YYU - Chapter 60: End of Round One

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Nakita kong binalot ng buhangin ang buong crystal ball na nakalutang sa hangin na ilang pulgada na lang ang distansya sa sahig. Muntik na sana itong mabasag kung hindi lang sa buhangin na sumalo dito.  Mabilis kong binalingan si Sirgel na nakadapa sa sahig at nakatitig sa crystal ball, ginamit nito ang kapangyarihan niya para protektahan iyon. Agad kong tinutok sa kanya ang aking kanang kamay at ininflict ko sa kanya ang blood pain sa pamamagitan ng blood manipulation.



"Ahhhhh!! Ahhhhh!!" Sigaw ni Sirgel dahil sa sakit, ang atensyon nito ay nakafocus pa rin sa crystal ball na balot ng makapal na buhangin, pilit niya itong pinoprotektahan. Dapat kong mabasag ang crystal ball na iyon pero hindi ko iyon magagawa hangga't nababalot ito ng makapal na buhangin at kinokontrol ni Sirgel.



Tinaas ko ang aking kaliwang kamay at itinutok ko ito sa gawing kaliwang gutter ng battle ring kung saan naka pundo roon ang tubig. Ginamit ko ang water manipulation sa kaliwa kong kamay, agad na lumutang ang tubig sa hangin at mabilis ko itong kinontrol patungo sa crystal ball na binalot ng makapal na buhangin. Pumalibot ang tubig at binasa nito ang makapal na buhangin na bumalot sa crystal ball. Basa ang buhangin kaya malambot na ito, ibig sabihin nun ay mahina na ang kapit ng kapangyarihan ni Sirgel dito. Kaya ko nang basagin ang crystal ball sa loob ng basang buhangin.



Hindi na ako nag-aksaya ng oras, mabilis akong tumakbo palapit sa crystal ball na binabalot ng basang buhangin at sinipa ko ito gamit ang kanang paa ko. Tumilapon ang crystal ball sa barrier sa gawing hilaga ng battle ring at nabasag, lumabas doon ang itim na usok na mabilis ring naglaho.



"Prreeeeeeerrrrrrrrrrrrr!!!" Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig kong pumito si Crasnelia na nakalutang pa rin sa hangin sa taas ng battle ring. Agad ko namang binawi ang kamay ko na nakatutok kay Sirgel at nakita ko itong masama ang titig sa akin, nagsimula itong bumangon.



"Nabasag ang panglimang crystal ball ni Sirgel, ibig sabihin tuloy pa rin ang laban sa round na ito. May chance pa si Shero na manalo!" Anunsiyo ni Crasnelia. 



Napalingon ako sa paligid, wala ng masyadong nag-iingay, ewan ko kung bakit. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at binaling ko ang aking tingin sa east viewing stage kung nasan nakapwesto ang mga kasama ko. Nakita ko silang nakatayo, walang ingay at nakatutok ang mga mata nila sa direksyon ko.

***

Ako naman ang guarding ngayon, panglimang crystal ball ang hawak ko sa aking kaliwang kamay. Dapat akong makapuntos ngayon para ako ang tanghaling panalo sa round na ito. Ano man ang mangyari hindi dapat mabasag itong crystal ball, hindi ko pwedeng bigyan ng pagkakataon si Sirgel na maging guarding sa pang-anim niyang crystal ball. Dapat kong tapusin ang round na ito ngayon, dapat ako ang manalo.



Nakatayo si Sirgel sa loob ng dilaw na bilog, masakit ang mga titig niya sakin. Hindi siguro nito inaakalang makakawala ako sa pagkakagapos ng buhangin niya at magagawa kong basagin ang panglimang crystal ball na magpapanalo sana sa kanya. Sa tingin ko masyado siyang naging kampante kaya iyon nangyari.



"TING! TING! TING!" Umalingawngaw ang tunog ng match bell.



Bago pa ako makahakbang para tumakbo ay nabalot na agad ang magkabila kong mga paa ng makapal na mga buhangin at agad naman na lumitaw sa harap ko ang malaking ipo-ipong buhangin. Mabilis ko namang tinutok ang aking kanang kamay sa gutter sa gawing hilaga ng battle ring at ginamit ko ang water manipulation, umangat ang malaking volume ng tubig. Kung kayang gumawa ni Sirgel ng ipo-ipong buhangin sa tingin ko kaya ko ring gumawa ng ipo-ipong tubig.



Kinumpas ko ang aking kanang kamay ng paiko-ikot habang nakatutok ito sa nakalutang na tubig, hindi ako sigurado sa ginagawa ko pero ito ang sinasabi ng utak ko, parang instinct lang. Nakita kong gumalaw ang tubig at bumagsak ito sahig. Mukhang hindi umubra ang ginawa ko.



