YYU - Chapter 78: Arckzy's Power

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Napatingin ako sa taong humila sa kamay ko at tahimik na nagpatangay dito. Dinala ako nito sa isang tabi kung saan walang masyadong tao. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at tinitigan ko ito sa mga mata. Pagkaraan ng ilang saglit ay...



"Kelangan ko ng malinaw na sagot kung bakit ako nagkarun ng sugat sa palad, at ano yung sinasabi mong nasa ilalim ako ng kapangyarihan  nino? Ni Avan ba?" Walang paliguy-ligoy na tanong ko kay Matchu na nasa harapan ko. 



Marahil sinadya nitong magpahabol sakin para kaming dalawa lang ang makapag-usap at para hindi kami marinig ng mga kasamahan ko.



"Hindi si Avan kundi si Arckzy." Sagot nito.



"Siya ba yung lalakeng kasama nito kanina na dumaan sa harapan ko?" Pagkaclaro ko at naalala ko ang mukha nito. "Siya ba ang dahilan ng sugat ko sa palad?" Nakita kong tumango si Matchu. "Paano niya nagawa ito?" Tanong ko at tinignan ko ang aking palad na merong naka-ekis na sugat.



"Si Arczky ay isang supreme linker. May kakayahan siyang elink ang kanyang sarili sa kahit kanino sa pamamagitan ng paghawak dito. Kapag nakalink ka sa kanya ay magagaya  niya ang kapangyarihan mo at hindi lang yun, kung ano ang mangyayari sa kanya ay mangyayari rin sayo, at kung ano ang mangyayari sayo ay mangyayari rin sa kanya, vice versa. Ibig sabihin..." Putol na pahayag ni Matchu at hinawakan ang kamay ko na may sugat sa palad. "Kapag nagkarun siya ng sugat sa palad ay magkakarun ka rin." sabi nito at binitawan ang kamay ko.



Sandali akong natahimik at naalala ko yung sandali na natapon sakin yung chips na dala ng sinasabi ni Matchu na si Arckzy. Pinagpag nito ang chips sa hita ko, tama kung ganun estilo lang pala nito ang mga nangyari para mahawakan ako. Ngayong nakalink na kami sa isa't-isa ng Arckzy na yun ibig sabihin magagamit niya na rin ang kapangyarihan ko at kung ano ang mangyayari sa kanya ay mangyayari rin sakin, vice versa. Eh di kapag pala namatay ito mamamatay din ako? Ang saklap naman nun.



"Anong gagawin ko para makawala sa kapangyarihan niya?" May pag-aalalang tanong ko. Sino ba naman ang hindi mag-aalala kapag nasa ganitong kalagayan? Eh hindi ko nga kilala ang Arckzy na yun pagkatapos bigla na lang niyang elilink ang sarili niya sakin? Tapos kung ano mangyayari sa kanya mangayayari din sakin, eh kanina lang nagkarun ako ng sugat sa palad dahil sa kanya, malay ko ba kung anong susunod na trip niyang gawin. Baka mamaya maglaslas ito pati ako nadamay pa.



"Nakasalalay sa kanya iyon, hanggang hindi niya pinuputol ang link niyo sa isa't-isa ay mananatili kayong iisa." Sagot ni Matchu.



Napailing ako at napabuntong hininga. Saglit akong nag-isip at...



"Matchu alam mo ba kung bakit ako pinupunterya nina Avan at Arckzy? Ano ang plano nila sakin? Wala akong naalalang kasalanan sa kanila." Nagtatakang tanong ko. "Dapat ba akong mag-alala ngayon dahil nakalink kami ni Arckzy sa isa't-isa?" 



"Hindi ko alam." Maikling sagot nito.



"Papano mo pala sila nakilala at bakit mo ko tinutulungan? Matchu alam kong alam mo ang sekreto ko pero sa tingin ko hindi ka naman siguro pinadala ng lola ko para bantayan ako, sa tingin ko may iba kang pakay kung kaya tinutulungan mo ko." Tanong ko dito, nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Hindi niya sinagot ang tanong ko at tumalikod ito. Nagshift ito sa puting usok at mabilis na lumayo. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin.



"Shero!!"



