Undas (Horror-Comedy)



Kapag undas ay nakaugalian na nating pumunta sa sementeryo at magtirik ng kandila, minsan nagdadala pa tayo ng pagkain dun at dun kumakain. Ang iba naman nagdadala ng tent para dun magpalipas ng gabi.

Ako naman at ang kaibigan ko ay iba ang trip kapag undas. Nangunguha kami ng kaibigan ko ng mga bulaklak na nakaalay sa mga puntod at ibinibinta. Nakasanayan na naming gawin iyon taon-taon dahil nagkakapera kami.

Ako nga pala si Anthony 14 years old, ang pangalan naman ng kaibigan ko ay Melfin 15 years old naman siya.

Araw ng undas, umaga pa lang ay nagsimula na kaming lumibot ni Melfin sa sementeryo para mangulekta ng mga bulaklak na ibebenta. Pinipili namin yung magaganda at sariwa pa para sa aming buyer, bali kami kasi ng kaibigan ko ang supplier at meron kaming binabagsakan na siyang nagbebenta. Business minded lang talaga kami ng kaibigan ko.

Bandang alas dose...

"Ang init, nasusunog na yung balat ko." Sabi ni Melfin.

Tumigil ako at tinitigan ko siya. "Wow!? Sa itim mong yan masusunog ka pa? Nahiya naman ako sayo friend." Pang-aalaska ko.

"Tumigil ka nga, palibhasa masmaitim ka sakin." Asik nito sakin.

Pinagdikit ko ang braso namin, "Oo nga no, masmaitim ako sayo kung nakapikit ka! Bulag! Tignan mo nga, color blind? Maputi ako, ako ang gatas ikaw ang kape. Nagmamatisoy kapa hindi ka naman katisoyan. Wag kang mag-inarte dahil isang beses lang sa isang taon natin to ginagawa, raket din to no. Magfocus ka, kelangan natin makakuha ng maraming bulaklak." Sabi ko at nagsimulang humakbang.

"Opo manager." Tugon ni Melfin at sumunod sakin.

Nang bigla kaming nakarinig ng sigaw ng lalake mula sa likuran. "Mga magnanakaw ng bulaklak!"

Dahil sa narinig hindi na kami lumingon ni Melfin at kumarepas na ng takbo. Medyo marami na kaming nakuhang bulaklak kaya dumeretso na kami sa pinagbebentahan namin. Ayun instant pera kaagad mga te.

Pagkatapos nun ay bumalik kami sa sementeryo, meron mga nagbebenta ng pagkain dun kaya kain-kain din pag may time. Bumili kami ng pagkain, yung mga pangsosyal, chocolate cake, braso de mercedes, lechon, liempo, flat iron steak at kung anu-ano pang masasarap na pagkain.

Nabusog kami. Saglit muna kaming nag siesta sa isang puntod na merong bubong kasi mamaya magsisimula na naman kami sa aming operation pangungupit ng shulaklak sa mga tigok.

Nakatulog kami ni Melfin at paggising namin gabi na. Shet naman hindi kami ginising ni writer yan tuloy anong oras na. Kainis nakalimutan kong iset ang alarm clock ko sa aking iphone 5c. Ang dilim na sa paligid at mukhang wala ng tao. Silent night holy night na ang paligid sa subrang tahimik.

Maya-maya ay nakarinig kami ni Melfin ng alolong ng askal na aso. Bakit ko nalaman na askal yung aso? Nasatabi lang kasi namin, ang dami pang pulgas. Ewwww!!

Bigla akong kinabahan kasi diba sabi nila pag-umalolong ang aso may magnanakaw?

"Anong magnanakaw? Engot multo, hindi magnanakaw!" Sabat ni Melfin.

Napakunot ako ng noo, "Intrimitido ka talagang negro ka, pati iniisip ko pinapakiaalaman mo."

"Eh kasi mali ka, tatanga tanga ang pota. Kala ko ba matalino ka?" Sabi ni Melfin.

"Eh potang ina mo rin, akala mo lang yun. Narinig mo ba akong nagsabi na matalino ako. Ang sabi ko mayaman ako, hindi matalino. Bobo ng pota." Galit na sabi ko kay Melfin.

"Oo na oo na, ikaw naman palagi ang tama eh. Anong oras na pala bakit wala ng tao dito sa sementeryo?" Tanong ni Melfin.

Binatukan ko siya. "Tignan mo yang relo mo, Rolex pa naman ang brand nyan. Ako pa ang tatanungin mo eh wala akong relo." Sabi ko.

"Tanga! Sira to, sinuot ko lang to para display." Sabat ni Melfin. "Tingnan mo sa iphone 5c mo kung anong oras na."

"Battery empty ako." sabi ko.

"Hay ano ba yan, makicharge ka muna dun kay kuya nakabarong." Komento ni Melfin.

Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si kuya nakabarong, nagchacharge din siya ng celphone niya, 5110 pero may camera at may wifi. Lumapit ako sa kanya.

Hanep si kuya nakacostume, ganda pa ng make up parang totoo, nakaluwa ang mata at lumalabas ang buto ng ilong niya at may mga sugat pa siyang inuod sa mukha.

"Galing ng costume natin kuya ah. Pacharge muna kuya. Salamat." Sabi ko at kinuha ang charger niya at pinalitan sakin. "Kuya pakibantay ah, baka manakaw. Kakabili ko lang niyang kahapon." Sabi ko at umalis.

Lumapit ako kay Melfin, may kausap na itong babae nakaputi. Ay wow nakagown si ate, bridal-bridal ang peg ni ate. Ano to kasal-kasalan?

"Oh kamusta naman dito? Hello ate, mukhang late ka na sa kasal mo. Joke lang." Sabi ko sabay ngiti.

"Melfin si Cathy pala. Cathy si Anthony." Pakilala ni Melfin.

Tinaas ni Cathy ang kanyang veil sa mukha. Ganda rin ng make up ni ate, ayaw pakabog sa make up ni kuya nakabarong. Pero masbet ko mok-up ni ate kasi masmaraming uod sa kanyang mukha, tapos lumalabas pa ang ngipin niya. Tapos parang totoo na naaagnas ang kanyang skin.

"Nice meeting you po ate." Sabi ko at nakipaghandshake dito. Hindi nagsalita si ate. Ay may pagkasupladita, may attitude. Porque maganda ang halloween costume kaya gumaganito ang peg niya.

Nakipaghandshake ako sa buto-butong kamay ni ate ng bigla itong naputol at nalaglag sa lupa. Mabilis ko itong pinulot at binalik sa kanya. "Ay sorry po, di ko po sinasadya." Sabi ko at tinulungan ko si ate na ayusin ang kalansay niyang kamay. "Ayan ok na po." Ganda ng out fit niya parang totoo.

Ngumiti si Ate, ayan naman pala eh marunong naman palang ngumiti. Akala ko maldita hindi naman pala.

Kaloka yung askal na asong to hindi pa rin tumitigil sa pag-alolong. Siguro gutom o baka gusto ng buto?

"Gutom yan bigyan mo ng buto para tumigil." Sabat na naman ni Melfin, intrimitido talaga, pinapakialaman yung inisip ko.

Lumapit ako kay ate. "Ate pahiram po ng buto-buto niyong kamay. Ang ingay kasi ng asong yan eh." Sabi ko, magsasalita sana si ate pero dinikit ko sa kanyang bibig na nakalabas ang ngipin ang hintuturo ko para hindi siya magsalita. "Psssssttttt! Ok lang yan ate, hiram lang naman isusuli din mamaya." Sabi ko sabay hila sa kanyang kamay na kalansay.

Lumapit ako sa askal at pinalo ko ito sa ulo gamit ang kalansay na kamay. "Potang ina mong aso ka, kanina ka pa. Naiirita na ko sayo baka gusto mong lapain kita. Nagtitimpi lang ako sayo." Sabi ko, tumigil ang pagalolong ng aso. Effective yung sinabi ko, mukhang natakot ang askal sakin. "Dahil good boy ka, bibigyan kita ng buto. Ito oh ngatngatin mo." Binigay ko sa aso ang buto, kinagat nito at tumakbo, nagulat naman kami ni Melfin ng biglang kumaripas ng takbo si ate nakagown at hinabol nito ang askal na aso. Ano yun? Habulan? Ay baka babawiin niya yung butong kalansay niya? Ang damot naman ni ate.

Habang nakaupo kami ni Melfin sa nityo ay maya-maya'y may dumating na babae. Mabalahibo ang balat nito, magulo ang buhok at namumula ang mga mata, nakanganga ito tapos matatalim ang mga ngipin at naglalaway pa. Kinabahan ako, shet adik pre! Potang ina nakarugby yata tong babae na to at gusto pa kaming pagtripan.

"Rarrrwwwr.. rawwwrrrrr!" Rinig kong sabi ng babae, Pota confirmed nga. Adik nga! Ano kaya ang tinira nito? Rugby, solvent, gasolina o katol? Hindi ko naman masasabing nakabato kasi mukhang hindi niya naman afford ito. Sigurado ako katol o rugby ang tinira niya.

"Melfin, mukhang bet niya magpatira sayo. Tirahin mo na ng makaalis na." Sabi ko.

"Ulol. Tirahin, ayuko no." Tugon ni Melfin.

"Asus kunwari ka pa, sige na. Di ko naman sasabihin sa gf mo eh." Pamimimilit ko pa.

