YYU - Chapter 74: Missing you!

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Nakatingin si Matchu samin mula sa baba at nakita ko itong nagpalit anyo bilang puting usok at tumulay ito paakyat sa pader ng visitor's house patungo dito sa bintana kung saan kami nakatayo ni Maru. Pumasok ito sa silid at pagkatapos ay nagpalit anyo ulit ito bilang tao.



Nakatingin lang kaming tatlo nina Maru at Lilyu kay Matchu na basang-basa ng ulan. Tumutulo pa sa sahig ang tubig mula sa damit nito. Ano kaya ang kelangan nito?



Tahimik ang buong silid at tanging ingay ng ulan mula sa labas ng bintana ang maririnig. Palipat-lipat ang tingin ni Matchu sa aming tatlo. Maya-maya'y humakbang ito palapit kay Lilyu na nakaupo sa ibabaw ng kama. Yumukod ito ng bahagya at nilapit nito ang labi sa tenga ni Lilyu. Bumulong ito at pagkatapos ay tumingin sa direksyon ko.



Ano kaya ang binulong nito kay Lilyu? Sigurado tunkol iyon sakin. Baka sinabi nito kay Lilyu ang nangyari sakin kanina sa kakahuyan.



Humakbang palapit sakin si Matchu at may dinukot ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Tinaas nito ang kamay at inabot sakin ang laman.  Tinanggap ko at nasurpresa ako sa aking nakita. Ito ang pearl locket necklace ko, ang kwentas  ko na merong pearl locket kung saan ko nilalagay ang black pearl ko kapag nagpalit anyo ako bilang sereno. Hindi ko napansing nawala ito sakin. Siguro nahulog ito kanina sa kakahuyan ng kinaladkad ako ni Avan.



"Salamat."  Sabi ko. Tumango si Matchu at biglang nagpalit anyo bilang usok at lumipad palabas ng bintana. Nakita kong papalayo ito at nawala sa ilalim ng ulan.



"Bakit nasa kanya yan?" Napatingin ako kay Maru na siyang nagtanong.



"Nalaglag siguro ito sa kakahuyan, di ko napansin." Sagot ko.



"Magkasama kayo kanina sa kakahuyan?" Sunod na tanong ni Maru.



"Hindi kami magkasama, nagkataon lang na narun ako at narun rin siya." Sabi ko at umupo sa aking kama. Sinuot ko sa aking leeg ang kwentas.



Napatingin ako kay Lilyu, nakatitig ito sakin at seryuso ang mukha. Mukhang alam na nito ang nangyari sakin kanina. Binawi ko ang aking paningin at binaling sa bintana. Unti-unti ng tumutila ang ulan...





*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Patila na ang ulan...



Isang buntong hininga at pinagpatuloy ko ang paglalakad. Paika-ika ang mga hakbang ko dahil sa sugat sa aking kaliwang binti. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa. Palingun-lingon naman ako sa paligid, baka sakaling makakita ako ng destiny balls pero wala. Wala ni isa man.



Medyo nanghihina na ako, dahil siguro ito sa aking mga sugat. Masyado kong inunderestimate  ang mga kalaban ko kaya ganito ang nangyari sakin. Hindi ako naging maingat sa aking mga kilos.



Biglang puminta sa aking isipan ang mukha ni Shero at Kenver, at naalala ko ang paghalikan nilang dalawa sa resort. Napailing ako dahil sa alaalang ito, pagkakataon ko na sana para makaganti kay Kenver pero nabigo ako. Malakas pala talaga ang kapangyarihan nito.



Napatigil ako sa pag-iisip at paglalakad ng biglang may lumitaw na asul na portgate sa aking harapan. At mula roon ay may lumabas na dalawang lalake na Haven student officials ng Q'match. Nakasuot ang mga ito ng darkgreen na uniform na hawig sa uniform ng mga sundalo at may bitbit silang staff.



"Tapos na ang match sa araw na ito, i-aassist ka namin pabalik sa grandstand." Pormal na sabi ng isa, napatingin ako sa I.D. nito at nakita ko ang pangalan niya ay Gabriel.



Isang simpling tango ang tinugon ko. Tapos na daw ang match, biglang pumintig ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng laban ngayong araw. Alam ko hindi pa natatapos ang limang oras para sa jewel hunting, matatapos lang ito ng maaga kung may nakakuha na ng black jewel. Sinong player kaya ang nakakuha nun?



"Sumunod ka sakin." Sabi naman ng isang lalake na ang pangalan sa I.D. ay Mark. Kumilos ito at naglakad papasok sa asul na portgate at naglaho.



