YYU - Chapter 49: I Like You

 



*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Ang babaeng ito ay isang bampira. Nakatitig ang mapupula niyang mga mata sakin, nakabuka ang kanyang bibig at meron siyang mahahabang mga pangil. Galit siya, pero bakit? Hindi ko alam kong ano ang kasalanan namin ni Tristan at ginagawa niya ito. Ramdam ko ang lakas at higpit ng pagkakasakal niya sakin. Gusto niya ba kaming patayin? Dahil kung oo ay siguradong magtatagumpay siya dahil nauubusan na ako ng hangin. Hindi ako makahinga.



"Tama na Akreanei, may paparating." Pagbigay babala ng isang babae na kasama nito.



"Magkikita tayo ulit sa Quadrangular match, kayong dalawa at pati na ang mga kasama niyo. Siguradong magandang laban ang naghihintay sating lahat." Sabi ng babaeng sumusakal samin at sabay kaming binitawan ni Tristan. Bumagsak kami sa pathwalk ng padapa at habol ang hininga.



Sapo ko ang aking lalamunan at mabilis ang aking paghinga. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking leeg. Inangat ko ang aking ulo para tignan ang tatlo pero wala na ang mga ito. Napabaling ang mga mata ko kay Tristan, nakaangat na rin ang ulo nito at nakatitig sa direksyon kung saan nakatayo kanina ang tatlong estranghero.



"Tristan..." Tawag ko dito at inangat ko ang aking sarili para tumayo.



Napabaling ang atensyon ni Tristan sakin, kumilos na rin ito at tumayo. Sapo nito ang leeg. "Shero ok ka lang ba?" Tanong nito sakin at hinawakan ang aking leeg para tignan.



"Ayos lang ako, ikaw?" Nag-aalalang tanong ko, wala akong nakikitang marka mula sa pagkakasakal sa leeg niya. 



Binawi ni Tristan ang kamay. "Okay lang din ako. Mabuti at hind nagmarka ang kamay ng babae sa leeg mo." Sabi nito.



"Wala din marka sayo." Sabi ko.



Mabilis kaming napalingon ni Tristan sa isang crimson na lumabas galing sa madilim na lugar malapit sa kinaroroonan namin. Humakbang ito palapit samin.



"Nakita ko ang nangyari." Sabi ni Maru ng tuluyan na itong makalapit samin, isa siya sa mga nanalo sa night keeper's match at kateam ni Tristan.



"Lahat ba sila bampira?" Biglang tanong ni Tristan.



Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Maru at nagsalita. "Oo, mga bampira sila galing Lunar University." Tinitigan ni Maru si Tristan at pagkatapos ay nilipat nito ang mga mata sakin. "Hindi na ako makapaghintay sa labang ito. Matagal na akong hindi nakakaamoy ng dugo, this will be fun." Mahinang dagdag ni Maru at lalong lumuwang ang pagkakangiti.



"Bakit kami sinakal ng babaeng yun?" Nagtatakang tanong ko.



Nakita kong nagkibit balikat si Maru at humakbang palapit sakin. Nilapit nito ang labi saking tenga at bumulong. "May oras ka pang umatras para sa quadrangular match, maniwala ka sakin hindi maganda ang laban na ito."



Napaatras ako dahil sa sinabi ni Maru, ano ang ibig nitong sabihin? Hindi magandang laban? Bakit, anong meron?



Nakita kong tumalikod si Maru at tahimik na humakbang pabalik sa madilim na parte ng lugar kung saan siya lumabas kanina. Nagkatitigan naman kami ni Tristan. Nasa mukha nito ang pagtataka, marahil iniisip nito kung ano ang binulong sakin ni Maru. 



Mabilis akong lumapit kay Tristan at niyakap ko siya ng mahigpit. Kinakabahan ako dahil sa sinabi ni Maru. Hindi ko alam pero pagkatapos ibulong sakin ni Maru ang mga salitang iyon ay parang sumukob sakin ang matinding kaba. Pumipinta saking isipan ang itsura ng tatlong bampira pati na yung mga tagafortis university na nakita ko kahapon.



Naramdam ko ang mga bisig ni Tristan saking likuran. "Anong sinabi niya sayo Shero?" Mahinang tanong ni Tristan.



