YYU - Chapter 88: Sweet Revenge (Part 3)

 


*** XENON'S POINT OF VIEW ***



Patuloy ang pagpatak ng ulan at heto basang-basa ako. Hindi ko inakalang ganito kalakas ang kapangyarihan ni Phoebie para makapagsummon ng ulan. Magaling ang ginawa niya, alam niyang tubig ang kahinaan ko kaya ito ang nilabas niya. Pero kung sa tingin niya ay matatalo niya ko dahil sa ulan na ito ay dun siya nagkakamali, dahil kung babagsak ako sisiguraduhin kong kasama siya. Alam kong malaking mana ang sinakripisyo niya para isummon ang ulan na to kaya sigurado akong nanghihina na siya ngayon, kelangan ko lang ng isang atake gamit ang lightning chains at natitiyak kong babagsak na siya.



Mula  dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko siyang tumingala at dumipa. Ilang saglit pa at may lumabas sa katawan niya na isang itim at malaking leon. Binaba niya ang kanyang ulo at tinitigan ako. Ngumisi siya sakin at isang ngiti naman ang tinugon ko. Tignan na lang natin kung sino ang unang babagsak sating dalawa Phoebie Larks.



Lumingon ako kay Tonique at nakita ko siyang nakatingin sakin. Dahil dito ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso at nakaramdam ako ng tuwa, ang mahal kong si Tonique heto at nakatingin sakin. Pinadapo ko ang aking paningin sa kanyang mga labi, ang mga labing iyon ang nagparanas sa akin ng unang halik, sana mahagkan ko ulit ang mga iyon. 



"Attack!!"



Napabaling ang paningin ko kay Phoebie ng bigla itong sumigaw at nakita ko ang kanyang malaking leon na tumatakbo sa direksyon ko para ako'y atakehin. Mabilis kong winasiwas sa aking harapan ang mga kadena sa magkabila kong kamay, ang mga lightning chains ko ay naging karaniwang mga kadena na lang dahil hindi ko pwedeng gamitin dito ang kuryente dahil magga-ground ako.



Tumalon ang leon saking harapan at hinampas ko ito ng mga kadena pero hindi ito natinag at dinaganan ako. Natumba ako sa basang damuhan at pumaibabaw naman ito sakin. Mabilis kong hinawakan ang mga kadena at tinaas ito sa leeg ng leon para pigilan ito sa paglapa sakin. Nakita ko ang malaki at nakabukang bunganga nito na merong matatalim na pangil, siguradong basag ang buto ko kapag sinakmal ako nito.



Patuloy ang leon sa pag-angil saking ibabaw habang buong pwersa ko namang pinipigil ang leeg nito gamit ang aking kadena para hindi ako maabot ng kanyang bunganga. Ang lakas nito at natitiyak kong hindi ako magwawagi dito kapag lakas lang ang ginamit ko. Kelangan ko ng gawin ang planong naisip ko at pabagsakin ito bago pa niya ko lapain.



Habang pinipigilan ng mga kadena ko ang leeg ng leon ay pinadaloy ko ang mana sa buo kong katawan at nilabas ko ang malakas na boltahe ng kuryente sa magkabila kong palad. Nakita kong kumislap ang kadena dahil sa pagdaloy ng kuryente at dahil dito'y tumilapon ang leon sa aking tabi at hindi ko naman napigilang mapasigaw.



"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Nakaramdam ako ng sakit ng magground ang kuryenteng pinakawalan ko sa aking basang katawan kaya mabilis kong pinalaho ang lightning chains ko.



Tumayo akong nahihirapan at nanghihina dahil sa sarili kong kagagawan at kapangyarihan. Isang sakripisyo ang ginawa ko para talunin itong malaking leon at nagawa ko nga. Bumagsak ito sa aking tabi at kumisay-kisay at naglaho na parang bula.



Binalingan ko si Phoebie, narun siya nakatayo at nakatingin sakin.  Hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa kanya. Kelangan ko na siyang tapusin ngayon, matira ang matibay na lang saming dalawa. Kung gusto niya kong talunin para makuha si Tonique ay yun ang hindi ko papayagan dahil akin lang si Tonique.



Huminto ako mga tatlong dipa ang layo mula sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa, dapat sa labang ito magkakampi kami pero heto at kalaban namin ang isa't-isa dahil kay Tonique. Pareho naming mahal si Tonique at hindi pupwede yun, isa lang ang pwedeng may mag-ari at mahalin ni Tonique at ako yun.



Nakatingin si Phoebie sakin at galit ang kanyang mukha, galit siya dahil hindi niya ko matalo-talo. Ngumiti ako at nakita ko ang pagtaas ng isa niyang kilay. Panahon na para tapusin ang laban naming ito. Mabilis kong itinutok sa kanya ang dalawa kong kamay at nilabas ko ang mga lightning chains sa aking mga palad. Umikot ang dalawang lightning chains sa katawan nito at ginapos siya.



"Ahhhhh!!! Ahhhhhh!!!" 



Sabay kaming napasigaw dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na nagground sa aming mga basang katawan. Naglaho ang lightning chains ko at bumagsak si Phoebei sa damuhan, natalo ko siya.



Bigla naman akong napaluhod dahil nakaramdam ako ng subrang panghihina at di nagtagal ay bumigay ang buo kong katawan at bumagsak ako ng patihaya sa damuhan. Naubusan ako ng lakas dahil sa paggamit ko ng sarili kong kapangyarihan sa paraang hindi dapat. Hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa kong ito, naunang bumagsak si Phoebie bago ako kaya ibig sabihin ako pa rin ang panalo.



Mula dito sa binagsakan ko ay natanaw ko ang unti-unting pagtila ng ulan at ang paglaho ng maiitim na mga kaulapan na sumakop sa buong paligid ng battle court. At biglang naagaw ang atensyon ko kay Tonique na tumayo at lumakad patungo rito sa direksyon ko.



Gusto kong gumalaw, gusto kong bumangon pero hindi ko magawa dahil subrang nanghihina ang buo kong katawan. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay panoorin si Tonique habang naglalakad ito palapit sakin.



Nang makalapit na ito ng tuluyan sakin ay tahimik nitong inangat ang likod ko. Pinaglakbay ko naman ang aking paningin sa kanyang magagandang mga mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi.



"Ton..." Mahinang sambit ko at hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil hinalikan niya ko sa labi.


Continue Chapter 89