YYU - Chapter 71: Tristan vs The Human Puppeter

 


*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***



Sino sa kanilang tatlo ang kakalabanin ko? Si Kazeni, si Arwin o si Razchi?



Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang nagpalit anyo sina Kazeni at Arwin at sinugod ang isat-isa. Taong ginto laban sa taong buwaya. Napatingin naman ako kay Razchi at huli na para ilagan ko ang mahaba niyang braso at malaking kamao. Tumama sa aking pesngi ang kamao nito at dahil sa lakas nun kung  kaya bumagsak ako sa basang lupa na kinukumutan ng mga dahon.



Hindi pa ako nakakabangon ng maramdaman kong may humila sa damit ko at nakita ko na lang and sarili ko na tumilapon sa ere. Hinagis ako ni Razchi. Nakita kong tatama ako sa katawan ng malaking puno kaya mabilis akong nagteleport at dahil hindi maayos ang pagteleport ko kung kaya pasubsob sa lupa ang paglanding ko.



Inangat ko ang tingin ko kay Razchi na nakatayo di kalayuan sakin. Ako naman ngayon ang babawi. Nagteleport ako sa likuran nito at isang sipa sa kanyang likod ang pinakawalan ko. Sumubsob ito sa madahong lupa. Habang nakadapa ito at hindi pa nakakabangon ay nagteleport uli ako sa likod nito at sinakal ko ang kanyang leeg gamit ang aking kanang braso at nagteleport ako sa ere mga labing dalawang metro ang taas mula sa lupa.



Habang nasa ere ay binitawan ko si Razchi at sinuntok ko ito sa likuran. Naramdaman ko naman bigla na mahuhulog  ako kaya nagteleport ako pabalik sa lupa. Mula sa nilandingan ko ay nakita ko si Razchi na babagsak pero nagulat ako sa sunod na nangyari dahil ginawa nitong malaking bola ang buo niyang katawan at dahil dito ay tumalbog-talbog lang ito sa lupa.



Hindi na ako nag-aksaya ng oras at habang bumabalik pa lang si Razchi sa kanyang hugis tao ay nagteleport ako sa harapan niya at mag-asawang suntok at sipa ang binigay ko sa kanya. Pero ang nangyari ay parang sumuntok lang ako sa rubber.



Nagteleport ako sa likuran niya at isang malakas na sipa na naman ang pinakawalan ko sa kanya pero walang nangyari, nagbounce lang ang sipa ko. Humarap sakin si Razchi, bumalik na ang katawan niya sa ayos mula sa pagiging hugis bola niya kanina. Isang suntok ang pinakawalan niya sa mukha ko pero mabilis akong nakapagteleport sa malayo kaya hindi ako tinamaan.



Napalingon ako kina Kazeni at Arwin na naglalaban sa di kalayuan. Manu-manong suntukan at sipa ang kanilang labanan, solidong ginto ang buong katawan ni Kazeni samantalang balot naman sa makapal na balat ng buwaya ang katawan ni Arwin. Mukhang patas ang laban at lakas nilang dalawa pero sandali lang, dihado yata si Kazeni. Dumudura ng acido si Arwin at nakita kong tinamaan sa katawan at balikat si Kazeni. Umusok ang bahagi ng katawan ni Kazeni na tinamaan ng acido ni Arwin.



Sunod na nasaksihan ko ay nakita kong lumapit si Arwin kay Kazeni at hinila niya ito sa kamay at hinila ng paikot-ikot at saka binitawan. Tumama si Kazeni sa puno at bumagsak sa lupa. Bumalik sa anyong tao si Kazeni at mukhang nawalan ito ng malay.



Napatingin naman ako kay Razchi at nakita ko itong tumatakbo palapit sa direksyon ko. Mabilis akong nagteleport sa likuran ni Arwin.



"Nandito ako rubber boy!!!" Sigaw at agaw atensyon ko kay Razchi.



Mabilis ko namang hinawakan ng mahigpit ang mga braso ni Arwin mula sa likuran at naramdaman ko ang matigas na balat nito. Hinarap ko siya kay Razchi na sumusugod.



"Ngayon gamitin mo sa kanya ang acidong laway mo!" Kalmadong utos ko kay Arwin at hinila ko ang kanyang mga braso. "Sundin mo ang utos ko kung ayaw mong mabali itong mga braso mo!" Banta ko dito.





