HU - Chapter 11

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Kinabukasan.


Araw ng miyerkules. Mga bandang alas tres y media ng hapon nang lumabas ako sa aking silid para mag-ikot sa kastilyo, ito kasing HU ay isang kastilyo at hindi katulad sa ibang paaralan na gawa sa modernong mga building. Mahigit isang linggo na nang mapunta ako rito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pamilyar dito dahil nga noong nakaraang mga araw ay nakakulong lang ako  sa aking silid at nagmumukmok. Iyon ang mga panahon na subra akong nagdaramdam sa pagkawalay ko sa aking mga kaibigan sa Yinyang lalo na kay Tristan, sa mga oras na iyon ay hindi ko pa alam ang rason kung bakit ako dinala rito nina ate Fame.


Kasalukuyan ay naglalakad ako sa covered parapet walk sa left wing ng kastilyo sa second floor, nasa labas ito ng kastilyo. May mangilan-ngilan akong nakakasalubong na mga estudyante at tulad ko ay nakasuot ang mga ito ng all white na uniporme. Napansin kong mula sa malayo ay nakatutok ang mga mata nila sa akin at nagbubulungan, pero kapag nasa malapitan na ay bigla na lang silang iiwas ng tingin at hihinto sa pag-uusap. Basi sa kilos nila ay mapaghahalataan talaga na ako ang topic nila. Marahil ay kalat na sa HU ang balita tungkol sa laban namin ni ate Fame kontra sa magkapatid na Korzevlan. 


Kanina ngang umaga ay binigyan ako ng notice mula sa Aces Garden, na simula ngayong araw hanggang friday ay naka-pardon ako sa aking mga klase para makapaghanda sa laban sa sabado at gano'n din kay ate Fame at sa mga kalaban namin. Ang oras ko naman ay hindi ko nagamit sa pagsasanay bagkus ay nagkulong lang ako sa aking silid. Ngayon nga lang ako lumabas dahil nakaramdam ako ng pagkabagot.


Huminto ako sa paglalakad at lumapit sa parapet. Mula rito sa kinatatayuan ko ay natanaw ko sa baba ang mga malalago at hindi kataasan na mga berdeng puno, ilan sa mga iyon ay may mga nakapaikot na mga benches.


Doon naman sa kabilang banda sa harapan ko at sa kaliwang bahagi ay makikita ang inner curtain ng kastilyo at kalebel iyon ng kinatatayuan ko, tantya ko ay nasa 15 feet ang taas nito. Meron itong parapet walk sa taas at walang bubong, nakapalibot ito sa buong kastilyo. Ito ang nagsisilbing pangalawang pananggalang o pader. Sa kabilang ibayo naman ng inner curtain ay matatanaw ang outer curtain, iyon ang unang pader at nakapalibot din iyon sa kastilyo,  sa labas nito ay nakapalibot naman ang moat ng tubig ngunit hindi ko na ito matanaw dahil natatakpan ito ng pader. Ang tanging natatanaw ko lang sa labas ng outer curtain ay ang mga nagtataasan at mga naglalakihan na mga punong kahoy, kagubatan na iyon kung maituturing.


Sa kanan ko naman, medyo may kalayuan sa akin ay makikita  ang mataas at malapad na library. Isang palapag lang ito ngunit mataas dahil mula first floor ay abot ang ceiling nito sa sahig ng ikatlong palapag ng kastilyo.


Malawak ang lupang sakop ng HU at subrang laki ng kastilyong nakatayo rito, sa kabuuan ay meron itong labing-isang palapag. Ang HU ay iba sa mga paaralan ng mga normal na tao, o kahit sa ibang hidden schools na nakita ko, malayo ito sa Yinyang at Haven University.


Maganda ang ambiance dito sa HU iyon nga lang ay wala akong masyadong kakilala rito.


Naputol ang pag-iisip ko nang umihip ang malamig at preskong hangin, dahilan para iangat ko ang aking ulo sa kalangitan. Doon ay nakita ko ang bughaw na langit at ang mga puting ulap na merong iba't-ibang hugis. Mukhang maganda ang timpla ng panahon ngayon, walang senyales na uulan.


"Shero!"


Napalingon ako sa may-ari ng pamilyar na boses na tumawag sa'kin, si Lilyu. Nakita kong naglalakad ito palapit sa'kin.


"Bakit Lilyu?" bungad ko.


"Sumama ka sa akin, may ipapakita ako sa'yo," sabi nito at agad na akong hinila sa isang kamay. 


Hindi na ako nakatanggi dahil tangan na nito ang isang kamay ko, sumunod na lang ako rito at hindi na umangal pa.


Malalaki at mabibilis ang mga hakbang nito na parang nagmamadali, kaya ang ginawa ko nilakihan ko na rin ang mga hakbang ko para makasabay rito.


"Sa'n mo ba ko dadalhin," di ko na napigilan ang aking sarili at nagtanong na 'ko.


"Basta," ikling tugon lang nito.


Pumasok kami sa kastilyo.


