YYU - Chapter 110: To Fall or To Rise

 


*** GRANDELINE'S POINT OF VIEW ***



Mula dito sa tuktok ng puno ay nakikita ko si Chloe na parang nagmistulang tipaklong na patalon-talon sa mga malalaking vines na umaatake sa kanya. Naiiwasan niya ang mga ito nang walang kahirap-hirap gamit ang kanyang bilis at liksi. Ang masaklap ay nalalanta ang bawat vines na nahahawakan nito kaya sa bawat segundo na lumilipas ay paunti nang paunti ang mga iyon.



Parang hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan, ilang saglit lang ang lumipas at tuluyang nalanta ang mga vines na ginawa ko dahil sa kapangyarihan ni Chloe. Nakita ko itong humakbang palapit sa puno ng rubber tree kung saan ako naroon ngayon. Nang tuluyan na itong makalapit ay hinawakan nito ang katawan ng puno at inangat nito ang kanyang ulo sa direksyon ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa ulan at masyadong malayo ang distansya namin sa isa't-isa, nasa taas ako ng puno samantalang nasa baba naman ito.



Nilalason ni Chloe ang rubber tree. Ilang segundo lang ang dumaan at nakita kong umabot na rito sa tuktok ang lason na ginawa nito para patayin itong puno, kanina'y kulay brown ang balat nitong puno pero ngayo'y nangingitim na. Nagsimulang bumigay ang puno, dahan-dahang natutumba ito kasama ako. Mula sa mahigpit na pagkapit ko sa mga sanga ay bumitaw ako at tumalon sa hangin. Hindi ako pwedeng bumagsak kasama ang punong iyon.



Natagpuan ko ang aking sarili sa ere na bumubulusok pababa. Sa ayaw at sa gusto ko babagsak at babagsak ako kapag hindi ako gumawa ng paraan. Mabilis kong itinutok ang mga kamay ko sa lupa at ginamit ko ang aking kapangyarihan. Agad na lumabas mula roon ang malaking vine at sinalo ako, dahil dito ay maayos akong nakalapag sa lupa.



Mula dito sa kinatatayuan ko mga trenta metro ang layo ay nakita kong tuluyang bumagsak sa lupa ang rubber tree at mula roon ay binaling ko naman ang aking paningin kay Chloe na nakatayo sa tabi niyon. Nakakainis ang babaeng ito, nakakainis ang kapangyarihan niya, kapag hindi ako nag-ingat ay seguradong matatalo niya ako.



Kelangan ko siyang atakehin mula rito sa malayo dahil walang tyansa na matalo ko siya sa short range combat. Nagtataglay ng lason ang mga kamay niya at hindi ko gugustuhin na mahawakan ako ng mga iyon.



Tinutok ko ang aking mga kamay sa direksyon ni Chloe , "Monster trap!" bigkas ko.



Mabilis na tumubo ang benteng carnivorous plant na sinumon ko paikot kay Chloe. Ang mga monster trap ay mukhang mga heganteng fly trap na kayang lumamon ng isang tao. Walang mga mata ang mga iyon pero malakas ang kanilang pandama dahil meron silang heat sensory, kaya nilang edetect ang tao o hayop na nasa paligid nila. At si Chloe dahil napapalibutan nila ito, siya ang magiging target nila. Hindi immune sa poison ang monster trap pero malakas ang tolerance nila dito kaya matagal malalanta ang mga iyon. Kapag nagkataon na mahuli o makain si Chloe ng isa sa mga ito ay hindi na siya makakalabas doon dahil mamamatay ng kusa ang monster trap at magiging solido at matigas iyon.



Nakita kong nagsimulang gumalaw ang mga monster trap at inatake si Chloe.



Nawala naman ang atensyon ko roon dahil bigla akong umubo nang sunod-sunod. Napahawak ang isa kong kamay sa aking bibig at nang bawiin ko ito ay nakita ko sa aking palad ang pulang likido na galing sa aking bibig na unti-unting nahuhugasan ng ulan.



Naramdaman kong biglang humina ang aking katawan at bumigay ang aking mga tuhod, kasunod nito'y natagpuan ko ang aking sarili na bumagsak sa mga basang dahon na malayang nakasapin sa lupa.



Napapikit ako... Lason, may lason sa hangin.