Napabaling ang pansin ko sa malaking ipo-ipong buhangin na biglang sumakop sakin, pinaikutan ako nito. Napahawak naman ang mga kamay ko ng mahigpit sa crystal ball. Nakakaasar ang ganitong technique ni Sirgel, hindi ako masyadong makagalaw dahil dito at idagdag pa ang buhangin na nakagapos sa mga paa ko. Bigla rin akong nakaramdam ng hapdi sa iba't-ibang parte ng aking katawan dahil sa sugat na dulot ng buhangin.



Nakakapuwing ang buhangin, ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng bigla kong makitang umangat ang tubig sa sahig at mabilis na gumalaw ng paikot at naging isang malaking ipo-ipong tubig. Itinutok ko ang aking kamay dito at gumalaw ito patungo sa direksyon ko. Sumanib ang ipo-ipong tubig sa ipo-ipong buhangin at dahil dito ay tumilapon ako sa sahig mga dalawang metro ang layo doon.



Bumagsak ako na una ang likod kaya hindi nabasag ang hawak kong crystal ball. Masakit ang likod ko dahil sa aking pagkakabagsak pero pinilit kong tumayo. Binalingan ko si Sirgel na nakatayo sa west side ng battle ring, nakatingin ito sa kulay itim na pinagsamang buhangin at tubig na ipo-ipo, para na itong putik. Biglang sumabog ang putik na ipo-ipo at nagkalat ang putik kahit saan.



Mabilis akong tumakbo sa direksyon ni Sirgel. Nakita ko siyang gumalaw at pinaangat nito sa hangin ang mga buhangin sa gutter sa kaliwang bahagi niya. Pinaatake niya ang buhangin sakin at dahil sa bilis nun ay hindi ako nakailag. Tinamaan ako ng buhangin sa tiyan at sumubsob ako sa sahig ng patalikod. Hindi naman nabasag ang crystal ball at hawak ko pa rin ito sa aking mga kamay.



Habang nakahiga ako sa sahig ay nakita kong gumalaw ang purong buhangin sa direksyon ko at kumapit ito paikot sa hawakan ko at gumapang ang iba sa magkabila kong mga kamay at mga paa. Pinaangat ako ng buhangin sa ere. Hindi ko naman makontrol ang sarili kong mga braso at kamay, napadipa ako dahil sa buhangin na nakapalibot sa magkabila kong pulso. Ang dalawang paa ko naman ay magkasamang ginapos ng buhangin. Sa puntong ito ay hindi ako makakilos dahil hawak ako ni Sirgel sa kapangyarihan niyang buhangin.



Nakadipa ako habang nakalutang sa ere at nasa ibabang harapan ko naman si Sirgel na nakatitig sa crystal ball sa kaliwa kong kamay. Binalingan ako nito, matalim ang tingin niya sakin. Nakita ko siyang unti-unting umangat sa hangin sa pamamagitan ng buhangin na kanyang inaapakan. Ilang saglit lang at magkapantay na kami ng taas at kinuha niya sa kamay ko ang crystal ball.



Tinitigan ako ni Sirgel at nakita ko ang pagtaas ng isang kilay nito. Hawak nito ang crystal ball ko at pwede niya iyong basagin ano mang sandali na gustuhin niya, dapat ko iyong mabawi sa kanya. May nabuo namang plano sa aking isip pero hindi ko alam kung uubra ito o hindi, pero kailangan ko itong subukan ano man ang maging resulta.



Kailangan kong idestruct ang atensyon ni Sirgel para mawala ang focus niya sa pagcontrol sa mga buhangin ng sa ganun makawala ang mga kamay ko .



"Say good bye to your crystal ball Shero." Walang emosyon na sabi ni Sirgel na nakatitig sa akin.



"Yeah... Good bye!" Tugon ko at dinuraan ko siya sa kaliwang mata. Dahil sa ginawa ko ay napapikit siya at napayuko, nagpunas siya ng mata. 



Ito ang nasaisip ko na mangyayari, mukhang naagaw nga ang atensyon ni Sirgel sa ginawa ko. Pagkakataon ko na. Mabilis kong ginalaw ang mga bisig ko at nagawa ko. Nakawala ang mga kamay ko mula sa pagkakagapos ng buhangin dahil nawala ang focus ni Sirgel dito.



Habang nagpupunas ng mata si Sirgel ay mabilis kong inagaw sa isa niyang kamay ang crystal ball. Napaangat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang biglang pagkagulat sa kanyang mukha. Nakatutok naman ang isa kong kamay sa kanya. Wala na akong pagdadalawang isip at ginamit ko sa kanya ang blood manipulation, humampas si Sirgel sa barrier sa gawing kanan ko at bumagsak sa sahig.



Bumagsak rin ako sa sahig dahil kumawala ang buhangin na gumapos sa aking hawakan at mga paa pero hindi ako nasaktan dahil patayo akong bumagsak.



