabi ni Nico, magkahalong takot at lunkot ang nararamdaman nito.


+++++++


SINABI NI ZOY sa kaibigang si Bryan na pupunta siya sa ibang bansa at doon na titira sa kanyang lolo at lola. Sinabi niya dito na hindi na siya babalik ng pilipinas hanggang sa oras na kitilin siya ng sariling karamdaman. Pero ewan niya sa kanyang sarili at hindi siya natuloy at sa halip ay sa Baguio siya napunta, sa rest house na pag-aari ng kanilang pamilya.


Nakatayo si Zoy sa tabi ng bukas na bintana, nakatanaw sa kadiliman ng gabi na bumabalot sa buong kapaligiran. Nalulunkot siya, subrang lunkot ang kanyang nararamdaman dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Sinarado niya ang bintana at humiga sa malambot na kama. Inakap niya katabing unan at tahimik na umiyak, "I love you Jason, naging totoo ako sa nararamdaman ko pero bakit ako ngayon lumuluha?" pabulong na sabi niya. "Sana ito na ang huling gabi ng aking kalunkutan, sana magwakas na itong buhay ko." Aniya at humikbi.


Napabangon si Zoy kinabukasan ng makarinig ng mahinang katok sa pintuan ng kanyang silid. Nilingon niya ang pintuan at bumukas ito, iniluwa nun ang may edad na lalaki, si Fred ang kanyang driver at tagapangalaga, ito ang kasama niyang pumunta dito sa rest house.


"Senyorito nakahanda na ang iyong almusal at saka sasaglit pala muna ako sa bayan para bumili ng iba nating kailangan dito sa bahay. Kung meron kang kelangan pwede mong lapitan si Aling Ising." Anito, si Aling Ising ang nagbabantay at tagapangalaga sa rest house.


"Kuya gusto kong sumama sa bayan..." Matamlay at mahinang sabi niya.


"Sige ho senyurito, hihintayin ko na lang kayo kung ganun. Maiwan ko na ho kayo." Magalang nitong sabi.


Naligo siya at pagkatapos ay nagpalit ng damit at tumungo sa kusina para kumain ng almusal. Pagkatapos ng almusal ay sumama siya papuntang palengke. Medyo malayo ang bayan na kanilang pupuntahan kaya nilibang niya na lang ang sarili sa panonood sa magagandang tanawin na kanilang dinadaanan. Nang marating ang palenke ay minabuti niyang magpaiwan sa lugar kung saan naka park ang kanilang kotse.

Umupo siya sa bench at tumanaw sa malayo. Ilang sandali pa at isang may edad na babae ang umagaw sa kanyang pansin. Tatawid ito sa daan, nakita niyang may paparating na puting kotse. Mabilis niyang tinakbo ang babae na nasa gitna ng kalsada at mabilis niya itong hinila sa tabi, nagawa niya itong iligtas bago pa dumaan ang mabilis na kotse.


Nagpasalamat sa kanya ang babae na agad ring umalis. Nakita niya namang huminto ang puting kotse hindi kalayuan at mula roon lumabas ang isang lalake. Nilingon siya nito at pagkatapos ay humakbang ito patungo sa kanyang direksyon.


Nang makalapit ang lalake ay tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng insulto, tinalikuran niya ito at aktong aalis na ng marinig niya itong nagsalita.


"Sandali... Maaari kitang tulungan sa iniinda mong karamdaman, ngunit ito'y sa paraan na kahit kailan ay hindi mo pinangarap." Wika nito, lumingon siya.


Nagulat siya kung bakit alam nito ang kanyang kalagayan, "Pano mong nalaman na..." Putol niyang sabi.


Nakita niya itong ngumiti, "Mamayang gabi ay ihanda mo ang iyong sarili. Tutulungan kita... hanggang sa muli." Wika nito at saka tumalikod. Naiwan siyang nagtataka.


+++++++

PINAGMAMASDAN NI ZOY ang bilog na buwan habang nakatayo sa veranda ng kanyang silid ng biglang may umagaw sa kanyang pansin. Dumako ang paningin niya sa isang lalake na nakaputing long sleeve sa tabi ng malaking pine tree hindi kalayuan. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling at bigla na lang itong naroon. Tinitigan niya ang lalake, pamilyar ang mukha nito. Sandali siyang natigilan at nag-isip, ito ang lalaking nakita niya kanina sa bayan. Papaano nito nalaman kung saan siya tumutuloy? At laking gulat niya nang sa isang iglap lang ay nawala ito sa kinatatayuan nito.

Napalingon siya sa kanyang tabi at nakita ang lalake na nakasandal sa haligi ng veranda. Papanong nakalapit ito sa kinaroroonan niya ng kay bilis ng hindi niya namalayan? Nakita niya itong tumingala sa bilog na buwan.

Mabilis siyang kumilos palapit sa pintuan para takasan ang lalake pero mabilis nitong hinarang ang sarili sa pinto. Napaatras siya. "Sino ka? Anong kelangan mo, bakit ka nandito?" Kinakabahan at sunod-sunod na tanong niya.


Ngumiti sa kanya ang lalake, "Nandito ako dahil kelangan mo ang tulong ko." Sagot nito.

Kumunot ang noo niya, may pagtataka sa kanyang mukha. "Tulong mo?" Bigkas niya.

Nakita niyang tumango ang lalake. "Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin. Hindi kita pwedeng pagkatiwalaan dahil alam ko hindi ka tao." Kinakabahan na sabi niya.


