YYU - Chapter 93: Split Personality

 


*** MARU'S POINT OF VIEW ***



Nakaramdam ako ng subrang sakit sa aking kaliwang braso ng tumilapon ako at bumagsak sa sahig. Masama itong nangyayari, nagising ang pangalawang katauhan ni Shero dahil sa paghawak nito sa airist. Kapag hindi bumalik agad sa sarili si Shero ay tuluyan ng magigising itong pangalawa niyang katauhan at magkakaroon ito ng kalayaan na kontrolin ang katawan niya sa kahit na anong oras man nito gugustuhin, kapag nangyari iyon natitiyak kong hindi maganda ang mga mangyayari.



Ang pangalawang katauhan ni Shero ay kabaligtaran ng ugali niya, ibig sabihin kung ganu kabuti at kabait si Shero ay ganun rin kasama ang ugali ng pangalawa niyang katauhan.



Kaya ako nandito ay para bantayan si Shero pero ano itong nangyari? Masyado akong naging pabaya. Kaasar, wala na akong choice ngayon kundi gamitin sa kanya ang ipinagbabawal na mahika. Ito na ang tamang oras para gamitin ko ang nalalaman kong spell bilang kalahating warlock. Sana lang magawa ko ito ng tama dahil kapag nagkataon na pumalpak ako ay problema ang siguradong idudulot nitong pangalawang katauhan ni Shero sa buong hidden society.



Kumilos ako at tumayo. Para magawa ko ang mahika ay kelangan ko ng staff, ayun ang staff ni Prop Arelan at tumilapon malapit sa hagdan. Mabilis kong tinakbo iyon at saka dinampot. Binalingan ko ang ibang nandirito sa sala, si Keith, Prop Arelan at ang lalakeng nakamaskara ay nakadapa sa sahig at hindi gumagalaw, mukhang nawalan sila ng malay. Ang airist naman ay nakita kong nakaluhod at hindi pa rin binibitawan ni Shero ang kanyang kamay. Mukhang nanghihina na ito at saglit pa ay tuluyan na itong bumagsak sa sahig.



Kinalma ko ang aking sarili para sa paghahanda sa gagawin kong mahika, kelangan kong maging relax at maingat para magawa ko ito ng tama, ngayon ko lang ito susubukan ng actual kaya sana hindi ako magkamali.



Bumuga ako ng hangin at saka nagsalita habang nakatutok naman ang kanang kamay ko na may hawak na staff sa nakatalikod na si Shero. "Tane-brae-me-deis..." Sambit ko sa mahika na biglang naputol dahil humarap sa direksyon ko si Shero at tinutok niya sakin ang kanyang kamay. Bigla akong lumutang sa hangin at hindi makagalaw.



"May binabalak kang masama sakin?!!" Sabi ni Shero habang nakatitig sakin ang kanyang maiitim na mga mata. At bigla kong naramdaman ang subrang sakit sa buo kong katawan.



"Ahhhhhhh!!!!! Shero huwag!!! Ahhhhh!!" Namimilipit sa sakit na sigaw ko habang nakalutang sa hangin. Ito na siguro ang sinasabi nilang blood pain ang nararanasan ko ngayon, subrang sakit sa pakiramdam, parang puputok ang lahat ng ugat ko sa katawan. Kapag hindi niya ito tinigil siguradong ito na ang magiging katapusan ko. "Shero pakiusap tama na!!!" Nasasaktan na sigaw ko.



At bigla akong bumagsak sa sahig dahil inatake ng warlock na kasama ng airist si Shero. Humarap dito si Shero na parang walang naramdaman mula sa ginawa nitong pag-atake gamit ang mahika. Nakita kong tinutok ni Shero ang isang kamay niya sa warlock.



"Ahhhhhhhhh!!!!" Isang sigaw ang kumawala sa warlock tanda ng sakit na kanyang naramdaman sa katawan. Natumba ito sa sahig at namilipit sa sakit.



Ito na ang pagkakataon kong magcast ng spell. Mabilis akong tumayo at tinutok ko ang hawak kong staff kay Shero na ang atensyon ay nasa warlock na namimilipit sa sahig.



"Tane-brae-me-deis-ego-excieo-vos," sambit ko sa mahika at biglang lumiwanag ang bato sa dulong hawakan ng staff. Nakita kong nagkarun ng bilog na puting liwanag na merong itim na pentagram sa aking kinatatayuan at nakita kong biglang humarap sa direksyon ko si Shero. Masama ang tingin nito sakin at natitiyak kong pipigilan niya ako sa aking ginagawa kaya agad ko ng binigkas ang karugtong ng mahika na pansamantalang magkukulong sa kanyang pangalawang katauhan.



"Ex-ci-pior-va-nesco-quies-ca," sambit ko sa mahika at ang bilog na puting liwanag na merong itim na pentagran sa paanan ko ay lumipat sa kinatatayuan ni Shero at nagdulot iyon ng subra at nakakasilaw na puting liwanag na sumakop sa buong paligid.



