YYU - Chapter 76: The Third Game

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Kinabukasan ay martes. Maaga kaming gumising ng mga kateammates ko para maghanda sa pagpunta sa grandstand para panoorin at suportahan sa laban sina Grandeline at Lilyu. Katulad ng dati ay sina prop Blare at prop Arelan ang nag-assist samin patungo sa venue ng match.



Maganda ang panahon ngayon, makikita ang mga puting kaulapan sa asul na langit, kabaligtaran ang panahon ngayon kumpara kahapon na malakas ang buhos ng ulan. Saktong alas nuebe ng magstart ang third game ng Q'match at tinawag itong Three Ways Battle. Sinalaysay ng voice over na lalake ang mechanics ng laro habang pinapalabas ang animated video sa mga malalapad na screen. Ang three ways battle ay isang laro kung saan ang mga players ay susubukin sa mental at pisikal. May sampung random questions mula sa iba't-ibang kategorya ang nakahanda para sa mga players at ang bawat tanong na ito ay nagkakahalaga ng sampung puntos. Ang mga players ay may tatlong options na pagpipilian para ipanalo ang laro at iyon ay ang 'Answer, Skip and Fight'.



Magsisimula ang laro sa unang katanungan na ibabato ng isang random mob, ang tanong na ito ay sasagutin ng player ng 'Answer, Skip o Fight'. Kapag alam ng player ang sagot sa tanong ng mob ay pwede niyang piliin ang Answer at sasabihin niya dito ang kanyang sagot. Kapag tama ang ibinigay na sagot ng player ay automatic magkakarun siya ng 10 points pero kapag mali naman ay babawasan siya ng 15 points. Kapag hindi alam ng player ang sagot sa tanong ay pwede siyang mag-Skip at awtomatiko ay magpapatuloy siya sa susunod na tanong ng hindi naaapektuhan ang kanyang puntos pero hindi na niya maaaring balikan ang na-Skip na katanungan.



Ang last option ay Fight, kapag hindi alam ng player ang sagot sa tanong at gusto niyang makapuntos ay kelangan niyang piliin ang Fight. Sa Fight, lalabanan ng player ang mob na nagbato sa kanya ng tanong. Kapag natalo ng player ang mob sa laban ay automatic magkakarun siya ng 10 points pero kapag siya ay natalo siya ay babawasan ng 12 points. Sa fight ay merong option ang player na 'surrender' kung saan pwede nitong gamitin para itigil ang laban at siya ay magpapatuloy sa susunod na katanungan, ang 'surrender' ay nangangahulugan ng 'defeat' o pagkatalo kaya automatikong mababawasan ng 12 points ang player na gumamit nito.



May sampung random questions ang bawat isa sa mga players at nagkakahalaga ang bawat isa ng 10 points, ibig sabihin kapag nasagot ng player ng tama ang lahat ng katanungan ay magkakarun siya ng 100 points. Sa kabuuan ay maaaring makakuha ng 200 points ang bawat pares na players kapag nasagot nila ng tama ang sampung tanong na ibabato sa kanila ng mga mobs. Ang larong ito ay magtatagal sa limitadong oras na isa at kalahating oras lamang.



Kasalukuyan akong nakaupo sa unang seat ng grandstand sa pangalawang palapag at katabi ko sina Tristan at Maru. Nasa likuran naman namin sina Karrice, Travis, Tonique at Keith at sa likuran ng mga ito ay sina prop Goldfield, Mr.Gumban, prop. Blare at prop Arelan. Mula dito sa kinauupuan ko ay nakita ko sa malalaking screen sa aking harapan ang mga players na maglalaro ngayong araw. Nasa loob na sila ng war zone kung saan activated ang semi-virtual reality para sa laro. Magkakahiwalay ang mga ito at nakapwesto sa iba't-ibang parte ng war zone.



Ang mga players ng Fortis ay sina Arneallyn Dizon at Brimer Domson. Ang sa Lunar ay ang magkapatid na sina Gomer Alenson at Gim Alenson. Sa Haven ay sina Andrew Litbert at Chloe Mayfar at ang aming pambato naman sa Yin-Yang ay sina Grandeline at Lilyu.



Kaharap ngayon ng bawat players ang tig-iisang random mob na magbabato sa kanila ng unang katanungan. Ang mga mobs na nasa war zone ay mga repleka naming mga representatives. Ang kaharap ni Grandeline ay repleka ni Karrice at ang kay Lilyu naman ay repleka ni Keith.



Nawala sa screen ang atensyon ko ng may dumaan na dalawang lalake sa aking harapan at aksidenteng  natapon ng huling lalake ang dala nitong chips sakin.



"Ay sorry... Sorry hindi ko sinasadya." Sambit ng lalake at yumukod ito saking harapan at mabilis na pinagpag ang mga chips sa ibabaw ng aking hita.



"Ano ba?! Mag-ingat ka naman!" Sita ni Tristan sa lalake sabay tapik sa kamay nito.



"Sorry talaga." Ulit na bigkas ng lalake, nasa 20's ang edad nito.



"Okay lang ako..." Sabi ko sa lalake at tinanguan ko ito.



"Salamat." Sabi nito at nakita ko siyang bahagyang ngumiti sakin at saka tumalikod.



Sinundan ko ng tingin ang lalake at ang kasama nito. Patungo ang mga ito sa hagdan para bumaba. Laking gulat ko ng lumingon sakin ang kasama nito na nasa unahan at ngumisi. Ang lalakeng iyon ay si Avan, siya ang umatake sakin sa kakahuyan.



Binawi ni Avan ang tingin sakin at dumiretso pababa ng hagdan. Hanggang dito ba naman ay sinusundan ako nito. Ano kaya ang kelangan nito sakin? Sandali lang, hindi kaya yung kasama nito ay yung lalake na nakahood na sumundo sa kanya sa kakahuyan?



Napatigil ako sa pag-iisip at napabaling ang atensyon ko sa aking harapan ng mula sa kung saan ay may biglang dumating na puting usok at nag-anyong tao.



"Matchu!?" Bigkas ko at saka tumayo. Anong kelangan nito, bakit siya nandito? Nagkatitigan kami, walang reaksyon sa mukha nito.



"Aray!!" Sambit ko. Mabilis kong tinaas ang aking kanang kamay at tinignan ko ang aking palad dahil nakaramdam ako ng sakit at hapdi dito. Napalaki ang aking mga mata ng makita kong dumudugo ito. Merong sugat ang aking palad at naka-ekis ito na para bang sinadyang pilasin. Nagtataka ako kung pano ako nagkarun ng sugat dito samantalang wala naman akong ginagawa.



"Nahuli ka niya Shero, nasa ilalim ka na ng kapangyarihan niya ngayon."



Napatingin ako kay Matchu na siyang nagsalita. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.


Continue Chapter 77