YYU - Chapter 75: Keeping My Secrets

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Sabay kaming nagising ni Shero mga bandang alas sinko ng hapon. Agad na kaming nagbihis dahil nakatulog kami ng nakahubo at pagkatapos ay magkatabi kaming umupo sa ibabaw ng kama. Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa laban ko. Tahimik siyang nakinig at ng matapos ako ay nagsalita ito...



"Tristan may ikukwento rin ako sayo." Sabi nito.



Inakbayan ko siya. "Ano yun?" Tanong ko.



"May kapangyarihan na ako ng ice manipulation ngayon." Sagot nito.



Lumingon ako sa kanya na may pagkasurpresa. "Talaga?" Sabi ko.



"Oo, kaninang umaga lang. Hindi ko alam kung pano ko nagawa iyon." 



"Maganda yan, ibig sabihin palakas ka na ng palakas." Komento ko at inihilig ko ang kanyang ulo sa balikat ko

.

"Muntik ng mapahamak si Lilyu dahil sa bago kong kapangyarihan. Nag-aalala ako na baka isa na naman sa inyo ang masaktan dahil hindi ko alam kung pano kontrolin ito." Sabi nito at narun ang pangamba sa kanyang boses.



Humugot ako ng malalim na hininga. Muntik na daw mapahamak si Lilyu dahil sa bago niyang kapangyarihan. Gusto ko sanang itanong kung ano ang eksaktong nangyari pero pinigil ko ang aking sarili dahil baka lalong malunkot ito.



"Sa tingin ko hindi magtatagal at makokontrol mo rin ang bago mong kapangyarihan. Magtiwala ka sa sarili mo." Payo ko dito.



"Tristan may isa pa pala akong sasabihin."



"Ano yun?" Tanong ko.







*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Sandali akong natigilan. Sasabihin ko ba kay Tristan ang mga nangyari sakin sa kakahuyan? Kapag sinabi ko ito sa kanya siguradong mauungkat ang tunay kong pagkatao. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya at ng iba pa kung sino talaga ako. Ayukong mag-iba ang pagtingin at trato nila sakin oras na malaman nila na isa akong prinsipe.



"Shero ano yung sasabihin mo?" Narinig kong tanong ni Tristan.



Inilayo ko ang aking ulo sa kanyang balikat at tinitigan ko siya. Ngumiti ako para itago ang pag-aalala na aking nararamdaman. "Yung sasabihin ko ay... Nagugutom na ko. Tara kumain tayo." Sabi ko na nakangiti.



Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo na agad ring nawala.  Ngumiti siya sakin. "Akala ko kung anong sasabihin mo. Gutom ka lang pala." Sabi nito at hinalikan ako ng smack sa labi. "Tara sa baba." Sabi nito at hinila ako sa kamay.



Nadatnan namin sa sala si Grandeline na mag-isa. Nakaupo ito sa sofa at nagbabasa ng libro.



"Shero!!" Tili nito ng makita ako at mabilis na lumapit sakin at niyakap ako. "Salamat naman at ok ka na, nag-alala kaming lahat sayo." Sabi nito at nilayo ang sarili sakin.



Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi, ngumiti din ako. "Ok na ko, namiss ko kayo." Sabi ko. Parang ang tagal-tagal ko silang hindi nakita samantalang dalawang gabi lang naman iyon.



"Namiss ka rin namin. Siya nga pala laban namin ni Lilyu bukas, dapat nandun ka ah." Sabi nito.



"Oo naman. Panonoorin at susuportahan ko kayo. Magchecheer kami sa inyo, di ba Tristan?" Sabi ko at lumingon kay Tristan, Tumango ito bilang tugon.



"Congrats nga pala sa laban ninyo ni Sirgel. Ang galing ng pinakita mo." Sabi ni Grandeline na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.



"Salamat." Sabi ko at biglang umingay ang tyan ko.



"Opppssss!! Mukhang gutom na yung tyan mo. Kain ka na muna." sabi nito.



Tumango ako. "Sige." Sabi ko at pumunta kami ni Tristan sa dinning area at kumain.



Habang kumakain ay sinabi sakin ni Tristan na nakaline-up na ang mga pangalan ng mga kasama namin na lalaban sa mga susunod na araw. Tapos na kaming lumaban nina Tristan at Travis at bukas ang magpartner na lalaban ay sina Grandeline at Lilyu, sa miyerkules ay sina Tonique at Karrice, sa huwebes ay sina Maru at Keith at sa biyernes ay kaming lahat bilang isang team.



Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Tristan nang...



"Tristan inannounce na ba kanina na kung sino ang mananalong school sa Q'match ay siyang lalaban sa Highness University para sa national Match?" Tanong ko kay Tristan na nasa harapan ko.



Hindi pa sumasagot si Tristan ng may tumawag sa pangalan ko mula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko si prof. Goldfield.



"Magandang hapon po." Agad na bati ko.



Lumapit si prop. Goldfield sa tabi ko at pinatong nito ang isang kamay sa balikat ko. Nakita ko siyang ngumiti.  "Magandang hapon din. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito.



"Maayos na po." Sagot ko at ngumiti. 



Tumango-tango si prop. "Mabuti naman kung ganun." Sabi nito. "Ano nga pala yung narinig kong lalaban ang magiging champion ng Q'match sa Highness University?" Tanong nito.



"Opo, para sa National Match po." Sagot ko at nakita ko ang pagkunot ng noo nito.



"Magkakaroon ng National Match? Paano mo nalaman ito? Sino ang nagsabi sayo?" Sunod-sunod na tanong ni prop.



"Si Lilyu po prop. Bakit po, may problema po ba?" Tanong ko.



"Wala pang announcement ang mga board ng Q'match tunkol dito. Im surprised na alam ito ni Lilyu. Marahil ito siguro ang dahilan kung bakit napaaga ang Q'match ngayong taon. Hihingi ako sa inyo ng pabor, huwag niyo na munang ipagsabi kahit kanino ang tunkol sa bagay na ito hanggat wala pang announcement na naggagaling mula sa Head Order." Litanya ni prop.



"Ok po." Tugon ko at binalingan si Tristan na tahimik lang at nakikinig. Nakita kong magkasalubong ang mga kilay nito. Binalik ko ang tingin kay prop ng magsalita ito.



"Sige maiwan ko na kayo, kakausapin ko lang si Lilyu." Paalam ni prop at iniwan kami.



"Kung ganun wala pa palang announcement tunkol sa National Match." Mahinang sabi ko sabay abot sa baso sa aking harapan at lumagok.



"Ano yung National Match at yung tunkol sa Highness University?" Sambit ni Tristan. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.



Binaba ko ang hawak na baso at isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Tinitigan ko siya sa mga mata at sinimulan kong ikwento sa kanya ang lahat ng alam ko tunkol sa Highness University, sa National Match at kung pano nagkarun ng Q'match.


Continue Chapter 76