YYU - Chapter 91: Yes, she is...

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



"Hello Shero..." nakangiting bungad sakin ni Prop Arelan habang hawak-hawak nito sa magkabilang kamay ang nakabukas na payong at ang staff na umiilaw ang bato sa dulo.



Saglit akong natigilan at hindi nakapagsalita dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga kasama nito. Tatlo sila, isang lalake na nakasuot ng itim na maskara, isang babae na kaedaran ko at isang may edad na lalake. Ang may edad na lalake ay isang caster, hawak nito sa kaliwang kamay ang malaking payong at pinapayungan nito ang lalakeng nakamaskara at sa kanang kamay naman nito ay ang staff na katulad kay Prop Arelan ay umiilaw din ang bato sa dulo.



Napabaling ang paningin ko kay Prop Arelan. "Good evening po Propeosora, tuloy po kayo," sabi ko at tumabi ako sa pintuan para bigyan sila ng daan.



"Good evening din, salamat Shero," nakangiting sabi ni Prop Arelan at tumango ako bilang tugon.



Nakita kong sinarado nila ang hawak na mga payong at tinabi nila ito sa gilid ng pintuan at nakita ko ring naglaho ang liwanag sa mga bato ng mga staff na hawak nila. Ilang saglit pa at nagpatiuna ng pumasok sa bahay si Prop Arelan, sumunod dito ang lalake na nakamaskara, ang babae, at ang huling pumasok ay ang may edad na lalake.



Pagkapasok nilang apat ay agad ko ng sinarado ang pinto at giniya ko sila sa sala at pinaupo sa sofa.



"Propesora sandali lang po, tatawagin ko lang po sina Prop Goldfield at Mr.Gumban." Sabi ko at akma na akong tatalikod ng magsalita ito.



"Shero huwag na at baka natutulog na sila, hindi sila ang pakay namin." Pigil ni Prop Arelan sakin. Nakaupo ito sa sofa at katabi nito ang babae, nasa tapat ng mga ito ang lalakeng nakamaskara at ang may edad na lalake.



"Kung ganun sino po ang bibisitahin ninyo?" Nagtatakang tanong ko at pinalipat-lipat ko ang aking paningin sa kanilang apat.



"Si Keith," sagot ng nakamaskara.



Binalingan ko ito ng nakakunot ang noo. Kaano-ano kaya ito ni Keith? Tatanungin ko sana ito ng biglang magsalita ang babae. "Magpinsan sila," sabi nito.



"Ah okay." Sabi ko at tumangu-tango. Batay sa aking nakikita ay parehong estudyante itong babae at ang nakamaskara dahil sa suot nilang uniform. Ang babae ay nakasuot ng checkered skirt na kombinasyon ng kulay pula, asul at itim at ang nakamaskara naman ay nakasuot ng black pants. Pareho silang nakasuot ng kulay puting panloob na bouse at polo na pinatungan ng black na blazer na merong school logo sa kaliwang bahagi ng dibdib at merong initial na DU na ang ibig sabihin ay Distinct University. "Sige tatawagin ko siya." Sabi ko at tumalikod sa mga ito ng bigla akong may maalala. Hindi ko pa pala natanong sa nakamaskara kung ano ang pangalan niya, baka mamaya tanungin ako ni Keith kung sinong pinsan niya ang nandirito at wala akong maisagot. Muli akong humarap sa kanila. "Wait lang, ano pala ang pangalan mo?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ko sa nakamaskara.



"Hujin," ikling sagot nito.



"Okay!" sabi ko at nagthumbs up ako sa kanya. Nakita ko siyang tumango at tumalikod na ko.



Mabilis na akong umakyat ng second floor at tumungo sa kwarto nila Keith para tawagin ito. Ilang sandali pa at bumaba ako ng hagdan kasama ito at tumungo kaming dalawa sa sala kung saan naghihintay ang mga bisita.



