YYU - Chapter 10: Escape

 



Parang napako ako sa kinakatayuan ko at ang tanging nagawa ko na lang ay panoorin ang mga nangyayari sa loob ng silid.



Nakita kong tinaas ni Alexis ang kanyang mga kamay at itinutok sa babaeng my blond na buhok na may kapangyarihang manipulahin ang kanyang anino. Sa isang iglap lang bumagsak ang babae dahil may lumabas na kidlat sa mga kamay ni Alexis.



Nakatayo lang ang ibang crimson sa likod ni Alexis at nakaabang para sa susunod na mangyayari, si Fildon naman tumakbo sa tabi ko at niyakap ako. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng kanyang puso. Hindi ko naman mapigilan ang panginginig ng aking mga tuhod na parang bibigay ano mang sandali.



Tinutok ni Alexis ang mga kamay sa matankad na lalaki at lumabas ang kidlat pero mabilis kumilos ang lalaki kaya hindi ito natamaan at sa isang iglap lang nasa tabi na ito ni Alexis.



"Too slow!" Sabi ng lalaki at sinuntok nito si Alexis sa sikmura at hinampas sa likod. Bumagsak si Alexis.



Ang isang lalaki na kasama ni Alexis ay kumilos at may lumabas na kulay pulang laser beam sa kanyang mga palad, inatake niya ang lalaki pero hindi ito natamaan dahil mabilis itong nakailag.



Nakatuktok ang mga mata ko sa gawi ng pintuan kung nasan naroon sina Alexis at mga kasamahan nito. At yung isang lalaki na kasama nila biglang naglaho, paglingon ko nasalikuran na ito ng mabilis na lalaki. Sinakal niya ito mula sa likuran gamit ang kanyang bisig.



"Babawiin ko na to." Sabi ng lalaki at kinuha niya sa kamay ng mabilis na lalaki ang golden scale. Bigla siyang naglaho at sa isang iglap naroon na siya sa tabi ng iba niyang kasamahan. Teleportation ang kapangyarihan niya.



"Tricia kumilos ka na bilis!!" Sigaw ng babaeng may kulot na buhok, isa sa limang crimson na kumuha ng golden scale. At binuka nito ang mga bisig "Ahhhhhhhhhhhhh!!!" Sigaw nito.



At bigla kaming tumilapon ni Fildon sa pader at bumagsak sa sahig, parang may force field na humampas samin ni Fildon, malakas iyon. Ganun rin ang nangyari kina Alexis at sa mga kasamahan niya. Mabilis na tumayo sina Alexis. Nagpalabas ng kidlat si ALexis sa kamay at inatake ang babae na may kulot na buhok pero walang nangyari hindi ito natamaan. Parang may invisible shield ang humaharang sa limang crimson.



Nakita ko namang tumayo ang batang lalaki at ang babaeng may blond na buhok. Yung babae naman na matankad ay kinuha ang kanyang staff at itinutok sa pader na may guhit na bilog at pentagram. Ginawa nito ulit ang naksaksihan ko kanina. May lumalabas na asul na liwanag sa pulang bato ng kanyang baston.



Hindi pa rin sumusuko si Alexis patuloy ang pag-atake niya sa limang crimson pero hindi niya magawang tamaan isa man sa mga ito dahil sa kapangyarihan ng babaeng may kulot na buhok. May kapangyarihan itong gumawa ng shield.



Kumilos ang ibang kasama ni Alexis at tumabi sa kanya. Nakita ko ang isang lalaki naging steel ang buong katawan nito, yung isang babae naman naging flint ang katawan. Sinimulan nilang pagsusuntukin ang invisible shield. Yung isang babae naman may lumabas sa kanyang mga palad na maliliit na liwanag at sumasabog na parang bomba, at yung isang babae ay isang samurai naman na nababalutang ng apoy ang lumabas sa kamay. Yung isang lalaki laser beam.



Sabay nilang inatake ang shield pero hindi nila iyon masira-sira. Nakikita kong nahihirapan na ang babaeng may kulot na buhok, maaaring bumigay siya ano mang oras dahil sabay-sabay ng umaatake sina Alexis sa ginawa niyang shield. "Tricia bilisan mo, hindi ko na kaya!!" Sigaw ng babaeng may kulot na buhok.



