YYu - Chapter 92:The Airist

 


*** QAZEYA'S POINT OF VIEW ***



"You must be the airist," sabi ng bagong dating na babae. Naalala ko ang mukha niya, siya ang babae na lumaban sa fourth game kaninang umaga sa coliseum. Sa pagkakatanda ko Karrice ang kanyang pangalan at ito ang kapangyarihan niya ang pahintuin ang oras.



Tumango ako bilang tugon sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung pano niya nalaman na isa akong airist dahil hindi naman siya sensorist o senser para magkarun ng ideya sa kakayahan na taglay ko.



"Wow!" Aniya at binalingan sina Hujin at Mr.Arlon na magkatabi sa upuan. "And how about you guys?" tanong niya.



"Ay Karrice bago ang lahat masmabuti siguro kung ipakilala ko muna sila sayo," sabi ni Shero at pinakilala kami isa-isa. "Ito si Qazeya, at yan naman sina Hujin at si Mr.Arlon. At guys ito naman si Karrice."



Nakita kong ngumiti si Karrice habang palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo nina Hujin at Mr.Arlon, "Hi! Im Karrice," aniya.



"Hello," tugon ko at tipid na ngumiti.



"Ok so ngayong  magkakilala na ang lahat balikan na natin ang question and answer," ani Shero at binalingan ako. "Qazeya, talaga? Ikaw ang airist?" parang natutuwa at excited na tanong niya. Siguro natutuwa ito dahil kapwa elemental users kami at saka sa laki ba naman ng mundong ito ay nagkarun kami ng chansa na magkita at magkausap.



"Oo," ikling sagot ko at ngumiti.



"Nice, nice." nakangiting sabi niya.



Napabaling ang paningin ko kay Karice, "Kayo Hujin at Mr.Carlo?" anito na nakatutok ang mga mata sa dalawa.



"Karrice sinong Mr.Carlo? Mr.Arlon, hindi Mr.Carlo," pagtatama ni Shero. Lihim akong napangiti sa reaksyon ng mukha niya, magkasalubong ang mga kilay niya at parang sumama ang timpla ng mukha  niya ng sabihin ni Karrice ang Mr.Carlo.



"Ok sige na, Mr.Arlon at Hujin anong kapangyarihan niyo?" tanong ni Karrice na nakapako ang tingin kay Hujin at nakataas ang isang kila. Hula ko ay nagtataka ito sa pagsusuot ni Hujin ng maskara, hindi na talaga maiiwasan iyon dahil ganun rin ako dati nung una ko itong makita.



"We're ordinary hiddens," sagot ni Mr.Arlon ng walang kaemo-emosyon.



"Di nga?" Mabilis na sambit ni Shero. Napatingin kami sa kanya. "Kung ordinaryong hidden kayo bakit kayo nakakagalaw? Bakit hindi kayo apektado ng time-stop ni karrice? At ano yang pulang liwanag na umiikot-ikot sa mga katawan ninyo?" nakakunot noong tanong niya.



"Dahil yun sakin," sabi ko. Napatingin silang apat sa direksyon ko at tinitigan ko naman si Shero dahil sa huling sinabi nito. "Shero nakikita mo ang lit sa katawan namin?" tanong ko sa kanya.



"Anong lit?" aniyang nakakunot ang noo.



"I mean yung sinabi mong pulang liwanag?" sabi ko at tumango naman siya. "Ang pulang liwanag na yan ay tinatawag na lit of immunity."



"Wait lang, pulang liwanag? Lit of immunity? Saan?" ani Karrice na magkasalubong ang mga kilay.



"Ayan oh, yang pulang liwanag na paikot-ikot sa kanilang katawan," sabi ni Shero habang tinuturo ang pulang lit na umiikot sa katawan ni Hujin.



