YYU - Chapter 59: Round One

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Tumayo ako na sapo ang aking kanang tadyang. Nakatitig ako sa direksiyon ni Sirgel, nakatayo ito sa kulay crimson na painted  score line at hawak nito sa kanang kamay ang crystal ball. Itinaas nito ang crystal ball at binalingan ako ng tingin, nagtama ang mga mata namin.  Nakita ko siyang ngumisi sakin, may pang-iinis sa kanyang ekspresyon.



"One point for Sirgel Moxy." Umalingawngaw ang malakas na boses ni Crasnelia at lalong lumakas ang sigawan ng mga manonood sa paligid. "Nagawang dalhin ni Sirgel ang crystal ball sa painted score line ng walang kahirap-hirap at dahil dito nakakuha siya ng puntos. Si Shero ay mukhang ayos naman ang lagay mula sa ginawang pag-atake sa kanya ni Sirgel." Komento ni Crasnelia.



At nakita kong biglang lumutang sa mataas na ere ang hawak na crysta ball ni Sirgel at sumabog na parang fireworks. Lumabas mula doon ang logo ng Fortis University, isa iyong kastilyo sa loob ng bilog at pagkatapos ay napalitan iyon ng salitang 1 point na kulay berde. Pagkaraan ng ilang segundo ay naglaho rin ito sa ere.



Binalik ko ang aking mga mata kay Sirgel, kumakaway ito sa mga manunuod sa gawing kanan niya. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung pano ko tatalunin ang Sirgel Moxy na ito na isa ring mixblood, isa siyang half-human half-elf. Sa tingin ko wala akong pag-asa na manalo laban sa kanya, masyado siyang malakas para sa isang baguhan na tulad ko.



"Now its Shero's turn, siya naman ang magiging guarding ngayon at si Sirgel naman ang magiging destructor man. Please find your position, Shero on the east side and you Sirgel you stand inside the yellow circle." Sabi ni Crasnelia.



Humakbang ako pabalik sa east side kung saan ako nakaassign, habang naglalakad ay napatinging ako sa east viewing stage sa dulo ng battle ring at nakita ko ang mga kasama ko. Medyo may kalayuan sila kaya hindi ko maaninag ang kanilang mga ekspresyon, sigurado akong nadismaya ang mga ito dahil napabayaan kong makapuntos si Sirgel. Nakita kong kumaway si Grandeline at Karrice, sinisigaw nila ang pangalan ko. Hindi ko sila pinansin at napatingin ako kay Tristan na nakaupo sa gitna ni Maru at Travis. Nakatingin si Tristan sa direksyon ko, hindi gumagalaw at pinapanood lang ako. Bigla akong nakaramdam ng inis sa aking sarili, bakit kasi ang hina ko?



Binawi ko ang aking tingin kay Tristan at nilipat ko ito kay Sirgel na papasalubong sakin. "You're such a weakling."  Narinig kong sabi nito nang lumagpas kami sa isa't-isa. Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ko ang paghakbang hanggang sa marating ko ang gitna ng east side. Alam kong isa akong weak, hindi niya na kelangang sabihin iyon. Pinapahalata niya ang kayabangan niya.

***

Nasa posisyon na kaming pareho ni Sirgel, siya sa gitna ng bilog na dilaw at ako naman sa gitna ng east side ng battle ring. Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang crystall ball dahil ako ang guarding, dapat ko itong ingatan na huwag mabasag ano man ang mangyari. Dama ko naman ang subrang kaba at para akong pinapawisan ng malamig.  Pigil ang aking hininga at parang nanunuyo ang aking lalamunan.



Nakatingin kami ni Sirgel sa isa'-isa, seryuso ang mga mukha. Hinihintay namin pareho ang pagtunog ng match bell para sa susunod naming aksyon. Dahil ako ang may hawak ng crystal ball, ang kelangan kong gawin ay magfocus kung pano ko ito poprotektahan pero nagdadalawang isip ako dahil kanina imbis na defense strategy ang gamitin ni Sirgel dahil siya ang may hawak ng crystal ball bagkos ay offensive strategy ang ginamit niya sakin, inunahan niya akong atakehin kanina. Sa tingin ko kelangan kong gayahin ang stratehiya niyang iyon.



"Fight!!" Sigaw ni Crasnelia na nakalutang sa ere at tumunog ang match bell na hudyat ng pag-umpisa ng laban.



