YYU - Chapter 113: The Black Portgate

 


*** SHINO'S POINT OF VIEW ***



Tumila ang ulan at sumapit ang bukang liwayway. 



Unti-unting lumiwanag ang kapaligiran.



Kakatapos ko lang talunin si Frejim at heto isang kalaban na naman ang nasa aking harapan. Isang mob na kamukha ko, kawangis ko ito mula itsura at pati na sa kasuotan. Ang lagay, dahil kamukha ko ito ibig sabihin ay siguradong magkapareho rin kami ng kapangyarihan, maliban na lang kung nagpasya ang council na ibahin ang kapangyarihan nito katulad noong first game sa laban ni Shero na sa tingin ko ay hindi naman nila gagawin ngayong final game. 



Gawa sa advance magic simulation ang mga mobs kaya hindi pwedeng e-underestimate ang kakayahan ng mga ito. Curious ako kung gaano kalakas itong mob na kawangis ko. Malakas kaya ito o mahina? 



Para masagot itong katanungan ko ay dapat ko nang simulan ang laban pero bago iyon ay  nilingon ko ang direskyon nina Lilyu at Maru. Napakunot ako ng noo dahil wala sila roon. Saan napunta ang dalawang iyon? Hindi ko napansin na wala na ang mga ito dahil ang buong atensyon ko ay nakapokus sa mob na bigla na lamang lumitaw sa harapan ko. 'Di bali na nga, masmabuti nang wala ang mga iyon dito.



Para sa unang atake ay mabilis kong tinutok sa mob ang kanang kamay ko at ginamit ko rito ang blood manipulation. Sa hindi inaasahang tagpo ay mabilis itong nakatugon sa ginawa ko at nagawa nitong atakehin ako pabalik gamit din ang blood manipulation. Halos sabay kaming umatake kaya naman magkasabay kaming tumilapon sa damuhan.



Mabilis akong bumangon at agad kong ginamit ang ice creation/manipulation. Habang bumabangon ang mob ay inatake ko ito, pinatubo ko sa lupa sa paligid nito ang malalaki at matutulis na yelo ngunit mabilis itong nakatalon kaya naiwasan niya ang mga iyon.



Tulad ng inaasahan ko, kumagat ito sa patibong ko. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para sa sunod kong pag-atake, habang nasa ere ito at ang atensyon ay nasa matutulis na yelo,  ginamitan ko  ito ng blood manipulation.



Humampas ang mob sa malaking puno. Isang kumpas pa ng kamay ko at tumilapon ito sa damuhan. Sa pagkakataong iyon ay nagawa nitong makabawi, ginamit nito ang ice creation at nagpatubo ng malalaki at matutulis na yelo sa tinatayuan ko. Tumalon ako para maiwasan ang mga iyon, habang nasa ere ay ginamit niya sa'kin ang blood manipulation. Ang kapal ng mukha ng mob na ito, at talagang kinopya niya pa ang technique ko.



Hindi nagtagumpay ang mob sa pag-atake sa'kin dahil habang nasa ere ako ay mabilis akong nakagawa ng maliliit at matutulis na mga ice dagger. Nakalutang ang mga iyon sa hangin at nakapalibot sa mob, ginamit ko ang mga iyon para atakehin ito.



Mabilis na na tumalon at gumulong ang mob para iwasan ang mga ice dagger ngunit hindi nito nagawang iwasan lahat. Tinamaan ito sa kaliwang kamay, sa kanang braso, sa hita at sa likod. Nakita kong natunaw ang mga ice dagger na tumama sa mob at dahil gawa sa advance magic simulation ito kung kaya dumugo ang mga sugat nito pero mabilis rin iyong humilom at nawala. Inaasahan ko nang mangyayari iyon kaya hindi na ako nagulat pa. Naisip ko, ayos rin palang kalaban itong mob, magandang ensayo ito para sa'kin. Sa totoo lang kaya ko itong talunin ngayon din mismo pero hindi ko gagawin iyon dahil gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya nitong gawin. Mamaya kapag nagsawa ako saka ko ito tatapusin.



Sa pagkakataong ito ay hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko, gusto kong itong mob naman ang umatake sa'kin. Nakita ko itong gumalaw, tinaas nito ang dalawa nitong mga kamay at ginamit ang ice creation, biglang nagkaroon ng matutulis na ice sword na nakalutang sa hangin at pinalibutan ako.



Tumaas ang isang kilay ko. Seryuso? Parang walang kakwenta-kwenta itong mob na kalaban ko. Ginagaya lang nito ang mga atake na ginawa ko.



Nakita kong kinumpas ng mob ang mga kamay nito hudyat ng pag-atake, lumipad ang mga ice sword patungo sa'kin. Mabilis kong ginamit ang ice creation at gumawa ako ng ice shield, kinulong ko ang aking sarili sa loob ng malaki at makapal na yelo para hindi ako tamaan ng mga iyon. Ilang saglit lang at nakita ko namang nagkaroon ng malilit at matutulis na yelo sa loob ng ice shield , para iyong mga kabote na bigla na lamang tumubo kahit saan, mabilis na lumaki at humaba ang mga iyon.



Hindi ako naging maingat at masyado akong naging kampante kaya nakaligtaan kong isipin na pwede palang gamitin ng mob itong ice shield para atakehin ako mula rito sa loob. Bago pa ako tuluyang matusok ng mga matutulis na yelo ay binasag ko na ang ice shield. Inaasahan ko namang may panganib na naghihintay sa'kin kapag ginawa ko iyon kaya hinanda ko na ang aking sarili at hindi nga ako nagkamali. May mga bagong ice sword na nakalutang sa hangin at mabilis na lumipad ang mga iyon sa direksyon ko.



