Roommate (Horror)



Nakatayo ako sa gilid ng entrance ng ospital habang hinihintay ko na lumabas ang aking best friend ng may isang magandang dalaga ang dumating. Matankad ito at maputi.


"Ma'am ano ho pangalan ninyo? Sino ho ang dadalawin?" Tanong agad ng may edad na guard sa babae.


"Marie Sandoval po kuya. Iyong papa ko po 'yung bibisitahin ko." Sagot ng dalaga. Binigyan siya ng guard ng visitor's I.D. at pumasok na siya sa entrance ng ospital. Nakatitig lang ako sa babaeng 'yun habang siya'y naglalakad palayo nang pagkurap ko ay nakita kong meron na siyang katabi. Isang babae na nakaputing bistida, kasing tankad niya at kasing haba ng buhok. Ang kakaiba lang dito ay hindi nakalapat sa sahig ang mga paa ng babae at tumatagos ang pisikal na anyo nito na para bang usok.


Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso. 'Multo!' sa isip ko. Pinikit ko ang aking mga mata at pagdilat ko naglaho na ito sa paningin ko. Nag-iisa na ulit ang babae. Wala ng masyadong tao sa ospital dahil mag-aalos otso na ng gabi at magtatapos na ang visiting hours. Malabong mapagkamalan kong tao iyon dahil walang ibang tao sa hallway kundi ang babaeng 'yun lang. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko, multo nga iyon.


Ilang sandali lang at dumating naman si Celeb, ang bestfriend ko. Isang nurse ang ate niya at dito nagtatrabaho sa Fatima medical center. Sinamahan ko siya dahil may kinuha siya sa kanyang ate.


"Woy Shino! Anong nangyari sayo at namumutla ka? Para kang nakakita ng multo." Bungad niya sakin.


"Nakakita nga ako, ngayon-ngayon lang." Parang wala sa sarili na tugon ko. Nakatiningin parin sa loob ng entrada ng ospital.


Napalingon na rin si Celeb sa direksiyon kung saan ako nakatitig at magaksalubong ang mga kilay na tumingin sakin. "Adik! Gutom lang 'yan. Alam ko gusto mo lang magpalibre. Okay dahil sinamahan mo 'ko, itetreat kita." Inakbayan niya ako at nilisan na namin ang ospital.


Kinabukasan ng umaga sa paaralan kung saan ako nag-aral. Second year na ako at kumukuha ng Tourism. Nagsa-summer class ako kasama ang best friend classmate kong si Celeb at isa pa naming bestfriend classmate na si Tricia. Si Celeb pala ay 'yung tipong nerdi ang dating, nakasalamin, my braces ang ngipin at matalino. Si Tricia naman kikay pero jologs ang ugali, hindi maarte. At ako naman simpli lang, matankad na chinito. Magbestfriend kaming tatlo simula 'nung first year pa. Iba-iba ang style namin, hilig at gusto pero dahil lahat kami okay ang ugali kaya nagclik kaming tatlo.


Katatapos lang ng klase namin sa Rizal ng umagang iyon at dahil vacant ang sunod na schedule ay hinintay na muna naming tatlo na makaalis ang lahat ng mga kaklase namin bago kami lumabas ng silid. Ayaw naming sumabay at magsiksikan sa kanila. Masyado kasing maiingay at mga pasaway ang mga ito, minsan nanunulak pa ang mga ito sa hagdanan.


Nasa forth floor kami at pababa na ng hagdan, walang ibang tao doon kundi kaming tatlo lang. Tiningnan ko ang aking relo, magna-nine fifty na. Nang bigla na lang isang lalaking estudyante ang bumunggo sakin. Tumatakbo ito. Hindi ako nakailag ng magsalubong kami dahil nakatingin ako sa aking relo. Napalingon ako sa kanya, hindi man lang ito nagsorry o huminto man lang.