Hindi nagsalita ang lalake at lumapit ito sa kanya. Inilagay nito ang hintuturo sa kanyang leeg at pagkatapos ay binawi iyon. Nakita niyang nagkarun ng dugo ang daliri nito. Napahawak siya sa kanyang leeg at pagtingin sa kamay ay meron na iyong bahid ng sariling dugo. Nagawang sugatan ng lalaki ang kanyang leeg ng hindi man lang niya naramdaman. Nakita niyang inamoy ng lalake ang dugo sa daliri nito at nakita niyang naging pula ang kulay itim nitong mga mata.

"Isa kang bampira..." Sumukob ang kaba sa kanyang dibdib at napaatras.


Hindi pinansin ng lalake ang kanyang sinabi. "Kay bangong dugo ngunit may amoy ng pighati at kalunkutan. Kung papayagan mo ako ay gagawin kitang isang katulad ko, hindi ka tatanda at magkakaroon ka ng buhay ng walang hanggan. Magagawa mo ang mga gusto mo ng malaya." Wika nito at tinitigan siya ng mariin.


"Hindi ko pinangarap ang buhay na walang hanggan at isa pa wala na akong dahilan para mabuhay pa." Tugon niya, pilit niyang pinahinahon ang sarili.


"Nakikita ko sayong mga mata ang mithiing mabuhay pa ng matagal. Tignan mo ang buwan. Hindi bat kani-kanina lang ay nangangarap ka habang nakatingin dito?"


"Ang pangarap ko ay gumaling at hindi magkaroon ng buhay na walng hanggan." Diin na sagot niya.


"Gagaling ka nga pero tatanda ka naman at mamatay eh di parang wala ring silbi. Pag-isipan mong mabuti ang mga sinasabi ko. Ang ibang tao'y nangangarap at nag-aasam na maging isang tulad ko pero ikaw ay tumatanggi." Mapanukso nitong sabi.


"Bakit ako? Sa dinami dami ng tao bakit ako ang napili mong handugan niyan?" Maang na tanong niya, nakatitig lang siya sa mga mata nito.


"Bakit ikaw? Dahil nakikita ko ang kabutihan ng iyong kalooban at nais kitang tulungan sa iniinda mong sakit. Alam ko na kapag naging isa kang bampira ay hindi mo aabusuhin ang kapangyarihan na tataglayin mo." Lumapit ito sa kanya at inamoy nito ang kanyang leeg.


Huminga siya ng malalim, natutukso siya sa mga sinsabi nito. Kapag pumayag siya mababago ang lahat, anong gagawin niya ngayon?

Ilang sandaling katahimikan at...


"Sige... Pumapayag na ako, gawin mo akong kagaya mo..." Pabulong na sabi niya at naramdaman niya ang mga pangil nito na bumaon sa kanyang leeg. Nakaramdam siya ng pananamlay at paralisa sa katawan, nawawalan siya ng lakas. Hindi siya makahinga...


+++++++

ISANG LINGGO ANG DUMAAN at ngayong araw ay graduation day nina Jason. Mga bandang alas otso na ng gabi ng matapos ang programa. Inimbitahan siya ni Nico na pumunta sa bahay nito para sa salo-salo pero tumanggi siya at naintindihan naman iyon ng kaibigan. Mas gusto niyang umuwi at magpahinga na lang, wala siyang planong magsaya pagkatapos sa mga nangyari noong nakaraang linggo.


Kakababa lang niya sa traysikel at kelangan niya pang lumakad sa mahabang bakanteng lote bago marating ang kanilang bahay. Tinignan niya ang relo, 8:32pm.


Nagsimula siyang humakbang. Ilang sandali pa at napahinto siya sa paglakad at napalingon sa kanyang kanan, parang may napansin siyang taong nakaputi roon pero ng tignan niya ay wala naman. Nilakihan at binilisan niya ang kanyang mga hakbang.


"Jason..." Narinig niyang tawag sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran. Iyon ang boses na pinanabikan niyang marinig sa matagal na mga araw na nagdaan. Mabilis siyang lumingon dito.


"Zoy..." Sambit niya na may ngiti sa labi at patakbo niya itong niyakap ng mahigpit at puno ng pananabik. "Sorry..."


"It's okay Jason..." Niyakap rin siya nito. "Namiss kita," Anito.


"Subra kitang namiss..." Sabi niya at niluwagan niya ang kanyang yapos. Tinitigan niya si Zoy sa mukha. Parang may kakaiba rito pero hindi niya alam kung ano.


"Jason mahal mo ba ako?" Tanong nito sa kanya.


"Mahal na mahal kita Zoy. Patawad sa mga nagawa ko. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sayo ang nararamdaman ko. Ayuko ng mawalay ka pa sa akin." Sabi niya dito habang nakatitig sa malunkot nitong mga mata.


"Kung ganun papayag kang maging isang katulad ko?" Tanong nito sa kanya at nakita niya ang pag-iba ng kulay ng mga mata nito. Sandali siyang nagulat at mabilis ding nakabawi.


"Lahat gagawin ko para sayo Zoy." Aniya at inabot ang mga labi nito. Isang matamis na halik ang kanilang pinagsaluhan. Maya-maya'y narinig ni Jason ang bulong ni Zoy sa kanyang tenga.

"I love you Jason..." Bulong nito at naramdaman niya ang pares ng pangil na bumaon sa kanyang leeg. Yumapos siya kay Zoy ng mahigpit at buong pusong nagpaubaya sa ginawa nito sa kanya...


WAKAS!!!

Hunted Condo (Horror)