"Saan? Bakit wala akong makita?" sabi ni Karrice habang nakatutok ang paningin kay Hujin.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nagsalita, "Hindi mo talaga makikita yan dahil sa tingin ko elemental users lang ang makakakita niyan," sabi ko at binalingan ko si Shero. Siya ang kauna-unahang hidden na nakakita sa lit na ginawa ko kaya subra akong nasurpresa. Akala ko dati ako lang ang may kakayahang makakita sa lit na ito pero hindi pala dahil nakikita rin ito ni Shero na tulad ko ay isa ring elemental user. Kung ganun isa lang ang ibig sabihin nito, kaming mga elemental users lang ang may kakayahang makakita sa lit na ito.



"Elemental users again? Hay nagmumukha na kaming mahina dahil sa inyo," ani karrice at ngumiwi.



"Spell ba yan?" tanong ni Shero na nakatingin sakin.



Umiling ako, "Hindi, isa yan sa kakayahan ko bilang airist," sagot ko.



"Ano ang ibig sabihin ng lit of immunity?" aniya.



"Lit of immunity, ito ang skill ko na may kakayahang iincrease ng 50% ang defense ng isang tao o hidden at ito ang nagsisilbing blocker sa effect ng passive skill katulad ng time-stop. Kapag ang isang normal na tao o hidden ay ginawaran ko ng lit of immunity ay hindi siya maaapektuhan sa kapangyarihan ng mga passive users," paliwanag ko.



"So ito palang immunity ang dahilan kung bakit hindi apektado ng time-stop sina Hujin at Mr.Arlon?" ani Karrice at tinititigan ang dalawa na walang mga imik at nakikinig lang. Pinili nila ang tumahimik dahil siguro hindi sila makarelate sa mga pinag-uusapan naming tatlo.



"Tama ka," tugon ko.



"Ganu katagal ang bisa nitong immunity?" tanong ni Shero.



"Humigit kumulang mga tatlong oras," sagot ko.



"Bukod sa lit of immunity meron pa bang iba?" sunod na tanong ni Shero. Nakita ko siyang kumilos at inabot ang nakalutang na tasa sa hangin at pagkatapos ay minanipula niya ang nakalutang na tsaa sa hangin at nilagay sa hawak na tasa.



"Oo meron pa," sabi ko, "Ang lit of recovery, rapidity at power."



"Anu-ano ang mga yun?" ani Karrice.



"Recovery, ito ang kulay asul na lit, ito ang skill na may kakayahang pabilisin ang pagregene ng mana. Rapidity, ito ang kulay dilaw na lit, ito ang skill na may kakayahang pabilisin ang kilos. At ang power, ito ang kulay puting lit, ito ang skill na may kakayahang iincrease ang lakas o kapangyarihan ng  isang guardian," paliwanag ko sa kanila.



"Ang galing naman," sabi ni Shero. "Kaya mo ring magheal?" tanong niya.



Umiling ako, "Hindi, sa tingin ko aquaist at healer lang ang may skill na ganyan."



"Sayang naman, dapat meron ka ring healing," aniya.



Tipid akong ngumiti, oo sana meron din akong healing skill kagaya niya pero wala eh. Hindi na sakop ng airist ang skill na yan kaya sayang talaga.



"Guys sorry pero kelangan ko ng itigil ang time-stop. Mauubos na ang mana ko," ani Karrice, "And by the way nice meeting you all. Aakyat na ko sa taas, good night," paalam niya sa amin at tumalikod na patungo sa hagdan pero bago pa ito makaalis nang tuluyan ay nagcast ako ng lit of recovery sa kanyang katawan para tulungan siyang pabilisin ang pagregene ng kanyang nagamit na mana.



Nang mawala si Karrice sa aking paningin ay muling tumakbo ang oras. Muling pumitik ang kamay ng relo at muling pumatak ang ulan sa labas ng bintana. Nagsimula na ring gumalaw sina Prop Arelan at Keith. Naroon pa sa mukha ni Keith ang pagkagulat ng iabot sa kanya ni Shero ang tasa ng tsaa na kanyang nabitawan kanina.