"Hanep ah! Ang bastos mo pre! Ikaw kaya banggain ko ng malaman mo!" Hindi ako nakatiis sa inis at sinigawan ko siya pero hindi ito nag-abalang lingunin ako. Pataloy itong tumakbo, siguro nagmamadali ito dahil late na siya sa klase. Pero kahit na, dapat tinitignan niya pa rin ang dinadaanan niya. Hindi 'yung para siyang bulag at hindi man lang nagsorry. Lumiko ito ng direksiyon kaya 'di ko na nakita. Bastos talaga.


"Bastos! Walang mudo. Buti't hindi ko nakita ang mukha niya dahil kong nakita ko lang at sa susunod nagkasalubong kami masusuntok ko talaga siya." Inis na sabi ko.


Napatigil ako sa paghakbang. Nakahinto sina Celeb at Tricia sa unahan ko at nakalingon sakin. Parehong magkasalubong ang mga kilay ng mga ito at parang nagtataka. Baka iniisip nila nagtatapang-tapangan na naman ako at gusto kong manuntok. Mali ba ako? Eh ako na nga ang binangga.


"Oh bakit? Makatitig kayo parang ako pa ang may kasalanan ah. Ako na nga itong binangga eh." Mabilis na pagtatanggol ko sa aking sarili bago pa sila magsalita laban sa inakto ko.


"Bumangga?" Mabilis na tanong nila sakin.


"Ay hindi 'yung yumakap sakin. Malamang bumangga, ano pa ba pwede itawag 'dun?" nakasimangot na sagot ko. At nagmamaang-maangan pa itong dalawang 'to.


"Shino aminin mo nga samin, total naman matagal na rin tayong magkakaibigang tatlo kaya kahit ano pa sagot mo maiintindihan ka namin. Kailan ka pa nagsimulang magdrugs?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Tricia. Seryuso ang tuno niya pero nakakatuwa ang ekspresyon ng mukha niya.


"Pwede ba hindi ako adik! Binangga ako ng estudyanteng iyon kaya sinabi ko 'yun. No big deal, nainis lang ako dahil bastos siya. Hindi porque mabait akong tao eh hahayaan ko na lang ang kahit na sino na banggain ako ng ganun-ganun na lang."


"Shino wala akong may nakitang bumangga sayo, bigla ka na lang sumigaw diyan na parang ewan." Nagtatakang sabi ni Celeb.


"Ako din, wala akong nakita na may bumangga sayo period. Kung gusto mo kaming pagtripan Shino, Okay! Nakuha mo na attention namin. So pano? Tara na at sayang ang oras natin dito." Pagsegunda naman ni Tricia.


"Guys pwede ba hindi ko kayo pinagtitripan. May estdyanteng bumangga sakin."


"Shino kami na ni Celeb ang nagsasabi sayo, wala. Wala tayong nakasalubong na estudyante kaya sino ang damuhang babangga sayo? Pwede ba huwag kang magbiro ng ganyan."


"Basta totoo ang sinasabi ko. Hindi ako nagbibiro." Sabi ko at huminga ng malalim. Kung totoo ang sinasabi nila na wala silang may nakitang estudyante na bumangga sakin ibig sabihin... Naghahallucinate ako? No way, hindi hallucination 'yun.


"Wait... Shino ano 'yang nasa kaliwa mong braso at sa kaliwang manggas mo?" tanong ni Celeb.


Tinaas ko ang aking kaliwang braso kung saan naroon ang aking relo. May nakakalat na pulang likido doon at may pulang mantsa naman sa manggas ko. Iyon ang parte na nabangga ng estudyante. Dinampian ng daliri ng kanang kamay ko ang pulang likido.


"Dugo... Guys hindi kaya 'yung bumangga sakin hindi niyo nakita dahil isa siyang..."


"Multo!!!" Sabay na sigaw naming tatlo at tumakbo pababa ng hagdanan.


