YYU - Chapter 105: Sirgel's New Skill

 


*** SIRGEL'S POINT OF VIEW ***



"Kailan titigil itong ulan?" mahinang bigkas ko sa aking sarili habang nakatungo sa madilim na kalangitan at dinadama ang malamig na patak ng ulan sa aking mukha. Kasalukuyan akong nakaupo sa malaking bato na sa tantiya ko ay nasa dalawang metro ang taas. Kanina pa 'ko naririro at naghihintay sa sino mang manlalaro na maliligaw sa lugar na ito. Hindi ko alam kung nasaang bahagi ako ng war zone pero kung pagbabasihan ang paligid, sa dami ng naglalakihang mga puno dito ay malamang na nasa loob ako ng kagubatan. 

Wala sa loob na inangat ko ang kaliwa kong kamay at sumalo ng tubig ulan, pero wala, wala akong masalo. Mula sa munting liwanag ng light fragment sa aking harapan ay nakita kong malayang pumapatak sa palad ko ang ulan at malaya rin itong dumadaloy at kumakawala. Siguro kung ako si Shero ay makakaya kong ipunin ang bawat patak ng ulan sa palad ko pero hindi ako siya kaya malabo iyon.

Binaba ko ang aking kamay nang may kaunting pagkadismaya, "Si Shero na isang aquaist," sambit ko at puminta sa isip ko ang mukha nito. Isa lang siyang baguhan sa paggamit ng kapangyarihan pero sa laban namin ay hindi ko siya matalo-talo, para sa isang baguhang gaya niya ay masasabi kong malakas siya, paano pa kaya kapag namaster niya na ang mga skills niya? Malakas si Shero, bagay na hindi ko maitatanggi, ang hindi ko lang maintidihan sa kanya ay kung bakit lumabas sa kanyang noo ang earth element symbol  nang hawakan niya ko sa laban namin?

Naputol ang aking pag-iisip nang may maramdaman akong tao sa likuran ko at naglalakad patungo sa direksyon ko. Lumingon ako sa aking likod para tignan kung sino ito at nakita ko ang isang babaeng player mula sa Yin-Yang, si Karrice Lockster, ang time-stopper. 

Huminto siya sa paghakbang nang magtama ang aming mga mata at isang ngiti ang binigay ko sa kanya, isang blankong reaksyon naman ang tinugon niya sa'kin. Kumilos ako at tumalon pababa sa malaking bato at bumagsak ang aking mga paa sa maputik na lupa. Sa puntong ito ay magkaharap na kaming dalawa at mga sampung hakbang ang layo namin sa bawat isa. Pareho kaming tahimik at nakatitig lang sa isa't-isa, walang may gustong magsalita, walang may gustong kumilos.

Si Karrice ay isang neutral user at sa pagkakaalam ko dalawa ang taglay niyang abilidad, ang time-stop at double speed. Ang double speed ay isang active skill at ang time-stop naman ay isang passive skill na ang ibig sabihin ay hindi uubra sa isang elemental user gaya ko. Malakas ang time-stop pero walang silbi ito dahil hindi niya ito magagamit sa'kin. Sa labang ito nasisiguro kong ako ang mananalo, kahit saang anggulo tignan ay walang tsansa na mananalo ang Karrice na 'to sa'kin.

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa'king mukha habang nakatingin ako nang diretso kay Karrice at tinuro ko sa kanya ang nasa taas ng malaking puno sa kanyang kanan. Hindi naman siya nagdalawang isip at agad niyang inangat ang kanyang ulo para tignan kung ano ang naroon. Nakita ko ang biglang pag-iba ng kanyang ekspresyon, mula sa blankong ekspresyon ay napalitan iyon ng pagkagulat at galit. Tama nga ako sa hula ko, hindi matutuwa ang mga taga Yin-yang sa ginawa ko. Kung sa bagay, sino ba naman ang matutuwa sa kanila kapag nakita nila ang isang kateammate nila na nakasabit sa sanga ng mataas na puno?

Binalik ni Karrice ang paningin sa'kin nang may poot at galit, at isang ngisi naman ang ginanti ko sa kanya.





