YYU - Chapter 103: Tristan vs Brimer

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Hinawi ng mga kamay ko ang maliliit na mga sanga at mga dahon ng malalagong mga halaman sa aking harapan at agad na lumantad sa aking paningin ang mga abandonadong kabahayan sa di kalayuan. Ang lugar na aking nakikita ngayon ay abandoned village, nakita ko na ito sa video noong second game sa laban namin ni Travis at ngayon ko lang ito nakita sa personal.



Sa tingin ko ay wala pang player ang naligaw dito at ako pa lang. At para makasiguro ay sinimulan kong sipatin ang lugar. Maliban sa malakas na ulan na bumubuhos sa buong paligid ay wala na akong nakikitang kakaiba. Mukhang tama nga ako, ako pa lang ang napadpad sa lugar  na ito.



Hinakbang ko ang aking mga paa at nilagpasan ko ang mga halaman sa aking harapan. Walang pagmamadali sa aking kilos at ang bawat paghakbang ko naman ay nag-iiwan ng bakas sa malalagong damo na malayang nakalatag sa lupa. Habang naglalakad ako ay nakatuon ang aking mga mata sa mga bahay na ang desenyo at itsura ay parang mga malalaking bahay kubo. Yari sa nipa ang mga bubong at dingding at meron itong mga haligi at hagdan. Malalayo ang agwat ng mga ito sa bawat isa at  meron ang mga ito na lagpas hawakan na mga bakod na yari sa kahoy. Karamihan sa mga bahay ay nawarak na at mangilan-ngilan naman ay buo pa ngunit naroon nakabakas ang imahe na pinaglumaan na ang mga ito ng panahon. Nakalarawan sa itsura ng mga bahay na payak at tahimik ang buhay ng mga taong nakatira rito dati. Sigurado akong masaya at maganda ang lugar na ito dati pero ngayon sa nakikita ko ay nagmistula na itong ghost village.



Tuloy-tuloy ang aking paglakad at mga sampung bahay ang nalagpasan ko nang mapahinto ako sa paghakbang dahil natanaw ko sa malayo ang silweta ng isang player na naglalakad patungo rito sa direksyon ko. Isang lalakeng player? Oo tama, batay sa silweta niya ay isa siyang lalake. Hindi ko siya pwedeng pagkamalan na isang mob dahil sinasabi ng instict ko na isa siyang player katulad ko.



Tumayo ako nang tuwid sa aking kinatatayuan at pinako ko ang aking mga mata sa player na papalapit sakin. Kung kaya ko lang sanang lumipad ay ginawa ko na para mas makapaghanda ako sa laban pero sa kasamaang palad ay hindi ko magamit ang flight skill ko kaya mananatiling nakaapak ang aking mga paa dito sa lupa. Nang sinubukan ko kaninang lumipad ay nabigo ako. Hindi ko magawang lumipad dahil subrang bigat ng pakiramdam ko sa aking katawan na para bang hindi sang-ayon ang gravity sa gagawin ko. Hindi ko alam kung epekto ba ng ulan kung kaya hindi ako makalipad o may iba pa.



Habang papalapit sakin ang player ay unti-unting naging klaro ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng kulay green at silver na combat costume na ang ibig sabihin ay kabilang siya sa team ng Fortis. At nang tuluyan na siyang makalapit sakin ay doon ko lang nakilala kung sino siya... Siya si Brimer Domson, isang lalake na merong blond na buhok, kaedaran ko siya, at isa siyang impact beater. Isa daw siya sa mga players na may malakas na kapangyarihan dito sa Q'match at hindi daw siya basta-bastang kalaban ayon kina Karrice at Tonique.



"The King of gravity," sabi ni Brimer na blanko ang ekspresyon ng mukha. Nakatayo siya mga dalawang metro ang layo sakin at nakatitig sakin. Halos magkasing tankad at magkasing laki kami ng katawan.



Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung compliment ang sinabi niya o ano pa man. King of gravity, oo, magandang pakinggan ang title na yan pero wala ako sa tamang posisyon para ankinin ang pamagat na iyon lalo pa at wala pa akong napapatunayan at hindi ko pa master ang kapangyarihan na meron ako.



"Hindi ako ang King..." naputol ang aking sasabihin at nanatiling nakabuka ang aking bibig habang nakatingin sa kanya.



Hindi ako nakaimik sa kanyang ginawa. Tinulikuran niya ko habang nagsasalita ako. Hindi man lang niya pinatapos ang aking sasabihin at bast-basta na lang siyang tumalikod na para bang wala siyang pakialam sa presensya ko. Isa lang ang ibig sabihin ng ginawa niya, hindi siya interesado na kalabanin ako. Pero bakit? Dahil siguro bagohan at mahina ako at gusto niya ng mas malakas na kalaban, o baka gusto niya lang akong insultuhin?



Nakita ko siyang humakbang, "Sandali!" pigil ko sa kanya at napakuyom ako ng mga kamao. Uminit ang magkabila kong mga tenga dahil sa kanyang tinuran. Harap-harapan niyang pinamumukha sakin na magkalayo ang agwat namin at para bang sinasabi ng kilos niya na sayang ang oras niya kapag pinatulan niya ang isang bagohan at mahinang kagaya ko.



Huminto siya, "Hindi ikaw ang gusto kong makalaban," aniya at tumingala sa madilim at umiiyak na kalangitan, "Ang gusto kong makalaban ay si Shero."



Sandali akong natigilan nang marinig ko ang pangalan ni Shero pero agad din akong nakabawi. "Bakit si Shero?" mabilis at nagtatakang tanong ko.



Lumingon siya sakin at nakita ko na mula sa blankong ekspresyon ng kanyang mukha ay napalitan iyon ng ekspresyon na parang nangangarap, "Dahil malakas ang kapangyarihan niya at gusto kong maranasang masaktan sa kanyang mga kamay. Sa tingin ko magkakaroon kami ng magandang laban na dalawa," sabi niya at saka ngumiti. Muli siyang tumalikod at nagsimulang humakbang.



Napaawang ang aking mga labi sa kanyang sagot. Masukista ba siya? Siguro oo dahil klarong-klaro ang pagkakarinig ko na gusto niyang masaktan sa kamay ni Shero sa pamamagitan ng kapangyarihan nito. Ang weirdo ng lalakeng ito, hindi ko siya pwedeng hayaan na makaharap si Shero dito sa laro.



"Hindi mo makakaharap si Shero hanggat hindi mo ako tinatalo sa laban," malakas na sigaw ko at mabilis kong tinutok ang mga kamay ko sa lupa kung saan siya naroon at ginamit ko ang gravity force pull.



Napahinto siya sa paglakad at nakita kong nagsimulang lumubog ang kanyang suot na boots sa basang lupa. Lumingon siya sakin at nagsalubong ang aming mga mata, naroon ang magkahalong inis at pagka-disgusto sa kanyang mukha, "You're pissing me off!" matigas at may diin na sabi niya.


Continue Chapter 104