Wala na akong pagdadalawang isip at mabilis kong tinutok kay Sirgel ang aking kanang kamay at ginamit sa kanya ang blood manipulation. Mas sanay akong gamitin ito kay sa water manipulation kaya ito ang ginamit ko.  Tumilapon si Sirgel sa barrier katulad ng nangyari sa akin kanina. Padapa itong bumagsak sa sahig. 



Mabilis naman akong tumakbo sa west side para makagoal nang bigla akong nadapa. Muntik kong mabitawan ang crystal ball. Pagtingin ko sa aking kanang paa ay nakita kong nakabalot dito ang makapal na buhangin.



Napatingin ako kay Sirgel, nakadapa pa rin ito sa sahig at nakatingin sakin. Minamanipula nito ang buhangin gamit ang kanyang isip. Sinubukan kong igalaw ang paa ko na nababalot ng buhangin pero hindi ko ito magalaw. 



Inangat ko ang kanang kamay ko at tinutok kay Sirgel, sa ngayon ay blood manipulation lang ang kaya kung gawin, ito lang ang maaasahan kong kapangyarihan lalo pa at malakas na elemental user ang kalaban ko. Umangat si Sirgel sa ere na nakatayo, masakit ang tingin nito sakin. Sinubukan kong igalaw ang paa ko na nababalot ng buhangin pero ayaw pa din, controlado pa rin ni Sirgel ang buhangin sa paa ko. Kelangan kong makawala dito para makagoal ako.



Kinuyom ko ang aking kanang kamay habang nakatutok iyon sa nakalutang na si Sirgel. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa kanyang bibig. Kontralado ko ang kanyang dugo kaya may kakayahan akong mag-inflict ng sakit sa kanyang katawan. Wala siyang laban sa kapangyarihan kong ito.



"Ahhhhhhhhhh" Isang malakas na sigaw mula kay Sirgel.



Napatingin ako sa kanang paa ko at nakita kong malaya na ito mula sa buhangin. Binalik ko ang aking mga mata kay Sirgel, hindi ko pa rin siya pinapakawan. Patuloy ang pagsigaw niya dahil sa sakit na epekto ng blood manipulation sa kanyang katawan. 



Tumayo ako na nakatutok pa rin ang kamay ko kay Sirgel. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinagis ko siya sa invisible barrier ng battle ring. Tumama siya doon at mataas ang kinabagsakan niya. Tumalikod ako at tumakbo sa west side ng battle ring.



Habang tumatakbo ay dama ko ang kaba sa aking dibdib, kelangan kong makapuntos. Ilang hakbang na lang at maabot na ng mga paa ko ang kulay berde na painted score line. Ilang hakbang na lang...



At nagawa ko. Nadala ko sa painted score line ang crystal ball, nakagoal ako. Mabilis akong humarap sa east viewing stage kung nasan ang mga kasama ko. Nakaguhit sa aking mukha ang ngiti. Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa, hindi ako makapaniwalang nakapuntos ako. Nakita kong nakatayo ang mga kasama ko, pumapalakpak at sumisigaw sila.



Napabaling naman ang tingin ko kay Sirgel, nakatayo na ito at nakatingin sakin. Maslalong sumama ang titig nito sakin.



"One point for Shero Tan." Declara ni Crasnelia. May mga manunuod na sumigaw pero hindi ganun kalakas katulad ng sigawan kanina nung makapuntos si Sirgel.



Lumipad sa ere ang hawak kong crystal ball at katulad sa nangyari sa crystall ball ni Sirgel kanina ay sumabog ito na parang fireworks at lumabas ang logo ng Yin-Yang at pagkatapos ay napalitan ito ng salitang 1 point na kulay crimson na naglaho rin pagkatapos ng ilang segundo.

***

Ngayon ay pareho na kaming 1 point ni Sirgel at siya naman ngayon ang guarding. Nasa posisyon na kaming dalawa, nasa loob ako ng bilog na dilaw at siya naman ay nasa gitna ng west side ng battle ring. Kung gusto kong manalo dito ay kelangan ko siyang pigilan na makapuntos dahil siya ang leading at kapag tuloy-tuloy siya sa pagscore ay siya ang mauunang maka 5 points.



"TING! TING! TING!" Ang pagtunog ng match bell.



