YYU - Chapter 50: Haven University

 



*** SHERO'S POINT OF VIEW **



Alas singko y media ng umaga at kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno malapit sa forbidden building. Ako pa lang ang naririto sa campus, wala pa ang iba kong mga kasama na mga representatives. Sinabi ni prop Goldfield na dapat daw alas sais nandito na sa Yin-Yang kaya inagahan ko ang pagpunta. Seryuso si prop sa sinabi niya kagabi kaya mabuti ng sumunod sa kanyang utos.



Nagising ako kanina mga bandang alas kwatro at paggising ko wala na si Tristan. Umalis ito habang tulog ako, kelangan rin kasi nitong umuwi para mag-impake ng mga gamit. Ang sinabi niya kagabi sakin ay parang isang panaginip, hanggang ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko alam kong serysuso siya sa mga sinabi o hindi, baka nga pinagtitripan niya lang ako pero bahala na, paniniwalaan ko na lang ang sinabi niya dahil iyon ang pinakamagandang narinig ko mula sa kanya simula noong una kaming magkita.



Naputol ang aking pag-iisip at napatingin ako sa bulsa ng aking suot na polo na kulay asul na pinarisan ko ng itim na shorts at converse shoes.  Naka cevilian ako at hindi naka-uniform ngayon dahil wala namang binilin si prop Goldfield kung ano ang aming susuotin. Binaon ko na lang din ang isang pares ng aking crimson uniform para kung sakaling kelangan ay meron ako.



Tahimik na pinasok ko ang aking kaliwang kamay sa bulsa ng aking polo at dinukot ang nakatupeng papel na kulay dilaw sa loob. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang mensahe. Binasa ko ang nakasulat...



"Huwag kang tumuloy sa quadrangular match kung ayaw mong pagsisihan ang mga mangyayari pagkatapos ng laban."



Tiniklop ko ang maliit na papel at binalik sa aking bulsa. Nakuha ko ito sa loob ng unit ko sa harapan ng main door kanina nung paalis na ako. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala nito para balaan ako, wala akong ideya. Kung sino man iyon hindi ko alam kung ano ang kanyang motibo at binabalaan ako. Siguro ang nagpadala nito ay isa sa mga estudaynte ng makakalaban naming school, baka prank ito o baka gusto nilang hindi buo ang mga representative ng Yin-Yang sa quadrangular match. Prank man ang mensahe o hindi ay wala akong masasabi dito.



Nagtataka lang talaga ako, ano ba ang meron sa quadrangular match? Bakit sinasabi sa mensaheng iyon na pagsisihan ko ang mangyayari pagkatapos ng laban? Ano ba ang nakatakdang mangyari pagkatapos ng Q-match? Hay naguguluhan ako. Hindi naman ako pwedeng umatras, hindi madaling gawin iyon dahil magagalit si prop Goldfield, si Mr.Gumban, ang buong crimson, mga grey at pati na ang mga makakasama kong mga representatives. Ang mensaheng iyon, oo, meron akong kutob na may katuturan ito pero ano ang magagawa ko?. Gusto kong umatras pero nandito na ako, wala na akong magagawa kundi harapin ito. Ang tangi ko na lang magagawa ngayon ay umasang magiging maayos ang lahat. Hindi ko na lang ito iisipin...



Napaangat ako ng ulo, mukhang uulan ngayong araw dahil sa madilim na kalangitan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at napalingon ako sa paligid ng umihip ang malakas na hangin. Pagkaraan ay binaling ko ang aking paningin sa malawak na soccer field sa aking harapan at nakita ko ang pagliparan ng mga tuyong dahon. 



"Shero."



Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Tonique, papalapit ito sakin. Nakasuot ito ng kulay pulang t-shirt na pinatungan ng kulay grey na jacket, itim ang kulay ng pantalon nito at pula naman ang sapatos.



"Tonique ikaw pala, magandang umaga." Bati ko.



"Magandang umaga din." Tugon nito at dinampot ang malaking travelling bag ko.



"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.



"Ikaw na lang ang kulang, akala namin inindyan mo na kami." Sagot nito.



Nagsalubong ang mga kilay ko. "Kanina pa ako nandito." Sabi ko.



"Well, mukhang hindi ka nasabihan na ang meeting place ay sa admin's building." Sabi ni Tonique at tipid na ngumiti.



"Hindi nga." Tugon ko naman at sumunod kay Tonique patungo sa admin's building na nasa kanlurang bahagi ng campus malapit sa gate. Wala akong kaalam-alam na sa admin's building ang meeting place, kung nagkataon pala ay maiiwan ako.


