YYU - Chapter 61: Round Two

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Napakalas ako ng yakap kay Tristan ng marinig ko ang pagtawag ni Crasnelia sa pangalan ko at ni Sirgel, pinapababalik na kami nito sa battle ring. Saglit kong initigan si Tristan, tikom ang bibig nito at mariin ang titig niya sakin. Binaling ko ang paningin ko sa iba naming mga kasama na nakapalibot sa amin. Alam kong pilit nilang tinatago ang pagkabahala sa kanilang mukha, hindi nila maikukubli iyon sakin.



"Good luck Shero." Pilit ang ngiti na sabi ni Travis.



"Salamat." Tugon ko at matipid na ngumiti.



Muli kong binalik ang aking paningin kay Tristan at tumalikod na ako. Kinakabahan akong humakbang patungo sa tulay na dumudugtong sa viewing stage at battle ring. Round two na ng laban at snatching ang tawag sa round na ito. Wala akong ideya kung anong klaseng laban ang mangyayari mamaya pero natitiyak kong babawi si Sirgel sa round na ito. Dapat ko ng ihanda ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari.



Tuluyang naabot ng mga paa ko ang sahig ng battle ring at nakita ko si Sirgel na katabi si Crasnelia sa gitna, naghihintay na ang mga ito sa akin. Saglit akong tumigil sa paglakad at lumingon ako sa aking likuran doon sa viewing stage para tignan ang mga kasamahan ko. Nakita kong nakaupo na ang mga ito at nakatingin sa direksyon ko. Nakita ko rin ang paglaho ng tulay sa pagitan ng battle ring at ng viewing stage at bumalik ang barrier sa dulo. Binawi ko ang aking mga mata at nagpatuloy sa paghakbang hanggang sa marating ko ang gitna ng battle ring.



"Nandito na ngayon at kasama ko ang dalawang players na sina Sirgel at Shero, so now, Ladies and gentlemen, let's proceed to round two!!" Anunsyo ni Crasnelia sa mga manunuod at nagsimula ulit umingay ang paligid.



Napasulyap ako kay Sirgel na nasa gawing kaliwa ni Crasnelia at nagtama ang mga mata namin, tumaas ang isang kilay nito. Mabilis kong binawi an aking mga mata at nilipat sa mga manunuod, napalunok ako ng laway. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Sirgel. Nararamdaman kong ibang klaseng laban ang ibibigay niya ngayon. Bahala na kung anong mangyari sa round na ito.



"Mga kaibigan bago natin simulan ang laban ay tanungin muna natin kung handa na ba ang mga players natin." Wika ni Crasnelia at binalingan ako, napatingin ako sa kanya. "Unahin natin si Shero ng Yin-Yang University. Shero mahusay ang ipinakita mo sa round one, marami ang humahanga sa ipinakita mong laban." Nakangiting sabi ni Crasnelia habang nakatingin sakin, nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Kapag naipanalo mo ang round na ito ay ikaw ang tatanghaling panalo sa laban ngayong gabi. Ngayon ang tanong ko sayo, handa ka na ba para sa round two? Maipapanalo mo ba ang round na ito?"



Saglit akong natigilan, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Hindi ako sigurado." Sagot ko at narinig ko ang sarili kong boses na sumakop sa buong coliseum. Bahagya akong nagulat dahil akala ko si Crasnelia at Sirgel lang ang makakarinig ng boses ko dahil wala naman akong mic na hawak pero pumailanlang ang malakas na boses ko. Naalala kong ginamitan pala ng mahika ang paghahanda sa Q'match na ito kaya iyon nangyari.



"Hindi sigurado si Shero kung mananalo siya sa round two, ngayon tanungin naman natin si Sirgel na pambato ng Fortis University." Sabi ni Crasnelia at nilingon nito si Sirgel sa kanyang kabila. Umingay lalo ang paligid. "Sirgel, kanina natalo ka ni Shero sa round one. Sa round two ba ay handa ka na? Sa tingin mo ba makakabawi ka?"



Pumailanlang ang boses ni Sirgel. "Sisiguraduhin kong makakabawi ako!" Walang pag-alinlangan na sagot nito.



Napalunok ako ng laway, siguradong sakit sa katawan ang aabutin ko mamaya sa kanya.



