YYU - Chapter 56: Quadrangular Match!

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***


Lumapit samin sina prop Goldfield at Mr.Gumban, nagtatanong ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Palipat-lipat ang kanilang tingin saming siyam, parang naghihingi ng eksplenasyon. Iniisip siguro ng mga ito na kami ang may pasimuno sa gulo na muntikan ng mangyari.



"Wala kaming ginawang kasalanan. Ang fortis ang gustong gumawa ng gulo." Sabi ni Tonique, napabaling ang mga mata namin sa kanya. Nakatingin ito sa direksyon ng mga tagafortis.



Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni prop Goldfield at nilingon nito ang mga taga fortis sa kabilang sulok ng silid. Binalik nito ang tingin samin at nagsalita. "Ang nakita niyo kaninang matandang babae ay ang Head Mistress ng Haven, si Professor Repe. Siya ang head order ng Q'match ngayong taon, sa madaling salita ang lahat ng sasabihin niya ay batas at dapat sundin. Narinig niyo ang sinabi niya, magkakaroon ng early match kaya ihanda niyo na ang inyong mga sarili. Sabihin na nating wala kayong kasalan pero dahil nakita kayo ng head order sa ganung sitwasyon asahan niyo na ang consequence. "



"Lahat po ba kami ay lalaban ngayon? Lahat po ba ng school?" Tanong ni  Travis.



"Hindi ko alam kung lahat kayo ay lalaban ngayon at sa tingin ko, kayo at ang mga taga Fortis lang ang maghaharap mamaya." Sagot ni prop at nagpakawala ng buntong hininga.



"Papatalo ba kayo sa mga taga fortis?" Napatingin kami kay Mr.Gumban na biglang nagsalita.



Nagkatinginan kaming siyam, walang may nagsalita. Alam naming malalakas ang mga taga fortis, at naekwento ni Shero na sa loob daw ng 18 years ay walang school ang may nakatalo dito. Pang 39 years na ng Q'match ngayon, tama na ang 18 years, hindi na sila pwedeng manalo.



"Sa tingin ko oras na para agawin natin sa kanila ang titulo ng pagiging kampyon." Sabi ko, napatingin sila sakin. Nakita ko silang ngumiti.



"Naisip ko rin yan." Sabi ni Tonique.



"Makikilala nila ngayon kung sino ang totoong malalakas." Sabi ni Maru na nakangisi, may kakaiba sa mga mata nito. Seryuso ito at mukhang gagawin nito ang lahat sa laban.



Nakita kong inakbayan ni Travis si Shero. "Mananalo tayo, diba Shero?" Sabi ni Travis.



"Ha? O-oo naman." Parang nag-aalangang sagot ni Shero. Tumingin ito sakin, merong pagkabahala sa kanyang mukha. Isang tango ang binigay ko sa kanya.



Napatingin kami kay prop. "Aasahan ko yang mga sinasabi niyo." Sabi ni prop Goldfield. Tumaas ang isang kilay nito at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

***

Tinawag kaming mga representatives ng walong haven student officials ng Q'match papunta sa likod ng stage at pinapila sa apat, Lunar, Fortis, Haven at kaming mga taga Yin-Yang. Habang narun kami sa likod ng stage at naghihintay ay sinimulan na ang Q'match introductory. Saktong alas onse ng magsimula, sinimulan iyon sa invocation at hidden hymn na bagong bago sa aking pandinig.



Pagkatapos ng hidden hymn ay tinawag na ang mga taga Lunar sa ibabaw ng stage at isa-isang ipinakilala sa mga manonood, silent keepers ang tawag sa kanila. Sunod na tinawag ang mga taga Fortis, sila naman ang mga fortress keepers, isa-isa rin silang pinakilala at pagkatapos nila ay tinawag naman ang mga taga haven, spell keepers naman ang tawag sa mga ito.



Maririnig mula dito sa likod ng stage ang sigawan at hiyawan ng mga audience sa kanilang mga pambato. Narito ngayon sa coliseum ang mga estudyante ng ibang school at kami lang yata ang walang supporters.



