YYU - Chapter 84: Throw the Die

 


*** TONIQUE'S POINT OF VIEW ***



"Players attention please." Napaangat ako ng tingin kay Crasnelia na nagsalita at lumipad sa mataas na ere. "Same game, same mechanics. You will be given one die for every round, a total of five dice for five rounds. These dice will tell your challenge in each round, failing to succeed the challenge will cost your points so good luck."

(Note: Die is the singular form of Dice. Example: One die. Two dice.)


Ang fourth game ay tinatawag na 'Throw the Die'. Simply lang ang mechanics nito, sa pagsisimula ng  laro ang lahat ng players na kasali ay bibigyan ng tigwa-one hundred points  bawat isa, a total of 200 points sa bawat team na may tigdadalawang members. Ang bawat team ay may limang dice na gagamitin para malaman kung ano ang challenge na kelangan nilang gawin sa limang rounds. Merong anim na side ang die, ang uno, dos, tres, quatro, sinko at sais. Ang bawat number na ito ay may kalakip na challenge na dapat naming ipanalo at kapag nabigo kami ay mababawasan ang aming mga puntos depende sa  challenge na iyon.



Para sa uno, ang challenge ay pipili kami ng isang player mula sa kalabang team at dapat namin itong talunin, 40 points ang mababawas sa amin kapag natalo kami at 20 points naman ang mababawas dito kapag ito ang natalo.



Dos, ang challenge ay pipili kami ng magpartner mula sa isang team at lalabanan ang mga ito, 40 points ang ibabawas saming team kapag natalo kami at 40 points din ang ibabawas sa kanila kapag sila ang natalo, vice versa. 



Tres, ang challenge ay pipili kami ng dalawang players mula sa magkaibang team at lalabanan namin ang mga ito, 40 points ang mababawas samin kapag natalo kami at tig-20 points naman ang mababawas sa bawat isa sa kanila kapag sila ang natalo.



Quatro, ang challenge ay pipili kami ng apat na players mula sa dalawang team at lalabanan sila, 40 points ang mababawas samin kapag natalo kami at tig-20 points naman ang mababawas sa bawat isa sa kanila kapag sila ang natalo, a total of 40 points sa kada team.



Sinko, ang challenge ay kelangang makasagot kami ng tatlong tamang sagot sa limang bugtong na ibibigay ng die sa loob ng sampung minuto.



Sais, bonus. Ito ay free challenge ibig sabihin ay walang challenge na kelangang gawin.



"Throw the die. Round one starts now!" Malakas na sambit ni Crasnelia habang lumilipad sa ere at pumito ito.



Bigla namang may lumabas at lumutang na maliit na puting die sa aming harapan ni Karrice. Walang imik na inabot ko ito ng aking kanang kamay at binato sa damuhan. Nakita kong bigla itong lumaki, nasa 2 square feet ang size nito.



"Tres!" Walang emosyon na sambit ko.  Tres ang lumabas na numero sa tuktok ng die.



"Tres. Your team's challenge is, defeat two players from two different teams." Narinig ko ang voice over ng babae mula sa die na nasa damuhan.



"The two players that we want to fight with, are... Esdras Khean from Lunar University and..." Pinutol ko ang aking sasabihin at binalingan ko si Karrice.



Tumingin sakin si Karrice at nilingon nito ang mga kalaban namin sa upuan. "And Phoebie Larks from Fortis University." Sabi nito na nakataas ang isang kilay at napansin kong biglang umingay ang mga tagapanood sa paligid. Nagpapalakpakan ang mga ito kay Phoebie.



Sabay na tumayo ang dalawang players na pinili namin at lumakad patungo sa direksyon namin. Magkakatulad ang desenyo ng aming mga combat costumes, parehong chinese inspired ito at sa kulay lang nagkakatalo. Sleveless ang top namin at long pants naman ang aming pambaba. Kulay itim at pula ang combat costume ni Esdras samantala kulay dark green at silver naman ang kay Phoebie, samin naman ni Karrice ay crimson at gold.



