YYU - Chapter 51: Danger awaits!

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



 Kasalukuyan kaming nasa harap ng luma at nakasaradong gate na kulay itim ng Haven University, ang university na ito ay exclusibo para sa mga estudyanteng witch at warlock. Dati nung hindi pa ako kasali sa night keepers ay inakala kong ordinaryong paaralan lang itong Haven Univeristy pati na ang Lunar at Fortis pero hindi pala, napag-alaman kong ang tatlong University na ito ay exclusibo lamang para sa mga hiddens at hindi sila tumatanggap ng ordinaryong estudyante maliban na lamang kung isang human guardian ito.



Napalingon ako sa paligid, ang Haven University ay napapalibutan ng matataas na pader at mga naglalakihang uri ng kahoy, para itong nasa gitna ng masukal na gubat. Siguro sinadya talaga itong  itayo sa lugar na ito dahil nga mga witch at mga warlock ang mga pumapasok dito. Alam kong nasa isang isla kami ngayon na sakop ng Visayas pero hindi ko alam kung ano ang tawag.



Tinutok ko ang aking mga mata sa harapan ng makita kong nagkacast ng spell si prop Arelan. Nakataas ang kanang kamay nito na may hawak na baston at nakatutok sa gate. Bigla ko tuloy naalala ang matandang warlock na nagbigay sa akin ng kapangyarihan, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit sa akin niya binigay at pinagkatiwala ang kanyang kapangyarihan at ang kwentas na isa sa mga celestial rare items, pero wala na sakin ang kwentas dahil nasa pangangalaga na ito ngayon ng Hidden International Federation.



Nakita kong binaba ni prop Arelan ang kanyang baston at nagsimulang gumalaw ang mga tribal na desinyo sa lumang gate na yari sa bakal. Narinig ko ang tunog na nilikha ng ingay nito. Parang may buhay ang mga desinyo at parang puzzle ito na nagkadikitdikit, ilang sandali pa ay nagkaroon ng bagong porma ang desinyo. Ang tribal na desinyo kanina na hindi ko maintindihan ay nagkaroon ng malinaw na larawan sa gitna ng gate at iyon ay ang pinagsamang kalahati ng araw at buwan at sa paligid nito ay mga bituin.



Pumailanlang ang malakas na tunog ng metal at dahan-dahang bumukas ang malaking gate. Nang tuluyan na itong bumukas ay tumambad saming harapan ang malapad at mahabang tulay na semento na sa tingin ko ay mga nasa 100 metro ang haba. Natanaw ko sa dulo ng tulay ang isa pang malaking gate na nakasarado at yari sa kahoy. Nakapalibot din doon ang mataas na pader. Siguro nasa loob na ng pangalawang gate ang mismong paaralan. Boarding school kasi itong Haven University kaya siguro ganito ang ayos ng kanilang paaralan. Sa ilalim naman ng tulay ay ang malawak at buhay na ilog.



"Welcome to Haven University!" Sabay na bati nina prop Blare at prop Arelan na nakaharap at  nakangiti samin.



"Shall we go now?" Malugod na wika ni prop Blare.



"Let's go." Nakangiting tugon ni Mr.Gumban at nilinkis ni prop Blare ang kanang kamay sa braso nito. Sabay na naglakad ang mga ito at sumunod kami. Naiwan naman si prop Arelan para magsarado ng gate.



Habang naglalakad ay lumapit ako kay Shero, kaming dalawa ang nasa hulihan. Inabot ko ang kanyang malaking bag na nakasukbit sa kanyang kanang braso.



"Kaya ko na to." Napalingon sakin si Shero sabay tanggi.



"Akin na kasi, huwag ka ng makulet." Sabi ko.



"Sabing kaya ko na to. Magaan lang naman to eh." Wika nito at binaling ang paningin sa harapan.



Inabot ko ang kanyang bag at pwersahan itong hinila, nakuha ko ito.  Napatigil kami sa paglakad. "Shero alam mo ang kulet mo, ikaw na nga itong ang ginagawan ng pabor tapos ayaw mo pa. Magdedeny ka pa, eh halata namang nabibigatan ka dito sa bag mo." Pagsusungit ko, nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.



"Nabibigatan? Sino nagsabi? Akin na nga yan..."  Sabi nito sabay hawak sa strap ng bag,



"Ang kulet mo talaga, sige kunin mo at hahalikan kita." Banta ko sa kanya, natigilan ito sa paghila at agad nitong binawi ang kamay. Pinandilatan niya ako ng mata pero nanatili siyang walang imik. Gusto kong mapangiti sa kanyang reaksyon, ayaw na ayaw talaga nito ng PDA.



"Bahala ka nga!" Sabi nito at iniwanan ako.



Aba at talagang iniwan ako, inayos ko ang pagkakasukbit ng kanyang bag sa balikat ko at nilakihan ko ang aking hakbang para makasabay sa kanya. Ako na nga itong nagmamagandang loob sa kanya tapos ayaw pa niya? Kakaiba tong Shero na to.



"Ang bilis mo namang maglakad hinay-hinay naman." Sabi ko kay Shero ng magkapantay na kami. Umakto akong nahihirapan nung lumingon siya sakin.



"Ginusto mo yan diba? Panindigan mo." Tugon nito at ngumiti na parang nang-iinis.