Sa canteen kami dumiretsong tatlo at doon ko kinuwento sa kanila ang nakita kong multo kagabi sa ospital na kasama ng babae na marahil ay kakambal nito. Iyon ang una kong experience at ang pangalawa naman ay itong estudyante na bumangga sakin. Nagtataka ako kung bakit nakakakita na ako ngayon ng mga kaluluwa. Bakit parang agad-agad naman yata? Inisip ko na baka kung anong kakaibang pagkain at inumin ang nakain ko at nainom para bumukas ang third eye ko pero parang wala naman yata. Hind naman siguro iyon ang dahilan.


"Iniisip ko kung pano nabuksan ang third eye ko." Sabi ko at sumipsip ng ice tea. "Hindi kaya dahil sa nakain ko?"


"Ano ba ang huling mong nakain bago ka nakakita ng multo kagabi?" tanong ni Tricia.


"Pork sinigang." Sagot ko.


"Oh my goodness, guys don't tell me nakakaopen ng third eye ang pork sinigang? Hindi na ako kakain niyan ever!!" sabi ni Tricia na nakangiwi.


"Baliw! Pork sinigang mag-oopen ng third eye? Ano ka adik?" ani Celeb.


"Kung hindi pork sinigang eh ano? Sige sagutin mo total ikaw naman ang boy genius dito." Ani tricia.


"May kunti akong alam na dahilan kung pano bumubukas ang third eye ng isang tao. Hula ko lang ha, kung hindi ako nagkakamali itong sasabihin ko ay 85% na main reason kong pano bumakas ang third eye mo Shino." Sandaling tumigil si Celeb at parang may inaalisa. Tahimik naman kami ni Tricia habang hinihintay ang kanyang idudugtong.


"Shino nasabi mo five days ago na meron kang bagong roommate." Tumango ako. "Meron ka bang napansin sa kanya o napansin sa kwarto niyo ngayong kasalukuyan na siyang tumira doon?" parang abogado na tanong ni Celeb. Tumango ulit ako. "Anong mga napansin mong kakaiba sa kanya o sa kwarto niyo?"


"Dennis ang pangalan ng roommate ko. Parang wala naman akong napapansing kakaiba sa kanya. Tahimik siya at mukhang harmless naman."


"Naku 'yang harmless harmless na yan. Iyan pa minsan ang makakaharm sayo." Sabat ni Tricia.


"Pwede ba Tricia huwag sumabat patapusin mo si Shino." Pigil ni Celeb.


"Sensiya naman, kumakati dila ko eh." Tugon ni Tricia at tinakpan ang bibig ng tinitigan siya ng matalim ni Celeb.


"Ang napansin kong kakaiba ay 'yung kwarto namin. Simula noong araw na dumating si Dennis ay lumamig na sa loob kahit nakapatay naman ang eletricfan at tuwing gabi parang may aircon na nakabukas na hindi ko maintindihan. Samantala sa ibang kwarto ang init, sa amin lang talaga ang malamig. At 'yung ayuko sa lahat parang bukod samin ni Dennis ay parang may iba pa kaming kasama. Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sakin sa lahat ng oras kapag nan'dun ako."


"Kung ganun hindi ako nagkamali sa naisip ko. Masyadong malakas ang third eye ng roommate mo kung kaya nahawaan nito ang third eye mo at nagising." Sabi ni Celeb na seryuso ang mukha.


"Ano 'yun parang sipon lang na nanghahawa?" Basag ni Tricia.


Naningkit ang mga mata ni Celeb at binalingan si Tricia. "Sasakalin na kita Trish, Seryuso pinag-uusapan natin dito." Tinakpan ulit ni tricia ang bibig.


"Kung ganun nahawaan ang third eye ko ni Dennis kaya nabuksan. Possibli ba talaga iyon?"


Biglang nagring ang bell. "Isearch mo na lang sa google para malaman mo. May Klase na tayo wala na akong time para sagutin iyan." Sabi ni Celeb, tumango na lang ako.


Kinagabihan sa boarding house ay mag-isa lang ako sa silid. Wala kasi si Dennis, nagtatrabaho siya sa callcenter at panggabi ang duty niya. Nagising ako bandang alas tres ng madaling araw. Nakatulugan ko palang bukas ang ilaw sa kwarto. Tumagilid ako paharap sa kama ni Dennis na katapat lang sa akin.


