YYU - Chapter 67: Shero's Awake

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***




Habang naglalakad ako patungo sa stage ay nakatingin ako sa matandang head order. Ramdam ko pa rin ang kakaibang dating ng presensya nito katulad noong una ko itong makita. Siguro isa ito sa kilalang witch sa hidden society at sa tingin ko magaling siya sa paggamit ng mahika.



Binaling ko ang aking paningin sa likod ng head order ng bigla itong tumingin sa direksyon ko. Hindi ako nagpahuli sa kanyang mga mata. Pinaglandas ko ang aking paningin sa labing apat na mga kasama nitong opisyales  na nakaupo sa mga silya sa likuran. Halos may mga edad na lahat at dalawa lang ang nakikita kong medyo bata pa na sa tingin ko ang mga edad ay hindi lalagpas ng 30 at parehong lalake ang mga iyon. Apat naman sa mga opisyales ang nakita kong may mga hawak na staff, dalawang babae at dalawang lalake, mga witch at mga warlock ang mga ito.



Napag-alaman ko na sa hidden society, casters ang tawag sa mga witch at warlock. Mahalaga sa kanila ang kanilang staff dahil kapag wala ito ay hindi sila makakagamit ng spell at makakagawa ng potion. Nalaman ko rin na nakadepende sa edad ng mga casters ang mga mahika at potion na pwede nilang gamitin. Ang mga casters ay hindi nakakagamit ng spell at nakakagawa ng potion ng basta-basta na lang dahil sa Required Age-limit Law. Ang lahat ng spell at potion ay nagrerequire ng age-limit sa mga casters. Halimbawa ang isang spell o potion ay nagrerequire ng age-limit na 20 pataas, ibig sabihin ang mga casters na 19 below ay hindi makakagamit nito. Ang required age-limit law ay batas ng kalikasan kaya kusang hindi uubra ang isang spell o potion kapag hindi umabot sa panuntunang edad ang caster na gagamit nito. Para sa aking pananaw ang required age limit law ng kalikasan ay nararapat lamang para sa mga casters para hindi maabuso ang paggamit nila ng mahika at potion.



Isa pa sa nalaman ko ay ang tunkol sa mga albino at bampira.  Kung ang mga casters ay may Required Age-limit Law ang mga albino at bampira naman ay merong Law of the Sun. Ang law of the sun ay tumutukoy sa bukang liwayway, tanghaling-tapat at paglubog ng araw kung saan sa loob ng mga oras na ito ang mga albino at bampira ay nagiging ordinaryong tao at nawawala ang kanilang abilidad tulad ng subrang bilis, lakas at pagpapagaling sa sarili.



Sa loob ng oras simula bukang liwayway hanggang sa oras bago magtanghaling tapat ang mga albino at bampira ay may kakayahang maglakad sa ilalim ng sikat ng araw ng hindi napapaso o nasusunog. Ang matindi sa law of the sun naman ay ang pagsapit ng tanghaling tapat hanggang sa paglubog ng araw kung saan ang mga albino at bampira ay hindi pwedeng masinagan ng araw dahil mapapaso ang kanilang balat at ang malala ay pwede silang maging abo mula sa pagkasunog. Ang law of the sun ay batas ng kalikasan kung saan pinagkakalooban ang mga albino at bampira ng pagkakataong maging normal na tao sa araw at kasama na dito ang pagkakataong magkaroon ng anak sa kabila ng pagiging cold blooded nila.



Ang mga albino at bampira ay nananatiling imortal sa edad kahit  na nagiging normal na tao sila kapag araw. Imortal sila sa edad pero katulad ng ibang imortal na hidden gaya ng mga elves at sereno ay pwede pa rin silang mamatay sa pisikal na aspeto katulad ng pagkasunog, pagkaputol ng ulo at pagtanggal sa kanilang puso. Sa hidden society ang lahi ng mga casters at mga wolves lang ang alam ko na mga mortal, ibig sabihin tumatanda sila kagaya ng ordinaryong tao at namamatay.



"Mukhang uulan na..."



Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang magsalita si Travis sa likuran ko . Agad akong tumingala sa langit at nakita ko ang itim na kaulapan. Tuluyan ng natakpan ang araw ng mga itim na ulap, napalingon ako sa paligid, animo'y dapit hapon na dahil sa biglang pagdilim ng kapaligiran.



