YYU - Chapter 68: War Zone

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



"At para sa mechanics ng laban heto at panoorin nating lahat." 



Napalingon ako sa dalawang hosts na sina Juvy at Crasnelia na sabay na nagsalita at pagkatapos ay binaling ko sa harapan ng stage ang aking paningin at nakita ko doon ang paglitaw ng malaking video. Ewan ko kung gawa ito ng mahika o ng advance technology.



Sunod ay nagsalita ang voice over na lalake sa video. Nagsimula ito sa pagbati sa mga manonood at sa lahat ng mga bumubuo sa Quadrangular Match. Habang nagsasalita ito ay pinapalabas naman sa video ang mga logo ng apat na university kasama ang mga larawan naming walong players na lalaro ngayong araw. Huling pinakita ay ang logo ng Q'match at pagkatapos ay sinimulan nang ipakita sa video ang demo sa mangyayaring laro na tinawag na "Jewel Hunting".



Animated ang video na ipinapalabas at unang ipinakita ang lugar kung saan magaganap ang match at iyon ay tinatawag na war zone. Ang war zone ay may lawak na 8 hectares at ito ay ginamitan ng advance technology para gawing semi-virtual reality ang laro. Sa loob ng war zone ay nakahanda ang mga destiny crystal balls na kasing laki ng bola ng vaseball, ang mga destiny crystal balls ay naglalaman ng random content at kapag hinawakan ito ay lalabas mula roon ang nakatagong bagay sa loob nito.



May tatlong klase ang nilalaman ng mga destiny crystal balls. Una ay ang mga Glass Jewels, ito ang mga maliliit na bato na kelangan mahanap naming mga players para makapuntos. Merong limang kulay ang mga ito, una ay ang yellow, katumbas nito ay 2 points. Ang blue katumbas ay 3 points, ang green ay 5 points, ang red ay 10 points at ang black ay 50 points. Merong 30 pieces ng yellow, 20 pieces ng blue, 10 pieces ng green, 5 pieces ng red  at 1 piece ng black jewel. Sa kabuan 270 points ang halaga ng mga glass jewels.



Ang pangalawang nilalaman ng destiny crystal balls ay mga random Spells Ito ay merong limang klase. Una ay ang spell of speed, magbibigay ito ng dobleng bilis sa loob ng 30 seconds sa sino mang mga players na makakakuha nito. Pangalawa ay ay ang spell of recharge, magbibigay ito ng 20% na mana sa mga makakakuhang players. Pangatlo ay ang spell of heal, ito naman ay spell na magpapagaling sa player mula sa mga sugat o pinsala na natamo niya sa laro. Ang pang-apat ay spell of paralysis, ito ay isang negative spell, ang mga players na makakakuha nito ay magiging invisible sa loob ng 10 minutes at hindi makakagalaw. At ang panglima ay ang spell of travel-card, isa itong card na may kakayahang magbukas ng port gate na pwedeng daanan ng mga players para makapunta sa ibang bahagi ng war zone.



At ang pangatlong nilalaman ng destiny crystal balls ay mga random monsters o mobs. Hindi pinakita ang itsura ng mga mobs pero sa tingin ko ay katulad ang mga ito sa mga nakalaban namin sa night keeper's match o pwede ring kagaya ang anyo ng mga ito sa aming mga players katulad noon sa laban nina Shero at Sirgel. Kelangan rin naming labanan at talunin ang mga mobs dahil ang iba sa kanila ay nagtataglay ng glass jewels.



Ang mechanics ng laro magpapaligsahan kaming mga players sa pagkolekta ng mga glass jewels at pwede naming atakihin ang bawat isa para agawin ang mga glass jewel na nakuha namin. Magtatagal ang laro ng limang oras o pwedeng matapos ito ng masmaaga kapag merong player ang nakakuha ng Black Glass Jewel na ang katumbas ay 50 points. Sa pagtatapos ng laro ay awtomatikong idadag ang mga puntos namin sa score ng aming mga paaralan.



Ipinakita rin sa video na bago magsimula ang laro, ang bawat players ay bibigyan ng tigtatatlong spell of travel-card na pwedeng gamitin sa loob ng war zone. Ito ang card na pwedeng makita sa mga destiny crystal balls. Ang card na ito ay magbubukas ng port gate kapag itinutok sa hangin.



Pagkatapos ipakita ang mechanics ng laro ay lumabas sa video ang isang rule ng laro at iyon ay "No-Killing Rule". Intentional or unintentional attempt of killing sa laro ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang player na lalabag sa rule na ito ay ididisqualify at ibaban sa Q'match at pauuwiin.



