YYU - Chapter 58: Shero Versus Sirgel

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Mula dito sa kinatatayuan ko sa taas ng entablado ay nakita kong may dumating na mga haven student officials sa baba ng stage, walo silang lahat at puro mga lalake, nakasuot sila ng over-all na kulay dark blue na merong nakalagay na official sa likod. Dala-dalawa silang magpapares na lumapit sa apat na mesa at pinatayo nila ang lahat ng mga representatives. Giniya nila ang bawat grupo sa apat na hiwa-hiwalay na viewing stage na nasa gilid ng battle ring, east, west, north at south. Nasa east yung Yin-Yang, nasa west ang Fortis, nasa north ang Haven at nasa south naman ang Lunar.(see multimedia at the right) Ang battle ring ay mas maliit ng kunti sa sukat ng basketball court at sa tingin ko kapantay nito sa taas ang stage na tinatayuan ko, nasa four feet siguro ang taas nito. Wala itong harang sa gilid kaya sigurado akong pagnagkamali ako ng kilos doon ay mahuhulog ako.



Napabaling ang mata ko sa head order ng itinutok nito ang baston sa harapan namin at nagkarun doon ng kulay asul na portgate. Mula naman sa gilid ng stage ay may lumabas na isang babae at lumapit samin. Isa siyang faery, blond ang buhok nito, matulis ang tenga at meron siyang kulay asul na trasparent na pakpak na parang sa tutubi.  Nasa mid 20's ang edad niya. Nakasuot siya ng hanging na stripe white and black na sleeveless at naka black jeans at black boots, meron rin siyang suot na head mic. Sa tingin ko siya ang magiging host at referee namin.



"Mga hijo, gusto kong ipakilala sa inyo si Crasnelia, siya ang tagahatol sa laban ninyong dalawa." Pakilala ng head order sa babae na nakatayo sa tabi ko at nakaharap sa amin, nakita ko siyang ngumiti, ngumiti ako ng bahagya at napalingon ako kay Sirgel at nakita ko itong nakataas ang isang kilay.



Binawi ko ang paningin ko kay Sirgel at binalik kay Crasnelia ng magsalita ito. "Ikinagagalak kong makilala kayong dalawa, galingan ninyo sa laban." Nakangiting sabi nito.



"Salamat." Sabi ko. Tumango si Crasnelia at inangat nito ang kanang kamay sa kanyang harapan para imbitahan kaming pumasok sa portgate.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nauna na akong humakbang sa portgate, sumunod naman sina Sirgel at Crasnelia. Lumabas kaming tatlo sa pinakagitna ng battle ring at agad kong napansin ang sahig na yari sa makapal na kristal, semi-tinted ito kaya nakikita ko ang aking sarili at ang tumatagos na puting liwanag ng ilaw sa ibaba. Kanina hindi pa ito umiilaw kaya nagulat ako ng pag-apak namin dito ay bigla na lang itong nagliwanag. Ang battle ring ay parihaba at nahahati ito sa gitna, at sa pinakasentro nito ay merong malaking bilog na kulay dilaw, dito kami nakatayong tatlo ngayon. Sa magkabilang dulo naman nito ay merong mga kulay, sa east part ay kulay crimson at sa west part naman ay kulay green, mga 3 feet ang haba ng kulay mula sa edge. Sa north at south naman na bahagi sa gilid ay merong  tigdadalawang gutter, ang isa ay may laman ng tubig at ang isa naman ay may laman ng buhangin.(Please see multimedia)



"Good evening haven coliseum!! I am Crasnelia, at muli ako'y nagbabalik para maging host at tagahatol para sa laban ngayong gabi!!" Napalingon ako kay Crasnelia ng bigla itong sumigaw, nakita ko siyang kumaway sa mga manunuod. Dumagungdong ang sigawan ng mga tao. Mukhang sikat si Crasnelia sa mga manunuod. "Excited na ba ang lahat sa laban?" Sigaw na tanong nito. Nagpalakpakan, hiyawan at sipulan ang mga tao.



Ang kaba na humupa sa aking dibdib ay bigla na namang nagising dahil sa sinabi ni Crasnelia. Pigil ang hininga ko, parang napipi ako dahil sa subrang kaba at idagdag pa dito ang sigawan ng mga tao sa paligid na nakatingin sa amin.



Nilingon ako ni Crasnelia na nakangiti at pagkatapos ay nilingon din nito si Sirgel. Binalik ni Crasnelia ang tingin sa mga manunuod at muling nagsalita. "Ladies and gentlemen, mukhang reading-ready na ang mga players natin. Hindi ko na papatagalin ito..." Putol nito sa sasabihin at pumwesto siya sa harapan namin ni Sirgel.