"Oo nga, ganito naman daw palagi dito sa isla. Normal na daw dito ang pagbuhos ng ulan araw-araw." Tugon ko kay Travis.



"Tayo na sa taas ng stage." Sabi ni Travis na tumabi sakin sa paglakad at inakbayan ako.



Sa isang iglap lang ay napunta kami sa taas ng stage, nasa kanang bahagi kami ng head order. Ayos talaga itong kapangyarihan ni Travis na teleportation, ang galing.



"Welcome sa quadrangular match Mr.Razon." 



Napalingon ako sa head order na biglang bumati sakin. Nagtama ang mga mata namin, kilala niya ako? Kung sa bagay baka kabisado niya lang ang mga pangalan ng mga players.



"Thank you, head order." Tugon ko at binawi ko ang aking mga mata at nilipat sa aking harapan. Nakita ko ang mga kalaban namin ni Travis na papalapit na sa stage, nakatingin ang mga ito samin.



Nilipat ko ang aking paningin sa malaki at mahabang grandstand, puno ito ng mga manonood. Nagsisigawan sila at nagpapalakpakan. Mukhang excited na excited sila sa labang magaganap ngayong araw. Napansin ko naman ang limang malalaking flag na may logo ng apat na University at pati na ng Q'match, nakasabit ang mga ito sa ceiling ng grandstand, ngayon ko lang napansin ang mga iyon.



Ilang sandali pa at tuluyan ng nakaakyat ang lahat ng mga players. Bigla namang bumagsak ang malakas na ulan, laking gulat ko dahil hindi ito bumuhos samin.



Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang ulan na pumapatak pero hindi naman bumabagsak samin at sa buong grandstand. Parang may invisible na bubong na nakatakip sa buong paligid ng grandstand. Marahil isa na namang mahika ang ginamit para dito.





*** MARU'S POINT OF VIEW ***



Nakatingin ako sa labas ng bintana at pinapanuod ang pagbuhos ng ulan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, hay naku walang katapusan ang ulan dito. Para sakin ang lunkot ng ambiance ng islang ito tapos dinagdagan pa ng ulan, perfect spot ang lugar na ito para sa mga taong sawi.



Umihip ang malamig na hangin at nagulo ang buhok ko. Tinaas ko ang aking isang kamay at hinawi ko ang aking buhok sa aking noo.



"Shero..."



Dahil sa narinig kong pagbigkas ni Lilyu sa pangalan ni Shero ay mabilis akong humarap sa direksyon ng kama nito. Nakita kong nakaupo si Shero sa kama at nakayuko, kakagising lang niya. 



"Shero..? Ahmm.. Gusto mo ba ng.." Naputol ang sasabihin ni Lilyu, nakatayo ito sa tabi ng kama ni Shero.



"Nauuhaw ako." Mahinang sambit ni Shero habang nakayuko pa rin.



Hindi nagsalita si Lilyu at sinulyapan ako, nagkatitigan kaming dalawa. Agad rin nitong binawi ang paningin. Nakita kong inabot nito ang petsel at ang kristal na baso na nakapatong sa bedside table at sinalinan ito ng tubig.



"Inumin mo to..." Alok niya kay Shero at inabot dito ang baso.



Nag-angat ng ulo si Shero at tinanggap ang baso. Sa nakikita ko sa mukha niya ay mukhang ayos na siya. Sa tingin ko ay nakarecover na siya ngayon.



Dinala ni Shero ang kristal na baso sa kanyang bibig at uminom, nakadalawang lagok pa lang yata siya ng bigla siyang tumigil. Nilayo niya ang baso sa kanyang labi. Natigilan ako sa sunod na nangyari. Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang biglang pagkalat ng makapal na yelo sa paligid ng baso na hawak niya. Sa isang iglap lang ay tuluyang nabalot ang kristal na baso ng yelo at bigla itong nabasag. Nalalag mula sa kamay niya ang mga pira-pirasong basag na bahagi ng kristal na baso at yelo.



Napatingin ako sa mukha ni Shero, ngayon ay may kakayahan na siyang gamitin ang isang abilidad niya bilang water elemental user at iyon ay ang Ice Manipulation.  Unti-unti ng lumalabas ang ibang kakayahan niya, palakas na ng palakas ang taglay niyang kapangyarihan.


Continue Chapter 68