"Hindi daw maganda ang laban sa quadrangular match. Tristan, ano ang ibig niyang sabihin? Bakit kinakabahan ako ng ganito?" Tugon ko, ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Mabilis ang pintig ng aking puso.



"Psssshhhhh.. Huwag kang mag-alala. Huwag mong isipin ang mga bampirang iyon. Magiging ayos ang laban. Okay?" Pag-aalo sakin ni Tristan at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.



Kinalma ko ang aking sarili at pinikit ko ang aking mga mata. Oo naniniwala ako kay Tristan, walang mangyayaring masama, hanggat kasama ko siya ay magiging ayos ako. Hindi ko rin hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Quadrangular match ang magaganap, siguro naman ay nakatutok sa kaligtasan ng mga kalahok ang mga taong involve dito. Wala akong dapat ikabahala. Dinilat ko ang aking mga mata at nilayo ko ang aking sarili kay Tristan. Nagkatitigan kami.



"Tristan..." Mahinang bigkas ko at hindi ko napigilan ang aking sarili, inabot ko ang kanyang mga labi at hinalikan ko siya. Tumugon si Tristan sa aking halik, ang banayad na halik ay naging mapusok. Para kaming uhaw, sabik sa isa't isa. Parang walang nangyaring banta sa aming dalawa mula sa mga bampira dahil sa halikang aming pinagsasaluhan.



Naghalikan kami, nagsasalo sa isang matamis na halik. Patuloy kami sa paghahalikan hanggang sa maramdaman kong nakadikit na ang likod ko sa dingding ng school building. Hinahalikan ako ni Tristan sa leeg, nag-iinit ang pakiramdam ko. Masarap, maalab at nakakalunod ang kanyang ginagawa. Inangat ni Tristan ang mukha at muli kaming naghalikan, napakapit ang mga kamay ko sa kanyang batok.



Patuloy kami sa paghahalikan na para bang wala ng bukas...



"Hey!! Get a room."



Gulat at napatigil kami ni Tristan sa aming ginagawa at napalingon kay Phinilopy na nanonood samin. Napalunok ako ng laway. Shettttttt nakakahiya. Napakagat ako ng labi at napatitig sa semento, parang di ko kayang magsalubong ang mga mata namin ni Phinilopy. Nawala saking isipan na nandito pala kami sa loob ng campus. 



"None of your business." Wala sa loob na sabi ni Tristan at hinila nito ang kanang kamay ko palayo kay Phinilopy. Hindi ako umimik at sinabayan ko ang malalaking hakbang ni Tristan.



"I told you, ako ang bahala sa honeymoon niyo." Malakas na sigaw  ni Phinilopy. Malayo na ang distansya namin sa kanya. Napalingon ako dito at nakita ko siyang ngumiti, inangat nito ang isang kamay at kumaway para magbabye. Napangiwi na lang ako.



Tangay ni Tristan ang kamay ko hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng gate. Huminto kami sa labasan.



Pinaharap ako ni Tristan sa kanya at inangat nito ang aking mukha, nakita ko siyang ngumiti. "Gusto mo bang ipagpatuloy natin sa condo mo?" Parang nang-aakit na sabi ni Tristan.



Napangiti ako. "Kelangan pa nating mag-impake ng gamit." Tugon ko.



"And so?" Sabi ni Tristan at hinalikan ako sa labi, tumugon ako na para bang hindi alintana ang mga dumadaang mga sasakyan.



Saglit lang at nilayo ko ang aking sarili, ganito ba namin kamiss ang isa't-isa at parang walang pangundangan kami sa aming ginagawa? At si Tristan kanina ko pa napapansin na parang wala siyang pakialam kung may makakita sa aming ginagawa.



"Tristan naalala ko, ano nga pala ang sasabihin mo kanina sakin nung nasa forbidden building tayo?" Tanong ko na nakatitig sa kanyang mga mata.



Nakita ko ang pagseryuso ng mukha nito, bigla akong nakaramdam ng kaba. Binuka nito ang labi at nagsalita. "Shero... I like you." 