Hinakbang ko ang aking mga paa at sumunod dito. Pumasok ako sa portgate at lumabas sa stage ng grandstand kung saan kami pinakilala kanina. Agad kong nakita ang mga manonood sa grandstand sa aking harapan at sinalubong ang tenga ko ng ingay ng mga ito, sumisigaw ang mga ito.



"Fortis! Fortis! Fortis!" Nagchecheer ang mga ito ng Fortis. Ang Fortis ba ang nakakuha ng black jewel at malaking puntos?



Nakita kong umalis ng stage ang dalawang lalake na sumundo sakin at inikot ko ang aking paningin sa entablado. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong narun pa rin at nakaupo ang mga officials ng Q'match, sa kanang gilid naman ng stage narun ang dalawang hosts na sina Crasnelia at Juvy. Sa tabi ko naman sa kanan ay si Collin, sa tabi nito ay si Kenver, sunod si Jercean at sa dulo ay si Travis. Lima lang kaming players ang narito, wala ang tatlo na sina Razchi, Kazeni at Arwin. Nasan kaya ang mga ito?



Nakita kong lumingon sakin si Travis at tumango, tinanguan ko rin ito. Agad ko namang binawi ang aking paningin at tumingin sa direksyon nina Crasnelia ng magsalita ito.



"Ladies and gentlemen, ayan po at nakabalik na si Tristan ng Yin-Yang University na ligtas. At nais po naming ipabatid sa inyo na maayos ang kalagayan at kasalukuyang nagpapahinga ang tatlo nating manlalaro na sina Kazeni, Arwin at Razchi." Sabi ni Crasnelia.



"At sa puntong ito nais naming tawagin ang head order para sa lunas ng ating mga players." Nakangiting sambit ni Juvy.



Naglakad at humarap sa amin ang matandang head order. Tinaas nito ang hawak na staff at bumulong sa hangin, nagliwanag ang puting bato sa dulo ng staff at nakita kong humiwalay ang liwanag sa bato at lumipad patungo sa aming limang players.



Saglit na bumalot sa aming buong katawan ang puting liwanag at bigla rin itong naglaho. Naramdaman ko naman na parang may malamig na bagay ang nanuot sa aking sugat sa binti at balikat. Ilang sandali pa at nawala ang pananaakit ng aking mga sugat at pagtingin ko sa mga ito ay tuluyan na itong naghilom. Ang galing talaga ng nagagawa ng mahika, nakakahanga.



Napatingin ako sa head order at nakita ko itong ngumiti sa amin. Saglit din at tumalikod na ito at bumalik sa kanyang upuan sa likuran namin. Nanatili naman kaming limang players na nakatayo sa harapan ng entablado at kaharap ang mga manonood.



"At para sa pagtatapos ng event na ito ngayong araw, aalamin na natin ngayon ang mga puntos na nakuha ng ating mga manlalaro." Sabi ni Juvy.



Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang standing namin ni Travis, sana marami siyang nakuhang glass jewels.



"Players paki bigay ng inyong mga belt bag sa ating dalawang tabulators." Ani Crasnelia.



Umakyat sa stage ang dalawang babae na nakapula at lumapit samin, nasa mid 30's ang edad ng mga ito. Mabilis kong tinanggal ang belt bag ko at inabot ito sa isang tabulator. Pagkatapos kunin ng mga tabulators ang aming mga belt bag ay lumapit ang mga ito kina Crasnelia at Juvy sa gilid ng stage. Binuksan ng mga ito ang aming mga belt bag at may dinukot silang kulay puting papel doon. Nakakapagtaka, saan nanggaling ang puting papel na iyon, eh wala naman yun dun? Inabot ng mga tabulators ang mga papel kina Crasnelia at Juvy at saka bumaba ng stage.



"Ladies and gentlemen, nasa kamay na po namin ang resulta ng match ngayong araw. Kaninong paaralan kaya ang nangunguna?" Sigaw ni Juvy.



Napuno ng ingay ng mga manonood ang paligid samantalang lumakas naman ang pintig ng puso ko.



"Makinig kayong mabuti at sasabihin na namin ang nakuhang puntos ng bawat manlalaro." Pagpapatuloy ni Juvy. "Kaibigang Crasnelia, simulan mo na."



"Okay ito na! From Lunar University, Razchi and Jercean. Sila ay parehong walang nakuhang puntos sa labang ito." Anunsyo ni Crasnelia.



"From Haven University, Arwin and Collin. Si Arwin ay zero point samantala si Collin naman ay nakakuha ng 15 points. " Si Juvy.



"From Yin-Yang University, Tristan and Travis." Sabi ni Crasnelia, napakuyom ako ng kamao. Parang hirap ako sa paghinga dahil sa kaba ko. "Si Tristan ay merong 26 points at si Travis naman ay merong 62 points, sa kabuuan sila ay nakakuha ng 88 points." 



