YYU - Chapter 82: Lying Next To You (Part 1)

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



"Hanggat maaari ay iwasan mo ang mga tagalunar." Sabi ni prop Goldfield.



Tumingin ako sa kanya at tumango. Kelangan kong sumang-ayon sa kanila dahil para rin sakin ito. Siguro tama sila, hindi ko kilala si Matchu at hindi ko alam kung ano ang pakay nito sakin kaya kelangan kong mag-ingat.



"Shero nagugutom ka ba?" Tanong ni prop, umiling ako. "Kung ganun maiiwan ka na namin. Magpahinga ka na." Sabi nito at binitawan ang kamay ko at saka tumayo. Tumalikod sila ni Mr.Gumban para umalis.



"Sandali po." Pigil ko sa kanila, sabay silang lumingon sakin.



"Ano yun?" Tanong ni Mr.Gumban.



"Ano po ang nangyari sa laban nina Grandeline at Lilyu?" tanong ko.



Nakita ko silang nagtinginan na dalawa at binalingan ako ni Mr.Gumban at nagsalita. "Si Grandeline ay nakakuha ng 53 points at si Lilyu naman ay zero." Sabi nito.



"Ano po ang standing ng Yin-Yang?" Sunod na tanong ko.



"Panghuli ang school natin." Sabi ni prop Goldfield at tipid na ngumiti. Kahit itago niya sakin alam ko na disappointed siya, nakikita ko iyon sa mga mata niya. Hindi ako umimik at tumango lang. Hindi na rin sila nagsalita at lumabas na ng silid.



Ilang sandali pa at pumasok naman si Lilyu, dumiretso ito sa kama niya at tahimik na humiga. Hindi ako nito pinansin. Mukhang may pinagdadaanan yata.



Lumingon ako sa diresksyon nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita. "Lilyu kamusta ang laban mo? Anong nangyari?" Tanong ko.



"Nagbago na ang lahat ngayon Shero, maniwala ka sakin, hindi mo gugustuhin na manalo ang Yin-Yang sa Q'match na 'to." Sagot nito na hindi man lang nag-abala na lingunin ako.



Napakunot ako ng noo sa kanyang mga sinabi . "Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit parang lahat yata ng mga nakakausap ko palaging ang lalalim ng mga sinasabi sakin. Tatanungin mo tapos iba ang isasagot, yung magtatanong lang ako ng simpli tapos yung isasagot sakin palaisipan. Parang gusto talaga nila akong mabaliw sa kakaisip.



"Malalaman mo sa sabado." Tugon nito at tumagilid ng patalikod sakin.



Hindi na ako umimik at humiga na lang. Kakasabi ko lang, heto at palaisipan na naman ang sinagot sakin. Pwede niya namang sabihin ngayon pero gusto niya pa talaga na maghintay ako hanggang sabado. Hay naku di bale na nga, sinusumpong yata. Kung tama ako, sigurado sinadya nitong magpabokya sa laban niya kanina. Iyan tuloy kulelat ang school namin. Kakainis makatulog na nga lang.



Mga bandang alas kwatro ng maalimpungatan ako dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Bumungon naman ako at tumungo sa kusina para uminom ng tubig dahil nakaramdam ako ng subrang uhaw. Pabalik na ko ng silid ng matigilan ako sa second floor at napatingin ako nakasaradong pintuan ng silid nina Tristan. Binubulong ng isip ko na pumasok doon. Humakbang ako patungo sa pinto at walang pagdadalawang isip na binuksan ito.



Tahimik kong hinakbang ang aking mga paa papasok sa loob ng silid at maingat kong sinarado ang pinto. Naku Shero anong kalukuhan na naman to?



Sandali akong hindi gumalaw sa kinatatayuan ko dahil wala akong maaninag sa subrang dilim. Mabuti na lang at kumidlat sa labas kaya nagdulot iyon ng panandaliang liwanag sa silid. Ayon ang kama ni Tristan malapit sa bintana, tinantiya ko ang layo nito sa kinatatayuan ko at dahan-dahan akong humakbang patungo roon. Napatigil ako sa paghakbang ng bumungga ang tuhod ko sa kama. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil muntik na akong mapasigaw sa sakit, aray ko naman.



Muling kumidlat at saglit na lumiwanag ang paligid. Nakita kong nakatihaya si Tristan sa gitna ng kama. Umupo ako sa gilid ng kama nito at nag-isip, ano ba ang gagawin ko dito at naririto ako?



Hmmmm... Nandito ako kasi kelangan kong makausap si Tristan, siyempre kelangan kong makipagbati sa kanya, kelangan kong magpaliwanag tunkol sa nangyari kahapon. Naku Shero style mo na yan hindi papasa, kakausapin sa ganitong oras, tapos tulog pa? Siguro may binabalak kang iba? Panggugulo ng malikot kong isipan.



Tumayo ako dahil sa aking mga naisip. Eh di okay, mamaya ko na siya kakausapin paggising niya. Babalik na ko sa silid ko. Pero sandali... Nandito na ko eh. Bakit pa ko maghihintay mamaya kung pwede naman ngayon? At saka pwede ko naman siyang gisingin diba? Tsk! Tsk! May balak ngang hindi maganda.



Sumampa ako sa taas ng kama at humiga sa kaliwa ni Tristan. Tumagilid ako para humarap dito at pinatong ko ang isang kamay ko sa dibdib nito. Naramdaman ko ang normal na tibok ng kanyang puso. Ilang sandali pa at naramdaman kong gumalaw ito. Kinabahan ako ng kunti dahil baka magalit ito sakin dahil sa mapangahas kong pagpanhik dito.



Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko sa kanyang dibdib. "Tristan..." Sambit ko. "Tristan sorry.. Wala naman..." Hindi natuloy ang aking sasabihin.



"Pssssshhhhh... You dont need to explain." Mahinang sabi nito at pinisil ng bahagya ang kamay ko. "Kiss me..." Pabulong na bigkas niya.



Tinaas ko ang aking isang kamay para kapain ang kanyang mukha at ng mahawakan ko na ito ay inangat ko ang aking ulo. Nakita ko ang mga labi nito ng biglang kumislap ang liwanag sa loob ng silid dahil sa kidlat na mabilis ring naglaho. Dahan-dahan kong binaba ang aking ulo hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng aming mga labi at naghalikan kami. Katulad ng dati masarap at nakakalunod ang halik na aming pinagsaluhan.



Habang naghahalikan kami ay kinuha niya ang isang kamay ko at pinasok niya sa loob ng kanyang boxer. Hinawakan ko ang kanyang pagkalalaki, subrang tigas na ito.



"Tristan si..." Mahinang bigkas ko. Nag-aalala ako dahil baka magising si Maru na nasa kabilang kama.



"Okay lang yan, madilim naman hindi niya tayo makikita." Pabulong na sabi nito.


Continue Chapter 82 - Part 2 (Rated SPG)