"Narinig niyo mga kaibigan, sisiguraduhin daw ni Sirgel na makakabawi siya sa round na ito. Mukhang magandang laban ang mangyayari kaya huwag na nating patagalin pa. Panoorin nating lahat ang mechanics ng round two na tinatawag na Snatching! Roll vtr!" Sigaw ni Crasnelia.



Napalingon at napaangat ako ng ulo sa stage kung nasan naroon at nakasabit ang tatlong magkakahiwalay na malalaking monitor. Katulad sa round one kanina ay boses ng lalaki ang nasa voice over.



"For the second round: Snatching. This is the mechanics." Sabi ng voice over at lumabas sa screen ang animated na dalawang players na lalake, nasa gitna ang mga ito ng battle ring at nakaapak sa dilaw na bilog. "Sa round na ito ang dalawang players ay mag-uunahang pumuntos ng tatlo, ang sino mang mauuna ang siyang panalo. Kung ano ang gagawin heto at panoorin ninyo." 



Nagpatuloy sa pagsasalita ang voice over habang eneexecute naman ng dalawang animated players sa video ang sinasabi nito. "Ang dalawang players ay iaassign sa magkabilang bahagi ng battle ring, sa east side at sa west side. Pagkatapos ay magtotoss coin, pipili ang dalawang players ng head or tail. Kung sino ang nakapili ng lumabas sa toss coin ang siyang mauunang hahawak ng bola. Halimbawa si player A ay nakaassign sa east side at si player B ay nakaassign naman sa west side. Ngayon halimbawa, si player A ang nanalo sa toss coin, ibig sabihin siya ang hahawak ng bola. Ang gagawin ni player A para makapuntos ay dadalhin niya ang bola sa painted score line sa west side ng battle ring kung nasaan nakaassign ang kanyang kalaban, kapag nadala niya ang bola doon ay agad siyang makakakuha ng one point. Si player B naman ay may pagkakataon ring makapuntos kapag nagawa niyang maagaw ang bola kay player A at nadala niya ito sa painted score line ng kanyang kalaban. Kaya tinawag ang round na ito na snatching dahil ang dalawang manlalaro ay parehong mag-aagawan sa bola para makakuha ng puntos."



Napatango ako ng ulo. Malinaw na sakin ang round na ito, parang katulad lang pala ito ng round one.



Nagpatuloy sa pagsasalita ang voice over. "Hindi pa tapos, meron pa kayong dapat malaman. Sa round na ito ay meron kayong makakasama. Tatlong kakampi bawat isa sa inyo" Pagbibigay alam ng voice over. 



Magkakaroon daw kami ng kasama, sino kaya?



"Sa round na ito ay iaactivate ang virtual reality field-ring para masummon ang tatlong random na kakampi ng bawat isa sa inyo. Maaaring ang magiging kakampi niyo ay passive users, active users o pwedeng elemental users. Ang mga kakampi niyo ay tinatawag na mobs, makakaapekto sila sa laban sa loob ng battle ring dahil naka program silang umatake at dumepensa. May limitasyon ang kayang gawin ng mobs, hindi sila tumatanggap ng utos o direksyon mula sa players at hindi sila nakaprogram para humawak ng bola. Nakaprogram lang sila para umatake sa kalabang player at promutekta sa kanilang kakamping player." Sabi ng voice over.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, may kakampi ang bawat isa samin ni Sirgel at sa tingin ko masmaigi na ang ganun. Sinabi ng voice over na nakaprogram na dumipensa ang mga mobs sa kakampi nilang players kaya ayos iyon, kahit papano makakatulong iyon sakin. 



"Sa round na ito ay meron pang isang surpresa pero malalaman niyo lang iyon kapag nagsimula na ang laban. At sa round na ito tandaan ang isang rule, no killing. Good luck players." Huling mensahe ng voice over at namatay ang mga monitor.



Ang daming bago sa round two, akala ko kunti lang ang pinagkaiba sa round one pero hindi pala parang masmahirap ang round na ito. Idagdag pa ang isang surpresa na binanggit ng voice over, ano naman kaya iyon? Hay nakakakaba ng subra ang round na ito.



