YYU - Chapter 81: Pureblood

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Napamulat ako ng mga mata dahil sa mga boses na naririnig ko mula sa aking tabi at agad kong nakita sina prop Goldfield at Mr.Gumban na nakatunghay sakin, magkatabi silang nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Bigla silang tumahimik at mariin nila akong tinitigan, nagtatanong ang kanilang mga ekpresyon. Iniwas ko sa kanila ang aking paningin at nilingon ko ang paligid, akala ko nasa ospital na'ko pero nandito lang pala kami sa silid ng visitors house.



Naalala ko ang mga nangyari kanina, nawalan ako ng malay at pagkatapos ay nahulog ako sa balkonahe. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, nanghihina ako pero mukhang maayos naman ang katawan ko at wala akong nararamdamang sakit kahit saang mang parte. May sumagip sakin kanina, pero sino?



Humugot ako ng buntong hininga at binaling ko ang aking paningin sa ilaw ng kisame at pumikit. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam ko kailaliman na ng gabi ngayon.



"Shero, anong pakiramdam mo?" Narinig kong tanong ni Mr.Gumban.



"Ayos lang po ako." Matamlay na sagot ko at nanatiling nakapikit. Medyo nanghihina lang ang buo kong katawan ngayon, parang katulad noong mga araw na nasubrahan ako sa paggamit ng aking kapangyarihan.



Biglang pumasok sa isip ko si Arckzy, siya ang dahilan kung bakit ganito ang kalagayan ko ngayon. Dumilat ako at tinaas ko ang aking kanang kamay para tignan ang sugat sa aking palad. Wala, wala ng bakas ng sugat dito. Kinuyom ko ang aking kamay, sa tingin ko pinag-aaralan ni Arckzy na gamitin ang kapangyarihan ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng guardians sa mundo ako pa ang pinili niyang elink sa kanyang sarili.



Bumangon ako at inalalayan ako ni prop Golfield na makaupo sa aking kama. "Prop maitanong ko lang po sino po ang nagdala sakin dito?" Nag-iisip na tanong ko.



"Si Tristan." Diretsang sagot ni prop Goldfield.



Lihim akong natuwa ng marinig ko ang sagot nito. Si Tristan daw ang nagdala sakin dito, ibig sabihin siya ang nagligtas sakin. Tama nga ako, nandun nga ito kanina at pinapanuod ang kalukohan at kabaliwan ko. Sana hindi na ito galit sakin.



"Sinabi niya po ba ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay?" Nag-aalangang tanong ko. Nakakahiya kapag nalaman nila ang mga pinanggagawa ko kanina. Sana hindi ito ikinuwento ni Tristan sa kanila.



Parang nakahinga ako ng maluwag ng makita kong umiling si prop. Goldfield,  "Hindi, wala siyang sinabi. Ang bilin niya ay ikaw na lang daw ang tanungin namin. May problema ba kayong dalawa?" Sabi ni prop at umupo ito sa gilid ng kama ko.



"Ha..? Ah wala po." Mabilis na tanggi ko.



"Yung totoo Shero." Si prop.



"Maliit na misunderstanding lang po prop." Pag-amin ko at napakagat labi na lang.



Hinawakan ni prop ang kamay ko at napatingin ako sa kanya, "Shero ang maliit na misunderstanding na yan ay pwedeng lumaki kapag hindi ninyo naayos." Sabi nito.



"Kakausapin ko po siya bukas." Mahinang tugon ko. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa narinig ko mula kay prop,  binigyan ako nito ng payo, ibig sabihin ba nito suportado niya kung anong meron kami ni Tristan?



"Shero, Ano pala ang ginawa mo, bakit ka nawalan ng malay?" Napaangat ako ng tingin kay Mr.Gumban na nagtanong.



Mabilis akong nag-isip ng irarason dahil hindi ko pwedeng sabihin na kagagawan iyon ng linker na si Arckzy. "Kasi po sinubukan ko po yung ice manipulation." Pagsisinungaling ko.



Nakita kong tumango si Mr.Gumban at nagsalita. "Huwag mong madaliin ang paggamit ng bago mong kapangyarihan dahil baka mapahamak ka." Wika nito.



"Opo sir." Ikling sagot ko.



"Shero..."  Sambit ni prop Goldfield. Napatingin ako dito at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.



"Po?" Sabi ko.



"Si Matchu ng Lunar University, pano kayo nagkakilalang dalawa?" Tanong nito.



"Ah kahapon ko lang po siya nakilala dun sa kakahuyan, siya yung tu..." Naputol na sasabihin ko, muntik ko ng masabi na ito ang tumulong sakin nung atakehin ako ni Avan.



"Tu...?" Sabi ni prop at magkasalubong ang mga kilay.



"Ibig ko pong sabihin siya po yung nagbalik sa pearl locket necklace ko."  Sabi ko.



Kailangan kong maging maingat sa mga sasabihin ko dahil kapag nagkamali ako siguradong malalaman nila ang sekreto ko. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila iyon, siguro pagkatapos ng Q'match at pagbalik na lang namin ng Yin-Yang saka ko sa kanila sasabihin. 



"Shero makinig ka, kelangan mong iwasan ang mga taga-lunar lalong-lalo na si Matchu." Sabi ni prop.



Napakunot ako ng noo. "Iwasan? Bakit po?" Tanong ko.





"Si Matchu ay hindi lang basta isang bampira, isa siyang pureblood. Two years ago pagkatapos ng huling araw ng Q'match ay pinatay ang kanyang nag-iisang kapatid ng isang sereno na taga Yin-Yang. Ang nangyaring iyon ay nagdulot sa mga taga-lunar ng pagkamuhi at galit sa lahat ng mga taga-yinyang." Kwento ni prop.



"Kaya ngayong Q'match siguradong gaganti sila, lalong-lalo na sa inyong dalawa ni Lilyu dahil pareho kayong sereno." Sabi ni Mr.Gumban.



Napaawang ang mga labi ko pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni prop at Mr.Gumban. Kung ganun, ito pala ang ibig sabihin ng lahat ng panganib na aking naririnig simula pa noong unang araw ng pag-apak namin dito sa Haven University. Ito ang panganib na sinabi noon sakin ni Travis at pati na rin yung babala sa sulat na nakuha ko sa condo. Ito rin ang dahilan kung bakit kami inatake ni Tristan ng bampira sa loob ng Yin-Yang nung gabi ng night keeper's match. Claro na ngayon sakin ang lahat pero...



Si Matchu, tinulungan niya ko sa kakahuyan. Wala akong panganib na naramdaman sa kanya sa lahat ng oras na magkasama kami. Kung may balak sana itong masama sakin edi sana dapat hindi niya ko tinulungan laban kay Avan, o baka naman kaya niya 'ko tinulungan para mapalapit muna ako sa kanya, at pano pala kung  kasabwat niya sina Avan at Arckzy? Sa tingin ko hindi naman siguro.



Alam kong hindi banta sakin si Matchu at hindi niya ko gagawan ng masama, sigurado akong malawak ang kanyang pag-iisip at hindi niya idadamay ang lahat ng taga-yinyang dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Matchu, ano ba talaga ang pakay mo sakin?


Continue Chapter 82