Tinaas ko ang dalawa kong kamay at tinutok kay Sirgel pero natigilan ako ng biglang humampas sa akin ang buhangin na pumormang ipo-ipo, napapikit ako ng mga mata. Napuwing ako, hindi ko maidilat ang mga mata ko. Nasa loob ako ng umiikot na ipo-ipong buhangin, nangangapa ako sa dilim dahil hindi ko magawang maidilat ang aking mga mata. 



Bigla akong nakaramdam ng hapdi sa aking mukha, nasugatan ang mukha ko dahil sa buhangin na umiikot sakin. At muli meron na naman, nasugatan na naman ako sa kamay, sa braso sa leeg at sa tuhod. Ramdam ko ang hapdi ng sugat na dinulot ng buhangin. Talagang eksperto si Sirgel sa kanyang kapangyarihan, alam na alam niya kung pano ito gamitin.



Pinilit kong dumilat at pagdilat ko isang sapak sa aking pesngi at tiyan ang sumalubong sa akin mula sa buhangin na pumormang tao, isa iyong taong buhangin na controlado ni Sirgel. Isang suntok pa sa pesngi ang muli kong tinamo at hinawakan ako nito sa damit at tinapon sa sahig. Humandusay ako at nakita kong bumalik sa ordinaryong buhangin ang taong buhangin. Napatingin naman ako sa direksyon ni Sirgel at nakita ko itong umapak sa painted score line.

***

Two points na si Sirgel samantala ako ay 1 point pa lang. Ako naman ngayon ang guarding at nasa posisyon na kami. Tumunog ang match bell...



Hind pa ako nakakakilos ay pumalibot na naman agad sa akin ang mga buhangin at dahil dito ay napapikit ako para huwag mapuwing. Dinala ko naman sa aking tiyan ang crystal ball para protektahan. Nakakaasar itong ginagawa ni Sirgel. Paano ako makakakilos ngayon nito?



Dahil hindi ko magawang imulat ang aking mga mata kung kaya pinagana ko ang mana ko sa katawan, kaya kong damhin ang enerhiya ng tubig o ano mang liquid solution na nasa paligid ko katulad nung first training ko kasama si Fildon.



Habang nakapikit ay naramdaman ko ang enerhiya ng tubig na nasa gutter sa north at south na bahagi ng battle ring, at naramdaman ko ang presensya ni Sirgel na nakatayo mga limang metro ang layo sakin dahil sa kanyang dugo sa katawan.



Mabilis kong tinutok ang kamay ko sa direksyon ni Sirgel at ginamit ko sa kanya ang blood manipulation na nakapikit. Kahit hindi ko siya nakita ay alam kong humampas siya sa barrier. Napadilat ako ng mata ng maramdaman kong bumagsak sa sahig ang mga buhangin. Nakita ko naman si Sirgel na nakahandusay sa sahig at bumabangon. Napatingin ako sa kanyang binagsakan, naroon siya mismo sa gutter ng tubig at buhangin na tinakpan ng maliit na screen para sa safety precaution na huwag mapatid dito.



Tinaas ko ang kanang kamay ko at ginamit ang water manipulation, umangat ang tubig sa tabi ni Sirgel na nasa gutter. Kinumpas ko ang aking kamay at gumalaw ang tubig sa harapan ni Sirgel na hindi pa nakakatayo ng tuluyan. Tumama ang tubig sa damit nito sa bandang dibdib at nagulat ako dahil napunit iyon. Kung ganun hindi lang pala ang buhangin ang nakakasugat pati tubig ay kaya ring gawin iyon.



Napatingin sa akin si Sirgel at nagtama ang mga mata namin, may paghamon sa kanyang mga tingin. Muli ay kinumpas ko ang aking kamay, gumalaw ang tubig sa harapan ng mukha ni Sirgel pero nakailag ito. Nadapyasan pa rin ang kanyang kaliwang pesngi, nasugatan iyon. Mabilis kong binagsak ang tubig sa sahig at muli kong ginamit ang blood manipulation. Tinapon ko si Sirgel sa east side ng battle ring, bumagsak siya sa sahig. Sigurado akong hindi niya inasahang gagamitin ko ang blood manipulation dahil ginamit ko ang tubig bilang opensa.



Habang nakahandusay si Sirgel sa sahig ay tumakbo naman ako sa west side at walang lingun-lingon. 



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng tuluyan kong maabot ang painted score line. Sa pangalawang pagkakataon ay nakagoal ako. 



"2 Points for Shero Tan." Anunsiyo ni Crasnelia.