Pagkatapos ipaliwanag ng voice over ang  nag-iisang rule ay naglaho na ang video sa aming harapan at binigyan kami ng mga Haven Student Officials ng tigtatatlong spell of travel-card at tig-iisang belt bag na maliit at kulay itim para lalagyan ng mga glass jewels.



"At para simulan ang Jewel Hunting, we will give the floor to the head order." Sabi ni Crasnelia.



Napatinging ako sa matandang head order na nasa tabi ko. "Good luck players." Sabi nito at nakita ko siyang parang may ibinubulong sa hangin at pagkatapos ay tinaas nito ang kanyang baston at lumiwanag ang kulay puting batong narun sa dulo. 



Agad ko namang binaling ang paningin ko sa harapan ng stage kung saan lumabas roon ang walong port gate na kulay pula. Ang mga port gate ay nakalutang sa hangin at mga isang dipa ang layo ng mga ito sa stage kaya kelangang pa itong talunin para makapasok dito. Walo ang bilang ng mga port gate kaya ang ibig sabihin ay tig-iisang port gate kaming mga players na papasukan.



"The war zone is waiting, and now... Let the game begin." Anunsyo ng head order at napuno ng ingay ang buong paligid dahil sa hiyawan at palakpakan ng mga manunuod. Pagkatapos naman magsalita ng head order ay umatras na ito at bumalik sa kanyang upoan.



"Please enter to the port gate as we call your name." Pagbibigay ng direksyon ni Juvy saming mga players.



"From Lunar University Jercean Lavega." Tawag ni Crasnelia at nakita ko mula sa kanang bahagi ko ang isang player na tumalon sa portgate na nasa harapan nito. Pagkatapos nitong pumasok ay agad na naglaho ang port gate na parang bula.



Sunod na tinawag ang isa pang taga-Lunar na si Razchi Antonio, tumalon ito sa port gate at katulad sa unang port gate ay agad rin itong naglaho pagkatapos pumasok ng player. Pagkatapos ng taga-Lunar ay sunod na tinawag ang mga taga-Haven University, sina Arwin Davis at  Collin Corsova. Sunod ay ang mga taga Fortis University.



"From Fortis University, Kazeni Ezalerio."  Tawag ni Juvy sa nag-iisang babae na player na maglalaro ngayong araw. Tumalon si Kazeni sa port gate at agad na naglaho ang port gate.



"Also from Fortis, Kenver Cruz." Dugtong ni Juvy.



Napalingon ako sa gawing kaliwa ko kung saan narun nakatayo si Kenver. Saktong pagtingin ko dito ay siya ring paglingon ni Kenver sa direksyon ko kaya nagtama ang aming mga mata.  Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha, ngiting naghahamon ng gulo. Tinitigan ko siya ng masama at isang simpling tango ang binigay ko sa kanya. Magkita na lang tayo sa loob ng war zone Kenver, diyan ko ipapatikim sayo ang ganti ko sa paghalik mo kay Shero.



Binawi ni Kenver ang tingin sakin at tumalon ito sa port gate. Napatingin naman ako kay Travis ng magsalita ito.



"Galingan natin Tristan, dapat tayo ang manalo." Sabi ni Travis habang nakatingin sa port gate sa kanyang harapan. 



"Tiwala lang Travis. Tatalunin natin sila." Tugon ko dito at binaling ko ang aking paningin sa mga taong nanunuod sa grandstand. Ipapakita ko sa mga hidden na to na kaya ng Yin-Yang manalo sa Q'match at hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ang Fortis.



"Down to our last pair, from Yin-Yang University. We have Travis Larpen" Sambit ni Juvy at nakita ko si Travis na mabilis na tumalon sa port gate sa kanyang harapan.  



Agad na naglaho ang port gate na pinasukan ni Travis at ngayon ay isa na lang ang natitirang port gate at ito ay para sakin.



"And the last player who will complete the list, Tristan Armando Razon." Tawag ni Juvy sa pangalan ko. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at tinalon ko ang portgate sa aking harapan. 



Lumabas ako sa port gate at lumapag ang mga paa ko sa basang damuhan. Agad ko namang naramdaman ang malamig na ulan na unti-unting bumabasa sa suot ko. Mabilis kong nilingon ang aking paligid para sipatin kong merong ibang player akong kasama dito sa lugar pero wala akong nakita kahit isa. Ang tanging nakikita ng mga mata ko ay ang mga nagtataasang puno na dinidiligan ng malakas na ulan. Nandito na ako ngayon sa war zone, oras na para lumaban. Kinuyom ko ang aking mga kamao at nagsimulang humakbang.


Continue Chapter 69