YYU - Chapter 90: Unexpected Visitors

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Mag-aalas diyes na ng gabi at nandito ako sa sala kasama sina Tristan, Travis at Lilyu. Kakatapos lang naming kumain na apat kaya napagpasyahan naming magpahinga muna saglit bago matulog. Yung iba naman naming mga kasama ay nasa taas na at nandun sa kani-kanilang mga silid.



Tahimik na nanunuod ng football sa tv sina Travis at Lilyu samantalang si Tristan naman ay nakayakap saking tagiliran at nakasandal ang ulo nito saking balikat, nakaidlip ito. Parang wala lang samin ang ginagawa naming pagyayakapan kahit na may mga kasama kami. Dati ay big deal sakin ang PDA pero ngayon ay ok na as long as na yung mga kakilala lang namin yung nakakakita at hindi yung ibang tao na hindi namin kakilala.



Binaling ko ang aking paningin sa labas ng bintana kung saan bumubuhos ang ulan. Nagsimulang umulan kanina mga bandang alas onse y media pagkatapos ng fourth game at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitila. Hindi maipagkakailang masaya ako dahil sa ulan na to lalo pa at katabi ko si Tristan at nakayakap sakin. Para sakin ay wala ng mas romantic pa dito, umuulan sa labas habang magkayakap naman kaming dalawa.



"Shero manunuod ka pa ba?" Napatingin ako kay Travis na biglang nagtanong. Nakatingin ito sakin at inaabot ang remote control. Tapos na ang football na pinapanood nila ni Lilyu kaya sa tingin ko ay aakyat na sila para matulog.



Umiling ako. "Hindi na, sige patayin mo na lang." Tugon ko at inoff nito ang tv. Nakita ko silang tumayo ni Lilyu.



"Aakyat na kami at matutulog." Sabi ni Lilyu.



"Sige susunod na kami." Tugon ko.



"Good night Shero." Nakangiting sabi ni Travis sakin at inakbayan nito si Lilyu.



"Good night din sa inyo." Tugon ko naman at naglaho silang dalawa sa paningin ko.



Binalingan ko si Tristan para gisingin. Nakahilig ang ulo nito saking balikat, infairness ang gwapo niya pa rin kahit nakapikit, para siyang natutulog na anghel.  "Tristan... Tristan gising na. Umakyat na tayo." Mahinang sambit ko dito habang tinatapik ko ang kanyang balikat.



Nakita ko siyang dumilat at pagkatapos ay kumalas sa pagkakayap sakin at umunat. Tinitigan niya ko, "Shero..." Inaantok na sabi niya at pumikit.



"Bakit..?" Tanong ko.



Dumilat siya at hinawakan ang magkabila kong kamay. "Sex tayo..." Mahinang sabi niya na parang nananaginip at pumikit ulit.



"Baliw!" Mabilis na tugon ko. "Antok lang yan, nanaginip ka pa yata ng gising eh. Tara, ihahatid na kita sa kwarto mo." Sabi ko at pinaakbay ko siya saking balikat. 



Pagkatapos kong ihatid si Tristan sa kwarto nila ni Maru sa taas ay bumaba naman ako at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng baso at pinuno ko iyon ng tubig mula sa dispenser at ininum. Pagkatapos mawala ang aking uhaw ay tumungo ako sa sala at dun sa sofa umupo.



Tahimik kong dinukot sa bulsa ng aking pajama ang nakatiklop na puting bond paper at binuksan ito. Binigay ito ni Prop. Goldfield sakin kaninang hapon, ito ang result ng laban sa Q'match simula first game hanggang fourth game. Lahat kaming mga players ay binigyan nito isa-isa.



FIRST GAME: (Fortis-20 points) (Haven-0 point) (Lunar-0 point) (Yin-Yang-20 points)



SECOND GAME: (Fortis-85 points) (Haven-15 points) (Lunar-0 point) (Yin-Yang-88 points)



THIRD GAME: (Fortis-200 points) (Haven-180 points) (Lunar-200 points) (Yin-Yang-53 points)



FOURTH GAME: (Fortis-100 points) (Haven-20 points) (Lunar-20 points) (Yin-Yang-200 points)



PARTIAL GAME RESULT: (Leading: Fortis University - 405 points) (Second: Yin-Yang University - 361 points) (Third: Lunar University - 220 points) (Fourth: Haven University - 215 points)



Nangunguna ngayon sa Q'match ang fortis sa score na 405 at kami naman ang pumapangalawa sa score na 361. Bale 44 ang lamang ng fortis samin, sa tingin ko kaya pa namin silang habulin. Meron pang fifth at sixth game, sa dalawang game na yun ay malaki ang posibilidad na malamangan namin sila kong mag-eextra effort kaming lahat sa laban.



Natigil ako sa pag-iisip at napalingon ako sa pintuan ng makarinig ako ng mga katok mula roon. Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto. 



Inabot ko ang knob ng pinto. "Sino pong nandyan?" Nagtatakang tanong ko, alas diyes na kasi ng gabi at umuulan pa kaya sino naman ang pupunta at bibisita samin?



Ang maganda dito sa visitor's house ay napapalibutan ito ng defensive spell tuwing gabi kaya walang sinuman ang makakapasok dito sa loob ng bahay kung hindi dadaan sa main door. Hindi gagana ang port gate dito at pati na rin ang ibang spell na pambukas ng pinto kaya masasabi kong safe kaming lahat na nasa loob.



"Si Prop Arelan ito ng Haven University." Tugon ng nasa labas.



Si Prop Arelan, yung witch na merong pulang buhok. Oo, siya nga yun kasi kilala ko ang boses niya. Sa pag-aakalang baka may emergency kung bakit siya pumarito ay hindi na ako nagdalawang isip pa at agad kong pinihit ang knob ng pinto at binuksan ito.



Tumambad saking harapan si Prop Arelan at ang tatlong mga kasama nito.



"Hello Shero..."


Continue Chapter 91