Natigilan ako at parang sandaling huminto ang paligid ko pagkatapos marinig ang kanyang sinabi. Tama ba yung narinig ko? 



"Ha..? Anong sabi mo?" Nakakunot noong tanong ko, baka nabibingi lang ako sa kanyang sinabi.



"I like you." Tugon nito at ginawaran ako ng halik sa labi. Tumugon ako sa kanyang halik.



"Sandali Tristan..." Putol ko.



Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. "Bakit?" Tanong nito.



"This is PDA, pwede bang dun na natin gawin ito sa condo ko?" Sabi ko at nagkangitian kami.



Hindi nagsalita si Tristan at hinila ako sa kamay patungo sa star tower kung saan ako umuuwi. Nagpatangay ako sa kanya, mabilis at malalaki ang hakbang naming dalawa. Ramdam ko ang kanyang mainit na palad sa aking kamay. Subrang galak ang nararamdaman ko ngayon at parang isang panaginip ang mga nangyayari. Gusto ako ni Tristan, hindi ko alam kung totoo iyon o hindi pero wala na akong pakialam. Sinabi ni Tristan sakin na gusto niya ako at yun ang paniniwalaan ko. Alam ko ang consequence nito pero bahala na.



Ilang minuto lang at narating namin ang unit ko, binuksan ko ang pinto at ng makapasok na kami ay agad akong hinila ni Tristan sa loob ng aking kwarto. Pinasandal niya ako sa dingding at siniil ng halik sa labi, katulad ng dati mainit at nakakalunod na halik ang aming pinagsaluhan.



"Tristan, sandali... Kelangan ko magshower." Pagkaraan ay sabi ko. Hindi pa kasi ako nakakapagpalit ng damit mula ng matapos yung match kanina. Kelangan ko ring linisin ang katawan ko at nanlalagkit ako.



Ngumiti ng pilyu si Tristan, "Magshower tayo ng sabay kung ganun... Masmaganda kung dun natin gawin." Sabi nito at kinindatan ako.



Hindi ako nagsalita at napangiti na lang, mukhang magandang ideya nga yung sinabi niya. 



Umatras palayo si Tristan at nakita ko siyang dahang-dahang gumiling habang tinatanggal ang kanyang uniform. Nakapako sakin ang kanyang mga mata at inaakit ako, kinakagat nito ang sariling labi at nilalabas pa ang dila. Ang hot niya...




*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Sa nakikita kong reaksyon ni Shero mukhang ayos naman itong ginagawa kong sexy stripping kahit pa sabihin na hindi ako magaling sumayaw. Hindi ko alam kung naseseksihan siya sa ginagawa ko, pero nakangiti siya kaya siguro ay oo.



Natanggal ko na sa aking katawan ang aking uniform at ang naiwang suot ko na lang ngayon ay ang kulay puti kong brief. Nakatitig lang sakin si Shero, nakangiti. Ilang beses niya na ba akong nakitang nakahubad? Maraming beses na rin pero hanggang ngayon namumula pa rin siya kapag nasa ganito kaming sitwasyon.



Dahan-dahan akong lumapit kay Shero. Fu*k! Mas lalong nakaka-L siyang tignan ngayon dahil sa combat costume na suot niya. Kanina nung makita ko siya sa campus na nakasuot ng ganito ay parang gusto ko siyang hatakin palayo at paliguan ng halik. At ngayon heto na siya sa harapan ko...



Nilapit ko ang aking labi sa kanya at naghalikan kami. Ang sarap talaga ng labi ni Shero, ang lambot at ang tamis. Nag-ispadahan ang aming mga dila. Sheeettt. Nakakalibog ka talaga Shero. Inangat ko ang kanang kamay ko at pinasok sa damit niya, inabot ko ang kanyang dibdid at ang kaliwang kamay ko naman ay humawak sa kanyang likuran pababa sa kanyang pwet.



Naririnig ko ang mahinang ungol ni Shero, lalo akong nag-iinit sa mahinang halinghing niya. Hindi ko mapigilang tigasan. Mabilis kong inabot ang isang kamay niya at pinasok sa loob ng aking brief. Ang init ng palad ni Shero, ang sarap sa pakiramdam...



"Shero..." Mahinang usal ko.


Continue Chapter 50