YYU - Chapter 95: When Boredom Strikes!

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Mga tatlong oras na ang lumipas simula ng magising ako kanina ng mga bandang alas nuebe ng umaga. Heto at nakaupo lang ako sa ibabaw ng kama at nagpapahinga dahil katatapos ko lang mananghalian. Nakatingin lang ako sa puting dingding sa aking harapan at nag-iisip ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang rason at nawalan ako ng malay kagabi. Ang naalala ko lang kagabi ay dumating si Maru sa sala at kinuha ko kay Qazeya ang tray ng mga tasa at pagkatapos nun ay wala na, wala na akong matandaan. Nagising na lang ako na nandito na sa silid ng ospital.



Binalingan ko si Tristan sa aking kaliwa, nakaupo siya sa silya sa tabi ng kama at tahimik na nagbabasa ng aklat. Tinanong ko siya kanina kung bakit ako nandito sa ospital at ang sagot niya sakin ay nawalan daw ako ng malay, tinanong ko siya kung bakit ako nawalan ng malay at isang kibit balikat lang ang tinugon niya sakin. Sinabi niya sakin na hindi lang ako ang nag-iisang sinugod dito sa ospital kagabi kundi pati na rin sina Keith, Maru, Prop Arelan at ang tatlo pang mga bisita.



Nakita kong sinarado ni Tristan ang hawak niyang aklat at nilingon ako, nagtama ang mga paningin namin, "Bakit?" aniya at nakita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo.



Umiling ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya, "Wala," sabi ko at bumuga ng hangin, pagkaraan ng ilang segundo ay muli ko siyang tinitigan, "Nagtataka lang ako kung bakit hindi ko maalala ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay," pag-oopen ko sa kanya.



"Huwag mo ng pilitin ang sarili mo na alalahanin yun. Tanungin mo na lang si Maru mamaya kapag nakalabas na kayo,"  payo niya. Sinabi niya sakin kanina na si Maru lang ang nadatnan nilang may malay tao sa sala kagabi habang kami ng mga kasamahan kong narun ay wala, kaya sa madaling salita si Maru lang may alam sa buong mga pangyayari.



Hindi ako tumugon sa sinabi ni Tristan at binalik ko ang aking paningin sa puting dinding sa aking harapan. Bumuntong hininga ako at sumandal sa headboard ng kama. Naiinis ako sa sarili ko, kahit anong gawin kong pag-iisip at pagbabalik tanaw sa mga nangyari kagabi ay hindi ko pa rin maalala ang rason kung bakit ako nawalan ng malay. Imposibli namang nagkarun ako ng temporary amnesia, ano yun naamnesia ako ng ilang minuto tapos bigla akong hinimatay? Ang labo diba? O baka naman yung tsaa na ininom namin ay merong pampatulog kaya nagsibagsakan kaming lahat? Pero malabo din kasi ako ang nagtimpla nun at saka kung meron man, eh bakit pati si Maru na hindi naman nakainom ay nawalan din ng malay? Baka naman may umatake samin kagabi na mga casters at ginamitan kami ng spell para makalimutan namin yung mga nangyari? Baka yun nga ang dahilan, kasi nga diba narun at kasama namin yung pinsan ni Keith na prinsipe? Baka merong mga casters na nagtanka na saktan siya at nadamay kami? Hala baka iyon nga ang dahilan? Pero... Mukhang malabo din kasi yung visitor's house napapalibutan ng protective spell kaya malabong may makapasok dun na mga casters at atakehin kami.



Napangiwi ako sa aking sarili dahil kung anu-ano nang kabaliwan ang pumapasok sa isipan ko. Tinaas ko ang dalawa kong mga kamay at hinawakan ko ang magkabila kong mga pesngi, naramdaman ko ang init ng sarili kong mga palad. Dinama ng mga daliri ko ang malambot kong pesngi at wala sa loob na kinurot ko ang mga ito. Baka sakaling maalala ko ang mga nangyari sakin kagabi kapag ginawa ko ito.



"Anong ginagawa mo?" ani Tristan.



Lumingon ako sa kanya habang ang mga daliri ko ay nakakurot sa magkabila kong pesngi. Kanina pa pala niya ko pinapanood, "Minamasahe at eneexercise ko yung mukha ko," sabi ko at pinalubo ko ang aking pesngi. Nakita ko siyang ngumiti at umiling, "Oh bakit ka nakangiti?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko nang ngumiti siya dahil sa kaweirduhan ko.



"Wala, ang cute mo," sagot niya.



Bumuga ako ng hangin at binaba ko ang aking mga kamay. Tinitigan ko siya ng mabuti, tulad ng sinabi niya kanina hindi ko na pipilitin na aalahanin ang mga kaganapan kagabi dahil wala rin lang mangyayari, "Tristan pwede na ba tayong bumalik sa visitor's house?" pag-iiba ko ng usapan.



