YYU - Chapter 11: Good news or bad news?
Naramdaman kong parang nanghihina ang buo kong katawan, parang nawawalan ako ng lakas at ang paningin ko unti-unting dumidilim.
"Shero!" Narinig kong bigkas ni Fildon bago ako mawalan ng malay.
***
Nakahiga ako. Nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung nasan ako. Hinang-hina pa rin ang pakiramdam ko. Kahit pagdilat ng mata ay hindi ko kaya. Hindi ako makagalaw at ang tanging kaya ko lang gawin ay pakinggan ang mga boses sa aking paligid. Ito siguro ang side effect ng ginawa ko kanina.
"Oo sigurado ako sa aking nakita. Kitang kita ng mga mata ko, may kapangyarihan siyang kontrolin ang tubig!" Boses iyon ni Fildon.
"Kung ganun isa siyang aquaist. May Kakayahang manipulahin ang tubig o ano mang uri ng liquid substance. Nagtataglay siya ng pambihirang kapangyarihan, malakas at nakakatakot na kapangyarihan." Boses ng matandang lalaki.
"Nakakatakot? Bakit po nakakatakot?" Boses ni Alexis.
"Dahil ang kapangyarihan niya ay isa sa apat na elemento, tubig, apoy, lupa at hangin. Sa apat na elementong yan, ang tubig ang pinakamalakas. Kapag hindi nagamit ng mabuti at maayos ang taglay niyang kapangyarihan maaari itong magdulot ng kapahamakan sa lahat." Sagot ng matanda.
Kung ganun isa akong aquaist? May kakayahang kontrolin ang tubig. Nakakatakot daw ang kapangyarihan na taglay ko. Ibig bang sabihin isa akong banta sa mga taong nakapaligid sakin?
Ang gulo ng isipan ko, ang daming katanungan naglalaro dito. Maliban sa pagiging kalahating tao at sereno ko, bakit ako may kapangyarihan? Si Alexis at ang ibang mga crimson anong klaseng nilalang sila? Bakit sila may mga kapangyarihan? Binanggit ni Fildon ang hidden, ano ang hidden? At bakit pinagkakainteresahan ng limang crimson ang golden scale?
Kelangan ko ng malinaw na paliwanag sa mga nangyayari dahil kung hindi baka masiraan ako ng ulo sa kakaisip.
Narinig kong bumukas ang pinto, may mga pumasok. Narinig ko ang kanilang mga yabag na papalapit sa higaan ko. Huminto sila. Katahimikan.
"Hindi kayo dapat nag-uusap dito sa loob. Merong nakikinig sa inyo." Boses ng babae. Hula ko nasa mid 30's.
Walang may tumugon. May narinig akong humakbang papalapit sa gawing kanan ko. Nararamdamn ko ang init na nagmumula sa kanya.
"Deaf..." Narinig kong bulong ng babae sa tenga ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero pagkatapos kong marinig ang salitang sinabi niya ay wala na akong marinig. Nakakabinging katahimikan. Kahit paghinga ko ay hindi ko marinig. Alam ng babaeng iyon na gising ako at nakikinig.
***
Nagising ako at agad na sinalubong ang mga mata ko ng nakakasilaw na liwanag mula sa puting ilaw sa kisame. Napatingin ako sa gawing kaliwa ko at nakita ko si Tristan na nakaupo sa silya malapit sakin. Bahagya siyang ngumiti sakin. Binawi ko ang aking mata at inikot sa loob ng silid. Nasa loob ako ng mini hospital ng Yin-Yang. Walang ibang tao dun maliban samin ni Tristan.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tristan, binalingan ko siya.
"Medyo ok na ko." Sabi ko at sinubukan kong maupo, pero hindi pa bumabalik ng husto ang lakas ko kaya muntik ng bumagsak ang likod ko pabalik sa higaan, mabuti na lang at mabilis akong nahawakan ni Tristan sa gawing likuran ng balikat ko, inalalayan niya akong mahiga.
"Magpahinga ka na muna." Sabi nito. Hindi ko alam kung concern siya sakin o ano. Tumagilid ako patalikod sa kanya. At naalala ko ang mga nangyari kanina.
Alam kaya ni Tristan ang mga nangyari? Bakit siya nandito? Asan sina Fildon at Alexis pati na yung iba? Sino ang mga pumasok dito sa kwarto nung wala akong malay? Sino yung matandang lalaki na narinig kong kausap nila Fildon? Sino yung babae na bumulong sa tenga ko?