"Malapit na, kunti na lang bubukas na to." Tugon naman ng babae na Tricia ang pangalan.



Mula sa kinabagsakan namin natanaw ko ang maliit na bilog na kulay itim ang unti-unting lumalaki sa gitna ng pentagram na nakaguhit sa pader. Iyon ang tinatrabaho ng babaeng si Tricia. Hindi ko alam kung ano yun. At tuluyan itong lumaki, kasing laki na ito ng bilog na nakaguhit kanina sa pader.



"Bumukas na! Freyo pumasok na kayo!" sigaw i Tricia.



Mabilis na tumakbo ang batang lalaki at tumalon sa kulay itim na bilog sa pader, bigla itong naglaho. Sumunod ang babaeng may blond na buhok, tapos si Tricia.



"Jemry pumasok ka na!" Sigaw ng babae.



"Hindi! Mauna ka na." Sigaw naman ng matankad na lalaki na tinawag ng babae na Jemry.



"Sige!" tugon ng babae at binaba ang mga kamay at tumalon sa itim na bilog. Nawala ang shield na ginawa ng babae at kahit mabilis kumilos si Jemry hindi ito nakaabot sa itim na bilog dahil natamaan ito ng laser beam ng kasamahan ni Alexis. Tumilapon ito sa pader at bumagsak. Bigla namang naglaho ang itim na bilog sa pader at bumalik ang dating nakaguhit na bilog na may pentagram.



Walang malay ang lalaki, si Jemry. Linapitan ito ni ALexis at ng mga kasamahan nito.



"Aron buhatin mo siya." sabi ni Alexis.



Yumuko ang lalaki na merong steel na katawan, si Aron, binuhat nito ang katawan ni Jemry.



Tumayo kami ni Fildon, "Ang pader." sabi ni Fildon.



Nilingon ko at ng iba pa ang pader na may guhit ng pentagram. Ang pulang pentura na nakaguhit ay umaapoy.



"Inplant bomb!" Sigaw ng babae na may kapangyarihan ng ispada. At mabilis pa sa alas kwatro, ang lalaking may kapangyarihan ng laser beam at yung babae na nagpapalabas ng micro-bomb sa kamay ay pinunterya ang bintana, pinasabog nila ang bahaging iyon para maging lagusan.



"Takbo!!" Narinig kung sigaw ni Alexis.



Nakita kong tumakbo sila sa nasirang pader, at ako naman ay parang naging bato at hindi makakilos. Nakatutok ang mata ko sa pader kung saan umaapoy ang nakaguhit na pentagram. Nang bigla na lang hinawakan ni Fildon ang isang kamay ko at hinila ako palabas ng lagusan. At biglang sumabog ang silid na iyon.



Bumagsak kaming lahat sa putik sa labas ng ruins maliban sa lalaking nagtetelport. Tumayo ako at ang iba pa, ang lalaking si Jemry naman ay buhat na rin ni Aron. Nakatanaw kami sa ruins, sa bahagi kung saan kami lumabas. Mabuti at kahit malakas ang pagsabog hindi tuluyang gumuho ang building.



Samantala patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan. Basa kaming lahat. Tahimik lang kami at ang tanging ulan at hampas ng hangin sa mga sanga at dahon ng mga puno sa paligid ang maririnig.



Napalingon ako kay Fildon ng hawakan niya ako sa balikat. "Ok ka lang ba?" tanong nito.



Tumango ako, "Ayos lang ako." sabi ko pero ramdam ko pa rin ang panginginig na mga tuhod ko.



"Travis, paki dala mo sila sa quarters." Sabi ni Alexis sa lalaking may hawak ng golden scale, ito ang lalaking may kapangyarihang magteleport.



Tumango ang lalaki at lumapit ito samin ni Fildon. Hindi ito nagsalita at inakbayan kami nito, at sa isang saglit lang ay bigla kaming napunta sa isang silid.


Continue Chapter 11