YYU - Chapter 53: Sudden Change

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Umihip ang malamig na hangin at nagliparan ang mga dahon, parang tumigil ang oras dahil sa tagpong ito. Walang ingay at walang my gumalaw kahit isa saming mga representatives. Pigil ang aking paghinga at palipat-lipat ang aking paningin sa mga taong narito.



Napuno ng tension ang paligid dahil sa ginawa kong pag-atake sa babaeng taga Lunar. Hindi naman sumali and mga taga Haven at ang mga kasama ni Kenver, tahimik lang ang mga ito at nag-aabang sa sunod na mangyayari.



Nasa harapan ko sina Maru at Kenver at pinoprotektahan ako sa apat na kasama ng babae na aking inatake. Ang isang babae at ang isang lalake ay hindi makagalaw dahil nasa ilalim sila sa kapangyarihan ni Kenver samantala ang dalawang lalake naman ay hindi makakilos dahil nakabaon ang mga kamay ni Maru sa kanilang dibdib deretso sa kanilang mga puso, isang maling galaw lang ng mga ito ay siguradong matatapos ang kanilang mga buhay.



Hindi ko alam pero sa mga oras na ito ay parang wala akong pakialam sa iba at ang atensyon ko lang ay nasa babaeng sumakal samin ni Tristan. Nakabitin ito sa ere at nakadikit sa puno, hindi siya makagalaw dahil sa kontrolado ko ang kanyang katawan.



Masakit ang titig ng babae sakin dahil sa ginawa ko sa kanya. Ginalaw ko ang aking mga daliri ng pakuyom habang nakatutok ang mga ito sa kanya at narinig ko siyang sumigaw tanda ng sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan. Malakas ang blood manipulation, kaya ko siyang pahirapan at tapusin sa oras na ito.



"Shero tama na!" Narinig kong pigil ni Travis sa ginagawa ko.



Parang bumalik naman ako sa aking sarili at dun ko lang napagtanto ang aking ginagawa. Bigla namang nagbagsakan sa lupa at nawalan ng malay ang lahat ng mga representative ng ibang school, ang mga taga Haven, si Kenver at ang mga kasama nitong mga taga Fortis, at ang mga taga Lunar pati na ang babaeng inatake ko na nakabitin pa rin sa ere, dahandahan ko itong binaba sa lupa.



Nawalan sila lahat ng malay maliban saming tatlo nina Travis at Maru. Alam ko kung sino ang may kagagawan nito, napalingon ako sa aking kanang bahagi at mga pitong dipa ang layo sakin ay nakita ko si Keith na nakatayo at nakasandal sa malaking puno at nakacross ang dalawang braso nito sa harap ng kanyang dibdib. Tama nga ako, si Keith na isang drowser ang dahilan kung bakit sila nawalan ng malay, pinatulog niya ang mga ito. Napalingon din si Travis at Maru sa direksyon nito.



"He spoiled the fun." Sabi ni Maru at umalis.



"Tara na Shero." Narinig ko namang sabi ni Travis at mabilis ako nitong hinawakan sa balikat at nagteleport. Napunta kami sa labas ng silid namin ni Lilyu.



Nagpaalam si Travis at ako naman ay pumasok sa silid. Binagsak ko ang aking katawan sa kama kung saan narun pa rin ang aking mga damit na hindi pa natapos ayusin. Nilingon ko ang kama ni Lilyu, wala na ito doon. Binaling ko ang aking paningin sa kisame at pumikit.



Bumalik sa aking isipan ang ginawa ko kanina. Alam kong mali ang ginagawa ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko makontrol at mapigilan ang aking sarili. Sa tingin ko kelangan ko ng bantayan ang aking kilos, makakasakit ako ng iba ng wala sa oras dahil sa padalos-dalos kong kilos. Hindi ako pwedeng umakto katulad ng ginawa ko kanina. Mabuti na lang at pumagitna si Kenver at Maru dahil kung hindi siguradong masama ang aabutin ko sa apat na mga taga Lunar. Hindi ko alam kung bakit ako tinulungan ni Maru, siguro yun ay dahil sa isang team kami pero salamat sa kanya dahil dinepensahan niya ako. Salamat din kay Kenver, kahit hindi kami magkateam ay tinulungan niya ko. At si Keith mabuti na lang at dumating siya dahil kung hindi siguradong magkakagulo doon. Hindi pa nagsisimula ang Q' match pero may tensyon na sa aming mga representatives.



Sa kabilang bahagi ng aking isip ay natutuwa ako dahil nakaganti ako sa babaeng taga Lunar pero ang isang bahagi naman ay hindi sang-ayun at sinasabing mali ang ginawa ko. Oo mali iyon pero sa tingin ko ay nararapat lang iyon sa babae dahil sa ginawa niya sa amin ni Tristan. Wala siyang karapatan na saktan kami lalo pa at wala naman kaming nagawang kasalanan sa kanya. Kapag inulit niya pa iyon ay baka masmalala pa ang posible kong magawa sa kanya.



Humugot ako ng malalim na buntong hininga, hindi ko inaasahan ang mga nangyari ngayon. Pumunta lang kami ni Travis sa lugar na iyon para mag-usap at sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkita-kita kaming mga representatives. Akala ko kaming mga taga Yin-Yang at Haven palang ang narito pero hindi pala dahil narito na rin ang mga taga Fortis at Lunar.



