Hunted Condo (Horror)

True story (Modified)


Ang estoryang ito ay kinuwento sakin ng malapit kong kaibigan na si Paulo na nakatira sa isang condo malapit sa isang sikat na university sa Maynila. Mahilig si Paulo sa mga kwentong supernatural at mga kababalaghan pero kahit minsan ay hindi niya pa naranasang makakita ng multo.

Bago lang itinayo ang condo na ito, hanggang 42 palapag. Mahigit isang buwan na ring nakatira dito si Paulo at nakocurious siya sa history ng condo kaya isang araw lumapit siya sa tindera sa harap ng condo at pasimpling nagtanong tunkol sa mga nangyari habang ginagawa pa lang ang ito. Wala namang alam ang tindera na napagtanungan niya dahil bago lang din daw ito sa lugar. Nagkibit balikat na lang si Paulo at bumili ng isang yosi at dun sa ilalim ng malaking kahoy nagyosi. Isang lalaki ang lumapit sa kanya at nakisindi ng sigarilyo nasa mid 30's ito.

"Diyan ka ba nakatira?" Tanonng daw sa kanya nung lalake.

"Opo." Sagot naman niya.

Nagpakilala ang lalake na si Kuya Ronelo, dati itong nagtrabaho sa condo bilang tagalinis ng mga unit. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Paulo at diretsahan niyang tinanong si kuya kung may mga kababalaghan daw bang nangyayari sa condo nung ginagawa pa lamang ito.

Hindi naman nabigo si Paulo, game na nakipagkwentuhan si kuya Ronelo sa kanya.

Habang ginagawa daw ang condo na ito ay meron daw dalawang trabahador na namatay dito. Yung isa ay binangungot at yung isa naman ay nahulog habang nagpipintura sa taas.

Ayun daw kay kuya Ronelo hindi daw kasi nag-alay ng buhay na hayop ang mga nagtatrabaho dito bago nagsimula sa construction kaya may namatay. Dapat daw sana bago yung construction ay nag-alay ng buhay na manok para walang aksidente at walang may mamamatay.

Sinabi rin ni kuya Ronelo kay Paulo na noong malapit ng maturn-over ang condo para tirahan ay puspusan na silang nagtatrabaho at inaabot na ng hating gabi para sa over time. Sila kasi ang tagalinis ng mga unit, ng mga dingding, ng mga tiles at ng mga naiwang mga kalat sa bawat silid.

Tuwing kakagat daw ang dilim simula alas sais ay meron ng nagpaparamdam sa loob ng condo. Hindi pa kasi nabindisyunan ito kaya daw may mga ligaw na mga kaluluwang pagala-gala sa loob.

Naranasan daw ni kuya Ronelo habang naglilinis daw ito ng mag-isa sa unit ay makakarinig siya ng batang naglalaro ng bola sa hallway. Kaya ang ginawa niya lalabas ng unit para sawayin ang bata para palabasin ng condo dahil hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino sa condo dahil sila ang pagagalitan. Magtataka na lang daw si kuya dahil wala naman siyang makikitang bata. Kasabay nun ay mararamdaman niya na lang na biglang lalamig ang paligid at nagsisitayuan na ang kanyang balahibo sa braso at batok. Kaya daw minsan iniignora na lang niya pati na yung mga kasamahan niyang nakakaranas din ng ganito.

Isang beses daw nung nagparamdam ulit ang batang naglalaro ng bola sa hallway ay tahimik siyang lumapit sa pinto at sumilip sa peephole para makita ang nasa labas ng pinto. Nasindak daw siya at napaatras ng makita niya kung ano ang nasa labas ng pintuan. Isang babae na nakasuot ng pangkasal at parang galing daw sa hukay ang itsura.

Subrang kilabot daw si kuya at parang tinakasan ng espiritu dahil sa nakita. Pinawisan daw siya ng malamig at hindi alam ang gagawin, nagdasal na lang daw ito at makaraan ay kumalma na siya. Pero hindi pa dun natapos, isang beses naman daw habang nagpupunas ng pinto ng c.r. si kuya ay narinig niyang bumukas ang shower sa loob at may narinig daw siyang boses na nagsasalita, boses ng isang lalake. Takot na takot daw si kuya pero pinakinggan pa rin niya kung ano ang sinasabi ng lalake. Napatakbo daw sa labas si kuya ng marinig na nagdadasal ng ama namin ang lalake.

Pagkatapos daw magkwento ni kuya Ronel ay nagpaalam na si Paulo, padilim na rin daw ang paligid nung matapos ang kwentuhan nila. Pumasok si Paulo sa elevator, wala daw siyang kasama. Pinindot niya ang 35 dahil naroon ang unit na tinitirhan niya sabay pindot sa close button.

Umangat daw ang elevator at laking gulat daw niya ng pagtingin niya sa mga number buttons ay nagsimulang maging orange ang ibang numbers, kinilabutan daw siya dahil hindi niya naman pinindot ang mga iyon at wala naman siyang kasama sa loob ng elevator. Kaya ang nangyari humihinto at bumubukas ang elevator sa mga palapag ng mga numbers na napindot.

Gusto na daw umalis ni Paulo sa loob ng elevator dahil sa subrang takot pero nasa 35th floor pa ang unit niya kaya nagtiis na lang siya at noong bumakas ang elevator sa 35th floor ay patakbo siyang pumaroon sa kanyang unit. Mukhang may nakipaglaro at sumama sa kanya.

Naikwento rin ni Paulo na merong namatay na estudyanteng lalake sa condo, nalalag ito sa bintana galing 24th floor sa unit na tinitirahan nito. Galing pa daw ang estudyante sa eskwela at may bag pa na nakasukbit sa likod nito nung mahulog ito sa bintana. Walang tiyak na dahilan kung nagsuicide ba ito o merong foul play ang nangyari sa pagkamatay nito.

Kinabukasan daw ng gabi pagkatapos mamatay ng estudyanteng ito, kung saan malimit at wala ng tao ang gumagamit sa elevator ay kusang umaakyat daw ang elevator at huminto sa 24th floor. Paminsan-minsan daw ay nangyayari pa rin ito hanggan ngayon. Siguro hindi pa tanggap ng estudyante na namatay na siya o baka hindi pa niya alam kung ano ang nangyari sa kanya. Ito ang kwento ng mga guards na nakaduty at nakakakita sa cctv.

Meron din daw isang pangyayari, may isang babae daw na kakabalik lang sa condo at galing ito somewhere in Visayas. Mag-aalas tres na ng madaling araw kaya wala ng tao sa lobby pwera sa guard at receptionist. Tumuloy daw ang babae sa elevator at pinindot ang 15 sabay pindot sa close button. Umangat ang elevator. Nagulat daw ang babae at kinilabutan dahil hindi huminto ang elevator sa 15th floor at tuloy-tuloy daw ito hanggang huminto ito sa 43rd floor. Natakot ang babae dahil hanggang 42 floor ang condo. Bumukas ang elevator at tanging kadiliman lang ang kanyang nakita, mabilis daw nitong pinindot ang close button. Napasalampak daw ito sa sahig at ilang sandali ay bumukas ang elevator sa ground floor. Tinulungan ang babae ng guard at ng receptionist, at doon nito ikinuwento ang nangyari. Simula daw nun ay iniiwasan na ng mga nakatira sa condong ito na gamitin ang elevator tuwing mag-aalas tres ng madaling araw.


WAKAS!!!

Unreal Innocence (Vampire)