*** KARRICE'S POINT OF VIEW ***



Klaro sa aking paningin ang mga nakita ko, si Keith ay walang malay habang napupulupotan ng mga baging at nakasabit sa sanga ng mataas na puno. Si Sirgel ang may gawa nu'n walang duda. Isa siyang  earthist at isa sa kakayahan niya ay ang plant manipulation at para sa isang passive user gaya ni Keith ay matatalo niya ito nang walang kahirap-hirap. Pero sandali lang, sa pagkakaalam ko ay hindi pa naaacquire ni Sirgel ang plant manipulation skill, at ngayon ay nagagamit niya na ito?

"Kailan mo natutunan ang plant manipulation?" isang tanong ang lumabas sa bibig ko sa nakangising si Sirgel.

Hindi siya agad sumagot at nakita ko siyang humakbang ng tatlong beses at pagkatapos ay huminto, "You mean that thing?" anito at tinuro ang paanan ko.

Binaba ko ang paningin ko sa aking mga paa at nagulat ako sa aking nakita, may mga gumagapang at pumupulupot na maliliit na itim na baging sa aking paa't binti paakyat sa aking hita. Kung hindi pa ito itinuro ni Sirgel ay hindi ko pa ito mapapansin dahil hindi ko ito naramdaman sa aking balat.

"Ano 'to? Tanggalin mo sa'kin 'to," sabi ko kay Sirgel at sinimulan kong hablutin ang mga iyon sa aking binti.

"Ang halaman na 'yan ay tinatawag kong Crawling Curse, sumisipsip 'yan ng mana at para sa kaalaman mo hindi mo matatanggal 'yan, lalo 'yang lumalago at mabilis na lumalaki kapag ang host na kinakapitan niya ay gumagalaw, kaya I suggest manahimik ka diyan sa kinatatayuan mo. Huwag kang mag-alala hindi uubusin ng crawling curse ang mana mo, kusang aalis yan kapag 10% na lang ng mana mo ang natitira sa katawan mo," pagbibigay impormasyon ni Sirgel.

Napatigil ako sa aking ginagawa at tinitigan ko siya nang matalim. "So ito'ng plano mo? Ang ubusin ang mana ko sa pamamagitan ng pesteng halaman na 'to?" naiinis na sabi ko. Hindi maganda itong nangyayari, mauubos ang mana ko nito nang wala sa oras.

Humakbang si Sirgel palapit sa'kin, "Tama, 'yan ang gusto kong mangyari. To think na isa kang neutral user eh wala ka rin namang kakayahan na talunin ako kaya ededrain ko na lang ang mana mo," sabi nito at huminto mga tatlong hakbang ang layo sa'kin.

"Hindi ka rin mayabang 'no? Bakit hindi mo subukang tanggalin ang mga pesteng halaman na 'to at labanan ako nang malaman natin kung sino ang masmalakas sa'ting dalawa? Hindi dahil elemental user ka eh malakas ka na at kaya mo nang talunin ang lahat, masmalakas pa rin si Shero sa'yo," sabi ko na hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan.

Ngumisi si Sirgel at nagsalita, "Ang pagsasabi ng katutuhanan ay hindi kayabangan. Hindi kayabangan kong sasabihin kong mahina ka at malakas ako, fact iyon. And speaking of Shero, oo mas malakas siya kay sa sa'kin, but that is not really a big deal for me. Thanks to him dahil sa kanya naacquire ko ang plant manipulation skill."

Kumunot ang noo ko sa kanyang huling sinabi, "Anong ibig mong sabihing naacquire mo ang plant manipulation skill dahil kay Shero?" nagtatakang tanong ko.

"Sa huling laban namin sinipsip ni Shero ang mana ko, I'm not really sure kung mana o power energy iyon pero after that bigla ko na lang natutunang gamitin ang plant manipulation," sagot ni Sirgel.

Natigilan ako sa mga sinabi ni Sirgel, kung ganu'n hindi kusang naacquire ni Shero ang ice manipulation skill, naacquire niya 'yun dahil kay Sirgel na katulad niya ay isa ring elemental user.


Continue Chapter 106