Dito niya ako dinala sa balcony sa second floor kung saan matatanaw sa baba ang main center ng HU o ang tinatawag na entry hall. Ito ang lugar na unang bubungad sa'yo kapag pumasok ka sa kastilyo. Mula rito sa taas ay matatanaw mo sa baba ang makintab na kulay crema at gintong marble na sahig. Nagrereflect doon ang dambuhalang chandelier na nakasabit sa ceiling sa ikatlong palapag, iyon ang nagbigay ng liwanag sa paligid.


Habang nakatayo rito sa balcony ay napansin ko ang pagdatingan ng ibang mga estudyante, samo't sari mga babae at lalake. Hindi nagtagal at tuluyan na ngang napuno ng estudyante ang balcony na nakapaikot sa entry hall.


Maya-maya pa ay nagsimulang magbulungan ang mga estudyante, animo'y kinikilig at may hinihintay na celebrity  sa baba.


Nilingon ko si Lilyu sa aking tabi, "Ano ba'ng meron at ang daming estudyante rito?"


"May mga celebrity na panauhin ang HU," tugon nito na hindi inaalis ang paningin sa baba.


Nagkibit balikat na lang ako sa tugon nito, marahil ay mga sikat na tao ang tinutukoy nito pero ano ba ang pakialam ko roon? Wala naman akong interes sa mga gano'n. Siguro nahiya si Lilyu mag-abang na walang kasama kaya sinama niya ako rito.


Nagsimulang magbulungan ang ibang mga estudyante habang nakapako ang kanilang paningin sa baba kung kaya binaling ko na rin ang aking paningin doon.


Nakita kong lumabas sa hallway ang limang Aces at kasama nila ang dose na estudyante na nakasuot ng iba't-ibang school uniform. Naglalakad ang mga ito sa entry hall at mukhang lalabas ng kastilyo. Ang mga estudyanteng iyon na tinutukoy ni Lilyu na mga celebrity ay mga kasama at mga nakalaban namin sa Q'match, siyam sa mga iyon ang kasama kong nanalo sa paligsahan. Meron silang dinagdag na tatlo at sa tingin ko ang isa ay papalit sa slot ko at ang dalawa ay mga reserve players.


Biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko sila, lalong-lalo na nang dumapo ang paningin ko kay Tristan na nasa likuran at napapagitnaan nina Maru at Tonique. Nag-angat ito ng ulo at napatingin sa direksyon ko. Nagtama ang paningin namin. Sa sandaling ito ay parang bumagal ang takbo ng oras, parang naging slow motion ang lahat ng mga nasa paligid ko. Hindi ako nakakilos, parang naging estatwa ako. Bumalik lang ako sa wisyo nang tumili ang mga katabi kong babae, pagkurap ko ay nakatalikod na si Tristan at palabas na sila ng main door.


Gusto kong mainis sa mga katabi kong babae na kung makatili ay parang kinuryente na mga palaka, 'kala mo talaga sila yung binalingan ni Tristan. Pero dahil masaya ako at muli ko itong nakita ay 'di ko na lang papansinin ang mga palakang 'to.


Kahit na sandali lang kami nagkatitigan ni Tristan ay ayos na iyon sa akin. Ayos lang din kahit na hindi siya ngumiti o kumaway sa'kin, ang mahalaga ay nakita ko ulit ito, sapat na iyon sa akin. Alam kong may mali akong nagawa sa kanya at naiintidihan ko kung galit o nagtatampo siya sa akin. Dadating ang tamang oras na makakapag-usap kami at titiyakin ko na sa sandaling iyon ay ipapaliwanag ko ang aking sarili.


Naramdaman ko ang pagsiko ni Lilyu sa aking gilid kung kaya napalingon ako rito, "Hala! Ngiting langit. Hindi halatang kinikilig," anito.


Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako, agad ko iyong binura sa aking labi, "Hindi kaya," pagtanggi ko rito. Kaya pala dinala niya 'ko rito ay dahil gusto niyang ipakita sa'kin  sina Tristan.


"Okay sabi mo e," hindi kumbinsido na tugon nito. Tumalikod na ito at naglakad. Maging ang ibang mga estudyante ay nagsialisan na rin.


Hinakbang ko ang aking mga paa at sinundan si Lilyu, "Anong ginagawa nila rito?" tanong ko kay Lilyu at sinabayan ko ito sa paglakad.


"Appearance nila ngayong araw para sa registration ng team nila sa National match," tugon nito na nakatuon ang paningin sa harapan.


Wala akong kaalam-alam na pupunta ang team nila ngayong araw, kung sa bagay paano ko malalaman e palagi lang akong nakakulong sa aking silid.


"Anong oras sila dumating dito at saan pala sila pupunta ngayon? Uuwi na ba sila?" sunod-sunod na tanong ko pa.


"May courtesy call sila sa office ng Red rose," ani Lilyu.


May courtesy call pala dito sa HU, samantalang doon sa Haven University noong Q'match ay wala, ni appearance nga sa registration ay wala rin. Siguro may courtsey call dito sa HU dahil isang prinsesa ang Red Rose kaya ganoon.


"Siya nga pala Shero," sabi ni Lilyu na tumigil sa paglakad at binalingan ako.


Napahinto rin ako, "Ano 'yon?" tanong ko habang nakatingin dito.


