YYU - Chapter 89: The Time Stopper

 


*** KARRICE'S POINT OF VIEW ***



Natapos ang round three at napagtagumapayan namin ni Tonique ang challenge dahil parehong bumagsak sina Phoebie at Xenon. Parehong nawalan ng malay ang mga ito dahil naubusan sila ng lakas at mana sa katawan. Minabuti naman ng head order na ipadala sila sa mini hospital ng Haven University para dun pagpahingahin.



Ayun sa head order, dahil hindi pa tapos ang laro kung kaya'y mananatiling kasali sina Phoebie at Xenon kahit na wala ang mga ito. Hindi daw pwedeng gawing excempted ang mga ito dahil hindi magiging patas iyon sa team ng Lunar at Haven kaya ibig sabihin sa natitirang round four at round five na mga challenges namin ay pwede pa rin naming piliin ni Tonique ang mga ito yun nga lang ay automatic defeated na sila dahil wala sila para lumaban.



Round four ngayon at ang lumabas sa die ay quatro, ang challenge ay pipili kami ng apat na players mula sa dalawang team at kailangan namin silang talunin sa laban. Since kasali pa rin ang team ng Fortis kahit na wala sina Phoebie at Xenon kung kaya pinili ko ito at ang isang team naman ay ang Lunar. Kapag natalo ang team ng Lunar ibig sabihin talo rin ang team ng Fortis dahil sa challenge na ito ay magkakampi sila.



Kasalukuyan kong kaharap sina Esdras at Lianny samanta nasa likod ko naman si Tonique. Napansin kong parang wala na itong ganang lumaban simula nung mawala sina Phoebie at Xenon. Nagtataka ako dahil dapat masaya ito dahil nangyari ang plinano naming pabagsakin ang dalawang tagafortis pero heto at parang malungkot siya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga lalake, bigla na lang silang nagbabago sa isang saglit, parang daig pa nila kaming mga babae sa pagiging moody kapag nagkarun ng dalaw.



"Ako na ang bahala sa mga yan." Narinig kong sambit ni Tonique saking likuran, walang kagana-gana ang boses nito. Mukhang naiinip na siya.



Hindi ako lumingon at nanatili akong nakatingin kina Esdras at Lianny. "Hayaan mo na sila sakin." Tugon ko dito. Alam ko na ang binabalak niya, gagamitin niya ng heaven's heart dito sa dalawa at pagkatapos ay uutusan niya ang mga ito na magsurrender sa laban.



"Tapusin mo na agad para makauwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga." Sabi nito.



"Okay, walang problema." Sabi ko at pinadaloy ko ang mana sa aking buong katawan. Tatapusin ko ang round na ito sa pinakamabilis na paraan. Sayang ang kapangyarihan ko kapag di nagamit kaya gagamitin ko ito ngayon.



"Round four challenge will start in 5... 4... 3... 2... 1... Fight!!" Anunsyo ng voice over na babae mula sa die na nasa damuhan.



At bago pa maglaho ang die ay ginamit ko na ang aking kapangyarihan, ang time-stop. Dahil sa kapangyarihan ko kung kaya sa isang saglit lang ay bumagsak sina Esdras at Lianny sa damuhan, tapos na ang round four at nanalo kami sa challenge na ito.



Hindi ako gumalaw at nakapako lang ang paningin ko sa dalawang tagalunar na nakadapa sa aking harapan habang ang tenga ko naman ay nakikinig sa mga ugong-ugong ng mga tagapanood sa paligid. Tapos na ang round na ito at ang tanging nakita lang nila ay ang pagbagsak nina Esdras at Lianny, hindi nila nakita kung ano ang ginawa ko sa mga ito.



"A-ano ang nangyari?" Umalingawngaw ang boses ni Crasnelia na nakalutang sa ere at lumipad malapit sa aking tabi, tinitigan nito ang dalawang tagalunar na hindi gumagalaw sa damuhan. "Mga mahal naming tagapanood masyadong mabilis ang pangyayari na hindi natin nakita kung ano ang eksaktong nangyari at bumagsak ang team ng Lunar." Huminto sa pagsasalita si Crasnelia at binalingan ako. "Ito ang kayang gawin ni Karrice na isang time stopper. Nakakahanga ang ginawa niya, pinabagsak niya sina Esdras at Lianny ng walang kahirap-hirap at dahil dito panalo sa challenge na ito ang team ng Yin-Yang." Anunsyo ni Crasnelia at lumipad sa taas.



