VALENTINO HARRIS

*

*

*

Name: Valentino Harris

Age: 21

Height: 6'-1"

Setting: Quezon City, 2018

*

*

*

Ako si Valentino Harris, kilala rin sa palayaw na Val, Alen, Tisoy at Bunso. Bunso ang madalas na itawag ng pamilya ko sa'kin dahil apat kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ang mga kapatid ko ay sina; Kuya Chrisvan(30), Kuya Liam(27) at Ate Angelie(25).

Si Kuya Chrisvan ay meron ng asawa at dalawang anak na lalaki. Isa siyang Civil Engineer at kasalukuyang nasa ibang bansa kasama ang kanyang asawa. Ang kanilang mga anak naman ay naiwan sa aming pangangalaga.

Si Kuya Liam ay may asawa na rin at may dalawang anak, isang lalaki at isang babae. Nagtapos siya sa kursong architecture ngunit hindi iyon ang kanyang naging propisyon. Sa kasalukuyan ay nakatira siya sa Pangasinan kasama ang kanyang pamilya at meron siyang pinapatakbong negosyo, supplier siya ng mga construction materials doon sa kanilang lugar.

Si Ate Angelie naman ay wala pang asawa. Nagtapos siya sa kursong Business Management at sa kabutihang palad ay nagamit niya naman iyon dahil siya ang naging katuwang ni Tita Cherry sa pagpapatakbo ng dalawang restaurant ng aming pamilya.

Harris ang apelyido namin dahil si Daddy ay Fil-am. Ang Ama niya na si Lolo Johnson, ay isang Amerikano, at ang Ina niya naman na si Lola Gina ay pure Filipino. Ang pangalan ng Daddy ko ay Enrique(55). Isa siyang seaman at kasalukuyang nakasampa sa barko. Ang pangalan naman ng Mommy ko ay Diana, at sa kasamaang palad ay sumakabilang buhay na ito. Namatay ito noong ako'y sampung taong gulang pa lamang.

Tungkol naman sa'kin, ako ay fresh graduate sa kursong BSHM. Sa ngayon ay nagpapahinga at nagrerelax muna ako sa buhay, kelangan ko ng break dahil hindi biro ang college life ko. Pagkatapos ng kunting break ay sasabak na rin naman agad ako sa trabaho, kelangan kong tumulong sa pagmamanage ng aming negosyo. Sa relasyon naman, meron akong girlfriend at 2 years na kami, nasa ibang bansa ito at nag-oojt. Actually, open relationship kami ngayon, pareho naming napagkasunduan iyon. Ang lagay ay, habang hindi kami magkasama pwede siya lumandi sa iba at ganu'n din ako. Sa ganitong kasunduan ay malaya kami at walang lukuhan na magaganap, dahil pareho namin itong ginusto. Open minded kami pareho kaya hindi big deal sa amin ang tumikim ng iba.

Ang pamilya pala namin ay medyo may kalakihan. Marami kaming nakatira sa bahay, nasa dose kaming lahat kasama na ang mga katiwala; Ako; si Ate Angelie; si Tita Cherry(50) na nag-iisang kapatid ni daddy; ang kambal na anak nito na sina Lee at Leo(18); ang dalawa kong pamangkin na anak ni Kuya Chrisvan na sina Cody(8) at Ardy(6); ang tatlong katulong na sina Manang Isabel(45), Manang Caridad(48) at Manang Noba(58); ang driver na si Mang Joey(46) at ang boy na si Darryn(13).

Dose kaming lahat na nakatira sa bahay at ayos naman dahil ang bahay ay nakadesinyo talaga sa malaking pamilya, alinsunod iyon sa plano ni Lolo Johnson. Ang bahay na ito ay minana ni Daddy kina Lolo at Lola, dahil siya ang panganay kung kaya sa kanya ito pinamana. Ang bahay ay may tatlong palapag at sa kabuuan ay meron itong labing dalawang kwarto, tig-aapat ang kwarto sa bawat palapag. Nasa 3rd floor ang kwarto nina Lee at Leo, ate Angelie at ni Kuya Liam (na kasalukuyang bakante). Nasa 2nd floor naman ang silid ko, ang kay Kuya Chrisvan na gamit ng dalawa niyang anak na sina Cody at Ardy, ang master's bedroom na gamit ni Daddy kapag umuwi siya at ang guest room. Nasa baba naman ang silid ni Tita Cherry at ng mga katulong, naroon din ang isa pang guest room, at sa labas naroon naman ang isa pang silid para sa driver at boy. Sa harap ng bahay ay naroon ang malapad na harden at ang garahe para sa mga kotse. Sa likod naman ay naroon ang may katamtamang laki na swimming pool at half basketball court.

Masasabi kong masaya ako dahil halos lahat ng gusto ko ay abot kamay ko lang. Masaya at masarap ang buhay na tinatamasa ko, pero lalong naging sumaya at sumarap ito noong isang gabi ay maranasan kong machupa ng kapwa ko lalaki. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na masubo ang alaga ko ng kapwa ko lalaki at nasarapan ako. Dahil sa Karanasang iyon ay naging bukas ang isipan ko sa pakikipagtalik sa kapwa ko lalaki.

*

Author's note: Ang mga susunod na kabanata ay nagtataglay ng masisilang tema, lengguwahe, karahasan at sekswal. (Rated SPG 18+)

Disclaimer: Ang kwentong ito ay fiction, ito ay produkto lamang ng aking malikot na imahinasyon. Huwag gawin o tularan ang mga eksena dahil iba ang realidad kumapara sa kwentong inyong mababasa. Kapag hindi napigil ang kati at gusto mong makipagkaldagan, please ugaliing gumamit ng condom.


Continue Chapter 1