Pagdating sa sala ay agad akong pinakilala ng pormal ni Keith sa kanyang nakamaskarang pinsan na si Hujin at sa dalawang kasama nito na sina Qazeya at Mr.Arlon. Sinabi ni Keith na si Hujin ay isang high born  at ang dalawang kasama nito ay nagsisilbi dito, si Qazeya bilang assistant at si Mr.Arlon bilang buddy guard. Kanina ay nagtataka ako kung bakit nakasuot ng maskara at gwantes si Hujin yun pala ay isa itong prinsepe at gusto niyang itago ang kanyang mukha. At nandito ito sa visitor's house para bigyan ng suporta si Keith sa magiging laban nito bukas.



Pagkatapos akong ipakilala ni Keith ay iniwanan ko na sila sa sala at tumungo ako sa kusina para maghanda ng tsaa. Habang inaasikaso ko ang mainit na inumin ay biglang pumasok sa isip ko ang tatlong bisita. Ang bawat isa sa kanila ay nakitaan ko ng tig-iisang maliliit na bola ng pulang liwanag na kasing laki ng holen na lumilipad at paikot-ikot sa kanilang mga katawan, parang buhay ang mga liwanag na yun na nakikipaglaro sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pulang liwanag na yun dahil ngayon ko lang iyon nakita pero subra akong namamangha dun. Iniisip ko na baka spell iyon para sa proteksyon nilang tatlo lalong-lalo na sa prinsepe.



Hindi nagtagal at natapos ako sa aking ginagawa, maingat kong binitbit ang tray na may laman ng anim na tasa, tatlong maliliit na tea pot at isang creamer patungo sa sala. Pagdating doon ay dahan-dahan ko itong inilapag sa center table.



"Mainit na tea para sa malamig na gabi." Nakangiting sabi ni Prop Arelan.



Ngumti ako, "Tama po kayo," pagsang-ayon ko.



"Everyone grab your tea cup," anito at inabot ang isang tasa at naunang magsalin ng tsaa.



Nanatili akong nakatayo at nakita kung nagsikuha ang bawat isa ng kanya-kanyang tasa at nagsalin ng tsaa. Yumuko naman ako para kunin yung naiwang tasa sa tray para magsalin ng sarili kong inumin ng bigla kong masagi ng hindi sinasadya ang hawak ni Keith na tasa. Nakita kong nabitawan niya ito at bumulwak ang mainit na laman nun patungo sa kanyang katawan ng bigla na lang huminto ang paligid at tumigil ang oras. Nanatiling nakalutang sa hangin ang muntikan ng malaglag na tasa at pati na ang bumulwak na tsaa.



"Be careful Shero." Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Karrice na papalapit sa direksyon ko.



Parang nakahinga ako ng maluwag, mabuti na lang at dumating siya at pinahinto ang oras dahil kung hindi siguradong maliligo ng mainit na tsaa si Keith. "Karrice salamat at dumating ka," sabi ko sa kanya ngunit hindi sa akin nakatuon ang kanyang pansin. Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay kaya sinundan ko ang direksyon ng kanyang tingin.



Dumapo ang paningin ko kina Hujin, Mr.Arlon at Qazeya na narun at nanataling nakaupo sa magkatapat na sofa. Doon ko lang napansin na nakatingin ang mga ito samin ni Karrice at malaya pa rin silang nakakagalaw na tatlo kahit na ginamit na ni Karrice ang kanyang kapangyarihan para pahintuin ang oras. Biglang napakunot ako ng noo, bakit sila nakakagalaw? Hindi ba dapat titigil at hihinto na rin sila sa pagkilos katulad ni Keith at Prop Arelan dahil sa time-stop? Maliban na lang kung elemental user silang tatlo. Elemental user sila?



"Oh I see, so kayong tatlong pala iyong mga estranghero na napansin kong hindi tinablan ng time-stop kanina sa coliseum?" sabi ni Karrice ng tuluyan na itong makalapit sa aking tabi, palipat-lipat ang tingin nito sa tatlo.



Hindi ko alam kung ano ang ibig nitong sabihin kaya hindi ako nagsalita, excited pa naman sana akong tanungin ang tatlo kung mga elemental users sila gaya ko.



"Oo kami yun," sagot ni Hujin.



Nakita kong binalingang ni Karrice si Qazeya at nagsalita. "You must be the airist," sabi niya na labis kong ikinagulat.


Continue Chapter 92