YYU - Chapter 83: The Fourth Game

 


*** KARRICE'S POINT OF VIEW ***



Umaga at araw ng miyerkules, ito ang pang-apat na laban sa Q'match. Kasalukuyan akong nakaupo sa malaki at mahabang sofa sa baba ng stage at katabi ko ang aking partner na lalaban ngayon na si Tonique, katabi naman nito ang magpapartner na players mula sa Haven at Lunar University. Nandito kami ngayon sa loob ng Haven Colisem kung saan ginanap ang first game na pinaglabanan nina Shero at Sirgel.  Kung noong first game ay merong battle ring ngayon ay wala na, dito na kami mismo lalaban sa malapad na court na yari sa kulay abong marble.



Ting! Ting! Ting!



Tumunog ang match bell bilang tanda ng pagtatapos ng round, at nasundan iyon ng maingay na sigawan at palakpakan ng mga manonood.



"Tapos na po ang round five para sa team ng Fortis University. Deactivate virtual reality." Anunsyo ni Crasnelia na nakalutang sa hangin sa gitna ng battle court at naglaho doon ang mabatong lupa na gawa ng virtual reality, bumalik sa kulay abong marble ang sahig.



Sabay kaming tumayo ni Tonique dahil kami na ang susunod na sasabak sa laban at mula dito sa kinaroroonan namin ay natanaw ko sa battle court ang dalawang players ng Fortis na sina Phoebie at Xenon na kumakaway sa mga manonood. 



Muling nagsalita si Crasnelia. "Mga mahal naming manonood, sa puntong ito ang Haven University ay nakakuha ng 20 points, ang Lunar University ay nakakuha ng 80 points at ang Fortis University naman ay nakakuha ng 200 points." Huminto ito pagsasalita at napuno ng nakakabinging ingay ang loob ng coliseum. Ang bawat manunuod ay may kanya-kanyang paboritong manlalaro. Nagpatuloy sa pagsasalita si Crasnelia, "Mga kaibigan, gusto ko lang ipaalala sa inyo na ang score ng ating mga players ay hindi pa final dahil hindi pa tapos ang laro. " Paalala nito at biglang humina ang ingay ng paligid.



"Ito na ang hinihintay natin, tayo na ang lalaban." Sabi ni Tonique sa aking tabi. Napalingon ako sa kanya, hindi ako umimik at binalik ko ang aking paningin kay Crasnelia ng muli itong magsalita sa ere.



"Xenon at Phoebie, maraming salamat pwede na kayong umupo." Sambit ni Crasnelia.



Kumilos ang dalawa at lumakad patungo sa direksyon namin. Malakas ang kapangyarihan ng mga ito kaya nagawa nilang talunin kanina ang mga taga-Haven at taga-Lunar. Hindi pa nakakarating ang mga ito sa upuan ng tawagin naman kaming dalawa ni Tonique ni Crasnelia.



"And now may i call on our last team from Yin-Yang University, Karrice Lockster and Tonique Vanders." Tawag samin ni Crasnelia at biglang tumahimik ang paligid. Kung kanina nakakabingi ang ingay ngayon naman ay parang nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko alam kung bakit palaging ganito ang scenario kapag kaming mga players na sa Yin-Yang ang tinatawag.



Hinakbang namin ni Tonique ang aming mga paa patungo sa battle court at nasalubong namin sina Phoebie at Xenon na pabalik naman sa upuan. Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Phoebie at ngumisi naman si Xenon. Isang nanghahamong ngiti ang binigay namin ni Tonique sa kanila. Tapos kayo samin ngayon. Kung kahapon ay hindi maganda ang resulta ng laban nina Grandeline at Lilyu pwes ngayon ipapakita namin ni Tonique ang magandang laban, masasaksihan nila ngayon ang totoong kapangyarihan ng passive at neutral users kagaya namin.



Elemental users lang ang makakatalo sa taglay na kapangyarihan namin ni Tonique at wala sa mga kalaban namin ang nagtataglay nito ngayon. Si Shero na aming kakampi at si Sirgel lang ang natatanging elemental users ang kasali sa Q'match, so ibig sabihin walang sinuman ang makakapigil samin ngayon.



Nagpatuloy kami sa paglakad ni Tonique hanggang sa marating namin ang gitna ng battle court. Huminto kami at inikot ko ang aking paningin sa paligid. Tahimik ang mga manonood at naagaw ang atensyon ko sa isang direksyon kung saan may sumisigaw sa pangalan namin ni Tonique. Narun at nakita ko sa taas sa gitna ng mga upuan sina Shero at Grandeline na sumisigaw at pumapalakpak samin. Ngumiti ako kumaway sa kanila.



Makaraan ay binaling ko ang aking paningin kay Crasnelia na lumipad at palutang-lutang sa aming harapan. Nagsalita ito. "Ang lalaban ngayon ay sina Karrice at Tonique ng Yin-Yang University. Players get ready. Activate virtual reality!" Anunsyo nito. 



Biglang lumiwanag ang sahig na agad ring nawala, tanda na activated na virtual reality. At ang battle court na kinatatayuan namin ay biglang napuno ng malalagong damo at mga bulaklak. Itong battle court lang ang sakop ng virtual reality, hindi katulad noong night keeper's match na ang buong silid ay sinakop ng virtual reality kaya para kaming napunta sa ibang lugar.



Humugot ako ng hininga at bumuga ng hangin, binaling ko ang aking paningin sa upuan kung saan narun ang ibang mga players. Pinako ko ang aking paningin sa mga taga-Fortis, sa magpartner na Phoebie at Xenon, naiinis ako sa kanila, masyado silang bilib sa kanilang sarili. Tignan na lang natin mamaya kung hanggang saan ang galing at kayabangan nila. Baka nakalimutan na nila ang atraso nila samin, sila ang dahilan kung bakit napalaban si Shero ng wala sa oras. Si Shero ang bunso namin sa grupo at bilang nakakatanda tunkulin namin na protektahan siya lalo pa at isa siyang baguhan. Noong first game ay wala kaming nagawa para tulungan ito kaya ngayon, sa labang ito dito kami babawi.


Continue Chapter 84