YYU - Chapter 48: Who Are They?

 



*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Pagkatapos marinig ni prop Goldfield ang aming tugon ay tumalikod na ito at iniwan kami. Nagkanya-kanya naman ang iba kong mga kasama at kaming tatlo nina Tonique at Grandeline ay bumalik sa aming assigned room sa loob ng forbidden building para magpalit ng damit at para kunin ang mga naiwan naming mga gamit. 



Kinalaunan ay naiwan rin akong mag-isa sa loob ng silid at nauna ng umuwi sina Tonique at Grandeline.  Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit dahil sa bali kong braso na naka benda. Ang hirap palang kumilos ng ganito.



Umupo ako sa sofa at tinitigan ang braso ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Kung nung nakaraan ay nagawa kong pagalingin si Travis bakit hindi ko subukang pagalingin ang sarili ko? Tinaas ko ang aking kaliwang kamay at tinutok ko ito sa aking kanang braso na nakabenda.



Nerelax ko ang aking sarili at pinakiramdaman ko ang aking mana sa aking katawan. Mabilis kong naramdaman ang pagdaloy nito. Dumaloy ang aking mana sa aking kaliwang braso papunta sa aking kamay. Katulad nung una ko itong gamitin ay nakaramdam ako ng subrang init sa aking kamay pero hindi naman ito nakakapaso. Nabalot ng mapusyaw na kulay asul na liwanag ang aking kamay at naramdaman ko ang banayad na paglabas ng aking mana sa aking palad.



Naramdaman kong kumonekta ang aking mana sa mahinang enerhiya na nasa kanang braso ko, naghalo ang mga ito. Parang yung mana ko ay nereregenerate niya ang aking napinsalang braso. Hindi nagtagal at naramdaman kong parang maayos na ang kanang braso ko.



Tinigil ko ang aking ginagawa at mabilis kong tinanggal ang benda sa aking kanang braso para subukan kung magaling na nga ito. Sinubukan kong igalaw ito, nagawa kong ikilos ito ng malaya at maayos ng hindi nakakaramdam ng kirot. Napangiti ako sa aking sarili dahil sa aking nagawa.



Napatingin naman ako sa pintuan ng silid ng bigla itong bumukas. Napatayo ako ng makita ko kung sino ang narun, si Tristan. Pumasok ito at sinarado ang pinto. Mabilis itong lumapit sakin.  Nakabihis na ito at nakapagpalit ng crimson uniform.



"Anong ginagawa mo? Okay ka lang ba?" Biglang tanong nito sakin na may pag-alala ang ekspresyon ng mukha.



"O-okay lang ako, bakit?" Nagtatakang tanong ko. Bakit siya nandito at bakit niya ko tinatanong kung okay lang ako?



Tinaas ni Tristan ang isang kamay at pinahid ito sa ilong ko, agad naman nitong binawi ang kamay at nakita ko sa kanyang daliri ang bahid ng dugo. Mabilis akong tumalikod sa kanya at pinahid ko ang aking ilong, hindi ko naramdamang tumulo pala ang dugo sa ilong ko dahil sa paggamit ko ng kapangyarihan. Hindi pa ko sanay sa kapangyarihan kong healing kaya nanosebleed ako.



"Ayos ka lang ba?" Narinig kong tanong ni Tristan.



"Oo, ayos lang. Wala ito." Sagot ko na nakatalikod sa kanya.



"Kamusta ang bali sa braso mo?" Tanong nito at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat, pinaharap niya ko sa kanya. Nagkatitigan kami.



"Magaling na..." Ikling sagot ko na kinakabahan. Pagkatapos kasi ng huli naming pag-uusap bago ako pumunta ng subic ay hindi kami nagkaunawaan at parang nagkarun ng gap sa aming dalawa. Parang may manipis na pader sa pagitan namin. Pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman kong pagkagusto sa kanya. Nakakainis lang kasi hanggang ngayon ganun pa din yung ugali niya.



"May kelangan ka ba?" Tanong ko.



"Oo, may sasabihin ako sayo..." Seryusong sagot nito at hinawakan ako sa pesngi. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad. Pigil ang aking paghinga. Ano kaya ang sasabihin niya sakin?



Naputol ang aking pag-iisip at sabay kaming napalingon ni Tristan sa pinto ng biglang bumukas ito. Bumungad sa pintuan si Phinilopy. Ngumiti at tumakbo ito palapit samin at sabay kaming niyapos ni Tristan. Group hug?



Saglit lang din at kumalas si Phinilopy, palipat-lipat ang tingin nito samin ni Tristan. "Ohmaygadd! Im so so so happy for both of you! Congratulations!" Nakangiting sabi ni Phinilopy.



"Salamat..." Sabi ko at tipid na ngumiti.