Napalingon ako sa aking kanan at nakita ko si Kenver na palapit sakin, ito ang tumawag sakin at wala itong kasama.



"Hi. Kumusta?" Sabi ko ng makalapit ito ng tuluyan sakin.



"Ayos lang, ikaw ba?" Nakangiting tugon nito.



"Ayos lang din." Sabi ko at tipid na ngumiti. Yung totoo hindi ako ayos, pano ako magiging ayos eh nakalink ako sa isang guardian na hindi ko kilala. Kinakabahan nga ako eh, baka kasi maisipang magbigti ng Arckzy na yun tapos ako madadamay pa. Naku huwag naman sana.



"Congrats pala sa laban niyo ni Sirgel, ang lakas mo. Ang galing ng pinakita mong laban, lalo pa kitang hinahangaan ngayon dahil dun." Sabi nito.



"Ha? Ganun ba..?" Sambit ko, feeling ko biglang namula ang pisnge ko dahil sa mga sinabi nito.



"Ano pala ang ginagawa mo dito? Bakit di ka nanunuod sa laban ng mga kasama mo? Ahhh alam ko na nagugutom ka siguro kaya ka nandito no? Tara ako na maglilibre sayo, nagugutom na rin ako eh." Sabi nito at inakbayan ako.



Gusto ko sanang tumanggi at sabihin dito na babalik na ko sa taas pero nag-alangan ako dahil baka kung isipin nito na iniiwasan ko siya dahil lang sa magkalaban ang school namin sa Q'match. Magpapaalam na lang ako sa kanya mamaya pagkatapos naming bumili, siguro naman maiintindihan nito kung bakit ako agad aalis.



Nagsimula kaming lumakad ni Kenver at nakaakbay pa rin ito sakin, tatanggalin ko sana ang braso nito ng may biglang tumawag sa pangalan ko.



"Shero..?!" Boses ng babae, boses iyon ni Karrice.



Napahinto ako sa paglakad at napalingon kami ng sabay ni Kenver sa likuran. Nakita ko sina Karrice, Maru at Tristan. Napatitig ako sa mukha ni Tristan, magkasalubong ang mga kilay nito at masama ang tingin samin ni Kenver. Baka may iniisip itong hindi maganda sa pagitan namin ni Kenver dahil magkasama kami at nakaakbay ito sakin? Mabilis kong tinanggal ang braso ni Kenver sa balikat ko.



Nakita kong umiling si Tristan, tumalikod ito at umalis. 



"Tristan!!" Sigaw ko pero hindi ito lumingon. Ano kaya ang iniisip nito at bigla na lang umalis?



"Kenver pasensya na, sa sunod na lang." Mahinang sabi ko dito, nakita ko itong tumango.

Lumapit ako kina Karrice at Maru na may pagtataka sa mukha. Kahit hindi ko sabihin sa kanila alam kong alam nila na gusto kong itanong kung bakit umalis si Tristan. Nakita kong nagkibit balikat si Karrice at binalingan ko si Maru na nakapamulsa sa kanyang pantalon.



"Baka gusto mo siyang habulin at magpaliwanag..." Sabi ni Maru.



Napabuntong hininga ako. "Oo nga sa tingin ko kelangan kong gawin yan." Tugon ko dito.



"Hmmmmm ang love birds ng Yin-Yang mukhang my LQ, matawagan nga ang crimson radar club, sa tingin ko kelangan nila ng update sa mga nangyayari dito." Pabiro na sambit ni Karrice.



Tipid akong ngumiti sa sinabi ni Karrice. "Sandali lang iwan ko muna kayo, kakausapin ko lang siya." Sabi ko sa mga ito, tumango sila bilang tugon.



Nilingon ko si Kenver at tinanguan, nakita ko itong tipid na ngumiti. Binawi ko ang tingin sa kanya at tinakbo ko ang direksyon kung saan tumungo si Tristan. Kelangan ko itong kausapin dahil sa tingin ko nagalit iyon dahil magkasama kami ni Kenver. Kelangan kong sabihin sa kanya na kung ano man ang iniisip niya tunkol samin ni Kenver ay wala iyon dahil magkaibigan lang kami nito.


Continue Chapter 79