YYU - Chapter 52: Hot Tempered!

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Kasama ko sa silid si Lilyu, ang transferee na isang illusionist, siya yung nakita kong estranghero nung nagdaang linggo na may kakayahang gumawa ng ilusyon. Isa siyang mix blood, half-merman half-fairy. Nakahiga siya sa kanyang kama malapit sa bintana at nakapikit. Ako naman ay kasalukuyang nag-aayos ng aking mga gamit sa ibabaw ng aking kama na malapit  sa pintuan ng silid.



"Anong sabi ng mga magulang mo nung magpaalam ka sa kanila para dito sa Q'match?"



Napatigil ako sa pagtupe ng aking damit at napalingon kay Lilyu na biglang nagsalita. Nakapikit ito at hindi gumagalaw.



"Sinabi nilang mag-ingat ako at good luck." Wala sa loob na sagot ko. Yung totoo kasi ay hindi ako nagpaalam na sasali ako sa quadrangular match. Ang paalam ko sa mga magulang ko kagabi ay sasama ako sa educational fieldtrip ng Yin-Yang dahil isa ako sa siyam na estudyante na napili ng schoool. Yung celphone ko nga ay iniwan ko para hindi nila ako matawagan dahil alam ko time to time ay eche-check nila ako ngayong out of town ako.



"Bawat isa satin ay may mga dahilan kung bakit tayo ngayon nandito. Ikaw Shero ano ang dahilan mo?" Sunod na tanong ni Lilyu.



"Nandito ako para sa Ying-Yang, para erepresent ang school." Diretsang sagot ko. Ano ba namang tanong yun? Lahat naman kami nandito para lumaban para sa school.



"Iyon lang ang dahilan mo?" Ani Lilyu na nakapikit pa rin, hindi ito gumalaw mula sa pagkakahiga.



"Bakit meron pa ba?" Nagtatakang tanong ko.



"Depende sayo. Kasi ako, nandito para sa isang bagay at hindi para sa Yin-Yang." Sagot nito.



Hindi ako nakaimik sa kanyang sagot. Anong ibig nitong sabihin? Kung ganun meron siyang ibang motibo kaya siya nandito sa quadrangular match at hindi para sa school namin?



"So ang ibig mong sabihin ay pinanalo mo ang night keeper's match para maging stepping stone ito para makapasok ka sa quadrangular match dahil meron kang ibang agenda? Ano naman iyon?" nahihiwagaang tanong ko.



Hindi niya sinagot ang tanong ko at nanatiling tahimik. Bigla namang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at lumapit sa pinto sabay pihit sa siradora. Bumungad saking harapan si Travis.



"Shero pwede ba tayong mag-usap? May sasabihin ako sayo, importante." Agad na sabi ni Travis. "Tayong dalawa lang." Dagdag nito.



Napakunot ako ng noo. Nakikita ko sa kanyang mukha ang pagkabahala. Bakit kaya?



"Sige." Pagpayag ko. Nilingon ko si Lilyu sa kanyang kama bago ako humakbang palabas ng silid, nakapikit pa rin ito at hindi natinag sa kanyang hinihigaan. Sinarado ko ang pinto at hinarap si Travis.



"Doon na tayo sa labas mag-usap." Sabi ni Travis. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hinawakan ako nito sa braso at sa isang iglap lang ay napadpad kami sa likod ng visitor's house kung saan kami nagsestay.



Naglakad kami ni Travis papasok sa kakahuyan para doon mag-usap. Hindi ko alam kung tunkol saan ang sasabihin niya pero mukhang seryusong bagay ito. Medyo malayo na ang nalakad namin kaya tumigil na kami sa paglakad.



"Ano yung sasabihin mo?" Pagsisimula ko.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Travis bago nagsalita. "Shero, sorry ako yung dahilan kung bakit hindi mo naricieve ang text ni prop Goldfield kagabi tunkol sa detalye ng pag-alis natin ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit muntikan ka ng maiwan kanina." Pag-amin nito.





*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***



Nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay ni Shero dahil sa mga sinabi ko. Nakakguilty ang ginawa ko pero para naman iyon sa kaligtasan niya.



"Ikaw? Bakit? Pano?" Nagtataka at parang naguguluhan na tanong ni Shero.



Sandali akong hindi kumibo at pagkatapos ay sinimulan kong ikuwento sa kanya ang narinig kong usapan kagabi...

FLASHBACK...