Ay Shero buti na lang at cute ka dahil kung hindi naku ewan ko lang. "Baby ko, ito na nga oh tinitiis ko ang bigat ng bag mo para hindi ka mahirapan." Sabi ko.



"Baby? Kailan mo pa ko naging anak?" Lumingon ito sakin na magkasalubong ang mga kilay.



Luko talaga tong si Shero. Sinusubukan ko na nga maging sweet sa kanya tapos ginaganito pa niya ako. Ano kaya nakain nito at hindi maapreciate ang ginagawa ko? Baka ayaw niya ng gentleman o baka hindi lang siya sanay sa ginagawa ko?



"Baby Shero ang corny ng joke mo." Sabi ko at ngumiti.



Binalingan niya ko at nakita ko siyang ngumiti, lalo siyang nagiging cute kapag nakangiti. "Thanks sa pagdala ng bag ko." Sabi nito.



"Basta sa baby ko." Tugon ko at kinindatan ko siya, agad nitong binawi ang paningin. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kinikindatan ko siya nahihiya siya at namumula, ang kulet niyang panoorin sa ayus niyang yun.



Narating namin ang loob ng pangalawang gate at iyon na nga mismo ang campus ng Haven University. Sa tantya ko ay kasing laki lang din ito ng Yin-Yang. Sa bungad ng gate ay agad na makikita ang soccer field at sa paligid nito naman ay nakatayo ang mga low rise na mga school building. Mga luma na ang mga school building pero nakikita kong solido at mukhang matibay talaga ang pagkakagawa sa mga ito. Wala akong nakikita kahit isang estudyante sa paligid, siguro wala silang pasok dahil sabado.



Dumiretso kami sa visitor's house na nasa pinakadulong bahagi ng campus. Kung ang entrance gate ay nasa hilaga ang visitor's house naman ay nasa timog na bahagi. Apat ang visitor's house at ipinangalan ang mga iyon sa apat na university, Lunar, Yin-Yang, Fortis at ang Haven. Luma na ang mga bahay na hanggang pangatlong palapag pero hindi ito kasing luma ng mga school building, siguro nasa 20 years ang tanda ng mga bahay at may 40 metro ang layo sa bawat isa.



Malayo na itong visitor's house sa mga school building at napapalibutan ito ng mga naglalakihang puno sa paligid. Ang dormitoryo naman ng mga estudyante ay nasa silangan at kanlurang bahagi ng campus, ang dorm ng mga lalake ay nasa silangan at nasa kanluran naman ang sa mga babae.



Pumasok kami sa loob ng Visitor's house ng Yin-Yang at inassign kami ni prop Goldfield sa aming mga silid. Kasama ko sa silid sa second floor si Maru,  sa kabilang silid naman ay magkasama ang tatlo na sina Tonique, Travis at Keith at sa isang pang silid ay si Mr.Gumban. Ang kasama naman ni Shero sa silid sa third floor ay si Lilyu. Narun rin sa Third floor ang silid ng magkasamang Karrice at Grandeline, at pati na ang kay prop Goldfield. Sa baba naman ng bahay ay narun ang malawak na sala, hapag kainan at lutuan.



Kakapasok ko lang sa aming silid ni Maru, nanggaling kasi ako sa silid nina Shero dahil hinatid ko ang bag nito. May dalawang single bed sa kwarto, okupado ni Maru ang isa na malapit sa pinto at kasalukuyan itong nag-aayos ng gamit doon. Inukopa ko naman ang bakanteng kama na malapit sa malaking sliding window.



Nilapag ko ang aking bag sa kama at lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Sinalubong ako ng malamig na hangin, napakapresko nito, masarap langhapin. Bumalik ako sa aking kama at umupo, sinimulan ko ang pag unpack ng aking mga gamit. Nakaharap ako sa bintana at nakatalikod ako kay Maru, napalingon ako dito ng magsalita ito. Naagaw nito ang pansin ko sa kanyang mga sinabi kaya napatigil ako sa aking ginagawa at tinuon ko sa kanya ang aking buong atensiyon. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya.



Ito ang kauna-unahan kong pagsali sa quadrangular match, at isang reserve player lang ako, ibig sabihin hindi ako makakalaban sa match at ang pitong kasama ko ang mga lalaban. Kung totoo itong mga sinasabi ni Maru sakin tunkol sa Q'match ibig sabihin ay may nakabadyang panganib sa laban. Seryuso si Maru sa mga sinabi niya, isang sinsitibong bagay ang binahagi niya sakin. May malaking panganib na naghinhintay sa mga manlalaro sa Q'match at kabilang na run si Shero. Nakaramdam ako ng kaba, isang reserve player lang ako kaya hindi ako makakalaban, hindi ko mapuprotektahan si Shero kung sakali.



Napatingin ako kay Maru ng tumayo ito, seryuso ang mukha nito. "Huwag kang mag-alala, kaya ako nandito sa quadrangular match ay para kay Shero. Siya ang dahilan kung bakit ako sumali..." Sabi ni Maru.



Hindi ako nakaimik sa kanyang mga sinabi, ano ang ibig nitong sabihin? Magsasalita sana ako pero mabilis itong tumalikod at lumakad patagos sa pintuan.


Continue Chapter 52