Pasimpli kong nilingon si Sirgel, nakatingin ito kay Crasnelia at seryuso ang anyo. Mukhang ang hirap niyang kalaban, sa tingin ko wala akong pag-asang manalo sa kanya. Papano ko tatalunin ang isang gaya niya? Malakas siya at nasaksihan mismo ng mga mata ko iyon kanina, nagawa niyang biyakin ang semento gamit lang ang isip niya.



Binalik ko ang tingin kay Crasnelia. "Makinig kayong dalawa ng mabuti at sasabihin ko ang mechanics ng laban." Sabi nito,  tumango kami. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Sa laban ninyo ay meron tayong three random rounds, ibig sabihin may tatlo kayong laban at sa bawat isang round ay iba-iba ang klase ng laban ang inyong haharapin, ibang laban, ibang mechanis at ibang rules. Sa tatlong rounds na ito ay kelangan niyong makadalawang puntos para tanghaling panalo. Ang unang round ay tinatawag na Guarding, ang pangalawa ay Snatching at ang pangatlo ay mystery. Mystery dahil hindi ko ito pwedeng sabihin sa inyo hanggat hindi natatapos ang dalawang round, at isa pa useless lang din ang round three kung maipapanalo niyo naman ang first at second round, tama?"



"Tama, hindi na kelangan ng round 3." Sabi ni Sirgel. Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang aming mga mata. Nakita ko siyang ngumisi na para bang gusto nitong ipamukha sakin na wala akong kwentang kalaban para sa kanya. Tahimik kong binalik ang tingin ko kay Crasnelia.



"Ngayon para sa unang round na Guarding ito ang mechanics. Panoorin at pakinggan natin." Napalingon kami sa stage, merong malalaking screen na nakasabit sa kanan, sa gitna at sa kaliwang bahagi nito.



Bumakas ang screen at nagplay ang video, lumabas ang salitang 'welcome to 39th quadrangular match' na sinabayan ng voice over ng lalake. Binanggit nito ang pangalan ng apat na universities habang lumalabas ang mga logo ng mga ito sa screen, 'Fortis University, Lunar University, Haven University at Yin-Yang University'. 



Nagpatuloy ang pagsasalita ng voice over. "For the first round: Guarding. Here's the mechanics." At lumabas ang animated na dalawang players sa screen, nasa loob ang mga ito ng battle ring. Habang nagsasalita ang voice over ay eniexecute naman ng dalawang animated players ang mga sinasabi nito.



Ito ang mechanics ng guarding, ang dalawang players A at B ay iaassign sa magkabilang bahagi ng battle ring para maging territory nila, east side at west side.



Magtotoss coin ang referee at pipili ang dalawang players ng head or tail, ang nakapili ng lumabas sa coin toss ang unang sasabak sa guarding at ang yung hindi nanalo ay magiging destructor man.



Halimbawa si player A ang guarding at si player B naman ang destructor man, si player A ang nakaassign sa east side at si player B naman ang nakaassign sa west side.



May sampung crystal ball ang bawat player na kalahati ang laki sa bola ng volleyball, ibibigay kay player A ang kanyang firstball at pupwesto siya sa east side ng battle field, si player B naman na destructor man ay tatayo sa loob ng dilaw na bilog sa gitna ng battle ring.



Tutunog ang match bell bilang hudyat ng pagsimula ng laban at para makapuntos kailangang dalhin ni player A ang kanyang crystal ball ng hindi nababasag sa painted score line sa west side na teritoryo ni player B. Ang painted score line ang nakapinturang bahagi sa magkabilang dulo ng battle ring.



Oras na tumunog ang match bell ay pwede na ring lumabas si player B sa bilog at pwede niyang atakahin si player A para basagin ang crystal ball nito bago pa man nito madala sa kanyang painted score line. Kapag nabasag ni player B ang crystal ball ay walang puntos si player A. Ang dalawang players ay malayang umatake sa isa't-isa.



Vice versa ang mangyayari, pagkatapos ni player A makapuntos man ito o hindi ay papalitan siya ni player B para ito naman ang maging guarding.



Ang unang makafive points ang mananalo sa round na ito, pero kung walang may umabot ng five points at naubos ang dalawampung crystal balls kung sino ang may mataas na puntos ang siyang idedeklarang panalo, at kung sakaling magkaroon ng patas na puntos, kung sino man sa dalawang players ang naunang umabot sa puntos na iyon ang panalo. At lastly ang ultimate rule, no killing.