*** TONIQUE'S POINT OF VIEW ***



Kinuyom ko nang mahigpit ang magkabilang mga kamao ko at sabay naming sinugod ni Armik and bawat isa. Nagpalitan kami ng suntok at sipa.



Suntok... Ilag... Sipa... Salitan at paulit-ulit. Minsan nakakatama ako kay Armik at minsan siya naman ang nakakatama sa'kin. Hindi ko inaasahang magaling pala siya sa martial arts.



Ang buong atensyon ko ay nasa laban naming dalawa, hindi ako pwedeng magwalang bahala dahil magaling ang mga kilos niya.



Nagkaroon ako ng pagkakataon at natamaan ko siya ng sipa sa tiyan. Dahil dito'y natumba siya sa basang damuhan at mabilis ko siyang pinaibabawan. Sinuntok ko siya sa mukha nang walang pag-aalinlangan, hindi bababa sa sampung suntok ang napakawalan ko nang bigla niyang hinila ang damit ko sa dibdib at sa isang saglit lang ay nagkapalit kami ng pwesto.



Ako naman ngayon ang nakahiga sa damuhan at napapagitnaan ako ng malalaking hita ni Armik. Nasa ibabaw ko siya at ibinabalik niya sa akin ang mga suntok na pinakawalan ko kanina sa kanya. Ramdam ko ang sakit ng bawat kamao niya na tumatama sa aking mukha. Hindi ko alam kung nakailang suntok siya sa'kin bago ako nagkaroon ng pagkakataon na mahawakan ang damit niya at hinila siya palapit sa'kin. Halos dumikit ang mukha namin sa ginawa ko. Tinulak ko siya para makawala ako pero dahil nakahawak nang mahigpit ang kamay niya sa damit ko kung kaya napasama ako at bigla na lang kaming gumulong sa bangin, wala akong nagawa kundi kumapit na rin sa kanyang damit.



Nasa tabi na pala kami ng bangin nang hindi man lang namin napansin, kung hindi pa kami nahulog at nagpagulong-gulong dito ay hindi pa namin nalaman.



Tuloy-tuloy ang paggulong namin sa bangin nang hindi naghihiwalay. Nakakapit si Armik sa damit ko at mukhang wala siyang planong pakawalan ako. Kumalas ako sa pagkakahawak sa damit niya at buong pwersa ko siyang itinulak palayo sa'kin. Hindi naman ako nabigo, nakawala kami sa bawat isa at pareho kaming huminto sa paggulong nang tuluyan na naming maabot ang maputik na paanan ng bangin.



Ramdam ko ang pagkahilo at sakit sa aking katawan. Tiniis ko iyon at tinangka kong bumangon mula sa pagkakadapa nang bigla na lang may maramdaman akong mabigat na bagay sa aking likuran. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Armik na nakatunghay sa'kin, nakaapak ang kanyang kanang paa sa likod ko.



Tinitigan ko siya nang matalim habang ang mga kilay ko naman ay magkasalubong. Paanong nangyari at parang wala lang sa kanya ang pagkahulog at paggulong namin sa bangin?



Sa hindi inaasahan ay bigla na lang may mga kadenang pumulupot sa katawan ni Armik at hinila siya niyon. Natumba si Armik sa putikan at sunod ay nakita ko ang puting liwanag ng kuryente na kumislap at tumulay sa mga kadena. Nagdulot iyon ng electric shock kaya nawalan ng malay si Armik na siyang tinamaan.



Sinundan ko ng tingin ang lightning chain na unti-unting naglalaho at nakita ko si Xenon na nakatingin sa'kin. Ilang dipa ang layo nito sa'kin. Kumilos ako at napaluhod sa lupa habang nakatutok sa kanya ang aking mga mata.



"Bakit..." mahinang bigkas ko. Nagtataka ako kung bakit inatake ni Xenon si Armik gamit ang lightning chain, alam naman nitong pati siya ay mapapahamak kapag ginawa niya iyon dahil umuulan. Wala ito sa ilalim ng kapangyarihan ko kaya bakit niya ito ginawa? Bakit hindi ako ang inatake niya at imbis ay si Armik?



Nakita kong ngumiti si Xenon sa'kin kasabay niyon ay bumagsak ito nang walang malay sa lupa.


Continue Chapter 111