YYU - Chapter 62: The surprise twist!

 


*** SIRGEL'S POINT OF VIEW ***

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakapako ang mga mata ko kay Shero na nakatayo sa gitna ng east side  ng battle ring, kasama nito ang tatlong mobs na repleka ng mga kateam ko na sina  Xenon, Phoebie at Kenver. Mukhang porsigido si Shero na ipanalo ang round na ito, pero hindi ako papayag. Hindi ako pwedeng matalo sa kanya, isang malaking kahihiyan kapag natalo ako sa isang baguhan. Pero oo, aminado akong malakas si Shero, dapat akong mag-ingat sa kanya. Kelangan kong manalo sa round na ito, ako ang dapat manalo at hindi siya.

"Hand the ball please." Umalingawngaw ang boses ni Crasnelia na sumabay sa ingay ng mga manonood sa coliseum.

At napabaling ang paningin ko sa kulay dilaw na bola na biglang sumulpot at lumutang sa aking harapan, kasing laki ito ng bola ng volleyball. Inabot ko ito ng aking dalawang kamay at dinama sa aking mga palad, malambot ito at medyo mabigat, yari ang bolang ito sa goma.

Bumuga ako ng hangin at pinakalma ko ang aking sarili. Magsisimula na ang round two, dapat akong makapuntos ano man ang mangyari.



"Players get ready!!" Isang sigaw at hudyat mula kay Crasnelia na nakalutang sa taas ng battle ring. "Round two fight!!"

Tumunog ang match bell at nakita ko ang pagkilos ni Shero pati na ang tatlong mga mobs na kakampi niya. Tumatakbo si Shero sa direksyon ko at nakatutok sakin ang mga kamay niya. Mukhang gagamitin niya na naman sakin ang blood manipulation.

Bago pa ako makakilos sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang mabilis na pagharang ng isang mobs na repleka ni Tristan sa aking harapan para protektahan ako. Nakatutok ang mga kamay nito kay Shero para umatake, at nakita ko ang paglabas ng mga kadena sa mga palad nito at walang pag-aalinlangang inatake si Shero.

Ginapos ng mobs na si Tristan ang mga kamay ni Shero pati na ang katawan nito gamit ang kapangyarihan niyang kadena. Sa pagkakaalam ko gravitation ang kapangyarihan ng totoong Tristan at hindi kadena. Kung ganun ramdom at pinagpalit-palit pala ang mga kapangyarihan ng mga mobs para sa laban na ito.

Umabante ako sa kanang bahagi ni Tristan at nakita kong hinila nito ang kadena ng buong pwersa at itinapon si Shero sa kaliwang bahagi ng battle ring. Tumama si Shero sa barrier at bumagsak sa mga halaman na biglang tumubo sa sahig na babagsakan sana nito.

Napatingin ako sa mobs na repleka ni Xenon, siya ang nagpatubo ng mga halamang iyon para protektahan si Shero sa pagbagsak. Binawi ko ang aking paningin at tumakbo ako patungo sa eastside ng battle ring. Papasalubong naman sakin ang dalawang mobs na repleka nina Phoebie at Kenver. Mabilis kong sinipit ang bola sa aking kanang braso't bisig at tinaas ko ang aking kaliwang kamay para gamitin ang kapangyarihan ko sa kanila. Gamit ang mga buhangin sa kaliwang gutter ng battle ring ay lumikha ako ng twirl sand at inatake sina Phoebie at Kenver pero walang nangyari. Hindi umubra ang kapangyarihan ko sa kanila dahil bigla silang nagpalit anyo na dalawa, si Phoebie ay nagpalit anyo bilang isang malaking itim na ahas at si Kenver naman ay naging purong metal ang katawan nito.

Patuloy ako sa pagtakbo at ilang dipa na lang ang layo ko sa kanilang dalawa. Hindi na ako makakaiwas kapag inatake nila ako ng sabay ng biglang may kumislap na liwanag mula sa aking likuran at nakita ko ang boltahe ng kuryente na dumaan sa aking tabi at tumama sa malaking ahas na si Phoebie sa aking harapan. Bumagsak ang ahas dahil sa atakeng iyon at napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Lilyu na napapalibutan ng kuryente ang buong katawan.

Nawala naman ang atensyon ko kay Kenver dahil sa paglingon ko kay Lilyu at pagbalik ko ng aking paningin sa harapan ay napalaki ang mata ko dahil nasa tapat ko na si Kenver at nakataas ang metal na kamao nito para suntukin ako. Akala ko ay tatamaan na ako ng suntok nito ng biglang may humila sa damit ko mula sa aking likuran at dahil dun nakailag ako. Mabilis akong lumingon para tignan kung sino ang humila sakin at nakita ko si Travis na dumuble ang lake at naging bato ang katawan. Kumilos si Travis at dinumog  si Kenver, nakipagbunuan silang dalawa sa sahig. Sa tingin ko magiging patas lang ang laban nila, si Kenver na may bakal na katawan laban kay Travis na merong bato at dubleng size ng katawan.

Inikot ko ang aking paningin sa loob ng battle ring, mukhang sa pagkakataong ito ay pwede na akong pumuntos. Muli akong tumakbo ng biglang mapatid ang paa ko at dahil dun ay bumagsak ako sa sahig. May nakagapos na baging sa isa kong paa. Napatingin ako sa pinagmulan ng baging at nakita ko si Xenon, kinokontrol nito ang baging.

Naagaw naman ang paningin ko kay Tristan na biglang tumakbo palapit kay Xenon at ginapos niya ito ng kanyang mga kadena. Sa sandaling ito ay nakatayo na rin si Shero at nakita kong ginamit nito ang blood manipulation kay Tristan. Hinagis ni Shero sa  barrier si Tristan at dahil nakagapos sa kadena ni Tristan si Xenon kung kaya pati ito ay napasamang tumama sa barrier, bumagsak ang mga ito sa sahig.

Napalingon sakin si Shero at nakita ko siyang tumakbo palapit sakin ng bigla na lang itong bumagsak sa sahig dahil tumama sa kanya ang boltahe ng kuryente na pinakawalan ni Lilyu.

Mabilis naman akong kumilos at tinanggal ang mga baging sa aking mga paa. Bumangon ako at tumakbo habang sipit pa rin sa aking kanang braso ang bola. Nakatuon ang mga mata ko sa dulo ng eastside ng battle ring, sa painted score line kung saan ako maggogoal. Habang tumatakbo ay dama ko ang kaba sa aking dibdib, dapat akong makagoal. Sa oras na ito isa lang nasa isip ko at iyon ay ang manalo.

Mga limang metro na lang ang layo ko sa painted score line, ilang hakbang na lang at makakagoal na ako nang biglang lumiwanag ang bola sa aking bisig at naglaho. Anong nangyari? Bakit nawala ang bola?


Continue Chapter 63