Kanina sa term ng Lunar, Haven at Fortis ay walang pumili samin ni Karrice para kalabanin sa challenge dahil alam nila na passive at neutral users kami, alam nila na kabiguan ang mararanasan nila kapag kami ang kanilang kinalaban. Kung kanina nagawa kaming iwasan ng mga taga Fortis pwes ngayon ay hindi na dahil kami na mismo ang pipili sa kanila.



Ilang sandali pa at kaharap na namin sina Phoebie at Esdras. Mga sampung metro ang layo ng mga ito samin, sa labang ito magkakampi silang dalawa.



"Players get ready, round one challenge will start in 5... 4... 3... 2... 1... Fight!" Boses iyon ng voice over na babae mula sa die na biglang naglaho sa damuhan.



Mabilis kong ginamit ang heaven's heart ko kina Phoebie at Esdras. "Walang may kikilos at magsasalita sa inyong dalawa." Agad na sabi ko sa mga ito, kasalukuyan na silang nasa ilalim ng kapangyarihan ko. Wala silang magagawa kundi sundin ang lahat ng iuutos ko ngayon.



Hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa kanila habang si Karrice naman ay nanatiling nakatayo lang. Habang naglalakad ay nakatuon ang mga mata ko sa dalawa ngunit ang pansin ko ay nasa mga tagapanood sa paligid, nagbubulongan ang mga ito. Bibigyan ko sila ng magandang palabas ngayon na tiyak kong hindi nila magugustuhan lalo pa at karamihan sa kanila ay mga fans ng Fortis.



Huminto ako mga tatlong hakbang ang layo mula sa dalawa at nagsalita. "Gusto kong maglaban kayong dalawa hanggang ang isa sa inyo ay bumagsak." Sabi ko at binalingan ko si Phoebie. "Phoebie Larks, ipinagbabawal ko ang paggamit mo ng kapangyarihan sa labang ito. Maliwanag?" Sabi ko at tumango ito sakin.



Narinig kong biglang umingay ang paligid, sabi ko na nga bang hindi nila magugustuhan ang gagawin ko. Wala na akong pakialam dun, gagawin ko ang gusto kong gawin, laban namin to at hindi sa kanila. Sigurado akong hindi sila sang-ayon sa pagbawal ko kay Phoebie na gumamit ng kapangyrihan, para namang may magagawa sila, walang masusunod sa labang ito kundi ako lang.



Lumingon ako sa paligid at ngumiti, gusto ko silang mainis. Gustong-gusto niyo ang mga mayayabang na mga taga Fortis? Pwes ipapakita ko sa inyo kung pano ko sila paglalaruan ngayon.



Binalingan ko si Esdras, "Gusto kong talunin mo si Phoebie." Sabi ko at tinalikuran ang mga ito. Sa larong ito dapat kami ang kalaban nila at hindi ang bawat isa pero dahil sa kapangyarihan ko kung kaya babaligtad ang sitwasyon, papanuorin ko sila habang nilalabanan nila ang bawat isa.



Heaven's heart, ito ang kapangyarihan ko. Ang kapangyarihang may kakayanang paibigin sakin ang lahat ng tao at hidden na gusto ko, except sa mga elemental users dahil hindi ito tatalab sa kanila. Ang sino mang nasa ilalim ng heaven's heart ay nagkakarun ng affection sa akin at nawawalan sila ng kakayahang tumanggi sa lahat ng iuutos ko. Ang kapangyarihan ko ay isa sa malalakas na kapangyarihan na kabilang sa passive skills/powers.



Nang tuluyan na akong makalapit kay Karrice ay tinanguan ako nito at humarap ako kina Phoebie at Esdras. "Simulan niyo ang laban!" Sigaw ko sa mga ito at mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko silang naglaban na dalawa.