"Tristan anong oras na?" Mahinang tanong ko.
"Mag-aalas dose ng hating gabi." Sagot nito.
"Bakit ka nandito? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Siyempre binabantayan ka. Ako yung may kasalanan kaya nagcollapse ka at nawalan ng malay. Kung tinulungan sana kita sa paglinis ng court hindi ka napagod ng husto. Sorry."
Kung ganun hindi alam ni Tristan ang mga nangyari. Tumagilid ako paharap sa kanya, napabuntong hininga ako. "Sige na, iwan mo na ko. Huwag mo ng pagurin ang sarili mo sa pagbantay sakin. Hindi mo kasalan ang nangyari sakin." Sabi ko.
Nagulat ako sa ginawa ni Tristan, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "Tumahimik ka, babantayan kita sa ayaw at gusto mo." Sabi nito.
Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko alam kong namumula ang pesngi ko. Awkward. Mahigpit ang hawak ni Tristan sa kamay ko kaya hindi ko ito mabawi. Tinitigan ko siya at nakita kong ngumiti siya sakin. Sira ulo talaga tong lalake na to, hindi ko alam kung anong kalukuhan na naman ang naglalaro sa isip niya.
Hindi ko alam pero napangiti ako ng bahagya. Nagkangitian kami. Hawak niya pa rin ang kamay ko at bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwa nun sina Fildon at Alexis na may dalang mga plastic. Napaangat kami ni Tristan ng tingin sa kanila.
"Oh!" Sabi ni Alexis na tulad ni Fildon ay natigilan at nakatingin sa kamay namin ni Tristan na magkaholding hands.
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Tristan pero mahigpit ang kapit nito sa kamay ko kaya nanatili kaming magkaholding hands.
Kumilos sina Fildon at Alexis at inayos ang mga dala sa ibabaw ng mesa sa tabi ng pintuan sa gawing kanan ko. "Mabuti at nagkamalay ka na." Sabi ni Fildon na nakatalikod. Nakita kong inilabas nito ang laman ng plastic na dala, mga pagkain.
"Medyo ok na ko." Ikling tugon ko.
Lumapit si Alexis at umupo sa kama sa gawing paanan ko. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito.
"Mabuti naman pero mahina pa rin." sagot ko.
"Kelangan mong kumain para bumalik ang lakas mo." Sabi ni Fildon at hinila ang isang silya, ipinuwesto nito sa kanan ko. Kinuha nito ang isang bowl ng sopas at umupo sa dun sa silya "Kelangan ba talagang nakaholding hands?" Puna nito.
Dahil dun mabilis kong hinila ang kamay ko kay Tristan.
"Kaya mo bang umupo?" Si Alexis.
"Hindi." sabi ko.
Tumayo si Tristan at mabilis akong inalalayang umupo. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya dahil sa payakap niya akong inalalayan. "Salamat." sabi ko. Tumango lang si Tristan at tumayo.
"Ako na magsusubo sa kanya." Napaangat ako ng tingin kay Tristan, inaabot nito ang bowl kay Fildon.
"Kaya ko to, maupo ka na lang diyan." Sabat ni Fildon at magkasalubong ang mga kilay.
Bumuntong hinga si Tristan, "Ako na sabi."
"Sabi ko kaya ko na to." si Fildon.
"Ako na, kaya ko naman." Mabilis na sabi ko dahil mukhang nagkakainitan na silang dalawa. Di ko alam kung bakit kelangan pa nilang mag-agawan para pakainin ako. Inabot ko ang bowl kay Fildon, binigay naman nito sakin. Bumalik naman sa upuan si Tristan.
Nagsimula akong sumubo, nakakailang dahil nakatutok ang mga mata nilang tatlo sakin. Parang nakakahiya namang kumain na may nakatingin sakin. Kelangan ba talagang bantayan nila ako sa pagkain?
Pinagpatuloy ko ang pagsubo hanggang sa maubos ko ang supas. Gutom na gutom ako, hindi pala ako nakapaglunch kaninang tanghali. Pagkatapos ko ay kinuha ni Fildon ang walang laman na bowl at tinabi. Inabot nito sakin ang isang baso ng tubig, inubos ko ang laman nun at binalik sa kanya.
"Salamat." Sabi ko. Tumango si Fildon bilang tugon.
Sandaling katahimikan. Walang may umiimik sa aming apat.
Marami sana akong itatanong kay Fildon at Alexis pero pinigilan ko ang aking sarili dahil narun si Tristan. Huminga ako ng malalim at napatingin sa pintuan ng may kumatok doon. Sunod ay bumukas ang pinto. Pumasok ang matandang lalaki at isang babae na nasa mid 30's.