"Hindi!!!" sigaw ni Shero at gumalaw ang puting liwanag at pumaikot sa buong katawan niya. Saglit pa at naglaho ang liwanag at bumagsak si Shero sa sahig na walang malay tao.



Nanghihina naman akong napaluhod sa sahig at binitawan ko ang hawak kong staff. Dumating sina Prop Goldfield at ang iba pa. Ako lang ang nadatnan nilang may malay.



"Maru anong nangyari dito?" Tanong ni Prop Goldfield at lumuhod ito sa tabi ko.

Nakayuko lang ako at hindi sumagot. Nakatutok ang aking mga mata sa dugo sa sahig sa aking harapan na nanggagaling sa aking ilong. Naramdaman ko ang kamay ni Prop Goldfield na pumatong sa aking balikat at bago pa ako mawalan ng malay ay narinig kong nagsalita si Mr.Gumban.



"Travis at Grandeline, bilis humingi kayo ng tulong sa ospital ng Haven." Anito.

_*oO*Oo*_

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at paggising ko ay maliwanag na sa labas ng bintana ng silid na kinaroroonan ko. Huwebes ngayong araw at laban namin ni Keith, dapat nasa war zone ako at hindi dito sa silid ng ospital.



Bumangon ako sa kama at humakbang patungo sa pinto ng biglang bumukas iyon at bumungad sa aking harapan si Prop Goldfield.



"Saan ka pupunta?" Agad na tanong niya.



Bumuga ako ng hangin,"May laban ako ngayon," sabi ko at hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Mukhang uusigin niya ako tunkol sa mga nangyari kagabi.



Sinarado niya ang pinto at pinagcross ang dalawang braso sa harapan ng kanyang dibdib. "Maupo ka sa kama at may mahalaga tayong pag-uusapan," seryusong sabi niya.



Mukhang wala akong choice kundi sundin siya. Tahimik akong umupo sa gilid ng kama at siya naman ay umupo sa silya sa aking harapan.



Pinili ko ang yumuko at huwag tumingin sa kanyang mukha. Narinig ko siyang nagbuntong hininga bago magsalita, "Ano ang nalalaman mo tunkol sa nangyari kay Shero kagabi na hindi namin alam?" simula niya.



Hindi nga ako nagkamali sa aking naisip, mukhang interogasyon itong mangyayari sakin ngayon, "Wala," tanggi kong nakayuko.



"Alam kong meron kang alam. Kung hindi ka makikipagtulungan sakin ay maaaring madisqualified ang Yin-Yang sa Q'match dahil sa nangyari kagabi and worst maexpel si Shero sa University," aniya.



Napaangat ako ng tingin sa kanya, hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang mga nangyari kagabi.



"Ngayon pumili ka, sasabihin mo sakin ang alam mo o babalik na tayong lahat sa Yin-Yang bilang mga talunan at hindi niyo na makikita si Shero na papasok doon?" sabi ni Prop na matiim na nakatitig sa mga mata ko.



Iniwas ko ang aking paningin sa kanya. Okay sige sasabihin ko sa kanya ang alam ko pero hindi lahat. "May split personality si Shero at nagising iyon kagabi dahil sa malakas na enerhiya na galing sa airist," sabi ko.



"Split personality?" aniya.



"Opo," ikling tugon ko.



"Ano pa ang ibang nalalaman mo?" sunod na tanong niya.



Umangat ako ng ulo at tinitigan ko siya sa mga mata, "Ang isa pang nalalaman ko ay oras na magising ulit ang pangalawang katauhan ni Shero sa pamamagitan ng enerhiya ng flamist ay tuluyan na itong makakalaya at magigising habang buhay. Kapag nangyari iyon ay malaya na nitong makokontrol ang isip, emosyon at katawan ni Shero. Alam niyo naman po siguro kung ano ang mangyayari sa hidden society kapag nangyari ito diba? Panganib ang naghihintay sa lahat..." Walang kasinungalingan na sabi ko pero hindi iyon ang buong kwento, may lihim akong hindi binanggit.



Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Ngayon pong alam niyo na ito, ano pong gagawin niyo para mapigilan ang tuluyang paggising ng pangalawang katauhan ni Shero na banta sa lahat ng mga tao at hidden? Hindi niyo naman po siguro ito ipagsasabi sa iba diba? Natitiyak ko na ang sino mang makakarinig nito ay masgugustuhin na mawala si Shero kesa mabunyag ang secreto ng mga hidden. Ika nga nila, prevention is better than cure," sabi ko at huminto muna saglit, isang buntong hininga ang pinakawalan ko at muling nagpatuloy, "Gusto ko lang po marinig ninyo ito, mahalaga si Shero sakin at hanggang nabubuhay ako ay poprotektahan ko siya. Ngayon po Prop Goldfield kung iniisip niyong burahin si Shero sa mundong ito para sa kapakanan ng mga nakakarami ay ituring niyo na akong kaaway dahil dun tayo magkakatalo." Seryusong sabi ko.


Continue Chapter 94