Nasapo ko ang aking mga bibig. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso at sa batok. Nanginig ang buo kong katawan dahil sa aking nakita. May isang babae na mahaba ang buhok ang nakaupo sa kama ni Dennis. Nakasuot siya ng puting bistida na nangingitim dahil sa kalumaan at dumi. Magulo ang kanyang buhok at parang nalalapnos ang kanyang maputlang balat. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakayuko ito at natatakpan ito ng kanyang buhok.


Mabilis akong tumalikod at nagtalukbong ng kumot. Dinadaga ang dibdib ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at para akong hihimatayin. Nakakatakot. Mabilis akong nagsambit ng panalangin. Nagtalukbong lang ako hanggang kinaumagahan na. Hindi ako nakatulog.


Sa paaralan ay ikinuwento ko kina Celeb at Tricia ang mga nangyari. Pinayuhan naman nila ako na huwag kaligtaang magdasal bago matulog. Sinabi rin nila sakin na baka ang multong iyon ay humingi ng hustisya kung kaya naroon sa kwarto namin. Sa isip ko naman, baka si Dennis ang sinusundan niyon.


Umuwi ako ng boarding house bandang alas otso ng gabi. Sa sala ng bahay ay agad kong nakita ang mukha ng lalaking hindi pamilyar sa akin. Nasa mid 30's ito. Nakaupo ito sa sofa katabi ng isa kong housemate na si Jommy. Nakasuot ang lalaki ng puting polo, maputla ang balat at nangingitim ang paligid ng mata. Nakatuon ang mga mata nito sa isang direksiyon at hindi gumagalaw. Napabaling ang mga mata ko kay Jimmy na abala sa panonood ng t.v. wala itong kamuwang-muwang na meron na siyang katabi. Natigilan ako ng biglang tumingin sa direksiyon ko ang lalaki. Nakakatakot ang titig niya. Mabilis akong tumalikod at tumakbo papuntang hagdanan paakyat sa kwarto ko.


Sinusian ko ang lock ng kwarto. At bago pa ako makapasok doon ay isang gumugulong na bola ang huminto sa paanan ko. Dinampot ko ang bola. Napakunot ako ng noo. Gabi na, sino itong naglalaro pa ng bola? Lumingon ako sa aking likuran at muntikan na akong atakihin sa puso sa aking nakita. Isang batang lalaki ang nakaluwa ang mga mata, maputi ang balat, at nakataas ang naaagnas na kamay sa akin. "Ahhhhhhh!!!!!" Sigaw ko at mabilis kong binitawan ang bola at pumasok sa kwarto. Mababaliw na ako sa takot dahil sa mga nagpapakita sakin.


Mag-aalas dose na at hindi ako makatulog dahil sa mga larawan ng mga multo na nakita ko. Nakabukas ang ilaw ng silid dahil natatakot akong patayin ito at baka bigla na namang may magpakita sakin. Ilang sandali pa at... Nangamoy kandila. Bigla namang namatay ang ilaw sa loob ng kwarto. Brownout. Nagtalukbong ako. Ito na naman. Siguradong may bisita na naman sa kwarto. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng iyak ng isang babae. Nakakatakot sa pandinig. Parang hinahabol ko ang aking hininga dahil sa nerbiyos. Mukhang mapapadali ang buhay ko dahil sa mga nangyayaring ito sakin. Mahigpit kong hinawakan ang rosaryo na nasa kamay ko at nanalangin. Hindi nagtagal at nawala ang boses ng umiiyak na babae. Bumalik na rin ang ilaw.


Kinabukasan ay nagresearch ako tunkol sa third eye at sa mga topikong konektado dito. Tama nga si Celeb sa kanyang mga sinabi sakin. Marahil malakas talaga ang third eye ni Dennis at nahawaan ang sa akin kung kaya bumakas ito. Siya lang naman kasi ang bagong tao na kasama ko.