Kagabi bago ako lumabas ng forbidden building para umuwi ay dumaan muna ako sa office ni prop Goldfield para itanong dito ang detalye ng pag-alis bukas. Nadatnan kong nakasiwang ng bahagya ang pinto ng office ni prop, kakatok sana ako pero natigilan ako ng marinig kong nag-uusap ito at si Mr.Gumban.



"Dalawa sa representative natin ay sereno, si Shero at Lilyu. Anong gagawin natin sa kanila? Pasok silang dalawa sa pitong lalaban sa Q'match. Hindi natin pwedeng erisk ang kaligtasan ng buhay nilang dalawa para lang sa match na ito." Boses iyon ni Mr.Gumban.



"Ganito na lang ang gawin natin, ilagay na lang natin silang dalawa sa reserve players ng sa ganun ay hindi sila makalaban. Ipapalit natin sila kay Grandeline at Tristan." Komento ni prop.



Sandaling katahimikan...



"Sige, sa tingin ko yan ang pinakamagandang gawin natin." Pagsang-ayun ni Mr.Gumban. "Pero pano ang iba nating representatives?"



"Sa tingin ko magiging ayos lang sila. Ang mahalaga dito ay sina Shero at Lilyu, sila ang maspriority natin dahil sila ang siguradong pag-iinitan ng mga tagalunar University." Sabi ni prop.



"Oo, tama ka." Tugon ni Mr.Gumban.



Biglang tumahimik ang loob ng office ni prop Goldfield at bumukas ang nakasiwang na pinto. Tumambad saking harapan si Mr.Gumban.



"Go-good evening sir." Gulat na bati ko dito, bigla akong kinabahan.



"Good evening." Tugon nito sakin at nilingon si prop na nakatayo sa kanyang likuran. "Mauna na ko binibini." Paalam ni Mr.Gumban, tumango si prop. Umalis si Mr.Gumban at naiwan naman akong nakatayo sa labas ng pintuan.



"Oh Travis ikaw pala, anong kelangan mo? Pasok ka." Sabi ni prop.



Humakbang ako papasok sa office at sinarado ang pintuan. "Prop itatanong ko lang sana ang detalye sa lakad natin bukas, kung saan ang eksaktong meeting place dito sa campus at kung ano ang mga dadalhin." Casual na tanong ko at pigil ko ang aking hininga dahil sa kaba sa aking dibdib.



"Ah yun ba, etetext ko sa inyong siyam ang detalye mamaya." Sagot ni prop at ngumiti.



Tumango ako at napatingin sa ibabaw ng kanyang office table. Nakita ko ang kanyang celphone doon na katabi ng maliit na bag na pag-aari ni Mr.Gumban.



Napalingon rin si prop sa direksyon kung saan ako nakatingin at mabilis itong humakbang palapit sa kanyang mesa. Dinampot nito ang maliit na bag ni Mr.Gumban at humakbang palapit sakin.



"Maiwan na muna kita, ihahabol ko lang itong bag ni Sir Gumban." Sabi ni prop.



"Ako na po prop." Pagmamagandang loob ko pero sa kabilang banda ng aking isip ay hinihiling ko na sana huwag siyang pumayag para maisakatuparan ko ang nabuong plano sa aking isipan.



"Hindi, ako na lang." Tanggi nito at iniwanan ako sa kanyang opisina.



Napabuntong hininga ako, salamat at umalis si prop. Hindi klaro sakin kung ano ang pinagusapan nilang dalawa ni Mr.Gumban pero tunkol iyon kay Shero at Lilyu. Kinakabahan ako, mukhang may hindi magandang mangyayari sa quadrangular match. Nabanggit ni Mr. Gumban ang tunkol sa kaligtasan ng buhay ng dalawa, ano ang ibig nitong sabihin? At ilalagay sila sa reserve players para maligtas daw silang dalawa, maligtas saan? Kung may nakaabang na panganib kay Shero sa Q'match masmabuting hindi na siya makapunta kaysa mapahamak siya. Naging parte rin ako kung bakit nakasama si Shero sa quadrangular match kaya magiging isa ako sa rason kung sakaling may mangyaring masama sa kanya sa laban, at hindi ko hahayaan iyon.



Mabilis akong lumapit sa table ni prop Goldfield at dinampot ang naiwan nitong celphone. Hinanap ko ang pangalan ni Shero at ng makita ko ito ay agad kong enedit ang kanyang number para kung sakaling magtext mamaya si prop samin tunkol sa detalye ng pag-alis ay hindi ito makakatanggap ng text. Maliit man na chansa ang naisip kung maiiwan si Shero dahil sa pagsabotahe ko sa kanyang number ay masmabuti na ito, kung sakali ngang maiiwan si Shero at least ay ligtas siya sa kung ano mang naghihintay sa quadrangular match at kung makasama naman siya ay poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya.



