Visitors (Horror)



Nagising ako na pinagpapawisan, pagtingin ko sa wallclock saktong mag aalas dos ng madaling araw. Umupo ako sa kama at tinuyo ang sariling pawis gamit ang aking mga palad. Hindi ko matandaan kung ano ang napanaginipan ko, wala akong maalala sa mga ito. Pampitong gabi na akong palaging ganito, nagigising sa madaling araw na hindi ko alam kung bakit. Pagising ko basa na ang aking noo at ang aking likod ng pawis. May napansin rin ako, tuwing paggising ko may nalalanghap akong mabangong halimuyak ng bulaklak na lavender. Ang lavender ang bulaklak na paborito ni ate Catherine, siya ang nag-iisang babae sa aming tatlong magkakapatid, ako ang pangalawa at ang pangatlo naman ay maliit pa dahil menopausal baby ito. Tatlong taon ng patay si ate Catherine dahil sa breast cancer, twenty one lang siya noon.

Hindi ko alam kung bakit nagpaparamdam sakin si ate Catherine, iniisip ko baka may nangyaring hindi maganda sa mga magulang ko pati na sa bunso namin sa probinsya. Ilang beses ko ng sinubukang tawagan sina mama at papa pero hindi ko makontak ang mga ito. Nagalala ako ng labis sa kanila.

Isang taon na ako dito sa maynila, pagkatapos kong gromaduate sa college ay pumunta na ako dito para makipagsapalaran. Sa awa ng Dios nakakuha naman agad ako ng magandang trabaho na ayon sa kurso kong HRM. Isa akong waiter sa isang sikat na hotel, may kalakihan ang sweldo kaya kahit papano nakakaipon ako para sa sarili ko at nakakapagpadala ako ng pera para sa mga magulang ko. Nangungupahan naman ako dito sa isang apartment, one bedroom. Sakto lang ang presyo ng upa at malapit ito sa pinagtatrabahuan ko.

Muli akong humiga sa aking kama para matulog ulit ng bigla akong napabangon dahil may narinig akong malakas na kalampag sa pintuan ng kwarto. Tumayo ako at mabilis na lumapit sa pinto at binuksan iyon. Walang tao. Binuksan ko ang ilaw sa sala at nagliwanag ang paligid wala akong nakitang kakaiba baka guni-guni ko lang iyon kanina. Dumeretso ako sa maliit na kusina at uminom ng tubig dahil nakaramdam ako ng uhaw pagkatapos ay bumalik ako sa sala, papatayin ko na sana ang ilaw at papasok na ako sa kwarto ko ng may biglang kumatok sa pinto.

Napakunot ako ng noo, wala akong inaasahang panauhin. Sino naman kaya ito na disoras na ng madaling araw at bibisita pa? Lumapit ako sa pinto at sumilip sa peephole, wala akong nakitang tao sa labas. May sira ulo yatang gustong gumawa ng prank sakin, napailing ako at tumalikod na ng bigla na namang may kumatok. Ayaw talaga tumigil, inabot ko ang knob ng pinto at binuksan ito. Napaatras ako ng pagbukas ko may isang babae na nakaitim ang nakabigti sa harap ng pintuan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso at batok, gumapang ang kaba at takot sa buo kong sistema, mabilis kong sinarado ang pinto, paglingon ko sa sala may nakita naman akong lalaking nakabarong na nakahiga sa sofa, nakatingin ito sakin habang dumadaloy naman ang dugo sa bibig at leeg niya na merong laslas. Parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw, napalingon ako sa kusina sa kaliwa ko, sa ibabaw ng mesa naman ay may nakaupong batang lalaki may hawak itong kutsilyo at pinagsasaksak ang kanyang tiyan. Tinititigan niya ako, lumuluha siya ng dugo.

Mabilis akong tumakbo at pumasok sa aking kwarto at sinarado ang pinto. Napasandal ako sa dingding. Malakas ang kaba sa aking dibdib at hinahabol ko ang aking hininga. Naalala ko na, nakarinig ako ng mga kwento dati tunkol sa magpamilyang namatay dito sa tinitirhan ko. Pinatay ng babae ang asawa niya dahil nahuli niya itong may ibang babae, pagkatapos ay sinunod nito ang kanilang anak at pagkatapos ay nagbigti na rin siya.

Napaakap ako sa aking sarili, nakakatakot. Malakas pa rin ang kaba sa aking dibdib, iniisip ko ang mga posibleng mangyari baka kung anong gawin ng mga multong iyon sa akin. Maya-maya'y napatingin ako sa ilalim ng pintuan, merong usok na pumapasok. Usok! Hindi maaari ito, may nasusunog sa labas. Inabot ko ang knob pero ayaw bumukas nito. Tinadyakan ko ang pinto para sirain pero walang nangyari, binundol ko ito ng braso ko pero wala pa rin. Nagpapanic na ang isip ko dahil kumakalat na ang usok sa kwarto ko. Dapat nag-alarm na ang smoke detector sa apartment ko na may sunog pero hindi ito gumana.

Binuhat ko ang maliit na side table sa tabi ng aking kama at hinampas sa pintuan pero hindi pa rin masira-sira ang pinto. Ayaw bumukas nito. Napalingon ako sa aking paligid, apoy. Kumakalat na ang apoy sa kwarto ko, sa kama, sa kabinet, pati na sa sementong dingding. Tumakbo ako sa bintana para buksan ito pero ayaw rin nitong bumukas. Hinablot ko ang kurtina at binalot sa kamao ko at sinuntok ang bintana pero hindi ito mabasag. Paulit-ulit kong sinuntok ang bintana pero katulad ng pintuan hindi ko ito magawang sirain.

Subrang init, pinagpapawisan na ako. Habol habol ko ang hininga ko dahil sa usok. Napaluhod ako sa isang sulok, nahagip ng aking mga mata ang aking celphone sa paanan ng kama. Nanghihina na ang katawan kong dinampot ko ang celphone. Nagdial ako pero wala, hindi ako makacontact. Paulit-ulit akong nagdial, pero walang signal.

Nang bigla na lang may bumulong sa akin, pamilyar ang boses niya. Si ate Catherine, tama si ate Catherine nga.

"Marty sabi ko kasi sayo noon pa, gumamit ka ng SMART SIM. Ang SMART merong extensive coverage, over 900 sites served nationwide with 700 partner establishement kaya malakas ang signal. Oh ito ang smart sim gamitin mo." Bulong ni ate Catherine at inabot sakin ang smart simcard.

"Salamat ate, the best ka talaga." Pasalamat ko. Ngumiti sakin si ate at naglaho.

Mabilis kong pinalitan ang simcard sa celphone ko at ayun may signal na ko. Nagdial ako sa fire center at sinagot agad.

Ilang minuto lang at dumating na ang mga rescue at nasakluluhan ako. Buti na lang sa smart sim at sa last minute nakahingi ako ng tulong.

Wala namang kaalam-alam ang mga tao sa katabi kong unit dahil madaling araw at himbing sila sa pagtulog, nagulat na lang sila at nagising dahil sa maiingay na sirena ng mga bombero. Naisip-isip kong ang pagpaparamdam pala ni ate ay may koneksyon sa nangyari ngayon. Salamat sa kanya at sa smart dahil naligtas ako... At sa mga multong bumisita kanina sakin, humanda kayo dahil gaganti ako.


"Wakas!"

Roommate (Horror)