"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" aniya.



Tumango ako, "Oo," ikling tugon ko. Wala akong nararamdamang sakit kahit saang parte ng aking katawan kaya para sakin ay wala ng dahilan para manatili ako dito sa ospital. Kanina ko pa gustong bumalik ng visitor's house dahil subrang nababagot na ko.



"Hintayin na lang natin si Prop Goldfield," comento niya.



Sumimangot ako sa kanya, "Nababagot na ko," sabi ko.



"Bakit ka nababagot eh nandito naman ako?" aniya.



Bumuntong hininga ako at sinipat ko ang buong paligid ng silid, sakto lang ang laki nito at nababalot ng puting pintura. Sa kaliwang bahagi ko kung nasan si Tristan ay narun ang maliit at nag-iisang bintana at sa kanang bahagi ko naman ay narun ang pintuan ng silid at ng cr.



Tinitigan ko si Tristan, "Hindi ako nababagot na kasama ka, nababagot ako sa pagsestay dito," sabi ko.



"Alam ko na, nababagot ka kasi wala kang ginagawa," sabi niya.



"Oo, ganun na nga," pagsang-ayon ko.



"Sige para hindi ka mabagot, maglaro tayo. Kunwari ako ang daddy tapos ikaw ang mommy tapos gagawa tayo ng..."



"Tristan naman eh," putol ko sa kanyang sasabihin at kunwari ay may pagkadisgusto. Mukhang kapilyuhan na naman ang naglaro sa kanyang isip.



"Sandali lang hindi pa ko tapos," aniya at nagpatuloy sa pagsasalita, "Ako ang daddy tapos ikaw ang mommy tapos gagawa tayo ng cake."



Kumunot ang noo ko dahil saking narinig, medyo nadisappoint ako. Akala ko pa naman sasabihin niya na gagawa kami ng baby tapos cake lang pala?! Siguro iniba niya ang sasabihin dahil bigla akong nagsalita, dapat pala kanina hindi ako humirit habang nagsasalita siya, yan tuloy imbis na baby ang gagawin namin naging cake na lang.



"Seryuso? Cake ang gagawin natin?" nakaismid na tanong ko, "Wala ditong oven saka mga ingredients," sabi ko.



"Oh bakit ayaw mo ng cake? At saka di ba sabi ko nga kunwari lang, kaya siyempre kunwari lang din na merong oven at mga ingredients dito," sabi niya.



"Ayuko niyan, iba na lang ang gawin natin," sabi ko. Total wala rin lang naman akong ginagawa dito sa silid kaya makikipagkulitan na lang ako sa kanya, pantanggal din to sa kabagotan.



"Kung ayaw mo ng cake eh di  gumawa na lang tayo ng kunwaring robot tapos..."



Di ko siya pinatapos sa pagsasalita, "Ayuko rin ng robot. Mag-isip ka pa ng iba," sabi ko. Di man lang niya naisip na yung mga mag-asawa mas gusto ang gumawa ng baby kay sa kung ano pa man.



"Sige gumawa tayo ng bahay ako yung..."



"Ayukong gumawa ng bahay, nakakapagod yan," sabat ko.



"Sige gagawa tayo ng barko," aniya.



"Mas lalong ayuko, bahay nga nakakapagod gawin barko pa kaya?"



"Eh di banka na lang," hirit niya.



"Ayuko din niyan masyadong maliit," sabi ko.

Hindi siya nagsalita ng ilang segundo at nag-isip muna, "kung ayaw mo sa mga binanggit ko sigurado hindi ka aayaw sa isang to," aniya at ngumiti.



"Ano naman yun?" tanong ko.



"Gagawa tayo ng ice cubes saka bebenta natin, kasi diba ice manipulator ka naman?" sabi niya.



Seryuso? Gagawa ng ice cubes? Ano ako refrigerator? Mukha ba akong freezer? Pinagtitripan niya ba ko? "Gumawa kang mag-isa mo!" sabi ko sa kanya at inirapan ko siya.



"Ayaw mo din nun? Akala ko pa naman magugustuhan mo yun."Aniya at tumigil sa pagsasalita. Baliw na to pano ko naman magugustuhan yun eh ginawa niya kong ref? Muli siyang nagsalita, "Ano pa ba ang ginagawa ng mag-asawa? Hmmmm... Ah alam ko na! Siguro ayaw mo sa mga suhestyon ko kasi yung gusto mong gawin natin ay baby no?" aniya.



Binalingan ko siya at ngumiti siya sakin, feeling ko namumula ang buo kong pesngi dahil sa kanyang mga sinabi. Sa wakas at naisip niya rin iyon pero siyempre kunwari lang naman na gagawin namin yun. Ngumiti ako sa kanya at kinindatan niya ko.


Continue Chapter 96