Dumaan ang mga araw at naramdaman kong parang humina ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Nawawalan ako ng ganang kumain. Nagigising ako disoras ng gabi at patuloy ang pagpapakita ng mga kaluluwang ligaw sakin. Iniisip kong masasanay din ako pero hindi. Malabong masanay ako sa pagpaparamdam at pagpapakita nila sakin. Baka ang masmalala pa nito ay ito pa ang maging dahilan para maaga akong matsugi. Ngunit hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko para itaboy sila lalong-lalo na 'yung babae na kasama namin sa kwarto. Hindi ko alam kung pano nagagawang baliwalain ni Dennis ang multo sa kwarto namin. Alam kong nakikita niya ito, marahil ay sanay na talaga siya kaya parang wala lang ito sa kanya.


Isang hapon pumunta ako sa Quiapo at nagsimba. Noong papauwi na ako napadaan ako sa mga palm readers at isa sa kanila ang tumawag sakin.


"Hijo! Halika may sasabihin ako sayo." Tawag ng matandang babae sakin.


Hindi na ako nagdalawang isip at lumapit na agad ako sa kanya. May sinabi siya sakin. Nagulat ako dahil alam niya ang mga nangyayari sakin. Alam niya ang mga pinagdadaanan ko. Sinabi niya rin sakin na nagkakasakit at nanghihina ako dahil sa multo na nasa kwarto sa boarding house. Kapag daw hindi napaalis ang multo ng babae ay patuloy akong manghihina at hindi gagaling. Ang malala pa daw ay kapag tuluyan na akong humina ay baka daw pasukin ng kaluluwa ang katawan ko kahit anong oras.


Natakot ako sa mga narinig. Mukhang nagsasabi naman ng totoo ang matandang babae. Humingi ako ng payo sa kanya at pinayuhan niya naman ako.


Sinunod ko ang payo ng matandang babae. Bumili ako ng buhay na puting native na manok at pitong kandila. Hinintay ko hanggang mag-alas dose ng gabi at doon ko sinindihan ang pitong kandila at kinatay ang walang kalaban-laban na manok. Sabi ng matanda iyon daw ang ialay ko sa kaluluwa ng babae para umalis na ito. Nag-alay din ako ng panalangin.


Habang nakapikit ako, nakaluhod at nagdadasal sa harap ng kandila. Naramdaman kong namatay ang ilaw sa loob ng kwarto. Napadilat ako ng mata at naramdaman ko ang subrang lamig sa kanang bahagi ko. Hindi ako lumingon pero sa dulo ng aking mga mata ay nakita ko ang pares ng dalawang naagnas na paa. Dinaga na na naman ang dibdib ko at para akong hindi makahinga. Pumikit ulit ako at nanalangin na sana wala siyang gawing masama sakin baka kasi bigla niya akong sapian o ano pa man.


Naalala ko naman ang ibinilin sa akin ng matandang babae. Napadilat ako ng mata ng biglang lumangitngit ang pintuan senyales na bumukas ito. Nawala naman ang malamig na hangin sa tabi ko. Mabilis akong tumayo at kinuha ang hinanda kong flashlight sa ilalim ng aking unan. Sinabi ng matandang babae na aalis daw ang kaluluwa ng babae at tutungo sa isang lugar kung saan importante sa kanya. Kailangan kong sundan ang kaluluwa ng babaeng 'yun. Iyon lang ang paraan para manahimik na siya. Maingat kong hinakbang ang aking mga paa palabas ng kwarto. Nilabanan ko ang aking takot para sundan ang kaluluwa.


Mga sampung metro ang layo ko sa lumulutang na kaluluwa ng babae nang tumigil ito sa likod ng boarding house. Tinandaan ko ang eksaktong lugar at ilang sandali lang ay naglaho na ito. Mabilis naman akong kumarepas ng takbo pabalik sa kwarto.


