HU - Chapter 4

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Ginamit ni Cazer ang kanyang kapangyarihan at nagtime travel kami. Sa isang saglit lang ay napunta kami sa isang lugar kung saan ay umuulan ng nyebe at ang buong paligid ay nababalot nito. Madilim ang kalangitan at makulimlim ang paligid, dahil dito ay hindi ko matukoy kung ngayon ba ay umaga o hapon. Ang hangin naman na umiihip at dumadampi sa aking balat ay subrang lamig pero sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay hindi ako giniginaw.


Binalingan ko si Cazer sa aking kanan at nakita kong iba na ang suot nitong damit. Hindi na ito naka uniporme at nakasuot na ito ng kulay dark blue na winter coat, black pants at black boots, at meron rin itong suot na beanie at gloves. 


Napakunot noo ako habang nakatingin kay Cazer , "Bakit umiba ang suot mo? At saka bakit tayo nandito?" tanong ko rito at lumingon-lingon sa paligid. Nakita ko ang mga maliliit na mga sementong cross na nakakalat at nakatayo sa lupang nakukumutan ng makapal na nyebe. Obviously nasa sementeryo kami ngayon at hindi ko alam kung bakit, inaasahan ko kanina na babalik kami sa present time doon sa silid ko sa kastilyo ng HU pero hindi iyon ang nangyari.


Nilingon ako ni Cazer at nagsalita, "Nasa future tayo at ngayon ay October 2, 2017. At para sa kaalaman mo, hindi ako si Cazer na kasama mo kanina, ako si Cazer sa hinaharap," sabi nito na seryuso ang mukha.


Nagsalubong ang aking mga kilay habang nakatingin sa kanya, "Sandali lang, paano nangyari iyon? Kung ikaw si Cazer mula sa hinaharap nasaan si Cazer na kasama ko kanina?"


"Simpli lang, kanina bago kayo tuluyang makabalik sa present time ay pinahinto ko ang oras at kinuha kita at dinala rito sa panahon ko. Si Cazer naman, which is my past self ay nakabalik na sa present time niyo. And to be clear nga pala, ito ang present time ko, at ito naman ang future time mo," aniya.


Tumango ako bilang tugon kahit na naguguluhan pa ako, "Bakit mo ako dinala sa future, at bakit dito? Anong meron?" tanong ko na nakapako pa rin ang mga mata ko sa kanya.


Nakita kong sumama ang reaksyon ng mukha ni Cazer at iniwas nito ang paningin sa akin, lumingon ito sa paligid at nagsalita, "Para sa kaalaman mo nasa Pilipinas tayo ngayon at hindi sa ibang bansa," sabi nito na labis kong ikinagulat.


Nasa Pilipinas kami at sa oras na ito ay umuulan ng nyebe, merong mali, oo malamang meron dahil kelan pa umulan ng nyebe sa Pilipinas?


"Anong nangyari dito? Bakit umuulan ng nyebe? At paano ako makakasiguro na nasa Pilipinas nga tayo?" tanong ko.


Binalingan ako ni Cazer at nakita ko ang galit sa kanyang mukha, "So sa tingin mo nagsisinungaling ako? Sa tingin mo gagawin kong biro itong mga nangyayari ngayon?" tinitigan niya ako nang matalim, "Alam mo bang nangyari ang lahat ng ito dahil sa katigasan ng ulo mo?! Ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ito, hindi ka marunong makinig, sarili mo lang ang iniisip mo, dahil sa'yo kalahati ng mundo ay nabalot ng yelo, kalahati ng mundo ay unti-unti nang namamatay at hindi magtatagal ay buong mundo na!" matigas at may diin na sabi nito.


Nagulat ako sa aking narinig, ako ang sinisisi niya eh wala nga akong kaalam-alam sa mga nangyayari, "Anong ako? Bakit ako ang sinisisi mo?" hindi makapaniwalang sabi ko.


"Kinuha ka namin at dinala sa Highness para maiwasan itong pagkasira ng mundo pero anong ginawa mo? Tumakas ka bumalik sa pinakamamahal mong Yinyang, dahil sa pansarili mong kagustuhan at kaligayahan ito ang nangyari sa hinaharap, ito ang resulta ng pagiging pasaway at makasarili mo," galit na sabi ni Cazer.


Tumibok ang puso ko nang mabilis at pumasok sa isip ko ang plano kong pagtakas sa HU, naguguluhan ako, hindi ko alam kung paano nakaapekto ang plano kong iyon sa mga nangyayari ngayon. Lumunok ako ng laway at sinubukan kong umakto nang natural  para magmukhang inosente sa harapan nito, "Bakit ba? Hindi naman ako tumakas ng Highness ah?" sabi ko.