Ang matandang lalaking iyon ay assistant dean ng school. Si Mr. Gumban at ang babae ay hindi ko kilala. Ngayon ko lang siya nakita. Lumapit ang mga ito sa higaan ko. Ang mata ng babae ay nakapako sakin, walang reaksyon sa kanyang mukha.
"Good evening po." Sabay na sabi ni Alexis at Fildon, nanatili akong tikom at si Tristan.
"Good evening din. Mga bata pwede bang iwan niyo muna kami." Mahinang sambit ni Mr. Gumban.
Walang may tumugon kina Tristan, Fildon at Alexis pero lumabas ang mga ito ng silid na walang pagtutol. Umupo ang babae sa silya sa gawing kanan ko kung saan nakaupo kanina si Fildon samantala nanatiling nakatayo si Mr.Gumban.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Simulang tanong ng babae.
"Medyo ok na po." Sagot ko. Ang boses niya, natitiyak kong siya yung babae na narinig kung nagsalita at nakaalam na gising ako kanina, siya yung bumulong sakin.
"Mabuti kung ganun. Ako nga pala si Beverly Goldfield, isa ako sa mga propesora ng crimson class at adviser ng night keepers." sabi ng babae.
Matagal akong natahimik at di nakatugon, isa pala siyang propesora ng crimson at adviser pa ng mga night keepers. Kakaiba ang aura niya, maganda siya at elegante pero parang nakakatakot siya. Matapang ang dating niya.
"Nice meeting you po propesora." Tanging natugon ko lang.
"Shero Tan, narinig namin ang ginawa mo para mabawi ang golden scale. Personal akong nagpapasalamat sayo sa ginawa mo." Sabi ni Mr. Gumban.
"Walang ano man po yun sir. Bilang estudyante po ng Yin-Yang ginawa ko lang po ang sa tingin ko ang tama." tugon ko.
"Isang katapangan ang pinakita mo." Nakangiting sabi ng babae. Luningon ito kay Mr. Gumban.
"Shero gusto kong ipaalam sayo, simula sa lunes malilipat ka na sa crimson class." Napanganga ako sa sinabi ni Mr. Gumban.
"What do you mean sir?" Kinakabahan at nagtatakang tanong ko.
"Effective on monday hindi ka na grey class, magiging crimson class ka na. At dahil na balik na ang golden scale babalik na sa dati ang Yin-Yang. We will observe time rule again." si Mr. Gumban.
"Pero sir mas..." Tututol sana ako dahil ayukong maging crimson. Ayukong maging parti ng mga wild na crimson.
"Wala ng pero-pero Mr. Tan, It's mandatory. Masnababagay ka sa crimson class." Putol ni Mr.Gumban.
"And aside from that, im glad to say magiging parte ka ng night keepers." Nakangiting sabi ng babae na si Prop. Goldfield.
What? As in WHAT? Tama ba yung narinig ko magiging parte ako ng night keepers. NO! Hindi pwede, ayuko. Mga wild at nakakatakot sila. Ayukong maging isa sa mga night keepers.
"Propesora ok na pong maging crimson ako pero ayuko pong maging night keeper." nilakasan ko ang loob ko na sabihin iyon.
Hinawakan ni prop. Goldfield ang kamay ko at pinisil ng bahagya. "You don't have a choice." Nakangiting sabi nito. Binitawan niya ang kamay ko at tumayo.
"Ipapadeliver sayo ang bago mong uniform as soon as possible. Magpahinga ka na Mr. Tan." sabi ni Mr.Gumban na walang reaksyon sa mukha.
"Maniwala ka sakin magugustuhan mo ang pagiging crimson at night keeper, alam kong marami kang katanungan. Huwag kang mahiyang lumapit sakin Shero." Sabi ni prop.Goldfield.
Hindi ako tumugon at pinanood ko silang lumabas ng pintuan. Nakaramdam ako ng kaba. Nilipat ba nila ako sa crimson class dahil sa nalaman nilang taglay kong kakayahan? Ano ang meron sa night keepers bakit ako sinali ni propesora?
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil mapapabilang na ako sa crimson class, ang mga crimson na tinitingala at hinahangaan, mga matatalino at multi-talented. Magfifit kaya ako sa kanila? Good news ba to o bad news? Hindi ko alam, basta ang nararamdaman ko ngayon kinakabahan ako ng subra.