Natapos ang video sa malalaking screen at muli kaming hinarap ni Crasnelia. "I hope klaro sa inyong dalawa ang pinakita ng video. Ngayon simulan natin kung saan kayo nakaassign na side. Sirgel sa west side ka, and you Shero sa east side. ok?" Simula nito, sabay kaming tumango ni Sirgel. Halata naman kasi kung saan kaming side pupwesto ni Sirgel dahil sa kulay ng painted score line, kulay crimson sa east side at green naman sa west side. Tinaas ni Crasnelia ang isang kamay at nakita ko ang isang coin na nakaipit sa kanyang mga daliri. Ngumiti siya, "And this time magtotoss coin tayo, Shero ano ang pipiliin mo head or tail?" tanong nito sakin.



"Tail." Ikling tugon ko at binalingan nito si Sirgel.



"At dahil tail si Shero, Sirgel ikaw ang head." Nakangiting sabi ni Crasnelia. Tinoss nito ang barya sa hangin at sinalo ng kanyang palad at pinatong niya ito sa ibabaw ng kanyang braso. "It's a head, so ibig sabihin si Sirgel ang guarding at ikaw Shero ang destructor man." Baling nito sakin. Tumango lang ako. "You stay here inside the circle, wait for the match bell bago ka lumabas." Sabi nito sakin at binalingan si Sirgel. "You Sirgel please go to your assigned side."



Humakbang palabas sa gitna ng bilog si Sirgel at tumungo sa west side ng battle ring. Humarap siya sakin at nakita ko ang seryuso nitong mga tingin.



Binaling ko naman ang tingin ko kay Crasnelia ng umangat ito sa ere, lumilipad siya. "Please hand the crystal ball to Sirgel." Sabi nito, hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya nun, siguro sa mga organizer ng laban ngayon.



Nakita kong biglang may lumabas na crystal ball sa harap ni Sirgel, ang nipis nito at sakto lang ang dalawang palad para mahawakan ito ng buo, tiyak kapag nahulog ito sa sahig basag kaagad ito. Kinuha ni Sirgel ang crystal ball at dinala sa kanyang harapan.



"Haven coliseum are you ready?!!!!" Biglang sigaw ni Crasnelia. Nagsigawan ang mga tao, napalingon ako sa paligid. Nagpatuloy si Crasnelia. "Oh yes, you guys are ready, we are all ready, let's witness the fight between Yin-Yang and Fortis. Activate the edge barrier now please."  Suyo ulit ni Crasnelia.



Napatingin ako sa apat na edge ng battle ring at nakita kong nagkaroon ito ng invisible barrier sa isang iglap lang, mapapansin ito dahil para itong water vapor, invisible nga ito pero may bakas kaya mahahalata pa rin. Nandito ito para maging harang sa amin na maglalaban para hindi kami mahulog. Akala ko pa naman kanina ay walang harang kaya naisip ko na mahuhulog kami kapag nagkataon.



Tinignan ko si Crasnelia sa ere, palipat-lipat ang tingin nito samin ni Sirgel. "Shero versus Sirgel." Sabi nito.



Napahugot ako ng buntong hininga, napalunok ako. Ito na, maglalaban na kami. Subrang dinadaga ang dibdib ko, anong gagawin ko para matalo si Sirgel. Napatingin ako sa magkabilang gilid ng battle ring, sa gutter merong tubig at buhangin, para sa amin ang mga iyon. Hay kaasar nabablanko ang isip ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nilalamon ako ng aking kaba.



"Players get ready... Round one fight!!"  Naagaw sa dalawang parte ang atensyon ko, sa biglang nagsalita na si Crasnelia at sa pagtunog ng match bell na hudyat ng pagsimula ng  laban.



Napatingin ako sa aking harapan at nakita ko si Sirgel na tumatakbo, hawak nito sa kaliwang kamay ang crystal ball at ang kanang kamay naman nito ay nakatutok sakin. Nagulat na lang ako ng biglang isang suntok mula sa buhangin na pumormang kamao ang dumapo sa aking kaliwang pesngi at pagkatapos ay merong makapal na buhangin ang kumapit sa kaliwa kong paa, hinila ako nito at nagawa nitong itapon ako sa ere, tumilapon at bumangga ako sa barrier at bumagsak sa sahig.



Naramdaman ko ang sakit sa aking tadyang na tumama sa sahig. Masakit, napaubo ako at habol ko ang aking hininga. Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Sirgel na tumatakbo, malapit na ito sa painted score line. Hindi ko na mapipigilang makapuntos siya, ang lakas niya.


Continue Chapter 59