Binalingan ko si Sirgel na nakadapa sa sahig. Inangat nito ang ulo sakin at nagtama ang mga mata namin, tinutok ko sa kanya ang kamay ko at ginamit ko uli sa kanya ang blood manipulation. Hinagis ko siya sa dulo ng battle ring sa east side at nakita ko siyang sumobsub sa sahig. Mabilis naman akong tumalikod at pagkatapos ay tumakbo sa west side ng battle ring, sa dulo, sa painted score line.



Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at pigil ko ang aking hininga habang tumatakbo. Malapit na ako, mga limang hakbang na lang at maaabot ko na ang painted score line. Kapag nakapuntos ako, ako ang mananalo sa round na ito.



Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Limang hakbang... Huminto ako sa pagtakbo.



"TING!! TING!! TING!! TING!! TING!! TING!  TING!! TING!!!" 



Narinig kong sunod-sunod ang pagtunog ng match bell na sinabayan ng mga sigawan ng mga manunuod. Napatingin naman ako sa sahig, nakatayo ako sa kulay berde na painted score line at hawak ko sa aking kamay ang crystal ball. Ibig sabihin ay...



Bigla akong napabaling kay Crasnelia na nagsalita, narun pa rin ito sa ere. "Ladies and gentlemen Shero got five points! Nagawa niyang pumuntos sa panglima niyang crystal ball at dahil dito siya ang panalo sa round na ito. Horrayyy for Yin-Yang University!! Wooohhhhhh! Congratulations Shero!!!!" Malakas na sigaw ni Crasnelia at napuno ng ingay ang coliseum, hindi ko alam kung nagchecheer ang mga manunuod sa pagkapanalo ko o nagpoprotesta dahil natalo si Sirgel.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, nanalo ako?! Tama, oo, nanalo ako. Nagawa ko. Nanalo ako sa round na ito! Nakakagalak, hindi ako maniwala, napainalo ko ang round 1.



Napatingin ako sa crystal ball sa kamay ko na biglang bumulusok sa ere at sumabog na parang fireworks, lumabas doon ang salitang 'round one winner' at ang pangalan ko at pagkatapos ay napalitan iyon ng pangalan ng Yin-Yang University.



Napabaling ang mata ko sa sahig, nakita kong bigla itong luminis, nawala ang dumi dito at nakita ko si Crasnelia na bumaba at lumapit sa akin. Dinala ako nito sa gitna ng battle ring at pagkatapos ay nilapitan naman nito si Sirgel at dinala sa tabi ko. Hindi ko tinitigan si Sirgel dahil ayukong makita ang reaksyon niya, alam kong galit siya dahil natalo ko siya. Meron pang round two at alam kong gaganti siya.



Pumagitna sa amin ni Sirgel si Crasnelia at hinawakan nito ang magkabilang kamay namin. "Our round one winner is Shero Tan of Yin-Yang University." Pormal na proklama ni Crasnelia at tinaas nito ang kaliwa kong kamay.



Nagpalakpakan ang kalahati sa mga manunuod at ang iba ay nagsigawan, hindi ko alam kung ano ang kanilang sinisigaw. Siguro merong sang-ayon at merong hindi sang-ayon sa pagkapanalo ko.

***

Pagkatapos ng proklamasyon sa pagkapanalo ko ay binigyan kami ni Sirgel ng kaunting sandali na magpahinga at makausap ang mga kasamahan namin sa viewing stage. Nagkaroon ng tulay ang east viewing stage at west viewing stage patungo sa magkabilang dulo ng battle ring at tinanggal doon ang barrier para doon kami dumaan.



Pagkaapak ko sa east viewing stage ay sinalubong ako ng yakap nina Karrice, Grandeline, Tonique at Travis. Tuwang-tuwa sila dahil nanalo ako. Binati rin ako ni Maru, Lilyu at Keith. Matipid na ngiti lang ang tinugon ko sa kanila, hindi nila alam na bugbog sarado ang katawan ko at iniinda ko ang sakit ng aking mga kalamnan.



Natigilan ako ng lumapit sakin si Tristan at mahigpit ako nitong niyakap. "Alam kong subra kang nasaktan sa laban mo, sorry hindi kita naprotektahan." Mahinang sabi nito habang yakap-yakap ako sa kanyang bisig.



Tumugon ako sa yakap ni Tristan. Hindi ko alam pero parang gustong kumawala ng mga luha ko sa aking mga mata, pinilit kong pigilin ang pagluha. Ang totoo'y subra akong natatakot habang nasa loob ako ng battle ring, at kung pano ko nagawang tumayo at lumaban ay hindi ko alam. Isa lang akong mahina na pinipilit maging matapang para sa mga kasamahan ko at para kay Tristan. Ayuko silang mag-alala sakin, ayukong maging pabigat sa kanila kaya sinikap kong magkunwari na malakas ako, na kaya ko kahit na ang toto ay hindi.



Napapikit ako habang kayakap si Tristan, ramdam kong ligtas ako sa bisig niya. "Natatakot ako Tristan." Pabulong na sambit ko.


Continue Chapter 61