Kaya ko silang talunin ngayon din mismo pero hindi ko gagawin yun dahil magiging boring ang laro. At isa pa, gusto kong makita ng mga nanonood kung ano ang kaya kong gawin. Gusto kong ipakita sa kanila kung pano ko paglalaruan ang mga paborito nilang mga players lalong-lalo na ang mga taga-Fortis.



Binaling ko ang aking paningin sa paligid at nakita kong nakatuon ang mga mata ng mga manunuod kina Phoebie at Esdras, napangiti ako. Sige pagmasdan at panoorin niyong mabuti ang mga paborito nyung manlalaro dahil magiging walang saysay rin yang laban na yan mamaya dahil kami pa rin ang mananalo.



Binalik ko ang aking paningin sa dalawa na naglalaban. Malakas ang kapangyarihan ni Phoebie kaya sayang at hindi niya ito magagamit laban kay Esdras. Si Esdras naman ay isang bomb spitter, ang laway na nilalabas niya sa kanyang bibig ay sumasabog na parang bomba. Kapag tinamaan ka nito siguradong masama ang aabutin mo.



Kahit walang kapangyarihan na gamit si Phoebie ay magaling ang pinapakita niyang laban, maliksi ang kilos niya kaya naiiwasan niya ang mga bomb spit ni Esdras pero hanggang kailan niya gagawin ito? Hindi siya mananalo kong iiwas lang siya at hindi aatake. Ngayong wala siyang kapangyarihan ay kelangan niyang umatake sa malapitan, short combat ang kelangan niya para manalo. Si Esdras ay panglong range ang kapangyarihan kaya sigurado mahihirapan siyang lapitan ito.



Isang bomb spit ang pinakawalan ni Esdras at tumama iyon sa damuhan sa harap mismo ni Phoebie. Nagkarun ng malakas na pagsabog at tumilapon si Phoebie. Kahit hindi ito tinamaan ay siguradong nasaktan ito dahil sa impak. Hindi pa nakakatayo si Phoebie at isang spit bomb uli ang pinakawalan ni Esdras. Sumabog iyon malapit sa gilid ng kaliwang paa ni Phoebie.



"Ahhhhhhhhhhhh!!!!" Isang sigaw ang kumawala sa bibig ni Phoebie. Mukhang nasaktan ito ng matindi.



Napatingin ako kay Karrice at nakita ko ang blanko nitong ekpresyon sa mukha habang nakatingin kay Phoebie sa damuhan.



Binalingan ko si Esdras at nakita kong aatake na naman ulit ito. "Tama na!" Sigaw at pigil ko dito. Hindi nito tinuloy ang pag-atake at tumingin sakin.



Tumayo si Phoebie at bakas sa mukha nito ang sakit na tinamo mula sa laban nila ni Esdras. Nagsalita ako sa kanila, "Makinig kayong dalawa, gusto kong magsurrender na kayo laban sa amin sa challenge na ito." Utos ko sa kanila.



"I surrender." Magkasabay na sambit nilang dalawa.



Ang 'surrender' ay parte ng laro kung saan malaya ang sino mang player na gamitin ito ano mang oras na gusto niya kapag ayaw niya ng magpatuloy sa laban. Ang surrender ay nangangahulugan ng defeat o pagkatalo.



"Boooooooohhh!!! Booooooohhhh!!!!!"



Nagsimulang mag-ingay ang mga tagapanood dahil sa ginawa ko. Napangiti ako sa aking sarili at napaisip. Sige mag-ingay lang kayo, wala namang saysay yan. Diyan lang kayo at panuorin niyo mamaya ang ipapagawa ko sa mga paborito niyo. Nagsisimula pa lang ako, wala pa tayo sa climax.



Ting! Ting! Ting!

Tumunog ang match bell tanda ng pagtatapos ng round one.



"Ladies and gentlemen, tapos na po ang round one. Congratulations Yin-Yang team, you have suceedded the first challenge. At para sa team ng Lunar at Fortis, 20 points will be deducted to your scores." Anunsyo ni Crasnelia.


Continue Chapter 85