YYU - Chapter 73: Failure and Success

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***


Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Kenver ng atakihin ko si Collin pero mabilis rin itong nakabawi at ginalaw nito ang mga kamay para kontrolin ang huli. Nakita kong gumalaw ang mga bisig at kamay ni Collin at tumutok ang mga iyon sakin.


Mabilis ko namang tinaas ang aking mga kamay para iangat pa lalo sa hangin si Collin at saktong nagawa ko iyon ng pakawalan nito ang kanyang blue laser sa kanyang mga kamay kaya hindi ako tinamaan.


Nakakaasar na talaga, akala ko makakalapit na ako kay Kenver pero hindi pa pala. Sa tingin ko kelangan ko ng paalisin ang Collin na ito dito para hindi na ito magamit ni Kenver sa pag-atake sakin. Hanggat nandirito  ito ay mahihirapan akong umatake kay Kenver o sabihin na nating hindi ako makakaatake.


Nakalutang pa rin sa hangin si Collin dahil nasa ilalim pa rin ito ng anti-gravity ko. Habang nakatutok sa kanya ang isa kong kamay ay kinuha naman ng isa ko pang kamay ang spell of travel card sa aking belt bag. Ito na ang tamang oras para isagawa ang namuong plano sa isip ko.


Mabilis kong inangat ang aking sarili sa hangin at lumipad ako palapit kay Collin. Nakita kong biglang naging asul ang mga mata nito kaya mabilis kong tinutok sa hangin ang hawak kong spell of travel card. Bumukas ang pulang port gate at hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad kong inabot ang braso ni Collin at tinulak ito papasok sa port gate.


Nagawa kong ipasok sa port gate si Collin pero bago ito makapasok ng tuluyan ay pinakawalan nito ang blue laser sa kanyang mga mata at tinamaan ako sa kaliwang binti. Nakita kong naglaho ang portgate sa ere at ako naman ay bumagsak sa lupa na sugatan. Kanina sa laban namin ni Jercean ay nasugatan ako sa kaliwang balikat ngayon naman ay sa kaliwang binti. Ang galing, masyado na akong napinsala.


Ngayong wala na si Collin ay pwede ko ng atakihin si Kenver. Wala na itong puppet na pwedeng ilaban sakin.


Kahit masakit ang sugat na natamo ko sa aking binti ay pinilit kong tumayo. Naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod, nanghihina ang mga ito dahil sa aking sugat.


Tumingin ako sa direskyon ni Kenver at nagtama ang aming mga mata. Nakita ko siyang umiling at may pagkadismaya sa kanyang mukha. "Mahina ka pa Tristan, maglaban tayo sa sunod kapag malakas ka na." Sabi nito at nagbukas ng pulang port gate sa kanyang tabi. Kumilos ito at humakbang papasok sa port gate.


"Sandali lang hindi pa tayo tapos!!" Pahabol na sigaw ko pero huli na dahil tuluyan na itong nakapasok sa port gate at tuluyan na itong naglaho sa aking paningin.


Asar! Hindi ko man lang nadapuan ng suntok ang mukha nito. Ganun ba kalakas ang kapangyarihan nito na hindi ko man lang nagawang lumapit dito?




*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***


Tuloy-tuloy ang pagtakbo ni Razchi sa direksyon namin ni Arwin. Palapit na ito ng palapit.


"Sige ngayon na!!" Sabi ko kay Arwin at sumunod naman ito. Kumuha ito ng bwelo at nagpalabas ng acido sa kanyang bibig ng sunod-sunod. Nakita kong tumama ang mga iyon sa katawan ni Razchi.


Bumagsak sa lupa si Razchi. "Ahhhhh!! Ahhhhhh!!!" Sigaw nito.


Nakita ko itong gumulong sa putikan habang umuusok ang mga parte ng katawan nito na tinamaan ng acidong laway. Namimilipit ito pero hindi ako sigurado kung ano ang dahilan. Sa tingin ko may pain and weakening effect ang acidong laway ni Arwin kaya ganun ang reaksyon ni Razchi.