*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Hinanda ko ang aking sarili para sa laban. Napakuyom ako ng mga kamao. Asar! Masakit yung sugat ko sa balikat, dahil dito nanghihina ang kaliwa kong braso at kamay. Hindi maganda to.



Nakapako lang ang mga mata ko kay Kenver at binabantayan ang kilos nito. Uubra kaya sa kanya ang kapangyarihan ko? At sabay kaming napatingin sa pulang port gate na lumitaw sa gitna namin. Lumabas dun ang isang player, si Collin na taga Haven University. Naglaho ang port gate at nakita kong mabilis na tinaas ni Kenver ang mga kamay niya at itinutok kay Collin.



Isang human puppeter si Kenver, mukhang gagamitin niyang puppet si Collin para sa aming laban.



"Gamit ang kapangyarihan ko ay kaya kitang kontrolin at talunin sa sarili mong kapangyarihan Tristan pero hindi ko gagawin yun dahil gusto kong makita kung ganu ka kalakas. Gusto ko ring maging patas sayo considering na isang kang baguhan." Sabi ni Kenver.



Nagsalita na naman ang mayabang na kumag, hindi na ako makapaghintay na masapak ang mukha niya.



"Ang dami mong sinasabi simulan na lang natin ang laban!"  Tugon ko at bumuga ng hangin. Palipat-lipat ang tingin ko kay Kenver at Collin. Tikum ang bibig ni Collin, siguradong kinukontrol siya ni Kenver na huwag magsalita. Kawawang Collin gagamitin siya ni Kenver para maging fighting doll.



Isang blue laser user si Collin, kaya niyang magpalabas ng kulay asul na laser sa kanyang mga mata at dalawang palad. Ang kapangyarihan nito ay kayang magdulot ng third degree burn sa balat o masmalala pa. Kung ang nakalaban ko kanina na si Jercean ay short range ang kapangyarihan, si Collin naman ay isang long range. Kayang umabot ang blue laser nito hanggang twenty metro.



Pano ko kaya lalabanan ang dalawang magtandem na to?



Mabilis akong tumalon at gumulong sa damuhan ng biglang umatake sakin si Collin gamit ang blue laser niya sa kanyang mga mata. Sumabog ang batong tinamaan ng kapangyarihan nito. Hindi pa ako nakakatayo ng muli itong umatake gamit naman ang dalawa niyang palad. Gumulong ako sa lupa kaya hindi ako tinamaan. Nakita kong naging asul ang buong mata nito, aatakihin niya na naman ako, mabilis akong tumayo at tumalon sa likod ng malapit na puno.



Kakaasar! Ang dapat kong punteryahin dito ay si Kenver dahil siya ang nagkokontrol kay Collin pero pano ko gagawin yun eh hindi ako makalapit?



Hindi pa ako masyadong sanay sa paggamit ng kapangyarihan ko kaya ten meters radius lang ang kayang maabot ng gravity force pull ko. Para magamit ko kay Kenver ang gravity force pull kelangan hindi lalagpas sa ten meters ang layo nito sakin. 



Isang pagsabog ang narinig ko sa aking tabi at yun ay dahil sa blue laser ni Collin. Ayaw akong tantanan nito, hindi ko naman ito masisisi dahil kontrolado siya ni Kenver.



Tumayo ako at sumilip sa puno, nakita kong nakaabang si Collin mga limang metro ang layo nito sakin at sa likod naman nito mga sampung metro ay si Kenver. Para makalapit ako kay Kenver ay kelangan ko munang harapin si Collin. Ok game!



Lumabas ako sa puno at mabilis kong tinutok ang aking mga kamay kay Collin. Hindi uubra dito ang gravity force pull dahil kahit gamitin ko iyon sa kanya ay pwede niya pa rin akong atakihin sa pamamagitan ng kanyang mga mata, kaya bagkus na gravity force pull ay anti-gravity ang gagamitin ko dito.



Nakita kong naging asul ang mga mata ni Collin, gagamitin niya na naman sakin ng blue laser pero huli na siya dahil mas nauna akong umatake. Bago pa nito itama sakin ang blue laser niya ay lumutang na ito sa hangin at dahil gamit ko ang anti gravity kung kaya nalihis sa ibang direksyon ang pinakawalan nitong kapangyarihan.



Ngayong nahuli ko na sa kapangyarihan ko si Collin pwede ko ng isunod ang Kenver na to!


Continue Chapter 72