Kinabukasan ay pinahukay ng may-ari ng boarding house ang likod ng bahay dahil sa sumbong ko. At doon sa lugar na aking tinuro natagpuan ang mga buto ng isang tao. Nagsidatingan ang mga pulis at ilang mamahayag para kumuha ng balita. Napag-alamang isang dalagita na nagngangalang Gina Sarino ang inilibing doon. Dalawang taon na itong nawawala at nahuli naman ang taong gumawa nito na naroroon din at nakikiusyuso. Sa palagay ko ay sinapian ito ng kaluluwa ng babae kung kaya ito umumin sa krimen. Ginahasa niya ang babae at pinatay at dito sa lugar na ito niya mismo inilibing.


Kinagabihan mga bandang alas nuebe ay nagsindi ako ng puting kandila sa loob ng kwarto. Mag-aalay ako ng huling panalangin para sa tuluyang pananahimik ng kaluluwa ng babae. Lumuhod ako at pumikit sa harap ng nakasinding kandila. Nanalangin ako. Papatapos na ako sa aking panalangin ng maramdaman kong biglang lumamig sa aking likuran. Hindi ako dumilat. Naramdaman kong parang may malamig na hangin na yumakap sakin mula sa aking likuran.


Hindi ako kumilos. Maya-maya pa ay may narinig akong mahinang bulong sa aking tenga. "Salamat." Iyon ang salitang aking narinig. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Matatahimik na rin sa wakas ang kaluluwa ng babae na naging roommate ko ng ilang linggo. Parang bula namang naglaho ang lamig sa aking likuran. Ibig sabihin umalis na ng tuluyan ang kaluluwa. Nakamit niya na ang hustisya na dalawang taon niya ring hinintay at inasam. Parang gumaan naman ang aking pakiramdam.


Sa paaralan. Katatapos lang ng klase namin sa Rizal at pababa na kami sa hagdanan nina Celeb at Tricia. Ikinuwento ko sa kanila ang buong detalye ng mga nangyari sa boading house. Sandali naman akong natigilan sa pagkukwento at tinignan ang aking relo. Saktong nine forty eight, two minutes bago magnine fifty.


"Guys sandali lang..." Pigil ko sa dalawa. "May naalala kasi ako tunkol sa nabasa kong article tunkol sa third eye. Susubukan ko kung totoo nga iyon. Sabi kasi kapag daw ang taong bukas ang third eye kapag dinampian ng kamay niya ang mga mata ng mga taong hindi pa bukas ang third eye sa sandaling nakakita siya ng multo ay bubukas ang third eye ng mga ito." Sabi ko.


"Asus maniwala ka naman." Sabi ni Tricia.


"Susubukan nga lang natin, wala naman mawawala eh." Tugon ko.


"Sige okay lang. Hindi naman siguro totoo 'yun." Ani Celeb.


Napapagitnaan nila ako at kasalukuyan kaming nasa hagdan. Tinaas ko ang aking mga kamay at tinakip sa kanilang mga mata. Naisip ko na kung totoo ang article na nabasa ko ay makikita nila Celeb at Tricia ang estudyante na bumangga sakin. Palagi ko siyang nakikita na tumatakbo dito sa hagdan sa ganitong oras.


At hindi nga ako nagkamali ito na naman siya tumatakbo paakyat ng hagdanan. Mabilis kong inalis ang aking kamay sa mga mata nila Celeb at Tricia.


"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!! Multo!!!!!!!!!!!!!!!" Sabay na sigaw nilang dalawa ng makita ang tumatakbo paakyat na multo ng estudyante. Basag ang mukha nito at naliligo ng dugo ang katawan. Sigurado akong nasagasaan siya habang papasok dito sa paaralan. Siguro hindi pa niya alam na patay na siya kaya paulit-ulit siyang pumapasok para humabol sa klase.


"Mukhang effective nga. Totoo nga ang sinabi sa article." Sabi ko ngunit hindi na marahil narinig ng dalawa dahil mabilis ng tumakbo ang mga ito palayo sa lugar na kinatayuan namin.


Wakas!

Dota Princess (Young Love)