88 points? Talaga nakakuha kami ng 88 points? Parang nakahinga ako ng maluwag. Ang laki ng nakuhang puntos ni Travis, ang galing! Napalingon ako dito at nagkangitian kami, nagsign ako dito ng approve. Napalingon ako kay Kenver at nagtama ang paningin namin, nakita ko itong ngumisi. Binawi ko ang aking paningin. Ilang puntos kaya ang nakuha ng abnormal na yun?



"From Fortis University, Kazeni and Kenver. Si kazeni ay zero point samantala si Kenver naman ay nakakuha ng 85 points." Ani Crasnelia.



"Ladies and gentlemen our first placer ngayong araw ay ang Yin-Yang University na merong 88 points. Second ang Fortis University na merong 85 points. Third ang Haven University na merong 15 points at ang panghuli ay ang Lunar University na walang puntos." Proklama ni Juvy.



Dahil sa narinig ay parang gusto kong magtatalon sa saya. Woohhh! Panalo kami ni Travis! 



Nagsalita si Crasnelia. "Ang current standing ng apat na university ngayon simula sa laban nina Shero at Sirgel ay: First in line, Yin-Yang University na meron ng 108 points, second in line is Fortis University na merong 105 points, third ang Haven University na merong 15 points at panghuli ang Lunar na wala pang puntos."



"So yan po narinig niyo na ang standing ng bawat school. Pero hindi pa huli ang lahat, tulad nga ng sabi namin ay pwede pang bumawi sa susunod na laban." Wika ni Juvy.



"Congratulations Yin-Yang at sa lahat sa inyong mga players. At sa mga mahal naming mga manunuod, magkita-kita po tayong lahat bukas para sa susunod na laban." Sigaw ni Crasnelia at muling umingay ang paligid.



Biglang pumasok sa isip ko si Shero, sigurado subrang matutuwa iyon kapag nalaman nitong nangunguna ngayon ang Yin-Yang. Excited na akong makita at sabihin ito sa kanya.



Habang pababa ng stage ay sinabi sakin ni Travis na si Kenver ang nakakuha ng black jewel na siyang nagpatapos sa jewel hunting ngayong araw. Kaya pala ang laki ng puntos nito dahil siya ang nakakuha ng black jewel.



Pagkaraan ng ilang sandali ay nakasama na namin ni Travis sina prop Goldfield, prop Gumban, Tonique, Karrice, Grandeline at Keith, at pati na rin ang dalawang propesora ng Haven University na sina prop Blare at prop Arelan. Nasa loob kami ng malaking silid dito sa grandstand at inenterview kaming mga players ng dalawang journalists na taga Everyday Journal ng hidden society. Pagkatapos kaming iinterview ay umalis din ang mga ito at nagpalit naman kami ng damit ni Travis.



Kakatapos lang naming magbihis ni Travis ng dumating ang limang waiter at may dalang pagkain. Saktong mag-aalas dose na rin kaya nananghalian na kami. Makalipas ang ilang minuto pagkatapos ng pananghalian ay nagpasya na ang lahat na bumalik sa visitor's house. Nagbukas ng asul na portgate si prop Arelan.



Oras na para umuwi. Excited na akong makita si Shero.





*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Mahigit isang oras na akong nakahiga dito sa aking kama. Wala akong kasama dito sa silid dahil nasa baba sina Lilyu at Maru at nananghalian. Hindi ako sumama sa kanila dahil hindi naman ako nagugutom, ewan ko ba at parang wala akong ganang kumain.



Isang buntong hininga. Haysss gusto ko ng makita si Tristan, namimiss ko na siya. Ano kaya ang nangyari sa laban nila ni Travis?



Napabalikwas ako ng bangon ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino ang narun, si Tristan. Sinarado nito ang pinto at mabilis na lumapit sakin at yumakap. Mahigpit ang yakap ni Tristan, damang-dama ko ang init sa kanyang katawan.



"I miss you Shero." Narinig kong sabi nito.



"I miss you too." Tugon ko at kumalas sa pagkakayakap nito.



Itatanong ko sana kung kamusta ang laban nito ng bigla nitong hinalikan ang labi ko. Napapikit ako at tumugon sa kanyang halik. Habang naghahalikan kami ay napahiga ako sa kama at pumaibabaw naman ito sakin.



Ang sarap ng halikan namin, narun ang pananabik sa isa't-isa. Ang tamis at ang lambot ng labi ni Tristan. Pagkaraan ay naghiwalay ang labi namin at hinalikan ako nito sa aking leeg. Masarap na nakakakiliti ang sensasyong dulot nun.



"Ahhhh Tristan..." Mahinang sambit ko.


Continue Chapter 75