Kumilos si Crasnelia at humarap sa amin ni Sirgel, pinakita nito sa amin ang coin sa kanyang kaliwang palad. "Bago tayo magtoss coin gusto kong sabihin sa inyo na mananatili kayo sa bahagi ng battle ring kung nasan kayo nakaassign kanina. Shero sa east side at Sirgel sa west side." Sabi ni Crasnelia, tumango kami bilang tugon. "Ngayon magsimula na tayo." Sabi nito at binalingan ako. "Shero dahil ikaw ang nanalo sa round one, ikaw ang una kong papipiliin. Head or tail?" Tanong ni Crasnelia.



"Head." Ikling sagot ko.



"Ok, dahil pinili ni Shero ang head, ibig sabihin ikaw Sirgel ang tail." Baling ni Crasnelia kay Sirgel.



Hindi tumugon si Sirgel at pinitik ni Crasnelia ang coin sa hangin at pagkatapos ay sinalo ito gamit ang kanang kamay at pinatong iyon sa kaliwa niyang braso. Nanatiling nakatakip ang kanang kamay ni Crasnelia sa coin at pinalipat-lipat nito ang tingin sa amin ni Sirgel at ngumiti. Saglit din at pinakita nito samin ang resulta.



"Mga kaibigan, tail ang lumabas kaya ibig  sabihin si Sirgel ang unang hahawak sa bola." Pagbibigay impormasyon ni Crasnelia sa mga manunuod at lumipad ito sa hangin sa taas ng battle ring.



Nagkatinginan kami ni Sirgel at nakita ko siyang ngumisi. Tinitigan ko lang siya ng blanko, na walang emosyon sa mukha. Hindi ko dapat ipahalata sa kanya na subra akong kinakabahan, na natatakot ako. Dapat umakto lang ako ng simpli at parang wala lang, dapat kumilos ako katulad sa ginawa ko sa round one. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya na kabado ako dahil baka iyon pa ang maging dahilan para lalo niya akong sindakin.



"Find your position players. Shero sa east side ka at ikaw Sirgel manatili ka diyan sa gitna. Sirgel dahil nakaassign ka sa west side ng batle ring ibig sabihin ang goal mo ay sa east side at ikaw Shero dahil nakaassign ka sa east side ibig sabihin ang goal mo ay sa west side, vice versa. Katulad sa round one kanina makakapuntos kayo kapag nakaapak kayo sa painted score line ng inyong kalaban." Pagpapaalala ni Crasnelia na nakalutang sa hangin sa taas.



Kumilos ako at pumunta sa gitna ng east side kung saan ako nakaassign simula nung round one. Nanatili naman sa gitna ng dilaw na bilog si Sirgel at nakaharap sa direksyon ko. Dito siya maggogoal sa likod ko kaya dapat ko siyang pigilin, at magagawa ko lang iyon kapag naagaw ko sa kanya ang bola. Oo nga pala hindi ko alam kung anong klase ng bola ang gagamitin pero sa tingin ko hindi ito babasagin katulad sa mga crystal balls. Sigurado yari sa rubber ang bola kasi pag-aagawan namin ito kaya dapat matibay ito.



"Activate virtual reality field-ring now!" Pagbibigay signal ni Crasnelia at ang puting liwanag na tumatagos sa sahig na yari sa makapal na crystal ay nawala at napalitan iyon ng kulay asul na liwanag.



Naactivate na ang virtual reality ng battle ring at dahil dun ay lumabas sa aking magkabilang tabi ang dalawang mobs at sa likod ko naman ang isa. Nakita ko rin ang ang tatlong mobs na sumulpot sa likod ni Sirgel.



Humugot ako ng buntong hininga at napakuyom ako ng mga kamao. Ang tatlong mobs na kasama ko ay mga repleka ng mga representatives ng Fortis University, si Kenver, si Xenon at si Phoebie. Nakasuot ang mga ito ng kulay dark green na school uniform na katulad sa desinyo ng school uniform namin. At napabaling ang paningin ko sa tatlong repleka na kasama ni Sirgel, nakasuot naman ang mga iyon ng crimson uniform, ang tatlong replekang iyon ay sina Lilyu, Travis at Tristan. Mukhang hindi maganda ang kalalabasan ng laban na ito...


Continue Chapter 62