***

Guarding ni Sirgel at pangatlong crystal ball niya na ito. Nakatayo ako sa loob ng dilaw na bilog at siya naman ay nasa gitna ng west side ng battle ring. Patas palang ang puntos sa score na 2 kada isa sa amin. Wala pang may nakakalamang sa amin sa puntos pero kapag hindi ko nagawan ng paraan ang pagtuloy-tuloy ng puntos niya ay siguradong ako ang talo.



Tumunog ang match bell at nakita kong mabilis na nagsilutang sa hangin ang mga buhangin at naging ipo-ipo ito katulad kanina. Kinulong ako nito sa gitna kaya hindi ako nakagalaw at napapikit na lang. Kelangan kong basagin ang crystal ball ni Sirgel para hindi siya makapuntos pero parang malabong mangyari iyon dahil hindi ako makakilos dahil sa ipo-ipong ito.



Katulad kanina ay pinagana ko ang aking mana sa aking katawan para kahit nakapikit ako ay malaman ko kung nasang direksiyon si Sirgel. Naramdaman ko ang presensya nito at nung tinutok ko sa kanya ang mga kamay ko ay isang suntok ang dumapo sa aking sikmura na sinundan ng upper cut. Hindi ko nakita kung sino ang sumuntok sakin pero alam ko na iyon ang taong buhangin na isa sa mga tricks ni Sirgel. Nasapo ako sa aking baba, ang lakas ng suntok na iyon. At isang sipa ang tumama sa aking likod, bumagsak ako sa sahig na puno ng buhangin.



Napadilat ako ng mata ng maramdaman kong umulan ng buhangin sa nakadapa kong katawan. Wala na ang  ipo-ipo at ang taong buhangin, ang naiwan sa sahig ay ang sarili ko na naliligo ng buhangin. Napaangat ako ng tingin sa direksyon ni Sirgel at napasuntok ako sa sahig. Nakapuntos na naman ito. 3 points na si Sirgel at ako ay 2 points pa lang.

***

Tumunog ang match bell.



Hawak ko sa aking kanang kamay  ang pangatlong crystal ball ko. Gamit ang kaliwa kong kamay ay ginamit ko kay Sirgel ang blood manipulation pero mabilis itong nakagawa ng sand wall sa kanyang harapan kung kaya hindi siya nahuli ng kapangyarihan ko. Sinamantala ko naman ang pagkakataon at tumakbo para lagpasan siya.



Nalagpasan ko siya at nagulat ako ng biglang ay may kumapit sa magkabila kong mga paa na makakapal na buhangin. Dahil dito ay natigil ako sa pagtakbo at nakita ko ang buhangin sa aking harapan na naiipon at unti-unting naging hugis tao.



Masama ito, kapag hindi nakawala ang mga paa ko sa buhangin na kumapit sakin ay tiyak na mababasag itong crystal ball na hawak ko. Napatatingin ako kay Sirgel, nasa likod ito ng ginawa niyang sand wall. Nagtatago siya. Dumapo ang tingin ko sa aking kaliwa, sa gutter kung nasan nakapundo ang tubig.



Mabilis kong tinutok ang kamay ko sa gutter at ginamit ang water manipulation. Umangat ang tubig sa gutter at pinalipad ko iyon sa likod ng sand wall kung saan nagkukubli si Sirgel. Natamaan si Sirgel ng tubig at dahil sa impact ay humandusay ito sa sahig. Nagiba ang ginawa nitong sand wall at pati na ang buhangin na humohulmang tao ay nawasak rin. Nakawala rin ang mga paa ko sa buhangin na kumapit dito. 



Ginamit ko ang blood manipulation at hinampas si Sirgel sa barrier, nakita ko siyang bumagsak sa sahig. Ewan ko ba sa lalakeng to at parang hindi nakakaramdam ng sakit. Ilang beses na siyang tumilapon at bumagsak sa sahig pero parang hindi siya nasasaktan.



Nakita ko siyang gumalaw, ginamit ko ulit sa kanya ang blood manipulation at muli ko siyang hinampas sa barrier sa kanyang likuran.  Padapa siyang bumagsak, sa tingin ko tama na iyon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis akong tumakbo sa west side ng battle ring patungo sa kulay berde na painted score line. Nakagoal ako. Pareho na kaming 3 points ngayon ni Sirgel.

***

3 points all, at ngayon si Sirgel na naman ang guarding. Pang-apat na crystal ball niya na.