"Ayuko nga." Parang inis na sabi ni Melfin.

"Bakit ayaw mo?" Nakakunot noong tanong ko.

"Wala kasi akong dalang condom. Mamaya may sakit yan. Pass na muna ako. Ikaw na lang." Sagot nito. Ah kaya pala ayaw niya kasi wala siyang condom.

"Naku wag na oy! Virgin pa ko no." Sabi ko naman at binalingan si ate na nakarugby. "Ate sensya na po, hindi ka po namin bet. Magshinger ka na lang po." Sabi ko.

"Raaawwrrrrr Raawwww arrrr rawrrr rarrr!!" Sabi ni ate.

Ay pota, trip talaga magpatira ni ate. Nakakita ako ng dos por dos kinuha ko iyon saka lumapit kay ate. "Nakita mo to ate? Kapag ikaw nangulit pa at hindi umalis ito ang titira sayo." Sabi ko.

"Rawwwrrrr arr awrrrrr rawwrrrr!" Tugon ni ate.

Ah ayaw mong tumigil, ayaw mong umalis ha. Tinaas ko ang dos por dos at pinalo si ate sa ulo. "Kanina ka pang malandi ka! Makati kang babae ka! Manyakis! Hala uwi!" Bulyaw ko sa babaeng nakarugby. Mabilis na tumakbo si ate palayo, mukhang napalakas yata ang hampas ko sa ulo niya, sigurado bukol yun. Tigas kasi ng ulo eh.

Ilang sandali pa at may dumating na lalake, nakasuot ng vampire costume.

"Galing ng outfit kuya ah, parang twilight lang ah." Agad na bati ko. Ngumanga si kuya at pinakita ang mga pangil. Haler? Bago pa ba yan? Malamang bampira ang costume niya kaya may pangil siya, engot tong si kuya.

"Nakita na namin yan kuya. Gaya-gaya ka naman Wala ka bang pasabog? Puro na lang pangil pinapakita ng mga nakacostume ng bampira, pwede ba sa susunod, pwet naman, dibdib, legs, T*%$ ok P*&*%$ para maiba naman. Nakakasawa na kasing puro pangil nakikita, masmaganda kong maiba naman." Sabi ko at lumapit kay kuya bampira.

"Pahawak ng pangil mo kuya ha," Sabi ko at hinawakan yung pangil ni kuya. "Infairness mukhang totoong yung ngipin mo kuya. San mo to pinagawa kuya?" Tanong ko.

Nakita ko si kuya kumunot ang noo.

"Tanga englisin mo, hindi mo ba nakikita, foreigner yan. Hindi nakakaintindi ng tagalog yan." Sabat ni Melfin.

Ah ok so dapat pala english. "Hey old brother, your teeth is beautiful. Is it true? Where did you make it?" tanong ko, siguro naman naintidihan niya. Galing pa yung english ko sa baol namin sa mansion.

"Ah friend dumudugo ang ilong mo." Puna ni Melfin sakin.

Ay pota nanosebleed ako sa kakaenglish. Biglang hinawakan ni kuya may pangil ang mukha ko at dinilaan ang ilong ko na merong dugo. Pagkatapos ay binitiwan ako. Hinawakan ko ang aking ilong. "Shet my pimple inside my nose explod, its bleeding." Sabi ko.

"Ewww!" Rinig kong sabi ni Melfin.

Nakita kong biglang umiba ang itsura ni kuya may pangil. Tumalikod ito at biglang nagsusuka. Bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Nagkibit balikat na lang ako. Tanga-tanga kasi alam naman dugo didilaan buti sana kung ketchup yun. Ewwww!

"Tignan mo na yung iphone 5c mo, baka pwede na yun para makaalert na tayo." Sabi ni Melfin.

Lumapit ako kay kuya nakabarong. "Kuya salamat. Kunin ko na po ang mamahalin kong celphone. Icharge niyo na rin po yang bago nyung 5110. Salamat." Nakangiting sabi ko at lumapit kay Melfin.

"Tara na, umuwi na tayo at alas tres na ng madaling araw." Anyaya ko saka lumabas na kami ng sementeryo ni Melfin.

Nagbantay kami ng taxi sa labas, wala na talagang tao. May humintong limousine sa harap namin. Bumukas ang pinto hindi na kami nagdalawang isip at sumakay na kami.

Pagpasok namin biglang sumarado ang pinto at doon sa loob ay merong dalawang kabaon. Tig-iisa kaming kabaong ni Melfin. Napagpasyahan naming buksan ni Melfin ang mga yun.

"Isa, dalawa, tatlo, Bukas!!!"

Bumukas ang kabaong at napasigaw kami ni Melfin sa aming nakita....

Puno ng paborito naming tsukolate ang kabaong.

Trick or Treat!


WAKAS!!!

Visitors (Horror)