***


Naunang pumasok si Tonique sa maindoor ng Admin's building at sunod ako. Pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ng mga tingin ng mga kasama kong mga representatives na nakaupo sa kulay maroon na couch sa waiting area, narun rin si prop Goldfield at Mr.Gumban at nakatayo katabi ang dalawang may edad na babae na nakasuot ng all black na formal suit. Hindi ko kilala ang dalawang babae, pero sa nakikita kong ayos nila mukhang mga witch sila dahil sa hawak nilang mga baston na merong pulang bato sa dulo ng hawakan.



"Good morning." Mahinang bati ko, nakita kong tumango si prop Goldfield habang ang iba naman ay nanatiling walang kibo. Pasimpli kong tinignan ang suot kong relo, 10 minutes before 6:00am. Muntikan pa pala akong mahuli kung hindi ako nakita ni Tonique.



"Kompleto na ang lahat, so sa tingin ko pwede na tayong umalis." Sabi ni Mr.Gumban.



"Tayo na kung ganun." Sabi naman ng isang babae na kulay brown ang buhok. Kumilos ito kasama ang isang babae na kulay pula ang buhok, humarap ang mga ito sa puting pader na katabi ng main door ng building.



"Magsitayo na kayo at aalis na tayo." Baling ni prop Goldfield sa mga nakaupo kong mga kasama.



Nagsitayuan ang mga kasama ko at kanya-kanyang kuha ng kanilang mga bag. Tumayo ang mga ito sa likod ni prop Goldfield at Mr.Gumban na nakatayo naman sa likuran ng dalawang babae na kasalukuyang nagcacast ng spell para magbukas ng port gate. Kung ganun sa port gate pala kami dadaan, how convenient.



Nasa likuran naman ako at katabi ko si Tonique, inabot nito ang bag ko. "Salamat." Sabi ko. Tumango si Tonique bilang tugon at humakbang palapit kay Travis at Grandeline na nanonood sa ginagawa ng dalawang witch.



"Saan ka pumunta? Bakit ngayon ka lang?" Napalingon ako kay Tristan na mahinang nagsalita sa aking likuran.



"Kanina pa ko, dun ako naghintay sa bench malapit sa forbidden building." Mahinang sagot ko.



"Wrong spot." Pabulong na sabi nito at biglang hinila ang kamay ko palapit sa kanya.



Napasubsob ako sa kanya. "Tristan..!" Mahinang bikas ko at lumayo ng kunti sa kanya, binigyan ko siya ng warning look. Ayaw nitong bitawan ang kamay ko.



"What..?" Sabi nito at bigla akong hinalikan sa pesngi.



"Sweet." Napatingin ako kay Tonique na nakalingon samin.



Nagkibit balikat ako at napailing, alam na ng lahat ang tunkol samin ni Tristan simula kagabi nung halikan ako nito ng walang pagdadalawang isip dito mismo sa loob ng Yin-Yang sa harap ng ng mga crimson. Ano pa ang magagawa ko? Dedeny ko pa ba yun? Hindi ako pabor sa paghalik sakin kagabi ni Tristan dahil maraming hindi magandang epekto ito, una sa pamilya ko, baka makarating ito kay mama at papa at sa kapatid ko, at pangalawa sa image ko dito sa Yin-Yang. Sa totoo lang hindi naman ako bakla, im just curios, i guess? Well, dati babae ang gusto ko pero hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lang akong nagkagusto kay Tristan. Hindi ko naman ginusto na magkagusto ako sa kapwa ko lalake, basta nangyari na lang ito bigla. Gusto ko rin naman ng normal na relasyon,  ang magkarun ng girl friend pero ito ang nangyari, kusa itong nangyari at okay lang sakin to.



Napalingon na rin si Travis at Grandeline samin ni Tristan. Ngumiti ang mga ito, umismid ako sa kanila. Ngayon nakabantay na sa kilos ko ang mga mata nila, sa tingin ko hindi talaga magandang ideya ang ginawang paghalik sakin ni Tristan kagabi. Binalingan ko si Tristan at dinilatan ng mata. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at iniwanan siya sa likuran. Lumapit ako kina Travis, Grandeline at Tonique.



"San ka galing?" Mahinang tanong ni Travis.



"Dito lang sa loob ng campus, di ko alam ang meeting place wala kasing may naginform sakin." Sagot ko.