"It was Karrice right?" ani Keith habang nakatingala kay Shero na nakatayo sa kanyang tabi. Alam niyang narito kanina si Karrice at pinahinto nito ang oras para hindi siya matapunan ng tsaa.



"Sorry," sabi ni Shero at nagpeace sign ito.



"Thank goodness, muntikan na 'kong maligo ng mainit na tsaa," ani Keith, "Umupo ka dito Shero," anito at umusog sa sofa para bigyan ng space si Shero.



Ginugol naming anim ang ilang minuto sa pag-uusap tunkol sa Q'match hanggang sa maubos namin ang tig-iisang cup ng tsaa.



"Shero umakyat ka na sa taas at matulog," Napabaling ang paningin naming lahat sa bagong dating na lalake na nagsalita. Lumapit ito samin.  Bakit pinapatulog niya si Shero? Hindi ba dapat si Keith ang sabihan niya ng ganu'n dahil ito ang may laban bukas at hindi si Shero?



"Oo Maru paakyat na rin ako, liligpitin ko lang ito," tugon ni Shero.



"Huwag na, ako na ang magliligpit niyan," sabi ng lalake na tinawag ni Shero na Maru.



"Hindi, ako na lang kaya ko naman to eh," pag-iinsist ni Shero.



"Shero umakyat ka na lang, ako na ang bahala dito. Sanay ako sa ganito," sabi ko sabay tayo at abot sa tray na may laman ng mga tasa at tea pot.



"Hindi pwede," ani Shero at mabilis na tumayo at tinabihan ako. "Mga bisita kayo," aniya at hinawakan ang kamay ko para tanggalin sa tray ng biglang...



"Shero huwag mo siyang hawakan!" narinig kong sigaw ni Maru.



At naramdaman kong biglang uminit ang kamay ni Shero na nakahawak sa kamay ko, dahilan para mabitawan ko ang hawak kong tray. Bumagsak ang tray sa sahig at nakita kong nabasag ang mga tasa at mga tea pot na yari sa porselana. Binalik ko ang aking pansin sa aking kamay, hinila ko ito mula sa pagkakahawak ni Shero dahil parang mapapaso ako sa init ng kamay niya pero hindi ko magawa dahil subrang higpit ng pagkakahawak niya sakin.



"Shero please bitiwan mo ang kamay ko," nakikiusap na sabi ko pero tila bingi ito sa aking sinabi. Tinitigan ko siya at nakita kong biglang umitim ang kanyang mga mata.



"Shero anong ginagawa mo? Bitiwan mo ang kamay niya," sabi ni Keith at tumayo ito para tulungan ako pero bigla itong tumilapon sa sahig dahil ginamitan siya ni Shero ng kapangyarihan.



"Shero tama na!" sigaw naman ni Hujin at sabay silang tumayo ni Mr.Arlon para sakluluhan ako pero ginamitan sila ng blood manipulation ni Shero at hinampas sa bintana.



Nakita kong sunod na sumugod sina Maru at Prop Arelan pero maging ang mga ito ay wala ring nagawa at tumilapon din sila sa sahig. Sinubukan ko ring gamitin ang kapangyarihan ko pero  wala, ayaw gumana ng kapangyarihan ko.



"Ahhhhh!!!" isang sigaw ang kumawala sa bibig ko nang maramdaman kong hinigop ni Shero ang lakas ko sa katawan. Nakaramdam ako ng biglang panghihina at napaluhod ako sa sahig. Patuloy sa paghigop si Shero sa natitirang lakas ko at ayaw niya kong bitawan. Napaangat ako ng tingin sa kanya habang nakaluhod at nakita ko ang air element symbol sa gitna ng kanyang noo. Nakita ko siyang ngumiti at napapikit ako dahil tuluyan na akong naubusan ng lakas.



Si Shero ay isang aquaist pero bakit lumabas sa kanya ang air element symbol na dapat ay sa akin lang?


Continue Chapter 93