YYU - Chapter 65: Debility

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Mula sa pagkakahimbing ay napadilat ako ng mga mata dahil sa lakas ng tunog ng kidlat na pumutol sa katahimikan ng paligid. Awtomatikong napalingon ako sa direksyon ng bintana at nakita ko roon si Lilyu na nakatayo sa tapat at nagmamasid sa madilim na labasan. Muling kumidlat at nakita ko ang pagkislap ng puting liwanag sa bintana na agad ring nawala, kasunod nun ay pagbagsak ng malakas na ulan at ang pag-ihip ng hangin. Mabilis na inabot ni Lilyu ang handle ng bintana at sinarado ito. 



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin pa rin sa direksyon ng bintana. Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama sa loob ng aming silid ni Lilyu dito sa visitor's house. Hindi ko alam kung pano ako napunta rito, ang huling naaalala ko ay naglalaban kami ni Sirgel. Hindi ko alam kung ano ang resulta sa laban naming iyon, siguro panalo si Sirgel dahil sa nawalan ako ng malay at hindi na ako nakalaban sa susunod na round. Ayos lang kung talo ako, babawi na lang siguro ako sa susunod kung may pagkakataong pang magkaharap kami ulit.



Humarap si Lilyu sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata, nakita ko ang pagkasurpresa sa kanyang mukha. "Gising ka na pala..." Sabi nito at umupo sa gilid ng kanyang kama paharap sakin. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Pangangamusta nito.



Binaling ko ang aking ulo paharap sa kisame at sinalubong ang mga mata ko ng liwanag ng ilaw na nakasabit roon. "Ayos lang pero nanghihina ang buo kong katawan." Sagot ko.



"Siguro nanghihina ka dahil sa labis na paggamit mo ng mana. Maaaring 90 porsyento ng mana mo ang nagamit at nailabas mo sa laban ninyo ni Sirgel kung kaya nawalan ka ng malay sa gitna ng inyong laban." Comento ni Lilyu.



Wala akong ideya sa mga sinabi niya kaya wala akong itinugon. "Anong oras na ngayon?" Pag-iiba at wala sa loob na tanong ko.



"Alas diyes ng gabi." Agad na sagot nito.



"Linggo na ngayon, kung ganun buong araw akong natulog?" Kalmado at matamlay na tanong ko. Naramdaman ko ang biglang pamimigat ng talukap ng aking mga mata.



"Oo, tama ka. Malamang nagugutom ka na, kukunan kita ng pagkain sa baba." Pagmamagandang loob nito.



"Salamat Lilyu pero hindi ako nagugutom." Mahinang sabi ko.



"Sigurado ka?" Paniniguro nito.



"Oo." Tugon ko at bago magsara ang mga mata ko ng tuluyan ay nahagip ng paningin ko ang isang  tao na tumagos sa dingding sa kaliwang bahagi ko. Kahit hindi ko nakita ang mukha nito ay alam ko kung sino ito, si Maru. 



Hindi ko na magawang idilat ang aking mga mata at naramdaman ko ang lalong panghihina ng aking katawan, hindi ko alam kung bakit. Wala akong nararamdamang sakit sa aking katawan pero parang kinakain naman ako ng buong-buo ng subrang panghihina.



Ilang saglit pa at narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng silid at narinig ko ang mga yabag na papalapit sa kama ko. Sigurado akong mga kateammates ko ang mga ito. Gusto kong idilat ang mga mata ko para makita sila pero hindi ko kaya. Siguradong nandito sila para kamustahin ako yun nga lang ay hindi nila ako naabutang gising. Ang nangyayari sakin ngayon ay parang katulad rin noong nangyari sakin pagkatapos kong gamitin ang kapangyarihan ko sa limang crimson na nagnakaw ng golden scale. 



"Kakapikit niya lang... Nanghihina pa daw ang katawan niya." Pagbibigay impormasyon ni Lilyu sa mga bagong dating.



"Shero...?" Boses iyon ni Tristan. Gusto kong bigkasin ang pangalan niya pero hindi ko kaya, para akong nacoma sa sitwasyon ko ngayon. "Shero, alam ko naririnig mo ko. Magpahinga ka lang, bukas sigurado magiging maayos ka na."



Sana nga bukas maging maayos nako, sana bumalik na ang lakas ko. 



Ilang sandaling katahimikan...



"Magiging maayos rin si Shero kelangan niya lang ng pahinga. Bumalik na kayo sa inyong mga silid." Boses iyon ni prop. Goldfield.



Wala akong may narinig na tumugon at narinig ko ang mga yabag na papalabas ng silid at unting-unting naglalaho. Umalis na sila...



Naramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko.  Naramdaman ko ang init ng palad nito. "Shero, kelangan mong maging ok dahil bukas na ang laban ko. Gusto kong ikaw ang nasa tabi ko bago magsimula ang laban namin ni Travis sa ibang representatives." Boses ni Tristan, hawak niya ang kamay ko at naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya dito. "Good night Shero." Mahinang bulong nito sa tenga ko at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.


Continue Chapter 66