Tumunog ang match bell at mabilis akong inatake ni Sirgel. Bago pa ako makakilos ay nagawa nitong igapos ang dalawa kong kamay sa aking likuran gamit ang buhangin, ginapos rin nito ang mga paa ko. Mukhang nakita nito ang kahinaan ko, walang silbi ang taglay kong kapangyarihan kapag nakagapos ang mga kamay ko. Hindi ako kagaya niya na kayang kontrolin ang kapangyarihan sa pamamagitan ng isip lamang.



Hindi ako makagalaw at nanatling nakatayo sa loob ng dilaw na bilog. Nakatitig ako kay Sirgel na nakatingin rin sa akin, nakita ko siyang humakbang palapit sakin. Walang pagkabahala sa kanyang kilos dahil alam niyang hindi ko siya kayang atakihin dahil sa kalagayan ko.



Huminto siya sa harap ko at inangat nito ang hawak na crystal ball para ipakita sakin. Tinitigan ko siya at nakita ko siyang ngumiti.



"Hanggang diyan ka lang pala. Kawawa ka pala kapag wala kang kamay." Sabi ni Sirgel at umiling. "Hindi mo ako matatalo kung aasa ka lang sa mga kamay mo." Dugtong nito at pasimpling humakbang sa likod ko patungo sa painted score line.



Asar! Alam na nito ang kahinaan ko ngayon, kung kanina ay hirap akong pantayan siya pano pa ngayon na alam niya na ang kahinaan ko?



"4 Points for Sirgel Moxy." Narinig kong bigkas ni Crasnelia na nakalutang pa rin sa ere.



Naramdaman kong kumawala ang buhangin mula sa pagkakagapos sa aking mga kamay at paa. Bigla naman akong nakaramdam ng panlulumo, parang ayuko ng lumaban. Ano na ang gagawin ko ngayon? Pano pa ako lalaban kung alam na ni Sirgel ang kahinaan ko? Kahit anong gawin ko siguradong matatalo lang ako at isa pa four points na si Sirgel.

***

Nakatayo ako sa gitna ng east side ng battle ring at si Sirgel naman ay nasa gitna ng bilog na dilaw. Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang crystal ball, pang-apat ko na to.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, dapat maunahan ko sa pag-atake si Sirgel bago pa niya magamit ang kanyang kapangyarihan dahil kung hindi siguradong basag itong crystal ball na hawak ko.



"TING! TING! TING!" Tumunog ang match bell.



Wala ng paliguy-ligoy pa at ginamit ko kaagad kay Sirgel ang blood manipulation. Hindi naman ako nabigo dahil naunahan ko siyang atakihin bago pa niya magamit ang kanyang kapangyarihan sa akin. Tumilapon si Sirgel sa barrier at bumagsak sa sahig, tumakbo ako palapit sa kanya at pinalutang ko siya sa ere. Ininflict ko sa kanya ang blood pain sa pamamagitan ng blood manipulation, hindi siya sumigaw pero alam ko subra siyang nasasaktan sa ginawa ko. Pagkaraan ay hinampas ko siya sa barrier ng dalawang beses at pagkatapos ay tinapon ko siya sa sahig sa east side ng battle ring.



Alam kong mahihirapan siyang tumayo dahil sa ginawa ko kaya mabilis akong tumakbo sa west side ng battle ring at dinala ang crystall ball sa painted score line para maggoal. Nagawa kong makapuntos. 4 all na kami si Sirgel ngayon, patas kami ng puntos pero  sa pagkakataong ito dapat ko ng pigilan na makapuntos siya dahil kung hindi mapupunta sa wala ang pinaghirapan ko.

***

"4 all ang score between Sirgel and Shero. Ngayon ay turn ni Sirgel para sa guarding, kapag nagawa niyang pumuntos ay siya ang tatanghaling panalo sa round na ito. Now let's continue the fight." Anunsiyo ni Crasnelia.



Nakaramdam ako ng kaba, kapag nagscore si Sirgel talo na ko. Iyon ay kung hahayaan ko siyang magscore. Dapat maunahan ko siyang umatake katulad sa ginawa ko kanina.



Tumunog ang bell.



Mabilis kong tinutok ang kamay ko kay Sirgel para gamitin sa kanya ang kapangyarihan ko pero mabilis itong nakagawa ng  sand wall. Sa pagkakataong ito ay buong katawan niya ang tinago niya sa sand wall.