"And now let's welcome the night keeper's league of champions from Yin-Yang University." Pumailanlang ang boses ng host na babae at nawala ang ingay at sigawan mula sa mga manonood. "Please come up on the stage, Tonique Vanders, Keith Nathaniel Bronzer, Travis Larpen, Karrice Lockster, Grandeline Flores, Maru Yukiji, Lilyu Suzin, Tristan Armando Razon and Shero Tan."



Umakyat kami sa stage ayon sa order ng pangalan na tinawag ng host, ibinase nila ang pagtawag samin sa edad. Si Shero ang pinakabata kaya siya ang huling tinawag. Pagdating sa taas ng stage ay nadatnan namin ang labing limang tao na nakaupo sa nakahelerang upuan na nakadikit sa pader ng entablado. Wala akong kilala sa mga ito maliban sa matandang babae na nakaupo sa pinakagitnang silya, siya ang head mistress ng Haven University, ang head order ng Q'match ngayong taon, si Professor Repe. Nakasuot ito ng all black na parang ball gown na kumikintab at meron itong hawak na baston na merong puting bato sa dulo ng hawakan, isa siyang witch.



Binaling ko ang aking mga mata sa harapan ng entablado at nakita ko sa baba ang apat na magkakahiwalay na round table na kulay itim. Ang unang mesa sa kaliwa ay ukupado ng mga taga Lunar, ang sunod na mesa ay ukupado naman ng mga taga Fortis, ang pangatlo ay sa Haven at ang pang-apat ay bakante at iyon ay para sa amin. Pinaglakbay ko ang aking mga mata sa loob ng malaking coliseum, bakante ang malapad na sahig sa baba maliban sa apat na mesa at mga representatives na nandun. Ang mga upuan naman na nakapalibot pataas ay puno ng mga manunuod, sila ang mga estudyante mula sa ibang school at sa tingin ko ang iba ay mga hidden na fans ng Q'match at mga hidden na nagpupustahan para sa laban ng apat na university.



Hindi kami nagtagal sa ibabaw ng stage at bumaba rin kami at pumwesto sa round table sa baba ng stage. Tinutok namin ang aming atensyon sa head order na nagbigay ng speech para sa Q'match.



"Isang karangalan ang mapili bilang head order ng quadrangular match para sa taong ito at nagpapasalamat ako sa pagpili sa akin. Isang malaking responsibilidad itong aking gagampanan ganun pa man ay hindi ako nangangamba at naniniwala akong matatapos ito ng matagumpay katulad sa mga nagdaang quadrangular match at iyon ay mangyayari sa tulong ng aking mga kasamang opisyal." Sabi ng head order at sandaling tumigil at nilingon ang mga kasama sa likod nito. Muli itong humarap sa stage. "Ang quadrangular match ay parte na ng kasaysayan ng hidden society at pati na rin ng mga human guardians, at dahil dito pinaghandaan namin ng mga kasamahan ko ng mabuti ang event na ito ngayong taon. Ngayong ika-39th year ng quadrangular match asahan niyo ang kakaiba at kapanapanabik na mangyayaring labanan sa pagitan ng apat na universities. Alam ko excited na ang lahat, hindi ba?!"



Isang ngiti ang gumuhit sa mukha ng head order na sinabayan ng ngiti ng mga kasamahan nitong mga opisyal sa likod. Napuno naman ng ingay ang loob ng coliseum mula sa mga manunuod, nagsisigawan at naghihiyawan ang mga ito. Excited ang lahat sa laban. Ako naman ay nakaramdam ng kaba, napalingon ako kay Shero na nasa kanan ko. Nagkatitigan kami, nakita ko siyang ngumiti ng pilit. Alam kong kinkabahan siya katulad ko, hindi niya iyon maitatago sa akin.



"Now may i request all the representatives to stand up for the signing and vows." Napalingon ako sa head order na nagpatuloy sa pagsalita, narun pa rin ito sa gitna  ng entablado.