"Hanggang linggo sila rito. Ayun kay ate ay inimbita sila ng HU na manood sa laban ninyo ni Fame at dadalo rin sila sa Elite's ball," anito.


Natigilan ako at hindi nakatugon. Nakita ko na lang si Lilyu na tumalikod at iniwanan ako.


Nang marinig ko ang sinabi ni Lilyu ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Paano ba naman kasi, mananatili sina Tristan dito sa HU at panonoorin pa nila ang laban namin. Ayos lang sana kung dadalo lang sila sa Elite's ball na karaniwan namang ginagawa ng HU tuwing friday, pero iyong manonood sila sa laban namin ay parang hindi katanggap-tanggap sa part ko. Ayukong mapahiya sa harap ni Tristan at sa mga kaibigan ko sa Yinyang, 'di ba nga nanalo lang naman ako sa Q'match dahil kay Shino.


Pagkatapos ng tagpong iyon ay bumalik na ako sa aking silid at nagkulong. Hindi pwedeng pakalat-kalat ako sa HU at baka bigla kaming magkasalubong ni Tristan. Dapat bago magtagpo ang mga landas namin ay makapagpractice muna ako sa mga sasabihin ko sa kanya. Marami akong kelangan na ipaliwanag sa kanya at sa tingin ko dapat muna akong magpractice para hindi ako mautal sa mga sasabihin ko. At isa pa, kelangan ko ring ihanda ang sarili ko dahil baka kapag nagkasalubong kami ay hindi niya ako pansinin, sa oras na iyon ay kelangan kong maging matatag.


Bandang alas nuebe ng gabi nang matapos ako sa aking routine, maghapunan, magtoothbrush, magshower at magbihis.


Sa oras na ito ay nasa kama na ako at nagbabasa ng libro, nagbabasa ako para mabilis akong dalawin ng antok. Naka ilang buklat pa lang ako sa mga pahina ng luma at makapal na libro nang makarinig ako ng katok sa pintuan.


Nilapag ko ang hawak na libro sa kama at tinungo ang pinto. Nagtataka man sa kung sino ang nasa labas ay hindi ako nagdalawang isip na pagbuksan ito dahil baka meron itong mahalagang pakay sa akin.


Pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin si ate Fame na nakapantulog na.


"Ikaw pala ate, ano'ng sadya mo?" tanong ko rito at napansin ko ang bitbit nitong itim na paper bag.


"Bukas, saktong alas diyes ay pumunta ka sa sports hall at magsasanay tayo," anito at inabot sa'kin ang dalang paper bag.


Kinuha ko ito, "Ano 'to?" tanong ko.


Humikab ito bago nagsalita, "Training uniform mo, 'yan ang isuot mo bukas," anito.


"Ah ok sige," tugon ko naman at nagpaalam na ito.


Pagkatapos kong isarado ang pinto ay tinungo ko ang study table at inilapag ko roon ang paper bag. Aktong papanhik na ako sa aking kama nang muli ay may kumatok sa pinto.


Mabilis akong lumapit sa pintuan para buksan iyon, marahil ay may nakalimutang sabihin si ate kaya bumalik.


Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa taong bumungad sa akin.


Ang taong pinagbuksan ko ay walang iba kun'di si Tristan. Nakasuot pa ito ng crimson uniform ng Yinyang, bigla ko tuloy naalala 'yong unang gabi na pagpunta niya sa condo ko. Hindi ko inaasahang makikita ko ito sa labas ng aking pintuan. Bakit siya nandito?


Saglit akong natulala sa gwapo nitong mukha, nakabawi lang ako nang bahagya nitong itulak ang pinto para pumasok. Umatras naman ako para bigyan ito ng daan.


Nang makapasok siya ay sinarado at nilock niya ang pinto.


Binalingan niya ako.


"Tristan ano'ng..." putol na tanong ko rito habang nakatitig sa kanyang gwapo at seryusong mukha.


Ang tagpong ito ay nagpakaba at nagpaexcite sa akin. Natutuwa ako na makita ito nang malapitan, ngunit nangangamba rin ako at may kaba akong nararamdaman dahil baka galit ito sa'kin. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero ewan ko ba at para akong napipi, hindi ko magawang magsalita. Heto at nakatayo lang ako habang nakatingin sa gwapo niyang mukha.


Ang sunod na nangyari ay mabilis itong lumapit sa akin at kinabig ako sa bewang. Naramdaman ko ang init ng kanyang mga palad at naamoy ko ang matamis niyang pabango.


"Subrang namiss kita Shero," halos pabulong na sambit nito.


At sa isang iglap lang ay natagpuan ko ang aking sarili na nakikipaghalikan dito. Para kaming uhaw sa labi ng bawat-isa. Naghalikan kami, maalab at puno nang pananabik. Ang lambot ng labi ni Tristan kay sarap halikan.


Habang nakikipaghalikan ay pinaglakbay ko naman ang aking mga kamay. Inangat ko ang kaliwa kong kamay sa batok nito at ang kanan ko naman ay hinawak ko sa unti-unti niyang naninigas na alaga.


ITUTULOY!