Bumukas ang pintuan at pumasok si prop Goldfield. Sakto  namang nalapag ko ang celphone niya sa mesa. Muntik na akong mahuli.



"Prop mauna na po ako." Paalam ko at mabilis na lumabas ng office.



Habang naglalakad palabas ng forbidden building ay nasaisip ko pa rin ang mga narinig ko kina prop at Mr.Gumban. Ano kaya ang tunkol kina Shero at Lilyu ang may kaugnayan sa quadrangular match? Bakit silang dalawa?





*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Natapos ang kwento ni Travis. Hindi ko siya masisisi sa kanyang ginawa. Ginawa niya lang ang sa tingin niya ay makakabuti para sakin. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya. 



"Iyon ang dahilan kaya kagabi ay hindi mo natanggap ang text ni prop. Shero pasensya sa ginawa ko." Paghingi nito ng paumanhin.



"Okay lang Travis. Hindi ako galit sa ginawa mo. Salamat sa concern, huwag kang mag-alala magiging ayos ang lahat." Sabi ko at pilit na ngumiti. Dama ko ang kunting kaba sa aking dibdib dahil sa aking nalaman.



"Salamat sa pag-intindi." Anito.



"Travis may ipapakita ako sayo." Sabi ko at dinukot ang nakatopeng papel sa bulsa ng aking polo. Inabot ko ito kay Travis.



Tahimik niya itong binuksan at binasa. Pagkatapos ay tinignan niya ako. "Kanino galing to?" Nakakunot noong tanong nito.



Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Nakita ko yan kanina sa tapat ng maindoor ng unit ko nung paalis na ko." Sagot ko. Inabot sakin ni Travis ang papel, binalik ko ito sa aking bulsa.



"Shero, sana pumayag ka kapag nilagay ka ni prop sa reserve player. Sa tingin ko kasi hindi maganda ang Q'match ngayong taon. Kapag reserve player ka hindi ka lalaban, magiging ligtas ka." Sabi ni Travis na may pag-aalala.



Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at matipid na ngumiti. "Kung ilalagay ako ni prop sa reserve player ay papayag ako." Tugon ko. Nakita kong ngumiti si Travis na parang nabunutan ng tinik.



Sabay kaming napalingong sa aking likuran ng biglang may dumating na tatlong babae at tatlong lalake, nakasuot sila ng civilian. Maya-maya'y ay meron pang dalawang magkaibang grupo ang dumagdag. Ang isang grupo ay sina Kenver, kasama nito ang limang representative ng Fortis na nakilala ko sa Subic at yung isang grupo naman ay natitiyak kong taga Lunar Univeristy, lima sila, dalawang babae at tatlong lalake. Namumukhaan ko ang tatlong tagalunar. sila yung nakita namin ni Tristan kagabi sa loob ng Yin-Yang. 



Magkakaharap na kaming lahat. Nasa kaliwang bahagi ko ang grupo nina Kenver na taga Fortis University, sa kanan ko naman ang anim na taga Haven Univeristy at sa harap namin ay ang mga taga Lunar University.



Napabaling ang paningin ko sa babaeng bampira na sumakal samin ni Tristan kagabi. Hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya. Biglang nag-init ang dugo ko, binubulong ng aking isipan na kelangan kong gumanti sa ginawa niya samin ni Tristan.



Nakita ko siyang ngumiti, may pang-iinsulto sa kanyang tingin. Iniisip siguro nito na hindi ko siya kayang labanan katulad kagabi. Sa isang banda ng aking isip ay may tumutulak sakin na gamitin sa kanya ang aking kapangyarihan.



Hindi ko napigilan ang aking sarili at mabilis kong tinutok ang aking mga kamay sa babaeng bampira, ginamit ko sa kanya ang blood manipulation. Tumilapon ang babae at  humampas sa malaking puno sa kanyang likuran, nakalutang siya at nakadikit sa malaking puno. Nasa ilalim siya ng aking kapangyarihan na blood manipultaion.



Mabilis namang kumilos ang apat na kasama nito at sinugod ako. Agad namang nakalapit sakin si Kenver at pinigil nito ang babae at lalake gamit ang kanyang kapangyarihan na human puppeter. Hindi ko rin alam kung saan galing si Maru na biglang sumulpot saking harapan at nakita ko ang mga kamay nito na bumaon sa dibdib ng dalawang lalake na susugod sana sakin.



"Touch him and you're dead." Sabi ni Maru.


Continue Chapter 53