Muntikan ng magkagulo kanina at dahil iyon sakin pero mabuti na lang at napigilan dahil kung hindi baka napaaga ang Q'match. Haist! Nakakastress ang nangyari, kelangan kung umidlip sandali para marelax ako.

***

Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa aking buhok. Agad kong nakita ang mukha ni Tristan na nakadungaw sakin, matipid siyang ngumiti sakin. Nakaupo siya sa gilid ng aking kama sa kanang bahagi. Sigurado akong alam na nito ang ginawa ko kanina.



"Anong oras na?" Mahinang tanong ko.



"Ala sinko na." Sagot nito.



Alas sinko na pala ng hapon, iidlip lang sana ako kanina pero mukhang napasarap ako sa pagpapahinga at tuluyang nakatulog. Bumangon ako at umupo sa kama. Inabot ni Tristan ang dalawa kong kamay at hinawakan. Nagkatinginan kami, binaba ko ang aking paningin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil sa ginawa ko.



"Hindi ko sinasadya ang Nangyari kanina." May guilt na sabi ko.



"Alam ko. Huwag kang mag-alala hindi na mauulit yung ginawa ng babaeng yun satin." Pag-aalo ni Tristan sakin at hinalikan ako nito sa noo. Niyakap niya ako at binulungan. "Poprotektahan kita Shero."



Nakaramdam ako ng security sa sinabi ni Tristan, poprotektahan niya daw ako. Panghahawakan ko itong binitawan niyang salita dahil may tiwala ako sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay may care na sakin si Tristan?



Pinaharap ako ni Tristan sa kanya at hinalikan ako nito sa labi. Napapikit ako at tumugon sa kanyang masuyong halik. Nalasap ko ang kanyang matamis na labi. Salamat at nandito si Tristan, nawawala ang mga gumugulo sa isipan ko kapag kasama ko siya.



Napatigil kami sa paghahalikan ng biglang bumukas ang pintuan ng silid. Bumungad samin sina Grandeline at Karrice. Nahuli kami ng mga ito.



"Oh sorry guys." Mabilis na sabi ni karrice.



"Sorry." Sunod na sabi naman ni Grandeline.



Tipid akong ngumiti at napailing. Panira ng moment itong dalawa.



"Bakit?!" Pagmamaktol ni Tristan sa mga ito.



"Si Shero kasi hindi nakapaglunch kanina, nagprepare kami sa baba ng merienda baka gusto niyang kumain." Tugon ni Karrice.



"Sige susunod na lang ako sa inyo." Sabi ko at ngumiti.



"Sige bababa na kami." Ani Grandeline.



"Just do your thing and lock the door... Wala kaming nakita." Nakangiting sabi ni Karrice at sinarado ang pinto.



Nagkatitigan kami ni Tristan at napangiti sa isa't-isa.



"What?" Sabi ko at kinurot ko siya sa pesngi.



Nakita ko ang pagluwang ng ngiti ni Tristan, ngiting Edsa na abot hanggang bulacan. Tinulak niya ako pahiga sa kama at pinaibabawan. "Im gonna rape you!!" Nakangiting sabi nito.



"When?" Nakangiting tugon ko.



"Now!" Sabi nito at hinalikan ako sa leeg.



Subrang nakiliti ako kaya tinulak ko siya pero dahil malakas siya kesa sakin kaya patuloy ito sa ginagawa. Napatawa ako ng malakas ng biglang bumukas na naman ang pintuan at sa puntong ito ay si Lilyu naman ang bumungad. Saglit itong natigilan habang nakatingin samin ni Tristan at pagkaraan ay inalis ang paningin samin.



"Just ignore me, ipagpatuloy niyo lang yan." Agad na sabi ni Lilyu. Tumuloy ito sa silid at sinarado ang pinto. Dumiretso ito sa kanyang kama at nahiga.



Napatawa kami ng mahina ni Tristan, nagkatitigan kaming dalawa at sa isang iglap lang ay naglapat ang aming mga labi. Mabilis lang kaming naghalikan at tumigil din dahil sa presensya ni Lilyu na kasama namin sa silid.



"Tara bumaba na tayo." Yaya ko kay Tristan.



"Tara." Tugon nito.

***

Nadatnan namin sa sala sina prop Goldfield, Mr.Gumban, Grandeline at Karrice. Nakatayo si prop at nakaupo naman ang tatlo sa couch na kulay brown. Nakatingin sila samin habang palapit kami sa kanila. Mukhang may pinag-uusapan silang importante, naalala ko tuloy ang ikinuwento sakin ni Travis. Baka sasabihin na ni prop na ililipat ako sa reserve player, kapag ganun ay ayos lang sakin.



"Merong pagbabago sa Q'match." Agad na sabi ni prop ng tuluyan kaming makalapit ni Tristan. Mukhang ito na nga iyon, ang pagswap samin ni Lilyu kina Tristan at Grandeline sa reserve players.



"Anong pagbabago?" Tanong ni Tristan.



"Wala ng reserve players, lahat kayo ay lalaban sa quadrangular match." Diretsang sagot ni prop Goldfield.


Continue Chapter 54