Tumakbo ako palapit sa kanya, pinagana ko ang aking mana sa aking katawan para pakiramdaman ang kanyang dugo sa kanyang katawan ng sa ganun ay magamit ko sa kanya ang blood manipulation pero hindi ko ito maramdaman dahil balot siya at protektado ng buhangin.



Natigilan naman ako ng maramdaman ko ang buhangin na gumapos sa mga paa ko. Asar, nahuli ako nito. Huli na ang lahat dahil hindi ko na maigalaw ang mga paa ko at pakapal ng pakapal ang buhangin dito. Gumapang ang ibang buhangin sa paa ko paakyat sa aking binti patungo sa aking katawan, sa braso at papunta sa aking mga kamay. Pinagpag ko ang buhangin sa aking mga kamay pero hindi ko ito maalis. Parang may sarili itong buhay. Ilang sandali pa at kumapal ang buhangin na nakapalibot sa aking pulso, para itong pulseras. Pwersahang gumalaw ang aking mga kamay papunta sa aking likod dahil sa buhangin. Katulad kanina ay nagapos ang kamay ko ng buhangin.



Kainis! Pano na ngayon to? Nakagapos ang mga kamay ko sa aking likuran, hindi ko na magagamit ang kapangyarihan ko. Wala na akong pag-asa na pigilan sa pagpuntos si Sirgel. Talo na ako nito.



Napatingin ako sa sand wall na ginawa ni Sirgel, unti-unti bumabagsak sa sahig ang buhangin na parang naagnas. Lumitaw ang ulo ni Sirgel, ang kanyang katawan, ang kanyang binti, ang kanyang paa at ang kanyang kabuuan.



Ngumiti ito sakin at nagsalita. "You're trapped. You're such a lousy one. Ciao!" Sabi nito at tinalikun ako.



Lumingon ako sa kanyang direksiyon, naglalakad lang siya ng simpli patungo sa kulay crimson na painted score line. Kung sa bagay walang dapat ipagmadali dahil nahuli niya ako. Anong magagawa ng isang tulad ko na nakagapos, ni hindi ko magamit ang kapangyarihan ko. Sa kalagayan kong ito ay hindi ako banta sa kanya.



Pero hindi pa huli ang lahat... 



Pumasok sa isip ko ang tubig sa gutter sa magkabilang gilid ng battle ring. Kahit nakagapos ang kamay ko ay kaya ko pa ring kontrolin ang tubig, tama, kaya ko pa ring gawin ang water manipulation, ang hindi ko lang kayang gawin kapag nakagapos ako ay ang blood manipulation. Mabilis kong pinadaloy ang mana sa aking kamay at ginamit ko ang water manipulation, kahit hindi ko nakikita ang likuran ko ay alam ko at nararamdaman ko ang pag-angat ng tubig sa ere mula sa gutter.



Naramdaman ko ang tubig na mabilis na lumutang palapit sa kamay ko at binasa nito ang buhangin na gumapos sa aking mga kamay. Dahil dito ay lumambot ang buhangin at nakalaya ang mga kamay ko, sunod ay minupula ko ang tubig papunta sa aking paa para basain ang buhangin dito. Tuluyang akong nakalaya sa pagkakagapos na hindi nalalaman ni Sirgel.



Mabilis akong tumakbo patungo sa likuran ni Sirgel, malapit na ito sa painted score line. Mga tatlong hakbang na lang ang layo niya dito. Isa lang ang nasa isip ko ngayon at iyon ay basagin ang hawak nitong crystal ball na nasa kanyang kamay bago pa siya makaapak ng tuluyan sa painted score line.



Narinig kong nagsigawan ang mga manunuod at dahil dito ay napalingon si Sirgel. Napatigil ako sa pagtakbo at nagsalubong ang mga mata namin, mga tatlong metro ang layo namin sa isa't-isa. Bago pa siya makakilos para atakihin ako ay nakatutok na ang aking mga kamay sa kanya at ginamit ko sa kanya ang blood manipulation.



Humampas si Sirgel sa barrier sa gawing kanan ko at tumilapon naman sa ere ang hawak nitong crystal ball.



"Hindi!!" Sigaw ni Sirgel na ang paningin ay nakatutok sa crystal ball na babagsak sa sahig kasabay niya.



Bumagsak si Sirgel sa sahig samantalang nasalo naman ng buhangin na pumormang kamay ang crystal ball bago pa ito mahulog sa sahig kaya hindi ito nabasag.


Continue Chapter 60