Nagsitayuan kaming mga representatives at naglaho ang ingay sa paligid. Nakita kong itinaas ng head order ang kanyang baston at biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng coliseum. Subrang dilim, walang bakas ng liwanag kahit saan ako tumingin. Tinaas ko ang aking kanang kamay para kapain si Shero ng biglang may lumitaw na gintong kandelabra na merong siyam na nakasinding puting kandila sa gitna ng mesa. Meron din  nakasinding kandelabra sa tatlong mesa sa kabila. Napabaling ang mata ko sa stage ng biglang umilaw ang apat na malalaking sulo sa bawat sulok nito at meron ding maliliit na sulo  na nakahelera sa harapan ng stage at nakasindi rin.



Nagkatinginan kami ng mga kasama ko sa mesa, may pagkamangha sa aming mga mukha dahil sa aming nasaksihan. Ito ang mahika, ang mahika na tanging magagawa lang ng mga may dugong witch at warlock. Akala ko ay tapos na ang surpresa pero hindi pa pala ng bigla na namang may lumitaw na kalahating peraso ng papel na kulay puti at maliit na kutsilyo sa aming mga harapan. Tig-iisa kaming siyam, ganun din sa kabilang mga mesa. Blankong papel at maliit na kutsilyo? Para saan kaya ito?



"Representatives makinig kayo," Agaw atensyon ng head order samin. Napatingin kami sa kanya. "Para sa signing, kelangan niyong patakan ng inyong dugo ang blankong peraso ng papel sa inyong mga harapan. Gamitin niyo ang maliit na kutsilyo na katabi ng papel sa pagpilas ng inyong kaliwang palad. Huwag kayong mag-alala hindi kayo makakaramdam ng sakit, sinisigurado ko iyan sa inyo."



Napatingin ako sa papel at kutsilyo sa aking harapan, kung ganun ito ang signing? Hindi pala ito ang simpling pagpeperma sa aming pangalan sa papel gamit ang ballpen, isa pala itong ritwal gamit ang patak ng aming dugo.



"Ngayon magsimula na tayo, kunin niyo ang kutsilyo sa inyong harapan at pilasin niyo ang inyong kaliwang palad gamit ito, at pagkatapos ipatak niyo ang inyong dugo sa blankong papel." Sabi ng head order.



Walang ingay sa paligid, maging saming siyam na nandito sa mesa ay walang may umiimik. Parang pigil ang aming paghinga. Sabay-sabay naming inabot ang mga kutsilyo at nakita kong walang pag-aatubili na pinilas ng mga kasama ko ang kanilang kaliwang palad.



Ramdam ko ang pintig ng aking puso, sa sandaling ito ay nakalapat sa aking kaliwang palad ang matalim na kutsilyo, pinilas ko ang aking palad habang nakatutok ang mga mata ko dito. Nakita ko ang mahabang sugat na iniwan ng kutsilyo at nakita ko ang paglabas ng aking dugo mula dito. Napalunok ako at huminga ng malalim. Hindi ako nakaramdam ng sakit o hapdi sa ginawa kong pagpilas, totoo nga ang sinabi ng head order, sigurado isang mahika ang ginamit nila para dito.



Kinuyom ko ang aking kaliwang kamay at itinutok ito sa blankong papel sa aking harapan. Pumatak ang dugo mula dito. Nilingon ko si Shero, nakatutok ang mga mata nito sa kanyang nakakuyom na kaliwang kamao kung saan pumapatak ang dugo mula roon papunta sa blankong papel niya. Walang emosyon sa kanyang mukha, ano kaya ang iniisip nito?



Binalik ko ang aking tingin sa aking kaliwang kamay, tinignan ko ang aking palad. Tumigil na ang pagdaloy ng dugo dito at nawala ang sugat. Ang galing, nakakahanga ito. Napatingin ako sa aking mga kasama, tapos na rin ang mga ito sa kanilang ginagawa at nakita ko sa kanilang mukha ang pagkagulat dahil sa pagkawala ng aming mga sugat sa palad.



"Woohh!" Narinig kong usal ni Shero at napatingin ako sa sarili kong papel ng biglang may lumabas na mensahe dito.



Signing and vows? Kung ang ginawa namin kanina ang tawag ay signing, siguro itong sunod ngayon ay ang vows. Dinampot ko ang papel sa mesa at binasa ang nakalimbag na mensahe, tama ito nga ang vows naming mga representatives. Ang ikinamamangha ko ng labis sa hawak kong papel ay ang pangalan ko na nakalimbag mula sa sarili kong dugo at sulat kamay ko ito. Ang ibang mga salita naman ay nakalimbag mula sa itim na tenta at mukhang french script ang ginamit na estilo sa pagsulat.