"I heard bukas na daw ang alis niyo papuntang Haven University? Please galingan niyo para manalo ang school natin. Kapag nanalo kayo promise ako ang sasagot sa honeymoon niyo kapag kinasal kayong dalawa." Wagas ang ngiti na sabi ni Phinilopy.



Napalunok ako sa narinig, di ako nakaimik. Seryuso ba siya? Saka alam ba niya mga sinasabi niya? As in kasal? Posibli ba yun?



Pasimpli akong tumingin kay Tristan at nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay dahil sa mga sinabi ni Phinilopy. Mukhang hindi okay dito ang mga narinig. Oo nga naman, bakit siya magpapakasal sakin? Sandali nga, bakit ba kasal agad? Hindi pwede bata pa ko. Ito talagang si Phinilopy napakaadvance mag-isip at saka hindi ba niya nararamdaman na kung ano man ang meron samin ni Tristan ay one sided lang, as in ako lang yung may gusto kay Tristan at siya walang gusto sakin.



"Ate ano ba yang pinagsasabi mo? Tumigil ka nga. Mga walang kwenta yang pinagsasabi mo." Naiinis na sabi ni Tristan.



Napakagat ako ng labi. Sabi ko na nga ba eh. Itong Phinilopy kasi ang daldal yan tuloy nagising na naman ang supladong katauhan ni Tristan. Pero bago pa ako madamay at matalsikan ng dugo ng magkapatid na ito ay eexit na ko.



"Bakit ba? Totoo naman ah, hindi ako nagbibiro no. Ako ang bahala sa honeymoon niyo." pag-iinsist ni Phinilopy.



Dinampot ko ang aking bag sa ibabaw ng center table sa tabi ko. "Ahhmmm excuse me lang ha... Kelangan ko na kasing umuwi, mag-iimpake pa ko ng mga gamit. Sige mauna na ko." Patay malisyang sabi ko at mabilis na tumalikod at humakbang palapit sa pinto. Hindi tuloy ako nakapagpalit ng damit dahil sa pagdating nilang dalawa.



"Sabay na tayo." Narinig kong sabi ni Tristan.



Hindi ako lumingon at inabot ang knob ng pinto. Natigilan ako ng mahawakan ko ang kamay ni Tristan na naunang humawak sa knob, mabilis itong nakalapit sakin. Agad kong binawi ang aking kamay na para bang nakaramdam ng kuryente. Nakita kong pinihit ni Tristan ang knob at bumukas ang pinto.



Tahimik akong lumabas at sumabay saking tabi si Tristan, samantalang naiwan naman si Phinilopy sa silid. Nakalabas kami ng forbidden building ni Tristan ng hindi nagiimikan. Palingon-lingon ako sa paligid, wala ng mga crimson sa campus. Tahimik ang paligid at tanging mga kuliglig at hampas ng hangin sa mga dahon at sanga ng mga puno ang aking naririnig.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at tinuon ko ang aking paningin sa pathwalk. Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Tristan. Hindi ako kumibo. Dahil sa pagkakalapit namin kung kaya naamoy ko ang kanyang mabangong amoy. Ang bango ni Tristan, napasinghap ako.



"I miss you." Nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng magsalita ito.



Tama ba yung narinig ko? I miss you daw? Talaga? Hindi ba ito guni-guni?



"Ha..?" Sabi ko na hindi man lang lumingon sa kanya.



"Sabi ko namiss kita." Tugon ni Tristan.



Napatigil ako sa paghakbang at ganun rin ito, nagkatitigan kaming dalawa.



"I miss you din..." Mahinang sabi ko at napabaling ang paningin ko sa likuran ni Tristan. Mga limang dipa ang layo samin ay may tatlong tao, dalawang babae at isang lalake. Kung tama ako ay mga estudyante sila dahil sa kanilang suot,  nakasuot sila ng uniform na kagaya sa uniform namin pero kulay black ito. "Tristan sa likod mo?" Mahinang sambit ko.



Lumingon si Tristan at dumikit lalo sakin, nagkaharap-harap kaming lima. Palipat-lipat ang mga paningin. Sino sila? Anong ginagawa nila sa loob ng Yin-Yang? Alam ko hindi pinapahintulot ang pagpasok ng ibang estudyante sa campus at lalo sa ganitong oras.



Nakita kong mabilis na nakalapit saming harapan ang isang babae na kasing tankad ko at sinakal kami ni Tristan gamit ang kanyang mga kamay, binitin niya kami sa ere. Ramdam ko ang lakas ng kanyang kamay, hindi ako makahinga. Nakita ko ang galit sa mukha ng babae, pula ang kulay ng mga mata nito at meron siyang mga pangil. Bampira...


Continue Chapter 49