Tumahimik ang paligid at nagsimula namang gumalaw sina Esdras at Lianny para bumangon.



"Para sa team ng Lunar 40 points ang mababawas sa score ninyo ganun din sa Fortis na inyong kakampi dahil natalo kayo sa laban." Pahayag ni Crasnelia. "Esdras at Lianny, maraming salamat, pwede na kayong bumalik sa inyong upuan." Sabi nito at kumilos naman ang dalawa pabalik sa upuan na narun sa ibaba ng stage.



Isa akong time stopper pero hindi ibig sabihin nun ay literal kong pinapahinto ang oras. Kapag ginamit ko ang kapangyarihan ko na time-stop, ang isang segundo ay nagiging isang minuto ang katumbas sa akin. Sa madaling salita sa loob ng isang segundo ay marami akong nagagawa na parang humihinto ang oras at dahil iyon sa supreme speed na kaya kong gawin. Tama, ang kapangyarihan ko ay supreme speed at tinatawag itong time-stop dahil kapag ginamit ko ito ay parang humihinto ang oras sa aking paligid.



Malakas ang kapangyarihan ko pero limitado ito dahil maraming mana ang nawawala sakin kapag ginagamit ko ito. Ang bawat guardian ay merong 100 porcento na mana sa katawan at 90 porcento dito ang pwedeng gamitin. Hindi pwedeng lumagpas ng 90 porcento ang paggamit ng mana dahil magdudulot ito ng panghihina sa katawan at matagal na regeneration ng mana. Ang regeneration ng mana o ang bilis ng pagbalik at pagkabuo nito sa katawan ay nakadepende din sa klase at lakas ng kapangyarihan at sa guardian na nagtataglay nito.



Ang isang segundo na paggamit ko ng time-stop ay bumabawas ng 10 porcento ng aking mana, sa madaling salita siyam na segundo lang ng time-stop ang pwede kong gamitin dahil eksaktong 90 porcento ng mana ko ang katumbas nito. Matagal magregene ang mana ko at umaabot ng dalawang araw bago ito mabuo, kaya ibig sabihin sa loob ng 48 oras ay siyam na beses ko lang pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko.  Ang isang kakayahan ko pa ay double-speed, ito ang dobleng bilis kumpara sa normal na bilis ko at hindi ito gaano kalakas bumawas ng mana kumpara sa time-stop.



Kanina nung kaharap ko sina Esdras at Lianny ay ginamit ko ang time-stop. Parang huminto ang ikot ng mundo, parang huminto ang oras. Ang lahat ay tumigil sa pagkilos maliban kina Shero at Sirgel na nahagip ng mga mata ko, narun sila nakaupo ng magkahiwalay at magkalayo sa bandang gitna ng lower balcony. Elemental users sila kaya hindi gumana ang kapangyarihan ko sa kanila, nakita nila ang ginawa kong pag-atake kina Esdras at Lianny.



Pero hindi lang sina Shero at Sirgel ang napansin kong nakatingin at nanonood sakin habang ginagamit ko ang time-stop. Meron akong napansin na tatlong tao sa upper balcony na nanonood sakin. Masyadong malayo ang mga ito kaya hindi ko alam kung mga babae o lalake ang mga ito, ang alam ko lang hindi gumana sa kanila ang kapangyarihan ko. Sino sila at bakit hindi gumana ang kapangyarihan ko sa kanila? Mga elemental users? 



Sa pagkakaalam ko apat lang ang bilang ng mga elemental users, ang airist, aquaist, earthist at flamist. Si Shero ay aquaist, si Sirgel naman ay earthist at si Freyo na dating crimson ay isang flamist. Tatlo silang kilala ko na elemental users kaya nakapagtataka, sino yung mga nasa upper balcony? Kung elemental users din ang mga iyon ibig sabihin ba nito hindi lang apat ang bilang ng mga elemental users kundi marami pa?


Continue Chapter 90