"Ngayon para sa vows, kunin niyo ang papel sa inyong harapan at sumabay kayo sa akin." Pumailanlang ang boses ng head order. Nakita kong dinampot ng mga kasama ko ang kanilang mga papel.



Sinimulang banggitin ng head order ang vows at sinabayan siya naming mga representatives. "In the name of my blood, I, Tristan Armando Razon, student of Yin-Yang University, do solemnly vow to commit myself in this 39th quadrangular match, I vow to follow the rules and to play fair with my fellow representatives. I vow to honor and respect the decisions of the head order and and her officials whatever it may be. In case of failing this vow I would voluntarily pull out myself from the match and would face the consequence willingly. So help us God."



"Signing and vows is done. Now Raise your paper with your right hand." Utos ng head order. Tinaas naming lahat ang mga hawak naming papel. "Ngayon sabayan niyo ako. In 5, 4, 3, 2, 1. Let the Quadrangular match begin!!"



Biglang nag-apoy ang mga hawak naming papel, iba-iba ang mga kulay ng apoy. Yung sa akin ay kulay pula at nakita ko naman kay Shero kulay Asul. Hindi mainit at nakakapaso ang apoy, hindi naman nagtagal at biglang naging malalaking mga paru-paru ang mga apoy. Kung anong kulay ng apoy ay ganun din ang kulay ng mga paru-paru na nabuo mula dito, nagliliwanag ang mga ito at lumipad sa ere at kumalat sa paligid. May naiiwang glitters na kumikinang ang mga paru-paru sa hangin, at dahil dun parang sinabuyan ng silver dust ang hangin.



Maririnig naman ang usal ng paghanga mula sa mga manonood na kasama namin sa loob ng coliseum, ngayon lang sila ulit umingay simula nang mamatay ang mga ilaw. Sila ang naging saksi sa signing and vows na ginawa naming mga representatives.



Tahimik kong binaling ang aking pansin kay Shero, nakita ko siyang nakangiti habang nakaangat ang ulo at nakatingin sa mga paru-parung nagkalat sa loob ng madilim na coliseum. Napangiti ako, gusto ko sana siyang akbayan, pero hindi pwede dahil ayaw niya ng ganun.



Biglang tumingin si Shero sakin, nahuli ako nito na nakatingin sa kanya. Kinindatan ko siya, akala ko iiwas siya ng tingin sakin pero nagulat ako dahil kinindatan niya rin ako. Napangiti ako ng wagas, hindi ko inaasahan yun. Lumuwang ang ngiti ni Shero, lalong pumogi siya sa ngiting iyon. Ang pogi niya sa ayos niya ngayong gabi, kung pwede ko lang siya halikan ngayon mismo ay gagawin ko kaso bawal kaya tiis-tiis muna hanggang matapos ang programang ito.



Sabay kaming naapangat ng ulo ni Shero ng biglang naging fire works ang mga paru-paru. Napuno naman ng ingay at hiyawan ang loob ng coliseum. Ang ganda ng fire works, kakaiba ito, kulang ang mga salita para ipaliwanag kung ganu ito kaganda. Ang fire works ay merong porma, una ay mga iba't-ibang bulaklak, tapos naging dragon, phoenix, lion, unicorn at ang huli ay ang logo ng apat na unversity na kasali sa Q'match, Lunar, Fortis, Haven at Yin-Yang. Ang pinakahuli ay ang salitang 39th Quadrangular match na lalong nagpaingay sa mga manonood.



Pagkatapos ng fire works ay bumukas uli ang mga ilaw sa loob ng coliseum at nawala ang mga kandelabra at kutsilyo sa mesa, nawala rin ang mga nakasinding sulo sa stage. Umupo kaming mga representatives at tinuon namin ang aming pansin sa head order na narun pa rin sa gitna ng stage. Tumahimik ang paligid ng magsalita ito.



"Sa lahat ng manunuod gusto kong sabihin sa inyo na may isa kaming surpresa na siguradong magpapasaya sa inyo." Anunsiyo ng head order.