Gumulong ako sa damuhan para iwasan ang mga iyon ngunit dahil sa subrang dami ng mga ito kung kaya tinamaan pa rin ako. Isang ice sword ang bumaon at tumagos sa kanang balikat ko, at nadaplisan naman ako sa pisngi, sa magkabilang braso at binti.



Hinawakan ko ang ice sword na nakabaon sa  balikat ko at bigla itong naglaho. Isang nagdurugong sugat ang iniwan niyon sa aking balikat at tinakpan ko ito gamit ang ice creation. Wala nang oras para gamitin ko ang healing skill dahil sa puntong ito ay gusto ko ng tapusin itong mob at isa pa simulation lang naman itong sugat na natamo ko. Ramdam kong masakit ang sugat na natamo ko pero baliwala ito, hindi ko ito ikakamatay.



Minaliit ko ang kakayahan ng mob na ito. Ayaw ko mang tanggapin pero ang totoo'y naisahan ako ng kutong lupa na 'to. Isang kahihiyan sa parte ko ang nangyari kaya para makabawi isang magandang pagtatapos ang ipapakita ko.



Ginamit ko ang ice creation at dahil dito'y nabalot ng yelo ang lupang tinatayuan ko, mabilis itong gumapang at kumalat sa damuhan, sa mga halaman at mga puno sa paligid. Ang lahat ng mga puno't halamat sa paligid na abot ng paningin ko ay binalot ng yelo. Nagmistulang magandang tanawin ang buong paligid dahil sa ginawa ko, masasabi kong perpekto na sana ang lahat ngunit hindi dahil sa mob na nanatiling kawangis ko. Hindi ito naging yelo dahil nilabanan nito ang kapangyarihan ko.



Tinutok ko ang aking dalawang kamay sa aking harapan, "Ice dragon!" sambit ko at mula sa wala ay unti-unting nabuo ang isang malaking dragon na nasa 30 metro ang haba. Tinitigan ko ito, nakataas ang ulo nito at nakatayo ang unahang parte samantalang nakagapang naman ang kalahating parte nito sa hulihan. Ang ganda ng pagkakagawa ko rito, unang beses ko pa lang itong ginawa pero polidong-polido na. 



Ngayon tignan natin kung ano ang kayang gawin nitong ubra ko, "Attack!" sambit ko.



Gumalaw ang ice dragon at mabilis nitong inatake ang mob na nakatayo sa malayo. Nakita kong iniwasan ng mob ang bawat atake ng ice dragon sa pamamagitan ng pagtalon-talon sa mga nagyeyelong mga puno. Ang bawat sanga naman na natatamaan ng nguso ng ice dragon ay nababasag at nagdudulot iyon ng tunog na parang mga nababasag na crystal na baso.



Pinanood ko ang ice dragon at ang mob, ang ganap ay para akong nanonood ng live movie. Kahit papaano ay napahanga ako sa mahikang gumawa sa mob na ito. Maganda ang pagkakagawa ng mga council dito, para itong totoong hidden.



Makaraan ang ilang saglit ay nagsawa na ako sa aking nakikita. Hindi tumitigil sa paghabol at pag-atake ang ice dragon at panay naman ang pag-iwas ng mob. Wala ng nangyayari na maganda kaya oras na para tapusin ito.



Nakita kong tumalon ang mob sa ere para iwasan ang atake ng ice dragon at sa sandaling iyon ay ginamit ko rito ang blood manipulation para pahintuin ito sa pagkilos. Hindi nakagalaw ang mob at nanatili itong nakalutang sa ere, automatiko namang  huminto ang ice dragon sa pag-atake. Gamit ang blood manipulation ay pinalapit ko sa akin ang mob at nang tuluyan na itong makalapit ay sinakal ko ito sa leeg gamit ang kaliwa kong kamay. Tinitigan ako nito sa'king mga mata at bilang sukli ay blankong titig naman ang binigay ko dito. Isa itong mob, sa madaling salita wala itong emosyon kaya kahit titigan ko ito nang masakit ay hindi ito masisindak. 



Hindi makagalaw ang mob dahil nasa ilalim ito ng blood manipulation at ang leeg naman nito ay nakasakal sa kaliwang kamay ko. Gamit ang ice creation at pinakalat ko ang yelo mula sa leeg nito patungo sa ulo at buong parte ng katawan nito. Nang tuluyan ng maging yelo ang kabuuan nito ay binitiwan at tinulak ko ito. Bumagsak ang nagyeyelong katawan ng mob sa nagyeyelong damuhan dahilan para mabasag at magkapira-piraso ito.



Tinignan ko ang mga nagkalat at pira-pirasong parte ng mob, kung sakaling muling mabuo ito ay dapat handa ako. Ilang segundo ang lumipas at nakita kong naglaho ang mga pira-pirasong iyon. Sa harapan ko naman mga dalawang dipa ang layo sa'kin ay biglang may lumitaw doon na black portgate.



Sumilay ang isang ngiti sa aking labi dahil sa aking nasilayan. Hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa black portgate ngunit napahinto ako sa paglakad dahil merong tumawag sa pangalan ni Shero.



"Shero!" tawag ng isang pamilyar na boses ng lalaki.



Lumingon ako at nakita ko si Kenver na nakatayo sa di kalayuan, bigla na lang itong sumulpot kung kelan bumukas ang black portgate. Kung pinaplano nitong unahan ako sa pagpasok sa portgate ay iyon ang hindi ko mapapayagan. 



"Move an inch and I'm gonna fuck*ng kill you!" seryusong banta ko rito at agad ko nang binawi ang aking paningin at pinagpatuloy ko ang aking paglakad patungo sa black portgate.


Continue Chapter 114