Dahil sa nasaksihan ko kung kaya mabilis akong nagteleport sa ere kasama si Arwin, mga tatlumpong metro ang taas mula sa lupa. Hindi ko pwedeng bigyan ng pagkakataon si Arwin na atakihin ako at pabagsakin katulad sa ginawa niya kina Kazeni at Razchi. Kelangan ko siyang talunin at ito ang  naiisip kong paraan para matalo siya, ang ihulog siya sa lupa. Oo ginamit ko na ang estilong ito kay Razchi kanina at hindi ito umubra dahil sa kapangyarihan ni Razchi na elasticity pero ngayon sigurado akong hindi makakawala si Arwin dito.


"Salamat sa pagpabagsak mo kay Razchi at Kazeni at pasensya dahil kelangan kitang isunod sa kanila." Sabi ko kay Arwin, hawak-hawak ko ang braso niya sa kanyang likuran.


"Huwag mong gawin to!!" Tugon niya at iniwanan ko siya sa ere.


Nagteleport ako sa taas ng sanga sa malapit na puno at pinanood ko ang pagkahulog nito.


"Ahhhh!!!" Kumawala ang sigaw mula sa bibig nito at bumagsak ito sa lupa.


Nagteleport ako malapit sa binagsakan ni Arwin at nakita ko siyang nagpalit-anyo bilang tao, nawala ang kapangyarihan niya. Nakita ko siyang kumilos  para bumangon pero hindi niya nagawa, mataas ang binagsakan niya kaya sigurado akong hindi niya kakayanin ang bumangon agad-agad.


Yumuko ako at inabot ko ang belt bag nito at saka kinuha ang mga laman. Isang spell of travel card, dalawang yellow jewels, dalawang green jewels at isang blue jewel. Pinasok ko ang mga ito sa aking belt bag.


Tinignan ko si Arwin at nagtama ang aming mga mata. Nasa mukha niya ang panghihinayang at inis. Ayuko man sanang kunin ang mga items na pag-aari niya pero wala akong choice, laro ito at sa larong ito ay merong mananalo at matatalo, at ako gusto kong manalo kaya ko ginagawa ito.


Binawi ko ang aking tingin kay Arwin at nagteleport ako kay Kazeni na nakahimlay sa lupa at walang malay. Kinuha ko ang mga laman ng belt bag nito at pagkatapos ay sinunod ko namang kunin ang mga laman ng belt bag ni Razchi na katulad ni Kazeni ay nakahiga rin sa lupa at wala ring malay.




*** SHERO'S POINT OF VIEW ***


"Lilyu totoo bang..." Hindi ko tinuloy ang aking katanungan kay Lilyu dahil nakita ko ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha nito. Mukhang wala itong planong magkwento tunkol sa Highness.


"Pagbigyan mo na si Shero, magkwento ka tunkol sa highness." Sabi ni Maru.


"Hindi. Ok lang, hindi naman ako interesado sa highness." Sabi ko na lang. Hindi naman talaga ako interesado sa highness ang gusto ko lang malaman ay kung malalakas ba ang mga guardians doon at kung anong klase ng mga kapangyarihan ang meron sila.


Hindi umimik si Lilyu at nabalot ng sandaling katahimikan ang silid.


Napatingin ako kay Maru ng bigla itong dumungaw sa bintana. Mukhang may tinitignan ito sa baba. Bigla akong kinabahan, baka bumalik si Avan at ang kasama nito?


"Maru bakit?" Narinig kong tanong ni Lilyu.


Hindi sumagot si Maru.


Patalon akong bumaba sa kama at mabilis akong lumapit kay Maru at dumungaw sa bintana. Napalaki ang mga mata ko ng makita ko si Matchu sa ilalim ng ulan at nakatingala sa amin. Anong ginagawa niya dito?


Continue Chapter 74