Mapait na ngumisi si Cazer, "Sinong pinagluluko mo? Hindi ka tumakas dahil tatakas ka pa lang. Baka nakalimutan mong nasa future ka, alam ko na ang mga mangyayari kaya pwede ba huwag kang paka-inosenti diyan. Dinala kita rito sa future para ipakita sa'yo itong mundong unti-unting namamatay dahil sa kagagawan mo," nasusuyang sabi nito.


Uminit ang tenga ko dahil sa kanyang mga sinabi, "Pwede ba sabihin mo na lang kung ano ang mga nangyari at humantong sa ganito ang lahat. Hindi 'yung sinisisi mo 'ko eh hindi ko naman alam kung anong mga ginawa ko," hindi na ako nakapigil at pagalit na rin akong nagsalita.


Tinaasan niya ako ng isang kilay, "Ok fine," aniya. Humakbang ito at lumapit sa maliit na cross na nasa harapan namin, "Para maliwanagan ka ipapakita ko sa'yo ang pinagmulan ng lahat ng ito," sabi nito na hindi man lang nag-abalang lingunin ako at nakita ko itong nag squat sa harap ng cross. Dinakot nito nang paulit-ulit ang makapal na nyebe na nasa pagitan niya at ng cross hanggang sa tuluyan nang lumabas ang lapida na nakabaon roon. "Lumapit ka rito para makita mo kung sino ang nagmamay-ari sa lapidang ito," walang emosyon na tawag nito sa'kin.


Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumapit ako sa tabi ni Cazer. Ang mga mata ko'y pinako ko sa lapida sa aking paanan at doo'y nakita ko ang nakaukit na pangalan, Tristan Armando Razon, iyon ang pangalan na nakasulat sa lapida. Hindi ako nakaimik at napaisip ako na isang masamang biro ang nakikita ko. Unti-unti ay nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib at napaluhod ako sa lupang nababalot ng nyebe dahil parang nawalan ng lakas ang aking tuhod. Samo't saring emosyon ang bigla kong naramdaman, para akong mababaliw na ewan.


Nagsalita si Cazer habang ang mga mata nito'y nakatutok sa lapida, "September 15, 2017 - iyon ang last game ng National Match. Iyon ang araw na namatay si Tristan at ang may gawa niyon ay ang player mula sa Highness, iyon ang player na pumalit sa slot mo." Huminto si Cazer sa pagsasalita at nilingon ako, "September 24 nang inilibing si Tristan at September 26 nang pumunta ka rito. Nag-self destruct ka Shero, ginawa mong yelo ang buo mong katawan at sumabog ka sa pinung-pino. Pagkatapos mong mag-self destruct ay nabalot ng kadiliman ang kalangitan at nagsimulang umulan ng nyebe. September 30, apat na araw ang lumipas at kalahati ng mundo ay nabalot ng madilim na kalangitan at nabalot ang paligid ng yelo at nyebe," iniwas ni Cazer ang paningin sa'kin at nagpatuloy sa pagsasalita, "Kung hindi ka umalis ng Highness, hindi sana nakalaro ang player na pumalit sa'yo at hindi niya aksidenteng makikitil si Tristan, kung hindi ka umalis ay hindi sana hahantong sa ganito ang lahat."


Napanganga ako sa aking narinig, tumatak sa isip ko ang mga sinabi ni Cazer. Naging malinaw na sa'kin ngayon ang lahat ng mga nangyayari. Ngayong alam ko nang hindi maganda ang idudulot ng pag-alis ko sa HU ay hindi na ako magtatankang gawin iyon, naiintindihan ko na rin ngayon kung bakit dinala ako nila ate Fame sa HU. Nabuhayan ako ng loob, may pag-asa pang mabago ang lahat. Hindi mamamatay si Tristan at hindi magwawakas ang mundo dahil sa'kin, pwede ko pang baguhin itong mga nangyayari sa hinaharap.


"Cazer malinaw na sa akin ang lahat, pakiusap ibalik mo na ako sa panahon ko, pangako hindi na ako tatakas ng Highness," sabi ko. Pumasok sa isip ko ang mga mukha ng mga kaibigan ko sa Yinyang, naaalala ko ang mga pinagsamahan namin, kung ang pananatili ko sa HU ang kapalit para sa ikabubuti at kaligtasan ng lahat ay kaya kong magsakripisyo.


At sa hindi inaasahang pangyayari ay isang matalim na espada ang nakita kong tumusok kay Cazer mula sa likuran nito at tumagos iyon sa kanyang dibdib. Mabilis na hinugot nang kung sino man ang espada at nakita kong bumagsak nang padapa ang katawan ni Cazer sa puting nyebe. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa bibig nito.


Continue Chapter 5