YYU - Chapter 77: Three Ways Battle

 


*** GRANDELINE'S POINT OF VIEW ***



"This is your first question from your chosen category, Facts. Elephants can smell water up to 3 miles away. Is it a Fact or Not?"

Narinig kong tanong ng mob na repleka ni Karrice, mga tatlong dipa ang layo nito sakin. Pareho kaming nakatungtong sa bilog na puting marble platform na hindi lalagpas sa 5 meters radius ang laki. Huminga ako ng malalim at nag-isip habang nakatingin dito. 

Hindi ako sigurado kung fact o hindi ang sagot sa tanong nito. Kapag pinili ko ang option na answer at mali ang binigay kong sagot ay magiging negative 15 ang score ko pero kung tama naman ay makakakuha ako ng 10 points. Kung skip naman ang pipiliin ko ay magpapatuloy ako sa second question pero hindi ko na pwedeng balikan itong first question, sayang10 points din ito. Hindi ko alam ang sagot sa tanong kaya pwede kong piliin ang fight para may chance ako na makakuha ng 10 points kapag nilabanan ko itong mob, pero ang masama ay hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang taglay nito dahil random skill ang nakaprogram dito. Walang kasiguraduhan kung mananalo ako laban sa kanya. 

Madali lang naman ang pumili sa tatlong options pero kailangan kong maging maingat sa gagawin kong desiyon dahil makakaapekto ang makukuha kong puntos sa standing ng Yin-Yang pagkatapos ng laban. Dapat kong galingan ang laro ko para sa aming team.

Bahala na, isusugal ko na muna itong unang tanong. "Ang pipiliin ko ay Answer, at ang sagot ko ay, Fact." Kinakabahang bigkas ko.

"Noted. Your answer is correct. Your have 10 points now. Let's proceed to the second question." Sabi ng repleka ni Karrice at nag-ibang anyo ito at naging repleka ni Tonique.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil tumama ang sagot ko. Meron na akong 10 points ngayon. Kinuyom ko ang aking mga kamao at hinintay na magsalita ang repleka.

"Please choose your category: Science, Mathematics or Logic." Simulang tanong ng repleka na nakatingin sakin.

"Category: Mathematics." Sabi ko habang dinadama ang kaba sa aking dibdib. Sana hindi mahirap ang tanong. Sana masagot ko ito ng tama.

"This is your second question from your chosen category, Mathematics. If 5x5 is equals to 20, 6x6 is equals to 30, 7x7 is equals to 42,  and 8x8 is equals to 56,  then what is the product of 9x9?"

Sandali akong natigilan at nag-isip. 5x5=20, 6x6=30, 7x7=42, 8x8=56? Ang product ng bawat multiplacation problem na binigay niya ay binago. 5x5 is 25 at ang sa kanya ay 20. 6x6 is 36 at 30 naman sa kanya. Hmmmmm?

Ah alam ko na, ang multiplicands at ang multiplier ay may parehong factor at ito ang ginamit niyang subtrahend sa product para magkarun ng ibang sagot. 5x5=25-5=20, 6x6=36-6=30, 7x7=49-7=42 at 8x8=64-8=56. 

"Ang pipiliin ko ay answer, at ang sagot ko ay 72." Pigil hiningang sagot ko habang nakacross fingers.

"Noted. Your answer is wrong. The correct answer for 9x9 is 81. Remember, your category is Mathematics and not Logic. You just losed15 points and your score now is negative 5. Let's proceed to the third question."

Napanganga ako sa aking mga narinig at para bang biglang tumahimik ang paligid at ang tanging umiingay ay mga kuliglig sa lupa. Ano daw? Negative five ang score ko? Anak ng dolphin naman nagkarun pa ko ng utang na limang puntos. Naisahan ako sa tanong na iyon. Nag-isip ako ng subra tapos mali rin pala. Tama nga naman, mathematics ang category na pinili ko at hindi logic. Kelan pa naging 72 ang product ng 9x9?

Nakakahiya, 9x9 lang hindi ko pa nasagot. Feeling ko namumula ang mukha ko. Siguradong pinagtatawanan na ko ng mga taong nanonood sa grandstand ngayon. Grandeline ikaw na ang reyna ng sablay sa math. 9x9=72? Akalain mo yun?





*** SHERO'S POINT OF VIEW ***

Hindi  sumagot si Matchu sa tanong ko at tumayo naman sina Tristan at Maru saking tabi. Nakakunot ang mga noo nila habang nakatingin kay Matchu.

"Anong kelangan mo?" Nagtatakang tanong ni Maru dito.

Hindi pinansin ni Matchu si Maru. "Mag-ingat ka na lang Shero." Sabi nito sakin at nagshift ito bilang puting usok at lumipad patungo sa hagdan. Nakita kong nagshift ulit ito bilang tao at lumingon sakin.

"Shero anong nagyari sa palad mo, bakit dumudugo yan?" Tanong ni Tristan at hinawakan nito ang kamay ko.

Hinila ko pabalik ang aking kamay at hindi ko tinugon ang tanong ni Tristan dahil hindi ko rin alam kung bakit ako nagkarun ng sugat. Si Matchu, mukhang alam nito ang nangyayari sakin.

"Matchu sandali!!" Sigaw ko dito at nakita ko itong nagpalit anyo bilang usok at lumipad pababa ng hagdan

Mabilis akong kumilos at tumakbo para habulin ito. Kelangan kong malaman kung bakit nagkarun ako ng sugat sa palad ng walang kadahilanan. At ano yung sinasabi niyang nahuli ako, nahuli nino? At binanggit niya ding nasa ilalim daw ako ng kapangyarihan, kapangyarihan nino? Ni Avan?

Mabilis at malalaki ang mga hakbang ko pababa ng hagdan, saglit lang at narating ko ang pinakadulo nito. Nawala sa paningin ko ang puting usok na si Matchu at sinalubong ang mga mata ko ng malapad na silid kung saan nakaraya ang mga boutique na bilihan ng mga souvenir items ng Q'match.

Mukhang mahihirapan akong hanapin si Matchu dito dahil sa dami ng mga tao na abala sa pamimili ng mga gamit. Palingun-lingon ako, nasan na kaya ito? Hinakbang ko ang aking mga paa at nakipagsiksikan sa mga tao ng biglang may humila sa kamay ko.


Continue Chapter 78