Umingay ang paligid, mukhang nasabik ang mga manunuod sa kanilang narinig mula sa head order. Sandali lang, isang surpresa? Bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ako pwedeng magkamali, sigurado akong ito ang early match.



"Magkakaroon tayo ng early match ngayong gabi." Sambit ng head order. Tama nga ako sa aking naisip, ang early match nga ang sinasabi nitong surpresa. Lalong lumakas ang ingay ng mga manunuod. Napalingon ako kay Shero, napatingin rin ito sakin. Binalik ko ang aking tingin sa stage. "Bilang patikim sa quadrangular match, pumili ako ng dalawang University na maglalaban ngayong gabi at iyon ay ang Fortis University at ang Yin-Yang University." Dugtong ng head order.



Dumagongdong ang hiyawan at sigawan sa paligid, pigil naman ang aking paghinga. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Anong klaseng laban kaya ang mangyayari at sino-sino? Napatingin ako sa aking mga kasama, kina Travis, Tonique, Lilyu, Maru, Karrice, Grandeline, Keith at Shero, nagkatinginan kaming siyam. Seryuso ang aming mga mukha, mapapansin ang tensyon na unti-unting nabubuo. Walang may gustong umimik, lahat kami ay hinihintay ang sunod na sasabihin ng head order.



"Dalawang representative ang maglalaban ngayon, isa sa Fortis at isa sa Yin-Yang." Lalong lumakas ang kaba sa aking dibdib ng marinig ko ang sinabi ng head order. Isa lang sa amin ang lalaban ngayon, sana huwag si Shero. Malalakas ang mga taga fortis, hindi sa wala akong tiwala kay Shero, ayuko lang siyang masaktan at mapahamak. Masyado pang maaga para siya kaagad ang lumaban sa aming siyam.



Nagpatuloy sa pagsasalita ang head order, "Mula sa Fortis University, ang lalaban ay si Sirgel Moxy at mula sa Yin-Yang, ang lalaban naman ay si Shero Tan."



Nagsigawan ang mga tao, parang bigla naman akong napipi sa aking narinig na anunsyo. Sa dinamirami namin bakit si Shero pa ang napili? Napalingon ako kay Shero, lahat kaming nasa mesa ay nakatutok sa kanya ang mga mata. Tikom ang aming mga bibig, walang may gustong magsalita. Lahat kami siguro ay hindi inaasahan na si Shero ang sasabak sa laban.



"Huwag niyo nga akong tignan ng ganyan, ayos lang ako." Sabi ni Shero at pilit na ngumiti.



Palagi at pauli-ulit niyang sinasabi na ayos lang siya. Siya ang pinakabata sa amin at kaming dalawa ang baguhan at hindi pa masyadong sanay sa paggamit ng kapangyarihan. Paano siya magiging maayos kung ang magiging kalaban niya ay bihasa na sa paggamit ng kapangyarihan at isa pang elemental user kagaya niya?



Inabot ko ang isang kamay ni Shero sa mesa at hinawakan. Nagkakatitigan kami.Wala na ang pilit na ngiti sa kanyang mukha. May pag-aalala sa kanyang mga mata.



"Mananalo ka sa kanya, tama?" Sabi ko.



Tumango siya bilang tugon.



"Huwag kang tumango lang, sabihin mong mananalo ka." Sabi ko at nilakasan ang boses. Hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kamay.



"Mananalo ako." Tugon ni Shero, nakita ko ang pagseryuso ng kanyang mukha at iniwas nito ang tingin sa akin.



Napabaling naman ang pansin naming lahat kay Maru ng bigla nitong sinuntok ang mesa.



"Asar!" Sabi nito.



"Okay lang yan Maru." Sabi ni Lilyu. "Kaya ni Shero yan, diba Shero?"



Tinitigan ko si Shero, hindi nito sinagot si Lilyu. Blanko ang ekspresyon nito, nakatingin ito sa kawalan, para siyang lutang. "Shero?" Sabi ko.



Tuminingin sakin si Shero at ngumiti. Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti ng ganun, parang siyang nakakatakot. "This fight will be bloody," sambit nito at ngumisi.


Continue Chapter 57