"Hindi ka nakatanggap ng text galing kay prop Goldfield?" Tanong ni Grandeline.



Umiling ako. "Hindi, bakit nagtext ba siya sa inyo?" Nagtatakang tanong ko.



Nakita ko silang tumango. Talaga? At bakit  wala akong natanggap? Baka naman hindi ako nasama sa nasendan ng message. Nakakapagtaka naman yun.



Napabaling ang atensyon ko sa harapan ng biglang lumiwanag ang paligid pero sandali rin naman iyong nawala. Natapos na ang ginagawa ng dalawang witch at iyon ay ang bilog na portgate sa pader, kulay asul ito at para itong makapal na ulap, katulad ito sa portgate na pinasukan namin sa night keeper's match.



Humarap samin ang dalawang may edad na babae.



"Sino sila?" Mahinang tanong ko.



"Si prop Blare at prop Arelan ng Haven University. Si prop Blare yung may brown na buhok at si prop Arelan naman yung may pulang buhok." Mahinang sagot ni Tonique habang nakapako ang mga mata sa dalawang babae.



"Bukas na ang portgate, ngayon sumunod kayo sakin." nakangiting sabi ni prop Arelan at nagpatiunang pumasok sa portgate. Naglaho ito, sumunod naman si Mr.Gumban at agad din itong naglaho.



Nilingon kami ni prop Goldfield. "Ok oras na para pumasok, make a line." Utos ni prop.



Mabilis kaming kumilos at gumawa ng linya, una si Nathaniel, sunod si Karrice, Lilyu, Maru, Tonique, Grandeline, Travis, ako at si Tristan. Habang nakapila sa linya ay naramdaman ko ang kamay ni Tristan na biglang pumulupot sa tiyan ko, niyakap ako nito mula sa likuran.



"Tristan umayos ka nga, ang harot mo." Mahinang sabi ko sabay tanggal sa kamay niya pero huli na ang lahat dahil nakita kami ni prop Goldfield sa ganung ayos. Nakita kong umiling si prop sabay alis ng paningin samin.



Tinanggal ko ang kamay ni Tristan sa tiyan ko, wala talagang delikadezo ang lalakeng ito. Gagawin talaga niya ang gusto niya ng hindi nag-iisip.



"Tristan umayos ka nga, ang daming tao oh." Baling ko dito.



"So?" Tugon nito na parang walang pakialam.



"Anong so? Hindi mo ba naisip na bawal idisplay yang ginagawa mo?" Nakakunot noong sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti, hay naku, wala talaga siyang pakialam sa mga ginagawa niya at sa sasabihin ng ibang tao.



"Ok, ok relax. Sige gawin na lang natin kapag walang tao." Sabi nito at kinindatan ako. Feeling ko namula ang pesngi ko sa sinabi niya kaya mabilis akong tumalikod at hindi kumibo. Hay naku Tristan saksakan ka talaga ng magandang ugali, hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sayo.



"Now let's move, follow me." Malakas na sabi ni prop Goldfield at humakbang ito papasok sa portgate. Naglaho si prop at nagsimula na rin kaming kumilos, sumunod na pumasok si Nathaniel, sunod si Karrice, Lilyu, Maru, Tonique, Grandeline, at Travis.



Napahinto ako sa paglakad at humugot ng malalim na hininga bago ako pumasok sa portgate. Tumagos ako at lumabas sa lagusan. Agad kong nakita ang mga nauna kong mga kasama na nakatayo sa harapan ko, napalingon naman ako kay Tristan ng bigla itong sumulpot sa aking tabi.



Agad kong napansin ang berdeng kapaligiran, ang araw at ang bughaw na kalangitan, kabaligtaran ito sa nakita ko kanina sa Yin-Yang na parang uulan. Tinignan ko ang aking relo at nakita ko ang oras. Alas otso na, pumasok kami sa port gate mga six tapos lumabas kami ng alas otso? Kung ganun dalawang oras ang nagamit namin para makarating sa lugar na ito, pero parang ilang segundo lang iyong pagpasok at paglabas namin sa portgate.



Binaling ko ang aking paningin sa harapan kung saan  nakatingin ang lahat,  nasa harapan namin ang antique at malaking gate na nakasarado, maganda ang pagkakadesinyo sa gate parang tribal ang narun. Hindi ko maintindihan ang larawan pero maganda ito. At sa taas ng gate ay merong nakakabit na malaking lumang signboard.



"Haven University..." Narinig kong sambit ni Tristan.


Continue Chapter 51